CHAPTER 7
CHAPTER 7
HANGGANG SA PAGPASOK ko sa trabaho ay hindi mawala sa aking isipan ang text ng kapatid ko. Nagreply ako sa kanya na gagawan ko ng paraan para maka-uwi pabalik sa Pilipinas dahil gusto ko rin makita ang kalagayan ni Mama.
"Ano raw sabi, Anna?" tanong ng kasama ko.
"Bago matapos yung shift ko saka sasabihin kung p'wede ako bumalik sa Pinas," sagot ko at napahilamos sa aking muhka.
Naramdaman ko ang mahinang pagtapik niya sa aking balikat. "Magiging maayos din ang lahat huwag ka mag-alala."
Nang tignan ko ito ay tipid lang siyang ngumiti sa akin. Ningitian ko rin siya at hinawakang ang kanyang kamay na nasa aking balikat.
"Patapos na rin naman na yung kontrata ko rito kaya sana naman mapayagan na ako," mahina kong wika. Hindi talaga maalis sa isipan ko si Mama.
Magiging panatag lang ang loob ko kung makita ko siya at malaman ang kalagayan nito. Alam ko naman na dapat hindi dalhin ang mga problema sa pagtatrabaho pero hindi ko maiwasan na isipin siya.
Mahina akong napadaing ng biglang kumirot ang aking ulo. Huminga ako ng malalim para kahit papaano ay mawala ang sakit no'n.
"Makakauwi ka rin sainyo. Sa awa ng diyos—ayos kalang ba?" dinig kong tanong nito.
"Sumasakit lang ulo ko," sagot ko.
Tumayo ako ay inabot ang tubigan na nakapatong sa lamesa ay ininuman 'yon. Nakalahati ko agad iyon pagkatapos ay binalingan ng tingin ang kasama ko.
"Okay na," nakangiti kong ani.
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil do'n. Kinuha niya na ang nga gamit nito at naglakad papunta sa pintuan. Patapos na rin kasi ang breaktime namin kaya kailangan na bumalik ulit sa pagtatrabaho.
"Kapag masakit parin ulo mo may gamot ako d'yan sa drawer ko kumuha ka nalang," seryoso niyang wika sa akin. "Mauna na ako. Bye," pagpapaalam nito sa akin.
"Sige, thank you. Sunod nalang din ako," sagot ko.
Niligpit ko muna ang mga kalat ko rito bago lumabas na rin. Hindi rin naman ako nagtagal doon dahil mabilis ang aking kilos. Inisangtabi ko muna ang pag iisip kay mama para makapag focus ako sa pagtatrabaho hanggang matapos ang shift ko ngayon.
Annie:
Nakapagpadala kana ba raw, teh? Kailangan kasi ni mama ng pera. Hanggang ngayon kasi naka confine parin siya sa hospital para ma-monitor siya ng mga doctor.
Pinunasan ko ang aking kamay ng mabasa ang chat sa akin ni Annie. Patapos na ngayon ang shift ko. Kumakain lang ako kaonti at maya maya ay aayusin ko na ang aking gamit para sa pag-uwi.
Anna:
Pag-uwi ko nalang. Nasa trabaho pa kasi ako ngayon atsaka malapit na rin naman na out ko. Mag send nalang ako ng control number dito kapag nakapagpadala ako.
Binulsa ko ang cellphone ko at sinakbit ang aking backpack. Nag biometrics attendance rin ako bago dumiretso sa office. Nag text na rin kasi ang manager nitong pinagtatrabahuan namin na kakausapin niya raw ako patungkol sa maagang uwi ko sa Pilipinas.
Nang makarating ako sa office ay tatlong katok ang aking ginawa bago may nagsalita sa loob.
"Come in."
Pumasok na ako at binati ang manager. Siya ngayon ang namamahala dito sa Life-cared home isa itong home of the age. Dahil ang may ari nito ay nasa main branch kaya ang manager muna ang nag aasikaso rito. Itong pinagtatrabhuan ko ay isang sikat na branch ng Life-cared home rito sa Canada.
"Goodevening po, Ma'am," magalang kong bati.
"Goodevening din, Anna," sagot nito.
Sumenyas ito na maupo ako sa isang bakanteng upuan malapit sa lamesa nito. Naglakad ako papunta roon ay naupo. Si Ma'am Lina ito isa rin siyang Filipina worker dito sa Canada. Maswerte nga ako at may kabayan ako na nakatrabaho rito kahit papaano ay hindi ako masyado na hohomesick dahil may kasama ako rito sa trabaho na kalahi ko.
"I already read your request regarding sa pag-uwi sa Pinas, Hija," simula nito at may binasa saglit sa hawak nitong papel. "Since patapos narin ang kontrata mo ilang araw nalang na-aprubahan ito at p'wede ka ng makabalik sa Pinas. Atsaka nalaman ko rin naaksidente ang mama mo tama ba?" tanong nito sa akin.
Tumango ako ng maraming beses. "Yes po."
"Hmm. . . okay," tanging sagot nito at may kinuha sa drawer nito pagkatapos ay may nilahad siya sa akin na puting sobra dalawa 'yon. "Heto yung plane ticket mo at itong isa pocket money."
Napatanga ako sa sinabi nito at wala sa sariling tinanggap ang binigay niya. Nanginginig pa ang aking palad. Sinigurado kong totoo ba ito o namamalikmata lang ako.
"Sa susunod na araw na ang alis mo. May isang araw ka pa para makapaghanda ng mga gamit mo. Thank you for your hardwork here, Anna. Ingat ka sa byahe pa Pinas."
Tumayo ako at wala sa sariling hinawakan ang kamay niya. "Thank you very much po," naiiyak kong sagot.
Tipid siyang ngumiti sa akin at tinapik ang aking balikat.
"You deserve it. Masyado kang masipag dito at kailangan mo rin minsan makita ang naiwan mong pamilya sa Pinas. Ingat ka ro'n."
Tumango ako ng ilang beses at pinunasan ang aking luha.
"Thank you ulit, Ma'am. Mag-iingat pa ako sa byahe huwag po kayong mag-alala," tugon ko habang nakangiti.
Muli akong nagpaalam bago lumabas sa office nito. Dumaan ulit ako sa room kung saan nakalagay ang mga gamit namin para magpaalam sa co-worker ko na lagi kong kasama rito.
"Uy!"
Napaatras kaming dalawa ng magkasalubungan sa pintuan. Muhkang nagmamadali ito.
"Magpapaalam na sana ako sa'yo. Na-approve yung request ko at sa susunod na araw na ako aalis," nakangiti kong wika sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mata at napasinghap. Hindi na ako nakapalag ng yakapin niya ako ng mahigpit. Mahina akong natawa dahil doon at niyakap din siya ng mahigpit. Heto na rin kasi ang huling araw na magkasama kaming dalawa.
"Omg! mabuti naman at pumayag sila," masayang ani nito. "Ingat ka sa byahe mo, ah."
Tumango ako. "Oo naman. Maraming salamat sa'yo ah. Kung wala ka siguro grabe homesick ko rito."
Natawa ito at mahinang hinampas ang aking braso. "Ano ka ba maliit na bagay. Importante ngayon ay makakauwi kana."
"Kaya nga. Mauna na ako sa'yo. Magpapadala pa kasi ako ng pera sa kapatid ko baka magsara na 'yon kung hindi ko pa dadalian," pagpapaalam ko.
Ngumiti siya sa akin. "Go. Ingat ka ulit. See you soon, Anna."
"See you!"
MEDYO MAHABA HABA ang pila rito sa pagpapadalhan ko ng pera. Nagwithdraw din ako ng pera para pangdagdag sa pocket money ko. Maganda na ang may extra kesa sa wala. Lalo na kung sakaling magkaroon ng emergency sa flight atlis may magagamit agad na pera.
Annie:
Teh kailangan din pala namin ni Anton ng pangbayad sa tuition fee baka may extra kapa raw d'yan sabi ni mama. Kahit isabay mo nalang daw sa ipapadala mong pang gastos sa ospital ni mama ngayon. Baka kasi hindi kami makapag final exam kapag hindi pa nakabayad sa tuition.
Anna:
Sige. Ichat ko nalang agad dito yung control number kapag nakapagpadala na ako. Masyadong mahaba pila rito. Maghintay nalang ako.
Annie:
Okay.
Binalik ko sa bulsa ang cellphone ko at pumasok na sa loob para mag fill up. Nilagay ko rin kung magkano ang ipapadala ko. Nang matapos ako ay binigay ko agad 'yon sa babae at nag hintay na tawagin ang pangalan ko para ibalik ang kopya kasama na ang control number.
Kinuhaan ko lang iyon ng litrato at sinend sa kanya. Sineen niya lang 'yon at hindi na nagreply sa akin. Hinayaan ko nalang 'yon pagkatapos ay dumiretso na sa apartment ko.
Nagluto agad ako ng aking makakain pagkapasok ko sa apartment. Diretso kusina ako para magsaing ng kanin bago maligo. Nang matapos ay nagsuot agad ako ng malambot na pajama at sando na puti pero pinatungan ko lang 'yon ng brown cardigan dahil medyo malamig na ang klima rito sa Canada.
Pagtapos ko sa lahat ng gawain dito sa apartment ko ay kumain na agad ako. Tanging pagtunog lang ng kutsara at tinidor sa plato ang naririnig ko pero ayos lang 'yon naman ang gusto ko. Tahimik ang lugar at walang maingay.
Nagpahinga agad ako sa sala at binuksan ang TV para makanood ng movie. Bumaba ang tingin ko sa center table ng biglang may nag ring sa cellphone ko.
Annie:
Teh, nakuha na pala ni Marcus yung pera.
Pinatong ko ang aking paa sa lamesa at nagsimulang magtype sa keyboard.
Anna:
Kunin niyo na yung ibabayad niyo ni Anton sa tuition fee. Yung pambayad sa ospital ni Mama kunin niyo na rin. Ipangbukod bukod niyo lahat para hindi kayo mahirapan.
Annie:
Ok.
Anna:
Atsaka nga pala Annie. Kuya Marcus ang tawag mo sa kanya, okay? Bakit hindi kana marunong mag Kuya kay Marcus? mas matanda siya sa 'yo.
Annie:
Oa mo ilang taon lang agwat namin.
Anna:
Kahit na.
Sineen niya nalang ang chat ko at hinayaan ko nalang din. Nilapag ko ulit ang cellphone sa lamesa at nanood na ng TV.
Pumasok tuloy sa aking isipan si Marcus. Hindi na kami nagusap simula nung nagaway kami dahil sa pagpilit nito na makipagtalik na raw ako sa kanya.
Napailing nalang ako at winaksi sa aking isipan ang bagay na 'yon. Kung mahal niya ako ay maiintindihan niya kung bakit ayaw ko na may mangyari sa amin.
Iisipin ko nalang ay ang pag empake ko at pagbili ng pasalubong kahit mga biscuit dito. Kada pasko naman ay nagbibigay ako ng regalo sakanila kaya ayos naman na siguro 'yon.
MAAGA PALANG AY nagising na agad ako para maglinis ng buong apartment dahil pagkatapos no'n ay mageempake na ako ng mga gamit sa maleta ko.
Dalawang malaking maleta 'yon dahil iuuwi ko rin ang mga personal kong gamit na nabili ko rito. Ang dami kong ganap ngayon ang mga nabili kong pasalubong ay nakalagay na sa isang maleta kasama ang mga sapatos ko habang ang natirang isang maleta ay nandoon ang mga damit ko.
"Muhkang okay na 'to," nakangiti kong wika habang hinihingal pa. Sinubukan kong buhatin ito at medyo mabigat siya pero kaya ko pa naman.
Nagpahinga muna ako saglit sa upuan at uminom ng tubig. Habang umiinom ay wala sa sariling napatingin ako sa angklet na nakapatong sa center table. Nilabas ko 'yon sa pouch dahil balak kong soutin iyon pag-alis ko bukas.
Binaba ko ang baso sa center table at kinuha ang angklet.
"I'm the one who gave that to you when we're young."
Mahina akong napadaing ng biglang sumakit ang aking ulo. Nabitawan ko ang angklet at napahawak sa ulo ko. Para akong minamigraine pero grabe ang sakit no'n.
Malinaw ang boses pero ang kanyang muhka ay malabo. Nasa loob ako ng isang clinic at may kausap ako na lalake. Hindi ko makita ang kanyang muhka pero ang buhok nito ay malaginto at parang makintab pa.
Huminga ako ng malalim at kumunot ang aking noo. Pilit kong inaalala kung sino 'yon dahil hindi na rin bago sa akin makita ang lalake na 'yon. Minsan ay sa panaginip ko ay nakikita ko siya. Na nasa tabing dagat kami kumakain ng barbecue habang nag uusap.
Napabuga nalang ako ng hangin dahil sumakit lang ang ulo ko sa pinaggagawa ko kaya binabayaan ko nalang. Baka makikita ko ang muhka no'n pero hindi pa ngayon siguro.
Nang makakuha ng sapat na lakas para maipagpatuloy ko ang pageempake ay tinapos ko na 'yon agad ng makapagpahinga na.
Anna:
Annie, anong ospital si mama naka confine?
Annie:
General Central Hospital. Uuwi ka ba rito?
Anna:
Hindi ko pa alam. Hindi pa naman nagtext sa akin yung boss ko kung papayagan ako o hindi.
Mas maganda na hindi ko sabihin sa kanila na uuwi na ako bukas. Gusto ko na biglaan. Parang munting surprise na rin sakanila.
Annie:
Bukambibig kana ni mama dito. Umuwi kana raw dito sa Pinas.
Anna:
Makakauwi rin ako d'yan pero hindi pa siguro ngayon.
Hindi na nagreply si Annie sa halip ay sineen niya lang ako. Napailing na lang ako dahil do'n.
Kinabukasan ay heto na nga ang pinakahihintay ko ang aking pag alis papunta sa Pinas. Dala dala ang aking personal bag ay pumasok na ako sa eroplano at sinalubong ako ng isang flight stewardess.
"Welcome aboard, Ma'am."
Ningitian ko siya at pumasok sa pinakalooban. Malamig na sa loob at may ibang pasahero na ang nakaupo sa kanya kanya nitong upuan. Naglakad pa ako dahil sa tingin ko ay medyo malayo pa ang aking upuan.
Sa bandang gitna pala iyon. Maganda ang napiling seat dahil tabi ko ang bintana. Naupo na agad ako at naglagay ng earphone para makinig ng tugtog.
"Welcome to FlightMaster airline..."
Tinanggal ko agad ang earphone ko ng marinig ang announcement para makinig. Nagsabi rin ito ng mga instructions kung paano maglagay ng seatbelt at mga ibang bagay pa.
Naging mabilis lang din ang nangyari at heto na nga umaandar na ang eroplano at ready na sa paglipad nito. Bago pa makalipad sa himpapawid ang eroplano ay nagring ang cellphone ko ng mabasa ko ang chat ay natigilan ako.
Marcus:
Let's break up, Anna. I don't want this relationship anymore.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top