12th Chord
CHAPTER 12
"What's-" Bigla na lang niya akong hinatak at kinaladkad paalis.
I forced him to let go of my hand but he refused.
"Saan ba tayo pupunta? Anong problema mo?" He tightened the grip in my hand tapos binitawan niya ako ng makarating kami sa isang lugar kung saan kita 'yung mga bundok at 'yong dagat. Nasa may taas kami kaya kita ang lahat, pati 'yung langit na puno ng stars.
I looked at him and he sighed as he was looking at the sky.
Buti na lang at medyo maliwanag dahil may mga ilaw ang mga puno.
"Anong-" Humarap siya saakin at bigla niya akong niyakap.
Hindi ko alam ang gagawin ko, para lang akong natirik sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw.
"A-Anong problema mo?" All I managed to say, pagkatapos niya akong yakapin.
Umupo siya sa batong malaki at hinagod ang buhok niya.
Kahit na mukha siyang problemado, ang cute at ang cool niya tingnan kapag ginagawa niya 'yun.
"Alam mo 'yung sabi nila tungkol sa stars? "Sometimes, we are all like stars, we fall to make someone's dream come true." Hindi ko siya maintindihan.
Never kong naintindihan 'yung mga sinasabi niya. Kaya hinayaan ko lang siyang mag-salita.
Sabi saakin ni Manang noon, may mga tao daw na sadyang kailangan lang ng kausap at ng may makikinig sakanya.
Pinagtalikop niya 'yung kamay niya sa ilalim ng baba niya. I can see his perfect jaw line and his long eyelahses, lalo na't nakatagilid siya.
Kahit na nilalamig ako, dahil sa hangin, I stay still.
"Sabi rin nila, When it's dark enough, you can see the stars." Andami niyang alam na quotes...
Tumingin ako sa langit at nakita ang ga-bilyon na stars na kumikinang.
Hindi ko parin maintindihan ang gusto niyang iparating.
Parang nung nasa grandstand lang kami, sobrang problemado niya.
"But life isn't like the sky. Hindi sa lahat ng pagkakataon, makikita mo 'yung mga stars kapag madilim. Minsan, kapag madilim, at wala ng liwanag, you can just use your eyes to manage to see everything. Walang stars na magliliwanag sa kadiliman, no magics." What was he trying to say.
Naalala ko tuloy yung sabi ni Manang, na kapag may problema may solusyon.
"Everything happens for a reason." Sabi ko at nagalangan na hawakan ang balikat niya.
Parang naglaho 'yung mga galit na nararamdaman niya kanina, all I can see now is loneliness.
Tahimik lang kami pagkatapos 'nun. Walang nag-sasalita.
Tapos bigla na lang siyang tumayo pagkatapos ng ilang minute and offer a hand. "Tara na?" Sabi niya tapos umalis na kami.
I just don't get it, hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ako niyakap, at saakin niya binuhos 'yung mga quotes na 'yun.
Basta ang alam ko, may problema siya at kailangan niya lang ng kausap.
"Nako ha! Lauren!" Sabi ni Krish habang nagsasabon ng mukha niya. Kinwento ko kasi sakanya 'yung nangyari. Wala naman akon magagawa kasi bigla na lang akong nawala kagabi, tapos pagdating ko halos patapos ng 'yung event.
"Iba na 'yan!" sabi niya tapos nag-rinse na ng mukha niya. Sumandal lang ako sa pader and crossed my arms.
"Hindi ko nga siya maintindihan eh." Sabi ko.
"Oh baka naman kasi ayaw mo lang syang intindihin?" Sabi niya pagkatapos magmumog ni Krish at magpunas ng bibig.
Hindi ko alam.
Ang aga namin nagising ngayon, infairness, 7 o'clock palang, gising na kami. Kasi kailangan 8 nasa training room na kami.
"Buti ka pa may kasama," I pouted.
Kasi magkahiwalay ng training room ang band at ang solo.
Since band sila sa ibang room sila nila Ken. Ako naman stuck parin kay Jarvis at Jane. Goodluck na lang saakin.
"Nako Lauren, magtigil ka, baka mapilitan akong magsolo sige." Sabi niya at medyo natawa habang inaayos 'yung buhok niya.
Kinuha ko na 'yong gitara ko at umalis na kaming dalawa ng cottage then we parted ways.
Buti na lang malapit sa room naming ang training room, hindi ko na kailangan maglakad pa ng malayo.
May 15 minutes pa bago mag-8 kaya naisipan kong kumain muna sa mini bar sa gilid.
"Vegetable soup and croissant." I rdered tapos sumampa na ako sa high chair at ibinaba ang gitara ko.
Ako palang ang costumer kaya mabilis ang serving, nakita kong medyo madami na rin ang nasa labas, 'yung iba ay naglilibot lang, karamihan ay abala papunta sa kani-kanilang training room.
Since nirentahan 'tong beach resort officially para sa music camp, ang mga tao lang dito ay ang mga guests, audiences, guardians, at mga contestants.
Nangpapatapos na akong kumain may biglang tumabi saakin, "Bottled water." Sabi niya at nag-gesture ng 1.
Tiningnan ko siya, at nakita ko nanaman ang medyo brown niyang hair, at iyong ilong niyang matangos. I can feel his boosting light aura, nakakahawa.
I can't help but gaze at him, tumingin siya saakin at wala nanaman akong nagawa kundi ngumiti.
He smiled back then offered a hand. "Harris." He smiled. I don't know, parang ang friendly-friendly ng dating niya, hindi flirty type.
Inabot ko 'yong kamay niya at nakipag-kamay. "Lauren." I smiled back.
Ang warm ng kamay niya, tapos ang laki. Sakop na ata 'yung buong kamay ko.
"From?" Medyo kumunot 'yung nook o sa tanong niya, but suddenly na-gets ko rin.
"PUA Universtity." I answered. Bigla naman siyang napatawa sa sagot ko.
Kumunot ang noo ko, "Pardon me," Then he stopped laughing.
"What I meant is your recording company." Tapos biglang tumunog 'yung phone niya at nag-excuse siya para sagutin 'yon.
I don't even have experience, how would I be in a recording company?
Nung bumalik siya nagpaalam na siya, "Sorry, I have to go. Nice meeting you," He paused a bit then looked at me like he was searching for something.
"Lauren." He smiled then leaves.
Ang gwapo niya. I admit. Parang siya 'yung tipong magiging crush mo hindi lang dahil sa gwapo siya, kundi dahil ang saya niya tingnan. Hindi siya 'yung snob na tipo ng lalaki, o 'yung pa-astig type.
Not like Jarvis...
Why am I even thinking about him?
Pagkarating ko sa training room, madami nang tao, siguro may mga 30 kami dito.
Naupo muna ako sa may monoblock na nakahilera by row.
Isang medium room lang siya na may maliit na pabilog na stage sa harap tapos may mga instruments at mic.
Orientation palang to, mamaya may another room kaming pupuntahan.
"Good morning everyone." Sabi nung babaeng nakasalamin at naka white dress.
Lahat ay tumahimik at tumungo lang sa stage kung saan siya nagsasalita.
"So, as you can read on your ITE, it indicates there that there are several rooms for different branch of the music camp, this room is for solos. So I assume, all of you want to audition and be trained as a solo musician." Sabi niya at inayos 'yung wire ng mic.
"So before everything goes long, let us all welcome our speakers for today. Our very fresh, and very new talent from S&J records. Jarvis Montes!" I think my heart skipped a bit when she mentioned Jarvis' name. Why do I got this feeling?
Everybody clap their hands to welcome him.
He tapped the mic before speaking, "Let's all be honest. Everyone of us has this very idea of being a star." Why is he talking about stars again?
"We all want to be seen. To be heard. But as you can see at night there are countless of stars above, not all of us will be seen, but all of us shine." Pati ba naman dito may hidden message siya?
"All I want to say is, we have to do our best, and bring out the very best in you, so you can stand out. So you can stand out from all of the shining stars above. Thank you and Good morning." He smiled a bit then our eyes met. Hindi ko alam, pero kahit medyo malayo ako sa stage, he managed to see me.
Lumihis ako ng tingin at nakita ko si Jane sa di kalayuan na nagwewave ng hand kay Jarvis to get his attention.
"Thanks for that wonderful message, Jarvis." Umakyat na 'yung emcee at nagsabi ng mga comments at paghanga niya kay Jarvis. As if idol niya talaga si Jarvis, eh ang tanda na niya para mahalin 'yung mga tinutugtog ni Jarvis. Depende na lang kung cool Mommy siya, if she even have kids...
May iba pang pinakilala at pinagsalita 'yung babae, sabi nya 'yun daw 'yung mga magiging judges.
"Now, let's hear it from Harris Rios of Retro!" Nagulat ako ng biglang tinawag ang ang pangalan ni Harris. Isa pala siya sa mga magiging judges? But at the same time magte-train din siya.
"Good day!" Sa mga salita palang niya na 'yun parang naenlighten na niya agad 'yung mood ng lahat. Halos lahat ay kilala na talaga siya, may naririnig pa akong "Ang gwapo talaga ni Harris!" Mga ganyan sa paligid.
He coughed a bit out of the mic then continued, "Mukhang mas madami tayo ngayon ah? Right Jessica?" Tumingin siya 'dun sa babaeng emcee at ngumiti.
"As you all know, first time ko 'to, na magja-judge ng auditionees, usually nagtetrain lang ako. I just don't feel like grading and measuring someone's talent just because of that 3-5 minutes performance. You get me?" He smiled at us. Para talaga siyang artista, almost perfect ang features niya. Kahit malalim 'yung boses niya, hindi siya nakakatakot o dull pakinggan.
"Ayaw kong nag jajudge kasi natatakot 'din ako na baka iba lang 'yung pananaw ko, baka hindi pa tama. I don't want to judge their talent just because they did great in that performance, o kung nagsabog siya sa performance. Mas gusto kong nagtuturo na lang, playing safe in other words." He chuckled.
I can see some of the girls were nodding as a sign of agreement of what he was saying.
"Pero, dahil kay Kat," He looked at someone near the stage. I longed my neck to see who she was, tapos nakita ko 'yung babae kahapon. 'Yung girlfriend niya.
I knew it...
He smiled playfully, "Napilitan akong mag-judge," he laughed like it was a funny joke.
"Hindi, joke lang," I can hear the accent of a foreigner. "Siya 'yung nagsabi saakin na mas madami akong matutulungan kung magja-judge ako. Mas madaming madidiscover na talents kung magja-judge ako." He smiled tapos nagpalakpakan 'yung iba.
"Don't worry guys," He roamed around, "I don't bite." He laughed. Napakamasiyahin niya talaga. "I will act more of like a coach than a judge, don't worry."
"So, goodluck to all of us, and we'll see each other later." And that ends his speech. Of course 'dun siya bumalik sa tabi ng girlfriend niya.
After ng orientation, ginroup kami into 4 para sa iba't ibang coach. Para mas matutukan daw lahat tig-10 per coach.
Nung una akala ko coach rin si Jarvis, hindi pala. Parang stand-by lang. He was just a guest. Pero parang co-coach rin siya nung Mr. Kai na manager niya pala.
"Alcantara, Lauren Yen." Jessica roamed around then stopped at me when I raised my hand.
"Room 204." Kinuha ko 'yong gitara at bag ko at pumunta sa mg aka-group ko.
Pagkatapos ng ilang minutong pagroupings, nagannounce na 'yong Jessica kung sino magiging coach namin.
"Room 202, Ang coach niyo ay si Francine Cortez." Naghiyawan ng konti 'yong mga lalaki, dahil si Ms. Francine ang nag-iisang babaeng coach tapos maganda pa siya at maputi. No doubt.
"Room 203, Mr. Kai Chua." I don't know, I got this random feeling na medyo dismay dahil hindi ko makakasama si Jarvis. But yeah, at least I got grouped by Jane.
"Room 204, kay Harris Rios." My eyes widned a bit when I heard that he is our coach. I don't know what to feel. Siguradong maiinggit si Krish pag nalaman niyang coach ko si Harris. Crush niya daw kasi si Harris. Kay Jarvis na lang daw ako.
Ang gulo talaga nung babaeng 'yun!
"And lastly, Room 205, kay Mr. Ivan Moreno kayo."
May 10 minutes break daw bago mag-proceed sa training room. Pero pupunta na lang ako sa training room, wala naman akong gagawin at pupuntahan.
When I entered the room, I paused. Because of what I saw.
I saw Harris playing with the little girl, na baka anak nila nung Kat. Then Kat was just watching them while smiling.
What a happy family.
"Uy, Lauren." I got my mind back when Jane called me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top