CHAPTER 45

CHAPTER 45

THIRD PERSON'S POV

WALA PA RIN BALITA SA operasyon ni Anna. Pagkatapos ng pag-wawala ni Kristoff sa labas ng operation room ay nilabasan sila ng isang doktor, sinabihan na nakakaagaw na raw sila ng atensyon ng ibang tao kaya pinabalik sila sa kuwarto ni Anna.

Kahit na ayaw niya ay walang nagawa si Kristoff at sinunod na lang. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Nasa isang single sofa ito at nakatukod ang kayang siko sa tuhod habang nakasubsob ang kanyang mukha sa palad nito. Ang isang paa niya ay nagkukuyakoy.

Doble ang kanyang kaba na nararamdaman dahil hindi man lang siya sabihan ng doktor sa naging kalagayan ng asawa nito. Kung maayos na ba o hindi. Para siyang masisiraan ng ulo at titigil lang 'yon kung nakita na niya si Anna na ligtas.

"Son, drink your water muna," mahinang wika ni Marina at nilapitan ang kanyang anak.

Awtomatik na inangat ni Kristoff ang kanyang ulo. Doon niya nakita ang kanyang ina na may bahid na pag-alala sa kanyang mukha habang nakatingin kay Kristoff. Tinanggap niya ang baso na hawak nito na naglalaman ng tubig.

"Thank you, mom," Kristoff whispered.

Ininom niya ang tubig at pinatong sa center table. Muli na naman siyang natulala sa kawalan habang hindi inaalis sa kanyang isipan ang kanyang asawa. Nakaramdaman ng awa si Marina sa kanyang anak.

Cupid really shot an arrow in his heart. He is definitely in love. Marina said in her mind.

Napailing na lang ang ginang ng bigla 'yon pumasok sa kanyang isipan. Hindi naman papakasalan ni Kristoff si Anna kung hindi niya ito mahal. Hindi tutulong sa pag-gatos ng mga hospital bills si Kristoff kung hindi niya mahal si Anna. kahit hindi sabihin ni Kristoff sa kanyang ina ay alam na ni Marina na mahal na mahal ng kanyang unico hijo si Anna.

Baliw na siguro si Kristoff dahil inoorasan niya ang pagoopera nila sa kanyang asawa. Limang oras na nasa operation room si Anna. kaonting oras na lamang ay makakalabas na siya.

Naputol ang kanyang iniisip ng biglang may kumatok. Tumayo siya at nagtungo sa pintuan ng kuwarto upang buksan 'yon. Ang kanyang ama ay busy sa isang sulok dahil abala na ngayon sa kanyang trabaho. Mas pinili niya muna na mag work from home dahil kay Anna at si Marina naman ay siya rin muna ang humawak sa trabaho ng kanyang anak. Wala pa sa sarili si Kristoff ngayon dahil alam niyang hindi makakapagisip ng maayos dahil kay Anna.

"Ako na magbubukas," biglang sambit ni Kristoff ng makitang naglalakad si Annie patungo sa kanya.

"Okay po," magalang na tugon ni Annie.

Pinihit niya ang doorknob at tuluyan na binuksan ang pintuan. Doon bumungad sa kanya ang isang lalaki. May katangkaran din ito pero mas matangkad pa rin sa kanya si Kristoff. Naka puting shirt polo ito at black slacks, naka tuck in 'yon sa slacks na sout at nakabukas ang dalawang butones ng kanyang polo. Mukhang kagagaling din sa kanyang trabaho. Awtomatik na kumunot ang noo ni Kristoff dahil hindi niya kilala kung sino ang tao na sa kanyang harapan.

Baka nagkamali lang ng pinagkatukan na pintuan? Tanong ni Kristoff sa kanyang isipan.

"Who are you?" Kristoff asked. "Baka mali ka lang ng pinuntahan na kuwarto," dugtong nito.

Tumikhim ang lalaki at napasulyap sa gilid. Doon niya nakita si Annie na nakaharap sa loob ng kuwarto dahil kausap siya ng ina ni Kristoff, tinatanong kung sino ang lalaki sa labas.

"Goodafternoon ako pala si Marcus," pagpapakilala ng lalaki. "Nandiyan naman si Annie hindi ba?"

Napantig naman ang tenga ni Kristoff ng marinig ang pangalan nito. Hindi niya maiwasan na tignan ang kabuuhan ng lalaki sa kanyang harapan.

So this is Marcus? He's my wife's ex-boyfriend. Hindi napigilan ni Kristoff na umismid sa kanyang sinabi sa isip nito. He's the bastard who tried to force my wife to have sex with him. Kahit matagal na 'yon at wala pa silang koneksyon sa isa't isa ng kanyang asawa ay hindi niya maiwasan na kumulo ang dugo nito.

Wala sa sariling inayos ni Kristoff ang kanyang postura sa harapan ng ex-boyfriend ng kanyang asawa na ngayon ay asawa na ng kapatid nito na si Annie. Nilahad niya ang kanyang kamay kay Marcus.

There's no need to be jealous. He's just her ex-boyfriend. Wika ni Kristoff sa kanyang isipan.

Panalo pa rin si Kristoff dahil asawa na nito si Anna. at wala siyang dapat ika-selos dahil mas lamang pa rin si Kristoff kaysa kay Marcus. Kung nandito lang si Anna ay alam niyang aasarin siya nito dahil sa kanyang nararamdaman.

"I'm Kristoff McQuoid. Anna's husband, Anna Clarise Santiago-McQuoid," seryosong tugon ni Kristoff at diniinan pa ang apelyido nito para ipamukha na asawa na siya nito. "And yes, Annie is here. Anong pakay mo sa kapatid ng asawa ko?" tanong niya kay Marcus.

Para namang nabato si Marcus sa kanyang kinatatayuan na may pagtataka sa kanyang mukha. Hindi niya alam kong sinasadya ba ni Kristoff na sabihin iyon o ano.

"Kuya Kristoff, nakalimutan ko pong sabihin sainyo na bibisita siya rito pagkatapos ng operasyon ni Ate Anna. Mukhang nga lang po yata napaaga," pag-singit ni Annie.

Nakadungaw si Annie sa gilid ni Kristoff dahil hindi parin umaalis si Kristoff sa pwesto nito. Naramdaman niya na kumibot ang kanang mata nito sa narinig niya.

"Bibisita?" alanganin siyang tumingin kay Annie.

Kumibot na naman ang kanan niyang mata.

Dahan dahang tumango si Annie. Tumaas ang kanyang kamay at nag senyas na kumalma ito dahil mukhang nakuha agad ni Annie ang ibig sabihin kung bakit gano'n ang naging reaksyon ni Kristoff.

"Bibisita lang po bilang kaibigan, Kuya Kristoff," kinakabahan at nakangiwing tugon ni Annie.

Naningkit ang mata ni Kristoff ng binalingan niya ng tingin si Marcus. Bumaba ang tingin nito sa dala ng lalaki. May hawak na bulaklak. Kulay puti iyon na may halong pula.

Don't tell me he's going to give that thing to my wife!? Galit na wika ni Kristoff sa kanyang sarili.

"Annie, walang mag ex na nagiging kaibigan," sagot ni Kristoff.

"Don't worry this flowers is not for Anna, Kristoff," pagsingit ni Marcus.

"I'm not talking to you," sagot ni Kristoff habang ang kanyang kilay ay magkasalubong.

"Nagpapaliwanag lang ako—"

"Marcus!" pinandilatan ni Annie ng mata si Marcus ng sumabat pa ito.

Mahinang tinapik ni Annie ang braso ni Kristoff.

"Kuya Kristoff, nakikipag-ayos po sa akin si Marcus para na rin po sa pamilya namin. Kaya po siya nandito kasi gusto niya rin makausap si Ate Anna tungkol sa relasyon namin. Ayaw ko pong maranasan ni Ashley ang broken family kaya sinusubukan po namin na ayusin 'to sa pangalawang pagkakataon," pagpapaliwanag ni Kristoff.

Napabuntong hininga na lang si Kristoff at binuksan ng tuluyan ang pintuan para makapasok si Marcus.

"Thank you," mahinang wika ni Marcus ng makapasok sa loob.

Nang mapansin ni Annie na mukhang okay na ang kanyang sinabi kay Kristoff ay nauna na siyang maglakad pabalik sa pwesto nito kanina. At bago pa masundan ni Marcus si Annie ay hinawakan ni Kristoff ang balikat nito. Bahagya siyang yumuko para ilapit ang kanyang bibig sa tenga ni Marcus.

"Alam ko lahat ng ginawa mo kay Anna, Marcus. At alam ko na wala pa kaming koneksyon ni Anna sa panahon no'n pero sa tuwing naiisip ko ang kinukwento niya sa akin tungkol diyan umiinit parin ang dugo. I hope that you have already grown as a matured man and changed. Concern lang ako kay Annie dahil parang kuya niya na rin ako dahil kasal kami ng ate niya," seryosong sambit ni Kristoff.

Hindi agad nakapagsalita si Marcus sa sinabi ni Kristoff. Nagawa niya na lang ay tumango at sinalubong ang walang buhay at seryosong asul na mga mata ni Kristoff.

"Nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa kong kasalanan, Kristoff. Huwag kang mag-alala ginagawa ko na ang dapat gawin ngayon. Tinatama ko na rin ang mga maling desisyon na nagawa ko noon," seryosong tugon ni Marcus. "Kaya nandito ako ngayon para makausap si Anna tungkol din sa relasyon namin ni Annie."

Mukha namang seryoso naman ang sinasabi ni Marcus at desidido talaga siya sa kanyang gagawin kaya mahina niyang tinapik ang braso nito. Simpleng tapik para ipaalam kay Marcus na naiitindihan niya ang kanyang sinabi.

"That's good to hear, Marcus," tipid na tugon ni Kristoff.

Pero sa isip isip nito ay sana ay totoo ang kanyang sinasabi at huwag sana siyang biguin nito. Lahat ng tao ay deserve ng second chance pero para lang 'yon sa mga tao na alam niya na karapatdapat.

Binigyan siya ni Marcus na tipid na ngiti at bago pa siya makapasok ay muli itong nagsalita.

"Congratulations nga pala sa kasal niyo ni Anna," sambit ni Marcus.

"Thank you," simpleng tugon ni Kristoff.

Nang makapunta na si Marcus sa pwesto ni Annie ay saka niya lang sinarado ang pintuan at nilock. Bumalik siya sa kanyang kinauupan kanina at pinagmamasdan niya ang mga kasama nito sa buong kuwarto.

Pinakilala ni Annie si Marcus sa magulang nito at respeto na rin dahil sa biglang pagsulpot nito. Napabuntong hininga si Kristoff ang tinanggal ang sout nitong baseball cap. Wala siyang pakielam kung lumantad sa kanilang harapan ang kalbo nitong ulo. Bakit siya mahihiya? Ginawa niya ito para sa asawa niya.

Bilang suporta at ayaw niya na maramdaman na nag-iisa lang siyang lumalaban sa sakit nito.

Noong mga panahon na hindi siya nakakalakad dahil sa natamo nito na disgrasya ay si Anna ang nag-alaga sa kanya. Siya lang din ang nakakatiis sa ugali nitong pagiging mainitin na ulo dahil hindi siya nakakalakad. Kaya ngayong si Anna naman ang may sakit gusto niyang iparamdam na handa siyang alagaan ang kanyang asawa hanggang sa gumaling ito.

Sa tabi niya ito hanggang sa tuluyan siyang gumaling. At kahit gaano pa kamahal ang gastusin ay ayos lang sa kanya dahil mahal naman niya si Anna. hindi siya manghihinayang na maglabas ng pera para gumaling ang kanyang asawa.

Ganoon na rin talaga siguro kapag nagmamahal ka.

ANNA'S POINT OF VIEW

PARANG LUMUTANG ANG AKING katawan ngayon. Nakakapanibago nga lang dahil parang gumaan na ang katawan ko. Hindi katulad dati na parang mabigat palagi at halatang may nararamdaman na sakit. Ibang iba na talaga ngayon.

Hindi maalis sa aking isipan ang naririnig ko. Pamilyar na boses na paulit ulit kong naririnig sa aking isipan.

"Let me in! I need to see my wife!"

"Hon! Anna! Don't die, I need you! We need you, my wife! Don't die please, I'm begging you!"

Kilala ko kung sino 'yon. Ang boses na 'yon ay kay Kristoff. Boses ng aking asawa. Hindi ko alam pero biglang nanginit ang dulo ng aking mata at nagbabadyang tumulo ang mga luha kahit na nakapikit ako.

Dahan dahan kong dinilat ang aking mata. Bahagya pa akong napapikit dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa labas nitong kuwarto. Nandito na ulit ako sa kuwarto na isa sa tinutulugan ko rito sa hospital.

May kaba sa aking dibdib, parang tinatambol 'yon. Sobrang lakas ng tibok ng aking puso at wala sa sarili na hinawakan ang aking benda sa ulo. Buhay ako. Ibig sabihin successful ang opera sa akin.

"Buhay ako," mahina kong sambit sa aking sarili. Napatakip ako sa aking bibig at hindi na napigilan na humikbi. Patuloy lang sa pag tulo ang aking luha pababa sa pisngi. "Buhay ako. Magaling na ako," paulit ulit kong wika.

Napasulyap ako sa isang tao na natutulog sa gilid ng aking kama. Nakaunan ito sa kanyang braso at mahimbing na natutulog. Kilala ko na agad kung sino ito dahil hindi lang ako ang kalbo rito kundi si Kristoff din, ang asawa ko.

Umangat ang aking kamay at hinaplos ang ulo nito. Nadismaya lang ako dahil wala na ang mahaba niyang buhok. Naninibago lang talaga ako dahil mas sanay ako sa mahaba nitong buhok.

"Toffy," I called him.

Bahagyang tumagilid ang aking ulo at tinignan ng maigi ang kanyang mukha. Halata sa kanyang mukha na pagod na pagod ito. Ano naman kaya ang ginawa niya bakit ganito ito.

"Toffy," muling tawag ko sa kanyang ngalan.

Nang hindi pa rin siya gumalaw sa pagtawag ko sa kanya ay nilibot ko na lang ang paningin sa buong kuwarto. May mga bag na nakapatong sa mahabang sofa at meron isang flower bouquet. Parehas sa bulaklak na hawak ko no'ng kinasal kami rito sa simbahan ng ospital.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi at muling binaba ang tingin sa aking asawa. Nag-abala pa talaga ito sa pagbili ng bulaklak.

Nandito pa rin sila Tita Marina, Tito Alex at Annie dahil ang mga gamit nila ay nandoon pa. Natatandaan ko 'yon. Baka lumabas lang kaya naiwan dito si Kristoff. Mahina akong napasinghap ng maramdaman ang kamay ni Kristoff sa aking kamay. Mabilis niyang pinagsiklop 'yon at pinisil pisil pa.

"Toffy, nakakagulat ka naman," bigla kong sambit at napahawak sa aking dibdib.

Nakayuko parin ito habang nakahawak sa aking kamay. Kumunot ang aking noo ng makitang nagtaas baba ang kanyang balikat at sumunod na ro'n ang kanyang mahinang pag-iyak. Agad naman akong nahawa sa pag-iyak nito. Nasundan pa niya 'yon ng paghikbi.

"Why are you crying?" lumuluha kong wika.

Hinawakan ko ang kanyang baba at unti unting tinaas para makita ang kanyang mukha. Namumula ang mata nito at patuloy lang sa pag-agos ang kanyang luha. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at naupo sa aking tabi.

"Why are you crying, hon?" tanong nito pabalik sa akin habang umiiyak din.

Mahina akong natawa kahit na lumuluha sa kanyang harapan. "Ikaw ang tinatanong ko. Para tayong tanga umiiyak dito. Naiiyak ako kasi nakita kitang umiiyak," garalgal ang aking boses ng sagutin ang tanong nito.

Dahan dahan niya akong hinila patungo sa kanyang direksyon at kinulong sa kanyang bisig. Maingat at hindi masyadong mahigpit ang yakap na binigay niya sa akin.

"I'm just happy that the operation is successful, hon," he whispered while sobbing on my shoulder.

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at huminga ng malalim. Tumango tango ako habang tinatapik ang kanyang likod para tumahan na sa pag-iyak.

"Ako rin, Toffy. Masaya rin ako na naging maayos ang operasyon nila sa akin," nakangiti kong tugon sa kanya.

Tumigil na ako sa pag-iyak pero itong asawa ko ay patuloy parin sa pag-iyak. Medyo humigpit ang yakap niya sa akin pero ang yakap no'n ay sakto lang na hindi ako masaktan. Hinawakan niya ang aking balikat at tinulak para makita ang kabuuhan ng aking mukha.

"Did you know that we almost lost you," kuwento nito sa akin. "Bumaba ang heart rate mo, hon. Para akong mababaliw ng malaman ko 'yon. Kaya sobra yung kaba na naramdaman ko no'n. Akala ko mawawala ka. Akala ko mamamatay ka, Anna," seryoso niyang sambit.

Tuyo na ang kanyang luha sa pisngi at sa tingin ko naman ay kumalma ito. Malambing kong hinawakan ang kanyang kamay at mabilis na hinalikan ang kanyang labi bago salubungin ang mata nitong mala dagat ang kulay. Akala ko ay hindi ko na makikita ito.

"Hindi ko maalala na nangyari 'yan, Toffy. Masyado ng malabo ang alaala ko sa lahat na nangyayari sa akin sa loob ng operation room. Pero hindi ko makakalimutan yung boses mo. parang sinasabi mo na huwag ako mamatay. 'Yon lang ang naalala ko. Salamat na lang talaga sa doktor na nag opera sa akin kasi naagapan nila ako," malambing kong wika sa kanya.

Mabilis na tumango sa akin si Kristoff. "That's me, hon. Sinabi ko talaga 'yan. I can't lose you. Mababaliw ako kapag nawala ka."

Umangat ang kanyang kamay at kinulong ang aking magkabilaang pisngi sa dalawang palad nito. Mariin ang kanyang titig sa akin at ayaw pa kumurap, natatakot na baka maglaho ako kung sakaling kumurap ito.

Matamis akong ngumiti kahit na naiipit ang aking pisngi. Mukha tuloy akong pato dahil masyado akong nakanguso. Lumawak ang ngiti sa aking labi ng halikan niya ang aking labi.

"I'm here now, Toffy. Ang importante ay buhay ako at okay ang naging operasyon sa akin," pagpapagaan ko sa kanyang loob.

Tahimik itong tumango sa akin at pinagdikit ang aming noo. Nagtagal kami sa ganoong posisyon. Sinulit muna namin ang oras naming dalawa rito sa loob ng kuwarto hanggang sa dumating ang kanyang magulang kasama ang doktor.

Umaliwalas ang mood ng buong kuwarto dahil sa mga tao na nandito sa loob ng kuwarto. Parehas silang masaya dahil sa akin lalo na si Tita Marina na ngayon ay akala mo sinisilihan ang puwet sa sobrang kulit dahil sa pagkatuwa. Si Tito Alex tuloy ang nagpapakalma rito. Bakas din sa kanyang mukha ang saya dahil malawak ang ngiti nito.

Si Annie ay dumiretso agad sa aking pwesto at niyakap ako ng mahigpit. Mahina akong natawa at hinagod ang kanyang likod ng maramdaman ang pamamasa ng aking balikat dahil sa kanyang luha.

"Ate Anna, sorry po sa lahat lahat," biglang sambit ni Annie habang nakayakap sa akin.

Kumunot ang aking noo dahil do'n. Sorry? Para saan? Naramdaman ko na may nakatingin sa akin kaya hinanap ko kung sino 'yon. Nang dumako ang aking tingin malapit sa pwesto nila Tita Marina ay nakita ko si Kristoff na nakatingin sa akin. Ninguso niya sa akin si Annie na umiiyak sa akin.

Hindi ko gets?

"Sorry? Para saan, Annie?" naguguluhan kong tanong.

Kumalas siya sa pagkakayakap at huminga ng malalim. Pinunasan niya muna ang kanyang luha. Nahihiya itong yumuko at pinaglaruan ang kanyang daliri, nagdadalawang isip kung sasabihin ba ang dapat sabihin o hindi.

"Annie, come on. Tell her," dinig kong sambit ni Kristoff sa malayo.

Kanina pa yata 'to nakamasid sa amin. Kakatanggal lang ng tumor sa utak pero mukhang tutubuan pa yata ako ng panibago dahil sa kanila. Sumasakit na naman ang ulo ko at naguguluhan pa.

"May hindi ba kayo sinasabi sa akin?" tanong ko.

Humalukipkip ako at tinignan ng mabuti si Kristoff. Isang seryosong tingin ang binigay ko sa kanya. Mukhang tumiklop naman ito sa paraan ng aking pagtitig kaya tinaas niya ang kanyang kamay na para bang sumusuko sa akin.

"Sabihin mo na, Annie. Ako mayayari sa ate mo, eh," dinig kong wika ni Kristoff.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Annie at hinawakan ang aking kamay. Naging matapang ang kanyang mukha, wala ng luha sa kanyang pisngi pero namumula pa rin ang mata nito.

"Gusto ko lang po mag-sorry sa lahat ng nagawa ko, Ate Anna. Sa pagiging bastos ko noon sa'yo. Sorry kung pinaramdam ko sa'yo na wala akong pake sa mga paghihirap mo sa akin, sa amin nila mama at Anton. Pinagsisihan ko na po lahat ng nagawa kong mali noon at tinatama ko na ngayon," mahaba nitong lintayan.

Napalunok ako sa sinabi nito. Kahit kailan ay hindi pumasok sa aking isipan na hihingi ng tawad si Annie. Basta ang alam ko ay naging maayos na lang kami biglaan at hindi na muling inungkat ang nakaraan. Naging malikot ang aking mata at hindi ko siya magawang tignan ng maayos.

Parang hindi ako sanay sa ganito. Nagtataka na hinawakan ko ang aking pisngi ng maramdaman ang pamamasa no'n. Hindi namalayan na umiiyak na pala ako. Parang biglang gumaan ang dibdib ko ng marinig na humingi siya ng tawad.

"Sorry po kung maaga ako nagkaroon ng anak. Kasalanan ko 'yon inaamin ko. Kasalanan namin ni Marcus 'yon kaya gusto kong mag sorry sa'yo. Naiintindihan na po kita kung bakit ganoon ang naging reaksyon mo nung nalaman mo na buntis ako kay Ashley kaya i'm sorry po, Ate Anna."

Nabalot ng iyakan ang aming pwesto. Hindi na kami nahiya na umiyak sa isa't isa kahit na nandito sa kuwarto ang magulang ng aking asawa. May kanya kanya kasi silang inaasikaso ngayon, kinakausap nila ang doktor. Si Kristoff naman ay may tinatawagan sa cellphone at hindi ko alam kung sino ang kanyang kausap.

Magaan akong niyakap ni Annie at muling lumuha sa aking bisig. Paulit ulit na sinasambit ang sorry sa akin. Gumuhit ang ngiti sa aking labi habang lumuluha at hinaplos ang kanyang buhok.

"Matagal na kitang pinatawad, Annie. Sobrang tagal na kitang pinatawad. Hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sainyo kasi maski ako nasasaktan kapag gagawin ko 'yon," malambing at malumanay kong wika.

"Thank you dahil pinatawad mo ako, ate," wika ni Annie.

"Ang mahalaga, Annie natuto kana sa pagkakamali mo noon. At naging mas mabuti ka ngayon lalo na nandito na si Ashley. Nagbago kana at iba na ang Annie noon sa ngayon," kinalas ko ang pagkakayakap at tinignan siya.

Pinunasan ko ang kanyang luha at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Mabilis kong hinalikan ang kanyang noo at matamis na ngumiti. "Kailangan mong lakasan ang loob mo dahil kayong dalawa na lang ni Ashley ang meron sa isa't isa. Mahirap maging single mom, Annie."

"Ate Anna, tungkol nga pala—"

"Anna..."

Isang pamilyar na boses ang aking narinig. Hindi ko na mabilang sa aking daliri kung ilang taon na ang nakalipas noong huling narinig ko ang kanyang boses. Si Marcus 'yon. Ang tanong lang bakit siya nandito?

"Anna, bakit nandito si Marcus?" kunot noo kong tanong.

Hindi ko alam paano ko naging katabi ngayon si Kristoff. Para siyang kabute na bigla na lang sumulpot sa gilid ko ng makitang papalapit si Marcus sa amin. Awtomatik na umakbay sa akin si Kristoff at seryosong nakatingin kay Marcus.

"May gusto kasi akong sabihin, ate," tugon ni Annie.

"Ako na lang mag-sasabi, Annie," sambit ni Marcus.

Wala sa sariling tinignan ko si Kristoff na mukhang chill lang sa aking tabi habang nakaakbay sa akin. Mahina kong siniko ang kanyang tagiliran at agad naman na bumaba ang tingin sa akin.

"Alam mo ba 'to?" tanong ko.

"Uhuh. Pakinggan mo yung sasabihin nila," sagot nito at tumango.

Muli kong binalik ang paningin kay Annie at Marcus. Magkatabi na ito ngayon at lalong lumalim ang pagkakunot ng aking noo ng makita na naka angkla ang kamay ni Annie sa braso ni Marcus.

"Sinusubukan namin na ayusin ni Annie yung relasyon naming dalawa para kay Ashley, Anna. Kaya nandito ako para ipaalam sa'yo at bisitahin na rin dahil sa operasyon mo bilang kaibigan," seryosong wika ni Marcus.

"I repeat. Exes don't become friends," pagtatama ni Kristoff.

"Anong gusto mo, strangers?" pilosopong sagot ni Marcus at halatang naiinis sa sinabi ni Kristoff.

"Much better kung itikom mo na lang 'yang bibig mo—"

"Eh kung huwag ka kayang sumabat sa usapan namin—"

"Marcus!"

"Toffy!"

Pag-awat namin ni Annie sa dalawang lalaki. Malalaki na sila pero nagbabangayan pa rin. Nakatikim tuloy ng kurot sa akin si Kristoff. Humaba ang nguso nito sa ginawa ko kaya hinila ko pa 'yon dahil sa inis. Si Annie naman ay binatukan si Marcus at hindi na umangal ang lalaki.

"What was that?" mariin kong bulong sa kanya. "Are you a kid? Nag-aaway kayo ni Marcus?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Why do you always pulling my lips," reklamo ng asawa ko. "Siya ang nauna, okay? And i'm telling the truth that exes don't become friends," paglalaban niya sa sinasabi nito.

"He's trying to be nice, Toffy. Come on. Don't tell me you're jealous," wika ko at paunti unting napapangiti.

Nanunudyong ningitian ko ito ng marealize kung bakit ganito ang kanyang inaakto.

"Nagseselos ka sa kanya?" tanong ko ulit habang unti unting natatawa.

Hindi naman siya nakasagot sa aking sinabi at umiwas na lang ng tingin. Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng kanyang tenga kaya kahit magsinungaling siya sa akin kung nagseselos ba ito o hindi ay malalaman ko 'yon.

"Toffy, oh my god. Bakit ka nagseselos? May anak na sila ni Annie and they are trying to fix their problem," hinawakan ko ang kanyang braso at hinila papalapit sa akin.

Para akong nanunuyo ng bata dahil nagtatampo ito. "We're already married, Toffy. Huwag ka ng magselos sa kanya, okay? Kung gusto mo ng anak bibigyan naman kita basta kapag naka recover na ako ng maayos."

Napailing na lang ako ng pinagsiklop niya na lang ang aming palad at hindi parin makatingin sa akin. Nakagat ko ang aking labi para hindi humalakhak dahil sa kanya.

Natuloy ang aming usapan ni Annie at Marcus. Natuwa naman ako dahil sa malaking pagbabago nito. Ang batugan at tamad na Marcus ay wala na. Isa na itong licensed civil engineering at malaki na rin ang kinikita kada may project. Naka ilang take pa pala ito ng board exam hanggang sa pumasa, inayos muli ang kanyang buhay para sa pamilya nito.

Kaya wala na akong masabi sa kanya dahil natama naman niya lahat ng pagkakamali nito. Humingi siya ng tawad sa akin at tinanggap ko naman 'yon. Gusto ko lang ang maganda buhay para sa aking kapatid at mukhang mabibigay naman ni Marcus ang lahat ng 'yon sa pamilya niya.

Naging maganda ang ganap ngayon araw at sa sumunod pa. Nagkaroon pa ng kaonting salo salo sa loob ng kuwarto dahil naging maayos ang operasyon sa akin. Nagpasalamat ako sa doktor at naging mabilis lang din ang pag-uusap dahil naka duty pa rin ito ngayon sa ospital.

Dumating na ang hating gabi at kami na lang ang natira rito. Ang mga in laws ko pati na rin ang aking asawa na seloso. Buong magdamag ko na itong inaasar na seloso kaya buong magdamag din nangangamatis ang kanyang tenga. Nauna ng umuwi si Annie kasama si Marcus dahil susunduin pa nila si Ashley na iniwan lang nila sa bahay.

McQuoid—ang aking pangalawang pamilya. Ang sarap sa pakiramdam dahil miyembro na ako ng pamilya nila. Pinaparamdam nila sa akin na kahit hindi nila ako kadugo ay mahal nila ako. Pagdating sa aking treatment hanggang sa doktor na magoopera sa akin ay nagawa pa nilang mag provide. Bihira lang ang taong gumagawa no'n kaya maswerte ako sa kanila.

"I am unable to say when you will be cancer-free. However, the majority of people need to wait 4 to 5 years before they consider themselves truly cancer-free. Rest assured that we will continue monitoring and evaluating your brain through follow-up visits," wika ng doktor.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kristoff. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at yumuko para halikan ang aking noo bago balingan ng tingin ang doktor.

"Magbibigay na lang ako ng mga gamot na iinom mo habang nag-rerecover ka sa bahay niyo. Please drink this regularly, Mrs. McQuoid."

Binigay sa amin ng doktor ang reseta. Puwede na akong madischarge ngayong araw. Ang totoo niyan ay nagtagal pa ako rito mahigit isang linggo rin dahil minomonitor pa ang aking utak. Nauna ng umuwi si Tita Marina dahil sa handaan na aasikasuhin niya roon sa hacienda para sa kin. Excited na tuloy ako umuwi.

"Thank you, doc," nakangiti kong wika. "Thank you po sa lahat lahat," pagpapasalamat ko.

Ang isa pang doktor na tumulong sa pag oopera ay maaga ng umalis. Si Tito Alex pa ang naghatid no'n sa airport dahil babalik na siya sa pinanggaling nito. Nakapagpasalamat na rin ako sa kanya.

"Mr. McQuoid. Lagi mo rin ipapaalala kay misis na laging uminom ng gamot, okay?"

Parang bata na masunurin na tumango ang aking asawa. Inakbayan niya pa ako at gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"Yes, doc. Hinding hindi ko 'yan kakalimutan," tugon ni Kristoff.

Nagpaalam na ang doktor sa amin kaya kami na lang ang naiwan dito sa loob ng kuwarto. Nandoon na rin sa kotse nito ang mga gamit namin kaya wala na kaming bibitbitin na gamit palabas nitong ospital.

Inayos ko ang puff sleeves sundress. Checkered an disensyo no'n at kulay asul iyon katulad ng mata ng aking asawa. Habang siya naman ay naka baseball cap na puti. Kulay puting tshirt ang sout at gray na short na pang-alis. Nakasapatos din ito ng kulay puti at mukhang mamahalin pa ang tatak.

Inayos ko ang bonnet na sout ko at inangkla ang kamay sa braso ng aking asawa. Ang sarap pisilin no'n dahil ang laki. Bumaba ang tingin niya sa akin at ngumiti, ngiti nitong abot hanggang tenga. Nababasa ko sa mala dagat nitong mata ang pagka tuwa.

"Let's go home, hon," pag-aya nito sa akin habang nanatiling naka tingin sa akin.

Gumuhit ang ngiti sa akin labi at malambing na tinanday ang ulo sa kanyang braso.

Home? Nabalot ng pagkatuwa ang aking puso ng marinig ang sinabi nito. Sa wakas may bago na akong tahanan, tahanan na puro saya at pagmamahalan ang meron. Sa wakas meron na ako no'n.

"Yes, Toffy. Let's go home," nakangiti kong tugon.

AFTER SIX YEARS. . .

"Sa tingin mo maganda yung naging desisyon natin na payagan na bigyan sila ni dad ng pony?" kinakabahan kong tanong sa aking asawa.

Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan habang pinagmamasdan ang aming anak ni Kristoff na ngayon ay masayang nakasakay sa pony. Sila mismo ang nagdala no'n at walang umaalalay sa kanila.

"Oh my god, this is much fun!" matinis na tili ni Olivia.

"Olly, don't go far!" dinig kong sambit ni Henry.

Napahiga ako sa dibdib ng aking asawa ng inihiga niya ako roon. Nasa malayo na ang aming anak habang nakasakay sa batang kabayo pero tanaw parin naman namin 'yon. Nandito kami ngayon sa white victorian gazebo, kung saan kami kinasal sa pangalawang pagkakataon. Dito namin pinili maikasal dahil memorable na 'yon sa akin.

At dahil madalas na kami nandito ng aking asawa ay nagpagawa na siya ng mga upuan dito para sa amin.

"Let them be, hon. Mukhang kaya naman nila ang sarili nila," tugon ng aking asawa.

"But they are still a child, Toffy. Henry is 5 years old while Olivia is 4 years old. Our baby girl is 4 years old, Toffy," mariin kong sambit sa kanya.

Mahinang natawa si Kristoff at napapailing na hinalikan ang noo ng kanyang asawa.

"Hon, nandoon naman si Henry para bantayan si Olivia," pagpapagaan ng loob sa akin ni Kristoff.

Wala akong nagawa kundi sumuko na lang. May point naman siya, henry is matured for his age. Para siyang si Kristoff noong bata pa lang. Ang pinagkaiba lang ay kulay itim ang kanyang buhok pero ang mata nito ay katulad ng kanyang ama, mala dagat ang mata nito pero matingkad ng kaonti. Parang kahit gabi ay makikita mo ang mata ng anak ko sa dilim sa sobrang tingkad ng pagka asul ng kanyang mata.

Kay Olivia naman ay nakuha niya ang mala ginto na buhok kay Kristoff pati na rin ang mata. Para siyang girl version ni Kristoff. Wala man lang nakuha sa akin bukod kay Henry na itim ang buhok.

Lumipas ng anim na taon ay masasabi ko na cancer free na ako. Wala na akong sakit na mas lalong ikinasaya namin. Ang kaso masyado na akong lagpas sa kalendaryo ng magka anak pero ayos lang. Maganda naman ang naging kombinasyon namin ng asawa ko.

NAPANGIWI NA LANG ako ng marinig ang sinabi ni Olivia sa akin.

"Mommy. Next time please buy me a pretty huge dollhouse, okay?" request ng aming unica hija.

"Olivia, you have a ton of dollhouses in your playroom. Hindi ka ba nagsasawa?" pagsingit ng kanyang kuya.

Lumobo ang bilugang pisngi ni Olivia at humalukipkip habang nakahiga sa kama. Nandito na kami ngayon sa master bedroom. Napagdesisyunan ng aming anak na dito matulog dahil gusto nila ng lambing namin. Mabuti na lang talaga at sobrang laki ng kama namin ng asawa ko kaya nagkasya kami.

"But they're ugly na to me, Henry," naiinis at conyo na tugon ni Olivia.

"Olivia, honey. Kung napapangitan kana sa mga dollhouse mo, we can donate them to the other kids who wants that," biglang singit ni Kristoff. "And please put some kuya when you call Henry. He's older than you."

Kakalabas lang nito sa banyo at nakasout na ng terno na pantulog na kulay itim.

"Daddy is right. We can donate it to them, Olly," pag-sang ayon ni Henry.

Humaba ang nguso ni Olivia kaya hindi ko maiwasan na hilain 'yon. Nagiging hobby ko na yata gawin 'yon kapag nakikita ko sila na naka ganyan. Mahina akong natawa ng lalong bumusangot ang anak ko dahil sa aking ginawa.

"Mommy stop doing that," naiinis niyang wika at mukhang paiyak na. "You're so mean talaga. Why are you always pulling my lips?" iritable niyang tanong sa akin.

Naramdaman ko na tumabi sa akin si Kristoff at agad na niyakap ako galing sa likuran. Pero nakasilip parin siya para tignan ang aming anak na ngayon ay nakahiga sa kama.

"I'm sorry, baby. Ang cute mo kasi," natatawa kong wika.

"Daddy, I can't donate my dollhouses. I really like and love them," mahinang wika ni Olivia sa kanyang daddy.

Nilingon ko naman ang aking asawa na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa kanyang bunsong anak. Itong si Henry naman ay abala sa pagbabasa ng educational books kaya hindi ko na pinakielaman 'yon.

"Then there's no reason for me to buy you a new dollhouse again, Olly. hindi natin kailangan gumastos ulit para sa bagong dollhouse mo kung gusto mo pa sila," malambing na tugon ng aking asawa.

"Then how about a horse? I want horse na lang. Not like the horse that I rode with Kuya Henry a while ago, ah," request na naman ng bunso naming anak. "Baby kasi 'yon, daddy. Gusto ko yung malaki na sila," masayang sambit ni Olivia, nagniningning pa ang mata nito na mala dagat sa asul.

Napailing na lang ako dahil kung ano ano na lang ang gustong ipabili nito sa amin.

"Hay nako, Anak. Hindi pa afford ni daddy mo ang horse, red horse lang ang afford niyan," panguuto ko sa kanya.

"What's red horse? Is it pretty like my pony? I want that mommy," curious na tugon sa akin ni Olivia.

Napabuntong hininga na lang ako at tinapik ang braso ni Kristoff para sabihin na siya na ang bahala kay Olivia. Dahil hindi kami titigilan no'n hangga't hindi nasusunod ang gusto niya.

"You're not allowed to have a red horse, baby. it's a beer, and its for adult only," malumanay na paliwanag ni Kristoff.

Humaba na lang ang nguso ng aking anak at humalukipkip. Nakailang suyo pa ang asawa ko dahil nagtatampo talaga si Olivia. Si Henry naman ay tahimik na ngayon na natutulog sa aking tabi at ganoon din si Olivia. Bagsak ngayon ang aming bunso habang hawak hawak ang kanyang stuff toy na unicorn. Nakakulong siya sa bisig ng kanyang ama habang nasa akin naman si Henry. Malalim na ang kanilang paghinga, tulog na tulog na ito.

"Masyado mong iniispoil anak natin, Toffy," mahina kong wika.

Napangiwi naman siya at hindi na nagreklamo dahil totoo naman ang aking sinabi.

"I just want to give all their wants, hon," sagot nito.

"With limits," pagdugtong ko. "Hindi sa lahat dapat nagiging sunod sunuran tayo sa anak natin, okay? We can give them everything they want but let's put some limits on it."

Agad kong nakita ang mukha ni Olivia kay Kristoff ng ngumuso ito. Agad akong lumapit sa kanya at hinila 'yon.

"Mahihila talaga sa akin 'yang nguso mo kaka ganyan mo, Toffy," sambit ko at mahinang natawa.

"You're so mean, hon," reklamo nito.

Inirapan ko lang ito. Sa nagdaan na taon ay mas lalong tumatag ang aming relasyon namin ni Kristoff. Na challenge lang kami noong nagka anak dahil hindi pala madali ang mag-anak. Alam ko naman 'yon pero grabe pala kapag yung mismong actual na.

Hindi madali ang pagpapalaki lalo na kung isang taon lang ang agawat nila. Agad na nasundan si Henry bago ito mag isang taon. Pinlano naman namin ni Kristoff 'yon dahil wala na ako sa 20's noong pinanganak ko si Henry dahil hinintay namin na mag fully recovery ako bago mag buntis.

At heto na nga. Ang aming panganay na si Henry Cash McQuoid, ang behave na panganay namin ni Kristoff. May pagkakulit din talaga ito pero makokontrol mo parin pero iba itong bunso namin na si Olivia Penelope McQuoid, hindi ko alam kung bakit sobrang kulit nito.

Hindi naman ako palagi tumitingin sa uod kapag binubudburan ko sila ng asin noong pinagbubuntis ko siya pero grabe para siyang ganoon sa sobrang kulit, akala mo pinaglihi ko siya roon. Hindi mapakali at sobrang hyper.

Namayani na ang katahimikan sa buong kwarto at tanging tunog lang ng aircon ang aming naririnig bukod sa mahinang pag hilik ng dalawa namin anak. Palagi 'yan sila nagduduo kaya minsan hindi ako makatulog. Maingat ang bumaba sa kama at nagtungo sa banyo para maghilamos.

Awtomatik akong napangiti ng maramdaman ang pagbalot ng braso ni Kristoff sa aking beywang. Umikot ako at hinarap siya. Sinampay ko ang aking braso sa batok nito at tinignan ang kanyang mukha. Parehas na ngayon mahaba ang aming buhok. Wala na ang kalbo naming ulo dahil tumubo na siya. Naka manbun parin ang aking asawa dahil 'yon ang gusto ko, malinis din na naka trim ang balbas niya. Lalo lang siyang gumwapo sa paningin ko.

"Why are you here, Mr. McQuoid?" nakangiti kong tanong.

Gumuhit ang pilyong ngiti nito at nilapit ang mukha sa akin. Mabilis niyang hinalikan ang aking labi at muli akong tinignan sa mata.

"Nothing, Mrs. McQuoid," he whispered.

"Hmm. Hindi ako naniniwala," nang aasar kong wika.

Mahina akong napasinghap ng pangkuin niya ako at pinaupo sa bakanteng batong lamesa rito sa banyo. Dito kasi ako minsan nag mamake up dahil maganda ang lighting.

"Naughty mo," wika ko at humagikhik.

Iniwan niya ako saglit para isarado ang pintuan ng banyo. Pinanood ko lang siya at hinintay na makabalik sa aking pwesto.

He came over to me, and I grabbed his nape and crashed my lips into him. Even though we only spent our time together every day, we kissed like we were craving for each other. He reached into my terno pajamas, and I felt his hand in my body, exploring it. I unconsciously arched my back the way he touched my body. I can feel the heat from his hands piercing my skin.

He kissed me and traced his palm way down my back until he reached my ass cheeks. We kiss like we're teenagers, like it's our first time. I deepened our kiss by biting his lips. Playing with his beautiful gold hair, my hands moved their way up to his head.

I felt his tongue in my mouth as he fisted my hair. The familiar sensation caused me to let out a moan. We made out in our bathroom for a few minutes before just staring at each other while catching our breath.

"I love you, hon," he said while staring at me. Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ang likod ng aking palad habang nakatingin parin sa akin. Nakababa ang tingin ko sa kanya dahil nakaupo parin ako sa lamesa. "I love you and our kids," dugtong nito.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi at hinila ang kanyang kamay ng mahawakan ito. Pagkatapos ay mabilis na hinalikan ang labi nito.

"I love you more, Toffy. Kayo ni Henry at Olivia. Mahal na mahal ko kayo," malambing kong sambit sa kanya.

Masaya ako dahil nakagawa ako ng pamilya na matatawag kong tahanan. Tahanan na makakapagpahinga ka at may mapagkukuhanan ng lakas sa tuwing napapagod ako. At dahilan na rin na mabuhay ng matagal sa mundo.

My family, my home.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top