11th Chord


CHAPTER 11


"First time mo?" Tumingin ako kay Jane, at nakita kong nakatingin na siya saakin, tapos parang gumilid siya at tiningnan 'yung tinitingnan ko kanina. Lumingon ulit ako kung nasaan si Jarvis pero may kausap na siya sa isa sa mga nag-oorganize.

Lumingon ulit ako kay Jane at unti-unting nabuo ang ngiti sa labi niya, "Ah oo." Sagot ko.

I'm really wishing within, na wag na niya i-open up 'yung nakita niyang nakatingin ako kay Jarvis. Sana iba 'yung iniisip niya.

Pinigilan niyang ngumiti ng makahulugan, "Ngayon lang kasi kita nakita dito." Thank gods.


"Madalas ka rin umaattend dito?" I asked, then pulls her hair into bun.

"Oo naman! Since advantage ko naman 'yun as sister ni Jarvis, why not grab it?" She said while gesturing her hand.

Tumango-tango ako. Tama nga naman, perks niya 'yun dahil, free fair si Jarvis tapos isa pa siya sa laging kasama sa Music camp.

"Pero, don't get me wrong, since nakasali ako sa Music fest, may dahilan talaga ako para sumama. Ngayon lang din kasi ako nag-audition 'dun..." Parang biglang lumungkot 'yung mukha niya.

Gusto ko sana magtanong kung ano meron, pero.. I don't want to change her mood totally, kaya iniba ko na lang 'yung usapan. Ayaw ko naman na masira 'yung araw niya.

"Ohh.. So ikaw pala ang naunang ilabas?" I asked.

Kinwento niya kasi na siya daw talaga ang ate sakanilang dalawa, nagulat ako dahil sa lagay nilang dalawa, childish ang ugali ni Jane, si Jarvis naman matured. Tapos mas Kuya nga ang dating ni Jarvis.

Tumango siya at natawa, "Kaso etong si Jarvis talaga, may pagkabossy, tapos sobrang higpit, kaya kinukuya ko siya." She said tapos tumingin sa direksyon ni Jarvis na may kausap sa phone. Mukhang mainit ang ulo.

"Ah. Sige mauna muna ako ha? Baka kailangan ako ni kuya." She gestured at her brother. Baka may problema nanaman sila.

Sakto naman lumabas na si Krish mula sa room. "Oh ano may topak ka pa?" Inirapan niya lang ako.

"Halika na nga. Pero bago ang lahat bili muna tayong shake." Sabi niya at nagpunta kami sa mini resto bar na bungalow style.

Oh, I see wala na ngang topak.

Pagkatapos namin bumili ng shake, pumunta na kami sa mga upuan sa harap ng stage. Nagpupuntahan na rin kasi 'yung iba kaya nagpunta na rin kami.

Kasalukuyang nagpapatugtog ng mga remix songs 'yung dj habang naghihintay kami mag-start ang program.

Buti na lang talaga gabi nila naisipan mag-start, kung hindi masusunog kaming lahat sa araw kung hapon ang opening.

There was a noise from the mic that took the attention of everyone.

"Good evening!" Masayang sambit ng lalaking naka floral shorts at t-shirt na puti. Tapos may mga tattoo siya sa arms niya.

The lights turn on and dance with the beat of the music.

Mas dumami ang mga taong nagpunta, kahit ata hindi kasali sa music camp, nakiusyoso na rin. May mga nakita rin akong ibang guest na nasa gilid at likod.

"Friend ang gwapo ni kuya oh." Ngumuso si Krish sa nagsasalita sa stage.

I bumped her a bit. "Magtigil ka nga, may Ken ka na."

"Grabe to." Sabi niya

"Are we ready to rock this night?!" Itinapat niya ang mic sa crowd.

And we scream yes for an answer.

The music changed and the volume goes down.

Ipinakilala na ng emcee ang mga staffs, coordinator, at mga guests para sa Music camp. Nagkaroon din ng mga speech 'yong mga pinakilalang tao, pero hindi naman ako nakinig talaga dahil 'yun ang pinakaayaw kong partng isang program, ang speech.

Nang matapos lahat, "For a while, let's listen to our very loyal, very handsome, very talented star from Retro music records..." He paused a bit searching for someone.

At para bang lahat kami ay nakitingin rin sa tinitingnan niya.

"Mr. Harris Rios!" Bumaba 'yong emcee sa stage at umakyat ang isang lalaki.

He was wearing a Black striped shirt and a cocky shorts. He looks so fresh and matured, mukha rin siyang may ibang lahi, tapos 'yung mga kilay niya makapal.

And I really admit that he has a well-built body.

He's holding a guitar tapos umupo na siya sa high chair sa stage at itinapat ang mike sakanya.

"I'm so glad to see you all here." He gazes around the crowd.

His voice was very firm and manly, parang sobrang tigas ng boses niya na kayang pumutol ng kahoy.

It really looks like he has a very good voice.

May ilang babaeng mga nagsitilian nung nagsalita siya. Kaya nakita kong napatingin siya sa mga grupo ng babae sa kabilang side at napangiti.

Siguro, sikat siya. Hindi ko lang alam.

"It's my 5th time here, and it's the 5th time that I will sing this song for this event. Siguro nagtataka 'yung iba kung bakit paulit-ulit kong kakantahin to sa opening program over 5 years. But I'm not answering that..." He winks and starts to play his guitar.

"Kilala mo siya?" Tanong ko kay Krish habang nakatingin parin kay Harris na nagcoconcentrate sa pagtugtog ng gitara niya.

"Hindi ko alam, pero parang familiar ang name niya." Nakatingin lang din siya sa stage—kay Harris.

"Hindi na pala gwapo si Kuyang emcee. Siya na pala ang gwapo." I can see her how she looks to Harris, kala mong nagfafangirl.

Would you know my name

First lyrics palang ang binabanggit niya, ring na rinig ko na ang ganda ng boses niya. Ang lalim pero ang ganda, ang sarap pakinggan. Ibang iba 'yung boses niya sa pagkanta at pagsasalita...

Acoustic version kaya medyo malamig pakinggan.

Pumikit siya at kinanta ang mga sumunod na lyrics.

If I saw you in heaven?

Would it be the same

If I saw you in heaven?

I really love how he play tricks in his guitar. Halatang mas focus siya sa technical kaya may mga pasabog siya sa pagtugtog ng gitara.

I can't help but be amazed with his voice. Parang sobrang professional na niya. Ang galing niya.

Tapos ang gwapo niya pang tingnan habang naggigitara, parang may pagkarakista ang dating pero 'yung cool parin.

"Ang galing niya." I can't help but say.

Hindi sumagot si Krish, nanuod lang kami pareho.

Pagdating ng chorus, dumilat siya at ngumiti sa gilid at tumango, hindi ko alam kung sino 'yun pero sa kabilang side 'yun.

I must be strong

And carry on,

'Cause I know I don't belong

Here in heaven.

Again he puts up the tricks in his guitar tapos parang nag-instrumental pa siya saglit.

Gamay na gamay na talaga niya.

Paano ba namang hindi? Eh diba sabi niya 5 years na nga niyang tinutugtog 'yan dito sa opening ng music camp.

I wonder why...

Everytime he stops singing and just play instrumentals, the crowd grows wild. Nakita kong natutuwa din 'yung ibang guests sakanya.

"Friend, mas magaling siya kay Jarvis. Sakanya ka na lang." Sabi ni Kirsh at siniko ako.

Siniko ko lang siya pbalik for an answer.

'Cause I know I don't belong

Here in heaven.

As he ends his song, tumayo siya at hinawakan ang mic tapos nagsmile siya sa crowd. I didn't know where he was looking, but I can feel he was looking to a certain person. Lumingon ako at nakita kong may dalawang babae sa bandang likod. Isang babaeng nakasunday dress na nakapig-tails, I think mga 5 years old palang siya, tapos isang babaeng nakashorts at naka loose shirt. They were smiling too, and halatang 'dun nakatingin si Harris.

"Thank you so much for going to this very important event," He paused. Everybody clapped their hands and some whistles. 

He chuckled a bit habang nakatingin ulit siya sa direksyon kanina.

"Nako, friend, taken na ata." Sabi ni Krish habang nakalingon sa direksyon kung saan nakatingin si Harris.

"I know this will be another successful event, good evening everyone!" Nagpalakpakan kaming lahat tapos bumaba na siya ng stage at nakipagkamay sa ibang guests.

Hinagod niya 'yung buhok niya at naglakad papunta 'dun sa dalawang babae, tapos nakipag beso siya 'dun sa babaeng naka-shorts, assuming na 'yun siguro ang girlfriend niya, tapos ibinaba niya 'yung gitara niya tapos binuhat pataas 'yung bata.

I don't know, maybe I wasa bit  dismay. In the fact na parang may family na siya. Ewan ko. Parang ang bata pa kasi niya para magkafamily.

"Move on na teh. Wag mong pangarapin maging kerida." Natawa si Krish at lumingon na ulit ako sa stage kung saan nageexplain ng events 'yung emcee.

Hindi ko naman kailangan malaman 'yun, may ITE naman na ako. Nililiwanag lang naman nung emcee ang mga gagawin at rules.

Nakaramdam ako ng kiliti na kung ano sa tiyan ko kaya nagpaalam ako kay Krish na magc-cr muna ako.

After kong mag-cr lumabas na ako ng cubicle habang pinapagpag ang kamay ko na basa. I hum the song that Harris performed. Kahit matagal na 'yung music na 'yun, it's like he brought it alive and new. Because of his style and his passion in singing it.

Nakita kong papunta siya sa direksyon dito, habang may tinitingnan sa cellphone niya, nung malapit na siya sa cr ng lalake, tumingin siya saakin kaya wala akong nagawa kundi ngumiti kasi nahuli na niya ako.

His eyes were brown, but it's light, parang chocolate na may halong milk. Hindi tulad kay Jarvis na sobrang dark. Tapos parang masiyahing tao siya, very lite lang ang aura niya.

He smiled back at me, not the awkward smile, 'yung parang friendly smile, ganon.

Tapos pumasok na siya sa cubicle, I was still in the place where I'm looking him nang maglakad ako paalis tapos bigla akong napatigil dahil nabangga ako.

Hinimas ko ang gilid ng ulo ko na tumama, tapos lumingon ako sa harap ko.

"Oh... Jarvis." Tumingin ako sakanya at tinanggal ko ang kamay ko sa ulo ko.

"Sorry," Sabi ko, dahil ako naman ang may kasalanan, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.

Pero ang sama ng tingin niya, nanlilsiik 'yung mata niya, parang makikita mo na 'yung black aura niya.

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang galit niyang mukha.

"What's-" Hintak niya ako palayo at dinala kung saan.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top