EPILOGUE
EPILOGUE
THIRD PERSON'S POV
MAGKASAMA SI KRISTOFF AT VINCENT na nagtungo sa mansyon ni Dinoques. Ang araw na ito ay ang kanilang paghuli sa pinaka-leader ng kalaban ng kanilang organisasyon. Ligtas ng nakalabas si Cattalina pero ang tagapagmana ng Gorqyieds organization ay nandoon sa loob at hawak ni Dinoques.
"Dalawa lang tayo," wika ni Vincent kay Kristoff.
Hindi agad sila pumasok sa pinakalooban ng mansyon dahil delikado. Baka may mga tauhan itong nag-aabang sa kanila dahil alam ni Dinoques na si Monriesa ang pakay nila.
"Let me talk to Hylo for a minute," tugon ni Kristoff at may pinindot sa kanyang earpiece.
Tahimik silang gumilid ng may dumaan na isa sa mga tauhan ni Dinoques palabas sa backdoor nitong mansyon. Naghintay pa sila ng ilang segundo dahil mukhang nawawalan pa ng koneksyon ang earpiece nila sa isa't isa.
"Hylo, come on. Pick it up," naiinis na sambit ni Kristoff habang nililibot ang paningin sa mansyon.
"Bakit ang tagal?" reklamo ni Vincent.
Hindi siya sinagot ni Kristoff. Static lang ang nasa linya kaya wala na siyang nagawa kundi pasukin na lang nila ang loob ng mansyon. Kailangan nila ng backup dahil hindi niya masasabi kung ilang tao nasa loob.
Sila ang mayayari kung bigla silang papasok ng hindi handa bukod sa AK-47 na baril na dala nila. Nagkakagulo parin sa dalampasigan at sunod sunod na putok ng baril ang kanilang naririnig.
"May dala kang extrang magazine ng bala d'yan?" tanong ni Kristoff kay Vincent.
Mabilis na kinapa ni Vincent ang bulsa ng cargo pants nito para hanapin pero wala. Mahinang napamura si Vincent at sinulyapan si Kristoff.
"Fuck! Wala na ako extrang magazine rito. Ikaw ba?" tanong ni Vincent pabalik kay Kristoff.
Umiling si Kristoff. Hindi niya rin tansyado kung ilan na lang ang bala sa loob ng kanyang baril. Alanganin ang kanilang laban kung kahit isang magazine man lang ng kanilang bala ay wala sila.
"Wala. Pero may dala akong pocket knife," tugon ni Kristoff.
Nagkatinginan silang dalawa at mukhang naintindihan ang ibig sabihin ni Kristoff.
"Masyadong madugo pag 'yan gagamitin natin," sambit ni Vincent.
"As if we have a choice," mariin na saad ni Kristoff. Agad siyang naglakad papasok at sinundan naman siya ni Vincent. "Let's go."
Tahimik na ang loob ng mansyon at hindi maganda ang kutob ni Kristoff doon. Mabilis pa sa alas kwatro na gumilid sila ni Vincent ng marinig ang kalabog sa second floor nitong mansyon.
"Daddy! Let me go!" sigaw ni Monriesa at halatang nasasaktan.
Isang malakas na pagsampal ang kanilang narinig. "Kahit kailan hindi mo ako naging ama!" sigaw sa kanya pabalik ni Dinoques.
"Let's go, Kristoff. Kanina pa kumukulo ang dugo ko sa hayop na 'yan," nanggigil na sambit ni Vincent.
"Okay—"
Hindi natuloy ni Kristoff ang kanyang sinabi ng biglang marinig ang boses ni Hylo sa earpiece na sout nito. Paniguradong naririnig din ni Vincent 'yon.
"Kristoff, Vincent," wika ni Hylo. "On the way na kami ni Steven d'yan. Hintayin mo kami," utos ni Hylo.
"Nandito na kami sa loob. Positive na nasa taas si Dinoques pati na rin si Monriesa," sagot ni Kristoff.
"Update sa mansyon, Hylo?" tanong ni Vincent.
Nanatili parin silang nakatago dahil may kausap sila sa earpiece.
"Negative mga tauhan niya diyan. P'wede niyo na 'yan siyang sugurin susunod na kami sainyo. Halos lahat nasa labas mga hawak na ng pulisya yung iba naman mga wala ng buhay," sagot ni Hylo.
Tumango si Kristoff na akala mo ay nasa harapan niya si Hylo. Nang mamatay ang boses nito sa earpiece ay naging mabilis na ang kilos niya. Lakad takbo silang umakyat sa taas at buong lakas na sinipa ang pintuan ng kuwarto kung saan nanggagaling ang boses ni Monriesa na ngayon ay umiiyak.
"Anak ng puta—"
Hindi agad natapos ni Dinoques ang kanyang sinabi ng biglang sumugod si Vincent sa kanya. Dahil abala si Vincent kay Dinoques ay doon siya nakahanap ng tiyempo si Kristoff na tanggalin ang tali sa kamay at paa ni Monriesa.
"Thank you. Thank you very much," humihikbing pasasalamat ni Monriesa kay Kristoff.
Tanging tango lang ang naitugon ni Kristoff at ng lumingon siya sa pwesto ni Vincent ay nagkatutukan na sila ng baril. Tumayo si Monriesa at nagtago sa likod ni Kristoff.
Naging mainit ang tinginan ni Vincent at Dinoques. Pero hindi niya alam ay may nakasunod na sa kanila. Paakyat na si Hylo at Steven patungo sa kanilang pwesto bigla na lang may malakas na pag sabog ang kanilang narinig.
Sabay sabay silang napayuko. Kasunod no'n ang malakas na halakhak ni Dinoques.
"I planted a bomb. We are going to die here. Oh, I changed my mind. Kayo na lang pala ang mamatay rito, bye!" parang baliw na wika ni Dinoques.
Hindi nila napigilan si Dinoques na lumabas kwarto. Mabilis siyang kumaripas ng tumakbo.
"Get him!" sigaw ni Kristoff. "Vincent lumabas kana bilis!"
Naririnig na nila ang pagguho ng mansyon. Hinawakan ni Kristoff ang earpiece at may pinindot doon.
"Hylo, Steven. Hulihin niyo si Dinoques. Lumabas na agad kayo kasi guguho na 'tong mansyon! He planted a bomb somewhere in this mansion. Baka dumaan siya sa backdoor subukan niyong puntahan," nagmamadaling wika ni Kristoff.
"Noted!" sabay na tugon ni Hylo at Steven.
Nauna ng bumaba si Vincent at sinubukang habulin si Dinoques. Hinawakan niya si Monriesa sa palapulsuhan at hinila patungo sa hagdanan para makaalis na bago pa sila madaganan ng mga bagay na p'wedeng ikapahamak nila.
Nang makarating sa sala ay napaatras sila na may nahulog na isang tipak ng pader sa kanilang paanan.
"Ahh!" sigaw ni Monriesa.
Wala na sa maayos na pag-iisip si Monriesa dahil sa nangyayari na kanyang nasaksihan. Naghehesterikal na ito sa kalooban niya at nabato pa siya sa kanyang kinatatayuan.
"Monriesa, let's get out of here!" pagtawag ni Kristoff sa babae.
Malakas na tumili si Monriesa at napatakip sa kanyang tenga ng may panibago na namang narinig na pagsabog sa ibang parte ng bahay. Napaupo na ito sa kanyang kinatatayuan.
"Monriesa!" muling sigaw ni Kristoff.
Mahina siyang napamura at lakad takbo na nagtungo sa babae dahil delikado kung magtatagal pa sila rito. Hinawakan niya ang kamay ni Monriesa pero mukhang wala sa sarili ang babae. Nagpupumiglas ito sa kanyang hawak.
"No! Let me go! Don't touch me!" naghehesterikal na sambit ni Monriesa.
Hindi na alam ni Kristoff ang gagawin niya rito dahil may sumunod na naman na pagsabog ang kanyang narinig at mukhang hindi maganda ang sunod na mangyayari.
Nang tumingin siya sa bandang gilid nito. Ang isang malaking tipak ng pader ay babagsak sa puwesto ni Monriesa. Kahit na nagpupumiglas ang babae sa hawak nito ay mabilis niyang hinila ang kanyang kamay at iniwas doon. Nakapagpalit sila ng puwesto at ang nangyari ay kay Kristsoff bumagsak ang pader dahil prinotektahan niya ang babae.
Agad siyang nawalan ng malay dahil pati ang kanyang ulo ay natamaan no'n. Nandilim ang kanyang paningin at nilamon agad ng kadiliman.
WALANG BUHAY NA nakatingin sa kawalan si Kristoff habang nakikinig sa sinasabi ng kanyang magulang. Tapos na ang kanilang misyon sa pag-huli sa pinaka leader ng Yroctyis organization kaya puwede na silang bumalik sa kanilang tirahan.
Pero siya? Bumalik sa hacienda na kanyang kinalakihan dahil sa nangyari rito. Hindi siya makalakad dahil sa aksidente na kanyang natamo. Hindi na niya agad naiwasan ang pader na dapat tatama sa kanya kaya heto na ang nangyari sa kanya.
Hindi makalakad at naging baldado na. Nang malaman niya 'yon ay parang nawalan na siya ng gana sa lahat. Laging naging mainitin ang ulo lalo na kung susubukan niyang maglakad, nagbabaka sakaling magawan pa iyon ng pag-asa pero wala talaga.
Bumabagsak lang ito sa sahig. Agad siyang napamura ng sumalampak ito sa sahig ng kanyang kuwarto. Napahilamos siya sa kanyang mukha.
"Fuck this life!" galit niyang banggit sa kanyang sarili.
Nang mahawakan niya ang nakapatong na lampshade sa ibabaw ng bedside table nito ay wala sa sariling dinampot iyon at basta na lang inihagis. Napatakip siya sa kanyang mukha at doon umiyak. Walang tigil sa pagtulo ang luha ni Kristoff dahil sa sitwasyon nito ngayon.
Umabot ng ilang taon ay ganoon parin ang kanyang sitwasyon, hindi parin makalakad. Dahil busy rin ang kanyang magulang lalo na ang kanyang ama sa paghahanap ng doctor para kay Kristoff ay nag hire ang ina nito ng caregiver.
Bagong gising si Kristoff at parang nanlalabo pa ang kanyang paningin dahil wala itong matinong kain simula kagabi at noong isang araw pa. Parang lumulutang ang kanyang ulo ngayon dahil do'n.
"Who are you?" seryosong tanong ni Kristoff.
Hindi niya masyado mamukhaan ang bagong caregiver nito dahil sa panlalabo ng kanyang mata. Kumunot ang noo ni Kristoff ng ningitian lang siya ng babae.
May dahilan ba para ngumiti ito? Tanong ni Kristoff sa kanyang sarili. Walang nakakatuwa at wala dapat na ikasaya dahil lalo lang siyang naiinis.
"Do not repeat what I am asking. Again, who are you?" muling tanong ni Kristoff, may bahid na pagkainis ang tono ng kanyang pananalita.
Naglakad patungo sa direksyon ni Kristoff ang babae dala ang kanyang gamot. Hindi niya na rin mabilang sa daliri kung nakailang palit na ang ina nito sa caregiver niya. Ang last na nag alaga sa kanya ay gusto siya nito pagsamantalahan kaya natanggal agad ito sa trabaho.
"I'm Anna po Sir Kristoff. Bagong caregiver niyo," mahinahong tugon ni Anna.
Ang panlalabo ng mata ni Kristoff ay unti unting lumilinaw at doon lumantad sa kanyang harapan si Anna. Bahagya pang naningkit ang mata ni Kristoff hindi maitago ang panlalaki ng asul nitong mata pero naging seryoso rin ang kanyang expresyon.
Why is she here? Coincidence lang ba ito? O sinadya niya lang.
Ilang taon na ang nakalipas simula ng madisgrasya si Anna noong nasa kolehiyo pa sila ni Kristoff. Malaki ang tampo niya sa dalaga dahil ayaw siya nito makita noong gusto niyang bisitahin ito tapos ngayon nandito siya sa kanyang harapan?
Umaakto na para bang walang sinabi sa kanya na ikinasakit ng kanyang damdamin. Hindi niya alam kung mababaw lang ba iyon pero bilang isang kaibigan at hindi siya nito pinansin ay masakit na para sa kanya.
"Get out. I don't want to see you," malamig na bigkas ni Kristoff kay Anna.
Hindi nakinig sa Anna. Maingat niyang pinatong sa hita ni Kristoff ang tray na hawak.
"Sir, kailangan niyo po kumain ngayon kasi iinom pa po kayo ng gamot—"
"I said get out! Kailangan ko pa bang ulitin yung sinabi ko? o tatagalugin ko pa!? ang sabi ko lumabas ka!"
Dahil sa pagiging mainitin ng kanyang ulo ay tinabig nito ang tray sa kanyang hita at natapon ang pagkain nito carpet. Nagtaas baba ang kanyang dibdib dahil sa inis nito. Ayaw niya sa lahat ng pinipilit siya.
HABANG PINAPAANDAR ni Kristoff ang kanyang wheel chair patungo sa kanyang kuwarto ay napadaan siya sa opisina ng kanyang ina. Galing kasi ito sa labas ng gilid ng kanilang hacienda at madadaanan no'n ang opisina ng kanyang ina bago siya tuluyan makapunta sa kwarto nito.
Hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang kanilang pinaguusapan.
"Nakahanap ka na ba, darling?" tanong ni Marina sa kanyang asawa.
Nanatili si Kristoff sa kanyang puwesto at nakinig sa usapan ng kanyang magulang. Habang nakatingin sa mahabang pasilyo ay napakuyom siya ng kamao ng marinig ang sinabi ng kanyang ama.
"I don't think so, darling," mahinang tugon ni Alex sa kanyang asawa.
"What do you mean you don't think so," tanong ni Marina. "Huwag mong sabihin na sumusuko kana, Alex. Hindi ako natutuwa sa sinasabi mo. Ilang taon mo ng sinusubukan na makahanap ng doctor para sa unico hijo natin pero ngayon ka pa susuko!?" ang mahinang boses ni Marina ay paunti unti ng tumataas.
Hindi na nakinig si Kristoff sa pinaguusapan ng kanyang magulang. Mapait siyang napangiti at pagak na tumawa. Isa lang tao ang pumasok sa kanyang isipan. Si Anna, ang kanyang girlfriend. Dalawang taon na silang magkarelasyon. At agad na naisip ni Kristoff na kapag naikasal na sila ay habang buhay na siyang alagain ni Anna dahil sa kalagayan nito.
At ayaw niya 'yon mangyari. Hindi niya kaya na makitang habang buhay siyang aalagaan ng kanyang girlfriend.
Lumipas ng ilang araw at napagdesisyon niya na makipaghiwalay kay Anna. Sa tingin niya ay tamang desisyon iyon dahil ayaw niya maging pabigat hanggang sa magtagal sila. Masakit na makita na nagmamakaawa ito pero iyon ang nararapat.
"If you're not going to get her back, son. I swear to god! Baka hindi mo gusto ang gagawin ko," umiiyak na sambit ni Marina sa kanyang nagiisang anak. "Itatakwil talaga kita," mahina ang boses nito at inaalo na ng kanyang asawa.
Sobra siyang nasasaktan dahil gustong gusto ni Marina si Anna para sa kanyang anak. Napalapit na ang loob ng ginang sa dating kasintahan ni Kristoff, dahil na rin siguro wala itong babaeng anak kaya ganito ang nararamdaman ni Marina.
"Anna is very kind. A lovable child. You hurt her so much!" nasasaktan na sambit ni Marina. Wala parin tigil sa pagtulo ang kanyang luha pababa sa pisngi nito.
Si Alex naman ay abala sa pag-aalo sa kanyang asawa na ngayon ay umiiyak sa bisig nito. Nagsenyas na si Alex sa kanyang anak na umalis para makapagpahinga na ang kanyang ina.
"Don't worry, mom. Gagawin ko naman po 'yon. Balak kong bumawi sa kanya ngayon at sa lahat na nagawa kong mali sa kanya."
"As you should, son!" umiiyak pa rin na sambit ni Marina.
Lumipas ng ilang taon at nakakalakad na si Kristoff. Kahit hindi sabihin ng kanyang ina ay gagawin niya 'yon. Balak niyang makipagbalikan sa dati niyang kasintahan pero expected niya na hindi 'yon magiging madali dahil alam niyang sobra niyang nasaktan si Anna. Lalo na sa pagtataboy nito sa babae nang magmakaawa ito sa kanya na huwag siyang iwan.
Mabilis lang din naman ang nangyari. Nagkaayos sila at napagusapan ang mga bagay at nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Pero akala niya ay okay na. Akala niya masaya na sila dahil nagkabalikan na pero hindi pala.
Nagka sakit ito. Brain cancer, ilang beses niyang tinanong sa diyos kung bakit si Anna pa ang nakaranas ng ganoon. Gusto lang naman ng dalaga na kaginhawaan sa buhay pero bakit ganoon ang naranasan niya.
Hindi naging madali ang proseso sa pagpapagaling nito at nauwi na sa operasyon. Maayos naman ang operasyon kaso nagkaroon lang ng kaonting problema, bumaba ang heart rate ni Anna. Pero nagawan naman ng paraan at naisalba siya. Overall after 5 years cancer free na si Anna.
Nagfamily planning agad sila dahil parehas nilang gustong magka anak kaya heto na nga.
"Henry, come here," sambit ni Anna sa isang taong gulang na si Henry.
Nanatiling nakamasid si Kristoff sa kanyang mag-ina na ngayon ay nasa kanyang harapan. Naka back hug si Kristoff sa kanyang asawa habang hinahaplos ang malaki nitong tyan. Agad nilang sinundan si Henry at pagkatapos no'n ay hindi na muna, dalawang anak ay okay na sa kanila.
Malapit na manganak si Anna. kaya grabe ang pag-aalaga niya sa kanyang asawa. Gusto niyang ibigay ang lahat ng gusto nito at kung kaya niya lang ibigay ang buong mundo ay gagawin niya 'yon dahil alam niyang deserve ni Anna no'n.
"Okay ka lang, Toffy?" biglang tanong ni Anna sa kanyan asawa ng mapansin ang tahimik nito.
"Okay lang ako, hon. Bakit?" tugon ni Kristoff.
Hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa at naupo sa rocking chair sa kwarto nila. Malaki ang rocking chair kaya ang naging set up nila ay nakakandong si Anna sa kanyang hita habang ang isang taong gulang na si Henry ay nakisali sa kanila.
"Baby, be careful baka maipit si baby sister mo," pagpapaalala ni Kristoff sa kanyang panganay.
"Kahit hindi mo sabihin, Toffy. Alam na ni Henry ang gagawin niya. Hindi pa lumalabas itong bunso nating anak masyado na siyang caring," sambit ni Anna.
Hapon na ngayon sa hacienda kaya napagdesisyon nila na sa kwarto na lang muna sila na tumambay. Dahil bukod sa sobrang init pati rin si Anna ay mabilis din pagpawisan dahil sa pagbubuntis nito.
"Baby sister. Out?" curious na tanong ni Henry, medyo bulol pa iyon.
Mahinang natawa si Kristoff. Tumayo na siya at parehas na binuhat ang mag-ina para ilipat sila sa kama. Hindi komportable si Kristoff na nandoon sila sa rocking chair. Parang anytime may mangyayaring masama at ayaw niya no'n.
"Malapit na, Henry," sabay na sambit ni Anna at Kristoff.
Napagigitnaan nila ang kanilang anak. Nakaharap silang dalawa kay Henry at hindi maalis ang ngiti sa mga labi nila dahil sa ka-cute-tan ng kanilang panganay.
"Are you excited? Olivia will come out soon, Henry," mataas ang tono ng boses ni Anna dahil pati rin siya ay excited.
Nagawa na lang tignan ni Kristoff ang kanyang asawa habang nakangiti. Kinakausap parin ni Anna ang kanyang anak. Umangat ang kanyang kamay at inabot ang kamay ng kanyang misis. Magkahawak sila ng kamay at nakapwesto 'yon sa bandang uluhan nila para hindi masagabal si Henry na ngayon ay nakikinig lang sa kanila.
"Olly?" inosenteng tanong ni Henry.
Parehas na nagkatinginan ang mag asawa dahil sa sinabi ni Henry. Lumawak ang ngiti sa labi ni Kristoff at kinuha ang kanyang. Pinatanong niya iyon sa kanyang tyan.
"Did you just give your baby sister a nickname?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Kristoff.
Hindi siya sinagot ni Henry dahil ginawa niyang pacifier ang hinlalaki nito at nahiga sa kanyang dibdib. Napailing na lang siya at sinulyapan si Anna na nakatingin sa kanila.
"Hon, come here. Bakit ang layo mo d'yan," wika ni Kristoff.
Hindi siya sanay na nasa malayo ang kanyang asawa. Narinig niya ang mahinang tawa ni Anna. tumabi na sa kanya ang asawa nito at niyakap ang malaking braso ni Kristoff. 'Yon ang gusto ni Anna habang pinagbubuntis niya si Olivia. Ang sarap kasing gawing unan ang braso ni Kristoff.
"Sleepy, hon?' malambing at malumanay na tanong ni Kristoff.
Hindi siya makagalaw ng maayos dahil mahimbing na natutulog si Henry sa kanyang dibdib. Natatakot na baka magising ito bigla kapag gumalaw siya ng sobra.
"Inaantok kami ni Olivia, Toffy," nakapikit ng sambit ni Anna.
"Sleepwell, hon," Kristoff whispered.
Pinalibot niya ang kanyang braso sa kanyang asawa para gawing unan ang biceps nito. Kahit pa na malaki na ang tyan ni Anna ay nagawa niya pa rin na sumiksik kay Kristoff.
"You too. Let's sleep together here," inaantok na tugon ni Anna at napahikab pa.
"Okay," masunurin na sagot ni kristoff.
Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa tamang tao ka. Hindi mawala sa isipan ni Kristoff ang nangyayari ngayon. Para siyang nananaginip na mag asawa na sila Anna at may pamilya.
Bumaba ang tingin niya sa kanyang asawa na ngayon ay malalim na ang kanyang paghinga. Ibig sabihin no'n ay mahimbing na siyang natutulog. Hinawakan niya ang bilugan nitong tyan pagkatapos ay dinampian ng halik ang noo ni Anna.
"I still can't believe this is happening, Hon. I love you very much. You, Henry, and Olivia," malambing na bulong ni Kristoff.
I will give you everything you want. Because I know that my family deserves everything especially, my wife.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top