15th Chord


CHAPTER 15


After what happened yesterday, para akong tanga na napapangiti bigla. I just can't keep smiling! Tinatanong nga ni Krish kung ano bang meron ako, pero I'm just saying 'nothing. Pero alam ko namang may idea siya.

Feeling ko tuloy ang ganda ganda ng umaga ko ngayon, it's really different from the others.

Right after his confession, we just talk. Yeah, I can't believe I managed to talk to him being normal. Dahil sa totoo lang on shock parin ako nung mga panahon na 'yun. He explained everything, right from the start he saw me until he keeps an eye on me.

Kaya pala lagi na siyang nasa Music hall kapag free time niya kasi 'dun niya ako unang nakita!

"I saw you, and I don't know. How cliché it may sound, it's like I did like you from the moment I saw you. Specially, nung narinig kita kumanta at tumugtog."

Alam mo 'yung first time kong kiligin? 'Yung kilig talaga? Hindi ko alam ang gagawin ko! Gusto kong tumalikod, lumabas at magtatalon sa tuwa! I can't explain the feelings!

And as what he've said, masyado raw kasi akong unobservant kaya hindi ko siya nakikita. But maybe he's a good stalker...

Hindi ko alam, pero parang sa lahat na lang nang ginagawa ko, alam niya. Para ba siyang cctv camera na alam lahat ng kinilos ko.

"I remember when you were crying while playing, I was at the other side of the hall, I want to comfort you but yeah..." napakamot siya sa ulo niya at medyo napabite sa lower lip niya.

Halos lahat ng times ata na pinanood niya ako naalala niya pa 'yung scenes! Unbelievable!

"Oy friend, anong balak mo sa life mo?" Sabi ni Krish nung pagkalabas niya sa CR at nakabihis na.

Hindi pa kasi ako nakakagayak, kakatapos lang naming kumain at siya ang naunang gumayak.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ko.

Since, ngayon ang auditions, lahat ay pinayagan na maglibot muna at mag-relax, para naman sa mga kasali, practice time na rin dahil mamayang hapon pa ang program.

"Maglilibot."

"Sama ka?" Tumingin siya sa salamin saakin.

Umiling ako, "Hindi na siguro, magpapractice na lang ako." Sagot ko.

"Aruuu! Aruu! Practice practice daw. Si Laurencia nagdadalaga! O'sya mauna na ko. Lock the door. Ingat ka. Good bye~" Sabi niya tapos nagbeso saakin at lumabas na.

Pagkatapos kong gumayak at nagbihis nagpunta na lang ako ng training room para makapagpractice. Kailangan kong ipractice 'yung kanta ko dahil kung hindi baka pumalya ako mamaya, nakakahiya kay Sir CJ. Hindi ko sila pwedeng biguin, sayang 'yung chance na ako 'yung napili nila para mag-audition.

Sa halos kalahating araw na nagpapractice ako, walang ni anino ni Jarvis ang nakita ko. Kahit si Jane hindi ko rin nakikita. Sinubukan kong pumunta sa training room namin ni Jane pero sarado 'yun dahil wala namang training ngayon. Sa ibang training room may mga nagpapractice at wala 'dun ang kambal.

Nung lunch naman, I kept looking or them pero wala talaga.

Asan na kaya 'yung mga 'yun?

Makakasali pa ba si Jane sa auditions?

Maga-alasyete na wala pa rin si Jane. Call time na kasi namin ang 7, dahil mga bandang 7:30 magsisimula na ang program.

"Lauren!" Narinig ko ang pangalan ko kaya lumingon ako sa kanan at kaliwa, tapos may nakita akong kumakaway sa gilid.

"Uy Krish!" Pumunta ako sakanila at nakipagsiksikan sa dami ng tao na nandito sa tapat ng stage.

"Oh anyare sa'yo? Nakapagpractice ka ba?" Tumango ako.

"Nagkita ba kayo?" Bulong ni Krish.

Lumayo ako ng konti sakanya, umiling ako.

Bakit ganun? Pagkatapos lahat ng kahapon, bakit biglang wala na? Parang may katapusan lang ang lahat? Wala nang kasunod, 'dun na lng ba 'yun? Wala na? Bigla na lang siyang hindi magpapakita?

"Good evening everybody!" Tumunog ang boses ng isang babae at isang lalaki kaya natuon ang atensyon naming lahat sakanila.

Tumingin ako sa paligid ko, hindi ko parin makita sila Jane at Jarvis.

Ang nakita ko lang ay si Harris at si Kat sa kabilang gilid na may pinaguusapan. Agad ko itinuon ulit ang atensyon ko sa nagsasalita sa harap.

"Itaas nga ang kamay ng mga masweswerteng bata na 'yan!" Ano to children's show? Hindi ko itinaas ang kamay ko kahit kasali ako, nakita ko naman si Krish at sila Ken na nagsitaasan ng kamay at sumisigaw pa.

"Ang KJ mo." Sabi ni Krish pagkababa ng kamay niya.

"Duh, as if naman necessary itaas ang kamay. Pang-entertain lang, emcee stuff." Sabi ko habang nakatungo pari sa stage.

Ang daming ilaw, iba-iba, tapos ang daming mga posters about musics, tapos may isang malaking screen sa likod na bahagi ng stage nanaglalabas ng techno video. I really like the aura of the evening.

Tapos ang lamig pa ng hangin, you can realy feel the beach!

"Basta ang KJ mo. Porket ano lang eh-" Hindi na niya tinuloy ang sinabi niya.

Tumingin ako sakanya a kausap na niya si Ken.

"As you all know, ngayon na ang audition para sa next star slash talent ng iba't ibang recording company. Kaya napakaswerte niyong lahat dito dahil masasaksihan niyo kung sino ang susunod na maririnig sa mga radio at telebisyon!" The emcees goes on with the intro hanggang sa ipinakilala na nila ang mga judges.

"Mr. McDonough of emrates,"

"and ofcourse Mr. Harris Rios of retro records!" Tumayo si Harris at humarap sa audience tapos itinaas 'yung kamay niya. Kitang kita ko parin 'yung ngiti niya na kakaiba ang dating.

Nung magstart na ang intermissions and all, nagbunutan na kami kung sino ang mauuna, and I really thank God na pang-huli ako.

Sobrang pinagpala ako ngayong gabi, at panghuli ako. Buti at dininggin ni Lord ang panalangin ko. Baka himatayin na talaga ako kung pang-una ako.

Kinakabahan na ako ngayon pa lang na nagpeperform 'yung pang-una. Mas lalo akong kinabahan 'nung number 7 na ang nagpeperform. Malapit na ako.

Sila Ken 'yun.

"Goodluck." Tumango ako sakanila at umakyat na sila ng stage.

Hindi ko alam kung ano ang kakantahin nila ngayon. Pero alam kong maganda 'yon dahil karaniwan si Ken ang pumipili. Alam kong maganda ang taste sa music ni Ken.

Nagsimula na silang tumugtog at nakikita kong nag-eenjoy lang sila. Parang walang kinakabahan sakanila. Isa 'yan sa inaadmire ko sakanila, ang lakas ng fighting spirit nila, lalo na si Krish kala mong sanay na sanay na sila sumalang sa mga competition, wala na lang sakanila 'yung ganito.

Ang galing nila. Wala akong masabi. Lalo na nung nagsabay kumanta si Ken at Krish ang sarap sa tenga. Tapos nagviolin pa si Ryan, ang ganda lang.

Useful parin pala ang boses ni Krish kahit bungangera, maganda naman ang boses pag kantahan.

Para bang nangangatog na 'yung mga binti ko nung tawagin ang number 9.

Medyo matagal bago umakyat ung contender number 9, mga makatlong beses pa nag-announce 'yung 2 emcee.

"Jane?" Mahina kong sambit nung umakyat siya sa stage.

She looks sad and lonely. Parang hindi siya 'yung Jane na kilala ko.

Ano nanaman bang nangyari?

Nung nagsimula siyang kumanta at tumugtog, sobrang lungkot ng kanta niya. Kulang na lang umiyak siya, pero alam kong pinipigilan niya.

Ang tahimik ng crowd, siya lang ang naririnig ko, parang tumaas 'yung mga balahibo ko nung sa part ng bridge dahil 'yun yung parang pinakaemotional na part.

Pagkatapos niya kumanta mabilis siyang nagbow at bumaba ng stage, nakita kong nagpunas siya ng mata.

Gusto ko man siyang puntahan kaso tinawag na ako at bumalik ang kabog ng dibdib ko.

"Oy kaya mo 'yan! Maghapon kang nagpractice!" Sabi ni Krish tas niyakap ako.

"Goodluck Lauren!" Sigaw nung tatlong lalaki.

Pinilit kong ngumiti at umakyat na ng stage.

Tumingin tingin ako sa crowd bago ako nagstart, inaasahan parin na baka nandyan lang si Jarvis sa tabi-tabi, pero wala. Kahit si Jane hindi ko makita.

Huminga ako ng malalim at tinaggal muna sila sa isip ko at nagsimulang kumanta.

Stop me on the corner

I swear you hit me like a vision

I, I, I wasn't expecting

But who am I to tell fate where it's supposed to go with it

Masaya 'yung kanta kaya dapat maging masaya rin ako.

Napatingin ako sa bandang judges nakita kong nakangiti saakin si Harris, 'yung ibang judges ay pinapanood lang din ako.

Nakita ko sila Krish na nagthumbs up kaya napangiti ako.

Oh, this is how it starts, lightning strikes the heart

It goes off like a gun, brighter than the sun

Oh, we could be the stars, falling from the sky

Shining how we want, brighter than the sun

Pumikit ako at mas ginanahan ang pagtugtog at pagkanta. This must be better than what I've practiced.

Tiningnan ko ang crowd at nakitang nageenjoy sila.

This is why I chose this song, kasi lite and bubbly lang. And I don't know, this song makes my talent and expression come out effortlessly.

As I sung I just thought of beautiful things, happy thoughts, para maging masaya ang pagkakakanta ko. I smiled as I land to bridge successfully. I opened my eyes to end the song.

Oh, this is how it starts, lightning strikes the heart

It goes off like a gun, brighter than the sun

I strum lastly to finish the song then smile at everyone. Nakita kong nagpapalakpakan silang lahat at nakatingin saakin. Nakita ko rin na lahat ng judges ay nagsipalakpakan.

But one person really caught my attention, he was smiling but I can see that there's something bothering him.

I bowed then left the stage.

I rushed through him. "Jarvis!" Niyakap ko siya agad nang makapunta ako sakanya.

"Lauren." He answered then hugged me back.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top