CHAPTER 9
CHAPTER 9
PARA AKONG BINUHUSAN ng malamig na tubig sa aking nakita. Nanghihina ang aking tuhod habang nakatingin sa kanilang dalawa. Kaya ba nakipaghiwalay siya sa akin dahil dito?
Halo halo ang aking nararamdaman. Nagpupuyos sa galit, gulat, masakit ang aking dibdib. Wala sa sariling lakad takbo ang aking ginawa at sinugod siya. Naninikip ang aking dibdib at lumabo ang aking paningin, umiiyak na pala ako.
"Walang hiya ka!" galit kong wika sa kanya at malakas na sinampal. "Pinapaaral kita, Annie! ano 'tong nakita ko!?" singhal ko sa kanya.
Napatili si Annie dahil sa aking ginawa. "Ate!"
"Anna! Buntis si Annie ano ba!"
Humahagulgol ako at muli siyang sinampal sa kabilang pisngi nito. Sunod sunod ang aking paghinga habang tumatangis sa kanyang harapan. Si Marcus naman ay hinawakan ang aking braso at pilit na nilalayo kay Annie.
"Bitawan mo 'ko, Marcus!" galit kong sigaw sa kanya at nilingon ito. Matalim ang didig ko sa kanya at dinuro ito. "Hindi ka nahihiya? pinatos mo kaming dalawa ng kapatid ko!? at binuntis mo pa si Annie!"
Hindi ko hinintay ang sagot nito dahil nilingon ko si Annie. Takot ang bahid ng emosyon nito sa kanyang mukha habang nakahawak sa kanyang bilugang tyan na akala mo ay may gagawin akong masama sa kanyang anak na nasa sinapupunan nito.
"At ikaw! Hindi ka ba nahihiya sa sasabihin ng ibang tao na makita kang ganyan!?" hindi ko na makontrol ang mga sinasabi ko dahil sa dala na rin ng emosyon. Sa lahat ng nangyayari at nalalaman ko ngayon paguwi sa bahay ay para akong mawawalan ng bait. "Pinaaral kita, Annie. Pinaaral kita. . . ginawa ko lahat para sainyong dalawa ni Anton. Binigay ko lahat ng gusto niyo. Marami pa akong pangarap sainyong dalawa at ang makapagtapos ng pagaaral ang isa roon," humihikbi kong anas.
"Hindi ko naman hiningi 'yon, Ate! Kaya huwag mo 'kong sumbatan d'yan!" sigaw din nito pabalik sa akin.
"Dahil kailangan kong gawin 'yon!" sigaw ko pabalik. "Wala ng trabaho si Mama kaya ako ang nagpoprovide ngayon para sa ating lahat at sa pagaaral niyo! Hindi ko kayang makitang maayos ang buhay ko sa ibang bansa habang kayo na nandito ay nahihirapan. Kaya sa abot ng aking makakaya nagpapadala ako ng pera rito para may pang gastos kayo!" tugon ko.
Hindi makasagot si Annie sa akin ganoon din si Marcus na nakakikinig sa amin. Parehas na galit kami sa isa't isa at mas malala ang akin. Masama ang aking loob sakanilang dalawa.
Muli kong nilingon si Marcus. "Kaya ba nakipaghiwalay ka sa akin dahil nabuntis mo 'tong si Annie?" nasasaktan kong tanong sa kanya. "Kailan pa na may namamagitan sa inyo, Marcus?" may diin kong saad.
Walang nakasagot sa katanungan ko. "Kailan pa!?" singhal ko.
"Simula noong umalis ka rito para magtrabaho ka sa Canada," tugon nito sa mahinang boses.
Pagak akong tumawa. Nahihiya siya sa naging sagot nito. Hindi ko alam na may hiya pa pala 'tong si Marcus.
"Hindi ka ba nahihiya?" tanong ko.
Pinunasan ko ang aking luha at huminga ng malalim. Wala na akong mailuluha pa dahil namamanhid na ang aking nararamdaman.
"Sa tingin mo kaya mong buhayin ngayon si Annie sa kagagawan mo?" mapait kong tanong sa kanya at nilingon ang aking kapatid. "Ikaw naman bakit ka pumatol sa ex ng ate mo, Annie? Walang wala na ba talaga?"
"Tigilan mo na siya, Anna," seryosong wika ni Marcus. "Si Annie ang nag bigay sa lahat ng pagkukulang mo simula ng umalis ka rito. Huwag kang umasta na akala mo may malaki kang naiambag sa relasyon natin. Kung tutuusin ay mas marami pang nagawa ang kapatid mo," saad nito na akala mo ay hindi niya ako kasintahan dati.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nilingon si Annie. Namumula ang mukha nito at halatang nagpipigil ng luha.
"This is unbelievable," mahina kong saad at napailing iling pa.
"Hindi na ako magtaka kung may nangyari na sainyo dahil nand'yan na ang ebidensya oh," tinuro ko ang tyan ni Annie.
Napapailing na sinulyapan ko si Marcus. "Walang naiambag sa relasyon, Marcus? Sumbatan na ba ang mangyayari rito?" halos hindi ko mapaniwalang tanong sa kanya.
"Anong nangyayari rito?" biglang tanong ni mama kakalabas lang nito sa bahay pero hindi ko ito nilingon dahil nakatuon parin ang aking pansin kay Marcus.
"Baka gusto mong i-bring up ko dito yung mga gastos ko simula ng naging tayo," seryoso kong wika sa kanya. "Sa bawat alis natin ako gumagastos ultimo pamasahe mo pauwi sa bahay niyo ako nagbibigay sa'yo," pahina nang pahina ang aking boses. "Tapos sasabihin mo kung tutuusin mas maraming nagawa si Annie kesa sa akin? Ay malamang kasi ang habol mo sa akin nung magkarelasyon tayo ay nabigay na ni Annie. Tama naman hindi ba?"
"Ikaw naman bumigay ka naman sa kanya," mariin kong wika kay Annie ng sulyapan ito.
Akala ko ay hindi na masakit pero nandito parin pala yung kirot. Parang tinutusok ng karayom ang aking dibdib.
Tumalim ang titig sa akin ni Marcus. Hindi na ako nagtaka na duruin niya ako. "Ginusto mo 'yon, Anna. Kusa mong binigay kaya bakit kailangan mong manumbat?!"
"Bakit ko 'yon ginawa!?" sigaw kong tanong sa kanya.
Nakakaagaw na kami ng atensyon sa kapitbahay namin pero wala akong pake. Kailangan nilang marealize na mali sila dahil sa ginawa nito. Si Annie ay nakikinig lang sa akin pero matalim din ang titig nito at ganoon din si mama.
"Dahil mahal kita no'n, Marcus! Ginawa ko 'yon dahil 'yon ang dahilan. Tandaan mo 'to Marcus wala akong pagkukulang sa relasyon natin bukod sa hindi pagpayag na may mangyari sa ating dalawa!" sigaw ko sa kanya. "Hindi ako pumayag dahil iniisip ko ang magiging future ng anak natin kung sakaling may mabuo!"
Hindi ko napansin na nasa gilid ni Annie si mama na inaalo ito dahil umiiyak na sa aking harapan. Si Marcus naman ay walang emosyon na tinignan ako pero ang dibdib niya ay nagtaas baba sanhi na galit ito.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ni Annie. Napailing nalang ako at mapait na ngumiti.
"Ilang buwan na 'yan?" bigla kong tanong kay Annie.
"6 months," mabilis nitong sagot.
Tumango tango ako at sinulyapan silang dalawa. "Ilang buwan nalang magkakapamilya kana. Simula ngayon hindi na ako tutulong sa'yo, Annie. Paghanapin mo ng trabaho 'yang asawa mo at siya ang bumuhay sainyong dalawa," seryoso kong anas.
"Ate!" halatang hindi nagustuhan ni Annie ang sinabi ko.
"Anna!" pagtutol ni mama.
"Bakit?" tanong ko. "Sino bang bumuntis sa'yo? Hindi ba si Marcus? Bakit ko sasaluhin gastusin niyang anak mo eh hindi naman ako bumuntis sa'yo. Kung inatupag mo lang sana 'yang pagaaral mo hindi ka hahantong sa ganito, Annie. Nagpapakahirap ako sa ibang bansa magtrabaho tapos ano? Ayan yung ibibigay mo sa akin? 'yang magiging anak niyo tapos ang malala pa galing pa sa ex ko!?"
Yumuko siya. "Mahal ko si Marcus. Natukso lang ako—"
Napapikit ako dahil sa sinabi nito. "Huwag mo 'kong bigyan ng ganyan rason, Annie. Your reason is unreasonable!"
"Ano ba, Anna! nagdadalang tao si Annie bakit ka ba sumisigaw d'yan!" galit na wika ni mama. "Gusto mo yata na malaglagan ng anak itong kapatid mo!"
Nilingon ko ito. "Ikaw rin po, mama. Alam mo palang nabuntis 'tong anak mo bakit hindi mo po agad sinabi sa akin!? Parehas kayong tatlo na naglihim sa 'kin! Hindi ko alam na iniiputan na pala ako sa ulo habang nagtatrabaho sa Canada!"
"Wala kang respeto!" dinig kong tugon nito pero hindi ko na siya pinansin.
"Sa loob ng anim na buwan na pagpapadala ko sa'yo ng tuition fee mo tulong na lang siguro 'yon sa pagpapacheck up mo sa hospital, Anna. Dahil 'yon na ang huling pera na maibibigay ko sa'yo," seryoso kong wika.
Nilingon ko si Marcus. "Maghanap ka ng trabaho at panagutan mo 'yang kapatid ko dahil simula ngayon hindi ko kayo tutulungan," wika ko. Blanko ang aking emosyon habang kausap sila. "Tumayo kayo sa sarili niyong paa. Desisyon niyong maagang mag asawa eh e'di ayan. Panagutan niyo 'yang ginawa niyo dahil hinding hindi ko kayo tutulungan."
Parang naestatwa si Annie sa sinabi ko at ganoon din si Mama. May balak pa sanang magsalita ni Mama pero mukhang hindi na niya tinuloy iyon. Tinalikuran ko sila at pumasok na sa bahay.
Bago pa makapasok sa loob ng bahay ay nilingon ko siya. "Mahigit tatlong taon niyo rin pala akong niloloko, Marcus. Pasalamat na lang na hindi ako pumayag na makipagtalik sa'yo dahil ayaw ko maging batugan ang tatay ng anak ko at walang plano sa buhay bukod sa tumambay."
Muli ko silang tinalikuran at pumasok na. Bitbit ang dalawang maleta paakyat sa second floor patungo sa kwarto kasama ang personal bag ko. Nang maisara ko ang pintuan ay sinarado ko ang pintuan at binuksan ang aircon. Wala sa sariling napatakip ako sa aking bibig at pinigilan ang sarili na huwag umiyak ng malakas.
Akala ko nailuha ko na lahat ng sakit pero hindi papala. Meron papalang sakit sa dibdib ko.
ILANG ARAW NA RIN ang nakalipas simula nung nag away kami. Walang pansinan sa bahay. Puro mataas ang pride at mas lalo na si mama. Si Annie at Marcus ay dito parin nakikitira. Doon sila sa kwarto ni Annie natutulog. Hindi ko na sila pinalayas basta magbigay lang sila ng pambayad ng tubig at kuryente ay ayos na sa akin.
Nang makapagtrabaho ako sa Canada ay inasikaso ko na mapagawaan ng second floor itong lumang bahay namin dati dahil gusto kong mabigyan ng sariling kwarto si mama, Annie, at Anton dahil alam kong kailangan nila ng privacy. Mukhang maayos ayos naman ang paggawa at maganda pa.
Nandito ako ngayon sa kwarto at nagbibilang ng pera. Dadaan ako sa city hall para kunin ang business permit. Nagpagawa kasi ako ng munting sari-sari store para may extra income kami. Sa gilid lang din ng bahay 'yon. Nalagyan na rin ng mga ibang paninda pero may idadagdag pa ako. Nilagyan ko nalang din ng pangalan iyon na pangalan ni mama.
Isa rin kasi ito sa gusto kong business. Ang makapagpatayo ng sari-sari store. Magsisimula muna ako sa maliit na tindihan hanggang sa lumaki ito. Unti untiin ko muna dahil wala pa akong trabaho ngayon. Ayaw ko naman na kumuha sa naipon kong pera dahil pang emergency lang 'yon.
Umangat ang aking ulo ng makitang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako at binuksan para makita kung sino iyon.
"Anton? May kailangan ka?" tanong ko.
"Ate, manghihingi sana ako pambili lang ng materials para sa final exam namin," tugon niya sa aking tanong.
Nasa kolehiyo na itong si Anton at architecture ang kinuha nitong kurso. Magandang kurso pero napakagastos din. Ningitian ko siya at pinapasok sa aking kwarto.
"Pasok ka muna," ani ko.
Pumasok naman siya at naupo sa dulo ng aking kama. Nilibot libot niya pa ang paningin ng kabuuhan ng aking kwarto.
"Okay na ba yung 1,500?" tanong ko habang kumuha ng pera sa isang wallet. Sinulyapan niya ako at dahan dahang tumango. "Alam ko namang magastos ang architecture. Ano? okay na ba 'yan?" tanong ko ulit sa kanya.
Tumayo siya at nilapitan ako. "Opo. Salamat ate."
Ngumiti ako at tinapik ang kanyang braso. "Mag aral ka ng mabuti, ah. Pasensya kana sa away naming dalawa ni Annie, Anton. Masama lang ang aking loob dahil nabuntis siya ng maaga. Marami akong pangarap sainyong dalawa. Kaya sana ikaw mag aral ka ng mabuti."
Tumango siya. "Ang totoo niyan gusto kong sabihin sainyo na nagdadalang tao si ate matagal na lalo na 'yung may namamagitan sakanilang dalawa ni Kuya Marcus. Ang kaso tinatakot nila ako kaya hindi ko masabi sa'yo," pagkukwento nito sa akin. "Lahat ng pera na pinapadala mong tuition fee niya kasama sa akin nung buntis na siya iniipon niya 'yon."
Ningitian ko lang siya at hindi na nakatiis na guluhin ang kanyang buhok. Mahina akong tumawa ng makitang bumusangot ito.
"Hayaan mo na. Tulong ko nalang sa kanila 'yon." tugon ko. "Hangga't maari huwag ka ng makisali sa gulo namin para hindi ka masyado maistress. Alam kong naiistress kana sa kurso mo kaya huwag mo ng dagdagan pa," natatawa kong wika.
Tumango nalang siya. "Sige. ate. Salamat po sa lahat. Ipapakita ko nalang po 'yung resibo ng napamili ko. Baka po kasi may trust issue kana sa amin."
Meron na talaga, Anton. Hindi na lang baka.
"Okay. You're welcome!"
Pagkatapos ng usapan namin ay winaksi ko na lang agad sa aking isipan ang mga sinasabi nito. Alam kong totoo sinasabi niya kahit papaano si Anton responsible sa mga ginagawa nito. May future architect na kami.
Mga bandang hapon ay dumiretso na ako sa city hall. Naging mabilis lang naman ang proseso dahil pagkuha lang naman ng business permit ang kukunin ko at wala ng iba. Ngayon ay nasa bayan ako at namimili ng magiging ulam namin mamayang gabi.
"Anna!"
Napalingon ako sa aking likuran ng may marinig na boses. Nanlaki ang aking mata ng makita si Mina. Nakapang alis ito at may backpack na dala muhkang kagagaling niya lang sa ospital.
"Mina! long time no see," nakangiti kong wika.
Mahina siyang natawa at niyakap ako ng mahigpit. Ganoon din ang aking ginawa. Siya na rin ang unang bumitaw at tinignan ako.
"Amoy Canada parin, ah," natatawa niyang wika sa akin.
Mahina akong natawa. "Baliw ka talaga."
"Kumusta na pala?" tanong nito sa akin. "Pasensya kana kung hindi na ako nakapagchat ng maayos. Grabe ang daming pasyente sa GCH kaonti nalang ako na magiging pasyente roon."
"Ano ka ba ayos lang 'no," natatawa kong tugon. "Ayos lang naman ako. Nagpatayo ako ng sari-sari store sa gilid ng bahay para may income kami
kahit papaano habang wala pa akong nahanap na trabaho."
Tumango tango siya sa sagot ko. "Ah. . . ganoon ba. May kakilala kasi ako naghahanap ng caregiver. Dito lang din sa baryo natin, kaibigan nung chairwomen natin sa baranggay naghahanap para sa anak niya. Nakailang palit na kasi nang caregiver sa anak ni Mrs. McQuoid ang kaso walang tumatagal kasi mainit palagi ang ulo ng anak niya."
Napakamot ako sa aking ulo. "Ganoon ba? P'wede naman na ako nalang pakisabi. Hindi rin naman kasi p'wede na tumambay ako rito sa bahay," natatawa kong wika. "Katatapos lang ng kontrata ko kaya kailangan ko makahanap ng trabaho. Send mo nalang sa akin yung details sa chat natin, Mina."
Lumawak ang ngiti sa kanyang labi. "Nice! Sige isend ko nalang sa chat yung iba pang detail. I gotta go! bye!"
"Bye!"
Nakangiting kumaway ako at naglakad papunta sa terminalan ng trysikel para makauwi na ako sa bahay. Nang makarating ay dumiretso na agad ako sa gate at binuksan 'yon. Hindi pa ako nakakalakad sa mismong pintuan ng bahay ay tanaw ko na agad si Marcus.
Mukhang may hinihintay siya. Umangat ang kanyang tingin at natigilan pa ng makita ako. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa aking pwesto.
"Can we talk, Anna?" he asked.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top