CHAPTER 8
CHAPTER 8
KINAKABAHAN PERO MASAYA ANG puso ko ng bumaba ang eroplano sa aking bansang kinalakihan. Malawak ang aking ngiti habang pinagmamasdan ang mga ibang eroplano na nagbaba rin siguro ng mga pasahero sa kanya kanyang pwesto nito. Hindi na ako makapaghintay at gusto ko ng makababa rito at dumiretso sa aking pamilya.
Hindi rin nagtagal ay nakababa na ako sa eroplano at dumiretso sa kuhaan ng mga bagahe hindi rin naman ako nahirapan na hanapin 'yon kaya nilagay ko na sa airport luggage cart para lumabas na sa airport. Nagpabook nalang ako ng grabtaxi at naghintay ng ilang minuto.
"Carmen sitio bario po, ma'am? Tama po ba?" tanong ng driver ng makapasok ako sa loob ng kotse.
Masyado kasing malaki ang maleta kaya nilagay nalang sa luggage compartment dahil kung sa backseat pa namin ilagay 'yon ay medyo masikip na siya.
"Opo kuya pero p'wede po ba muna na dumaan tayo sa General Central Hospital?" tanong ko pabalik.
Agad naman tumango ang driver. Kinabig na niya ang manobela pagkatapos ay pinaandar.
"Yes po ma'am. Pakisout na lang po ng seatbelt niyo for safety po," magalang nitong saad at sinulyapan ako sa salamin na nasa harapan nito.
"Ay okay po," sagot ko at sinunod ang sinabi nito sa akin.
Tipid niya lang ako ningitian ng makitang kinabit ko ang seatbelt. Nagfocus na siya sa pagmamaneho habang ako naman ay kinakabahan na hindi ko maintindihan. Mixed emotions ang nararamdaman ko.
Nakaidlip pa ako sa byahe dahil as usual wala naman ng nagbago rito sa bansa na ito dahil traffic. Medyo nasa kalagitnaan na kami ng byahe pero masasabi ko na malayo layo pa kaonti. Kinuha ko ang cellphone sa aking bag at may chinat.
Anna:
Hello, Mina. Goodmorning, may tanong sana ako kung nagtatrabaho ka parin ba d'yan sa general central hospital?
Hindi rin nagtagal ay nagreply din ito sa akin. Ang kaso medyo mabagal lang. Baka may ginagawa ito. Si Mina ay kakilala ko na nagtatrabaho sa general central hospital dati kaya tinanong ko siya ngayon kung sakaling nagtatrabaho parin ba siya roon.
Mina:
Anna, long time no see! And yes nagtatrabaho parin ako rito. Actually nandito ako ngayon at break muna namin. May kailangan ka ba?
Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Nagsimula akong magtype ng reply ko sa kanya.
Anna:
Makikisuyo sana ako sa'yo balak ko kasing supresahin si Mama. May bantay ba siya ngayon d'yan? Gusto ko sana yung siya lang mag isa para magulat talaga siya.
"Ma'am, medyo traffic po ngayon sa dinadaanan natin kaya baka matagalan tayo papunta sa pinapadaanan mo sa akin. Okay lang po ba?"
Umangat ang aking tingin sa driver ng magsalita ito. Muhkang tama siya dahil napakatraffic ngayon. Wala pa nga kami sa dulo ng stoplight ay grabe na ang mga sasakyan na nastranded sa traffic.
"Okay lang po, kuya. Hindi naman na po ako nagmamadali," tugon ko at binaba ang tingin sa aking cellphone dahil hinihintay ko ang magiging reply ni Mina sa akin.
Hanggang ngayon ay naseen niya lang at paminsan minsan ay nakikita ko ang pagpop-up ng icon na ibig sabihin n'yon ay nagtatype na siya tapos biglang mawawala.
"Baka po kasi emergency yung pupuntahan niyo po ro'n, ma'am. Kaya iniisip ko baka nagmamadali po kayo," ani ng driver sa akin habang nakatutok parin ang paningin sa kalsada.
Umaandar naman kami pero mabagal nga lang.
"Okay na po yung bibisitahin ko roon kuya kaya okay lang po sa akin. Wala rin naman po tayong magagawa sa traffic dito kaya ang magagawa nalang po natin ay maghintay nalang imbis na magreklamo," mahinahon kong tugon.
Totoo naman eh walang magagawa ang reklamo namin sa traffic na 'to. Kaya ang magagawa nalang namin ay maghintay na makalabas sa traffic na ito. Kung panay reklamo lang ay nagsasayang lang kami ng laway para sa wala.
"Tama ka naman po, ma'am. Hindi mapapaalis ng mga reklamo natin ang traffic," sagot din sa akin ng driver habang tumatawa.
Natawa nalang din ako dahil doon. Napatingin sa aking cellphone ng marinig na nagring ito sanhi na may nag chat sa akin.
Mina:
Sure ka ba na naconfine si Tita, Anna?
Kumunot ang noo ko sa reply nito. Nagsimula akong mag type sa keyboard ng cellphone ko at sinend agad sa kanya ang aking reply.
Anna:
Oo, bakit? Tinanong ko pa si Annie kung saan nakaconfine si Mama sabi niya sa GCH daw. Naaksidente kasi 'yon kaya napauwi rin ako ng wala sa oras dito sa Pinas dahil sa kanya.
Mina:
Is that so? Na double check ko na rin kasi sa system atsaka nabigla naman ako sa tanong mo kung nakaconfine ba si tita rito eh kahapon nakasalubong ko pa 'yon sa palengke.
Anna:
Huh? Anong ibig mong sabihin, Mina? Na discharge na si mama d'yan?
Naguguluhan ako sa sinasabi ni Mina. sumasakit tuloy ang ulo ko dahil doon.
Mina:
Walang record yung mama mo rito sa GCH, Anna. Si Annie lang ang merong record dito, baka nagkamali ka lang ng tanong sa akin.
Lalong lumalim ang gatla sa aking noo. Annie? May record sa GCH. Pinatay ko nalang ang aking cellphone at pinatong sa aking hita. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa mga nalalaman ko. Pilit ko winawaksi sa aking isipin na baka nagsisinungaling sa akin si Annie pero hindi naman niya siguro magagawa iyon.
Huminga ako ng malalim hanggang sa mawala ang sakit ng aking ulo. Kinuha ko pa ang tumblr ko sa personal bag ko pagkatapos ay uminom agad ng tubig.
"Kuya diretso nalang po pala tayo sa bahay," wika ko sa driver.
Mabilis siyang tumingin sa rearview mirror at tumingin din agad sa kalsada. Muhkang nabigla siya sa sinabi ko.
"Hindi na po tayo dadaan sa hospital, ma'am?" tanong nito sa akin.
Umiling ako. "Hindi na po," tipid kong sagot.
Hindi na sumagot ang driver sa akin kaya namayani ang katahimikan hanggang sa makarating ako sa bahay. Nagbayad agad ako ng pamasahe sa kanya. Tinulungan niya rin ako na ibaba ang mga maleta ko sa harap ng gate ng bahay at hindi pinansin nag ibang kapitbahay na tumitingin sa akin.
Sakto ala una ng hapon ako nakarating dito dahil ang sa traffic sa highway. Tirik na tirik ang araw at nakakadagdag lang ito ng sakit ng aking ulo.
"Ingat po kayo, kuya. Salamat po," pagpapasalamat ko sa kanya.
"Thank you din po, ma'am," nakangiti nitong tugon sa akin.
Nang makaalis na ang grabtaxi ay binuksan ko agad ang gate at pumasok na habang hila hila ang dalawang maleta. Masasabi ko naman na napaayos nila ang bahay. Ang dating puro kahoy lang ay ngayon naging semento na. Masaya ako dahil doon. Isa rin ito sa pangarap ko ang mabigyan ng maayos na tirahan ang magulang ko.
Tipid akong ngumiti at naglakad na sa mismong pintuan. Hindi ako gaano kasaya dahil sa nalaman ko kay Mina. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi pero parang nagsasabi siya ng totoo sa akin. Hindi maganda ang kutob ko rito sa totoo lang.
Pinihit ko ang pintuan at binuksan na iyon. Nakita ko agad si mama na hayahay na nanood ng TV. Ang aircon na split type ay nakabukas. Yumakap agad sa akin ang malamig ng hangin na nanggagaling sa aircon. Napabangon si mama sa pagkabigla dahil nakita niya ako sa harapan nito.
"Anna? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni mama.
Nilagay ko sa gilid ng sofa ang dalawang maleta pagkatapos ay binagsak ko sa single sofa ang personal bag ko habang nakatingin kay mama. Mukhang tama nga ang sinabi ni Mina. walang records si mama roon dahil hindi naman talaga siya nadisgrasya.
"Umuwi lang ako rito para sa wala, 'ma?" mahina kong tanong sa kanya.
Masaya ako na hindi siya nadisgrasya pero bakit kailangan nilang magsinungaling sa akin? Masaya ako dahil masasabi ko na maayos ang kalagayan ni mama ngayon.
Kumunot ang noo ni mama at nilapitan ako. Muhkang masama na ang timpla ng mood niya dahil sa sinabi ko.
"Oh. nakauwi kana pala. Hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka rito, ah," tanong ni mama at nakita ko ang pagngisi nito sa akin.
Anong meron bakit ganito na ang ugali ni mama? Hindi siya ganito dati. Malambing siya simula nung naaksidente ako pero ngayon ibang iba ito.
"Hindi po 'yan ang hinihingi kong sagot sa katanungan ko, mama," mahinahon kong tanong sa kanya. "Akala ko po ay nadisgrasya ka. Umuwi rin po ako agad dito dahil gusto mo akong makita pero ngayon makikita po kitang ganito?"
Tumalim ang tingin ni mama sa akin at dinuro. "Anong gusto mo makita nanay mo na nagaagaw buhay sa ospital?!" singhal nito sa akin. Pagak siyang tumawa at tinignan ako simula ulo hanggang paa. "Ngayon lang ako nakarinig ng ganito. Sariling anak gusto makitang nadisgrasya ang nanay. Imbis na maging masaya lang na walang nangyari sa akin nagkukuda-kuda ka d'yan!"
Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Naninikip ang aking dibdib. Bawat sigaw at salita nito ay nasasaktan ak. Paminsan minsan pa ay napapapikit pa dahil sa malakas nitong boses.
"Hindi naman sa gano'n, mama. Ang totoo niyan masaya naman po ako na walang nangyaring masama sa'yo pero bakit po kailangan niyong magsinungaling sa akin para lang makabalik ako rito?" mahina kong wika sa kanya. Tinago ko ang nanginginig kong palad at mahinang napaubo dahil sa gumagaralgal ang aking boses.
Hindi ko alam na hahantong kami sa ganitong away ni mama.
"Eh nandito kana! Anong gusto mo babalik ka ro'n? Iiwan mo na kami?" galit nitong tanong sa akin.
Namumula na ang muhka nito sa galit habang ang kanyang mata ay nanlilisik sa akin.
"Saan na po yung pera na dapat ipanggagastos sa ospital mo? Ibalik po natin sa banko 'yon, mama. Para naman may pandagdag ipon kahit papaano habang nandito ako," pakikiusap ko sa kanya.
Napatabingi ako sa ginawa nito. Mahapdi ang aking kanang pisngi at natulala sa ginawa nito.
"Hanggang ngayon kuripot ka parin talaga 'no? Pera na binigay mo sa amin babawiin mo? Iba rin takbo ng utak mo, Anna," tila hindi makapaniwalang saad ni mama. "Sabagay iba rin talaga siguro utak mo kasi may amnesia ka."
Napalunok ako sa sinabi nito. Wala akong nagawa kundi mapayuko nalang dahil sa mga sinasabi nito. Wala akong laban sa kanya kaya nanahimik nalanga ko. Lahat ng gusto niya habang nasa ibang bansa ako ay binibigay ko sa kanya para wala na siyang masabi sa akin.
"Huwag na huwag kang magiging kuripot pag magbibigay ka sa akin, Anna. Dahil ako ang ina mo. Ako ang nagluwal, nag-alaga, nagpalaki at nagpalamon sa 'yo noong bata ka palang. Kaya obligasyon mo na ibigay sa akin ang pangangailangan ko ngayon dahil ikaw na ang may trabaho ngayon," panunumbat nito sa akin.
Nanghihina ang aking tuhod kaya napaupo nalang ako sa single sofa habang lumuluha. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na umiyak dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi nito.
"Sinasabi ko sa 'yo, Anna. Huwag na huwag kang umiiyak sa harapan ko at lalo lang umiinit ang ulo ko," iritado nitong wika at mahinang sinabunutan ang aking buhok bago umakyat sa pangalawang palapag ng bahay.
"Wala talagang kwenta kahit kailan," dinig kong bulong nito.
Ako nalang ngayon ang nagiisa sa sala. Hanggang ngayon ay nakabukas parin ang TV at iyon nalang ang nagsisilbing ingay bukod sa aking mahihinang hikbi.
Nagsinungaling sila sa akin. Nagsinungaling sila sa akin. Para akong baliw ngayon dahil paulit ulit siya sa aking isipan. Napahawak ako sa aking ulo at impit na napaiyak. Ayaw ko ng ganito. . . sabihin nalang nila sa akin na gustong gusto na nila akong makita para umuwi ako rito dahil gagawin ko 'yon. Uuwi ako rito pero hindi sa ganitong paraan. Niloko lang nila ako nadisgrasya si mama.
Natatakot ako dahil pakiramdam ko ay ang totoong ugali ni mama ay lumabas ngayon. Pakiramdam ko ay palabas lang ang pagpapalambing nito sa akin lalo na pag may kailangan sa akin mapa pera man iyan o bagay na gusto niya. Binibigay ko naman agad iyon at iniintindi nalang dahil matanda na rin ito.
Umangat ang aking ulo ng marinig ang boses ni Annie sa labas ng bahay. Pinunasan ko ang aking luha at tumayo para salubungin ito at supresahin na rin. Muhkang hindi lang si Annie ang nasa labas may naririnig rina kong boses. Sa tingin ko ay baka si Anton ito.
Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pintuan.
"Hi, Annie–"
Naglaho ang aking ngiti ng makita siya. Parehas kaming nagkagulatan ganoon na rin ang kasama nito sa gilid. Ang iniisip ko si Anton ang kasama niya pero hindi.
Si Marcus ang kasama nito.
"A-ate..." mahinang tawag ni Annie sa aking ngalan pagkatapos ay wala sa sarili itong napahawak sa kanyang tyan.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top