CHAPTER 44
CHAPTER 44
THIRD PERSON'S POV
WALA PANG ISANG ORAS na nakalilipas ay hindi na mapakali si Kristoff sa kanyang kinakatayuan. Panay hawak siya sa sout nitong baseball cap habang naglalakad ng paulit ulit, pabalik balik siya sa kanyang puwesto.
Ang daming pumapasok sa kanyang isipan. Na baka hindi kayanin ng kanyang asawa ang operasyon nito. Pero hindi siya nagpatalo sa kanyang iniisip. Ang pagiging positibo pa rin ang kanyang inisip.
"Son, take a seat and calm down," wika ni Alex sa kanyang unico hijo.
Hindi inaasahan ni Kristoff na susunod sa kanya ang kanyang pamilya. Ang alam niya kasi ay maghihintay lang sila sa kuwarto ni Anna hanggang sa matapos ang operasyon pero hindi pala. Lahat sila ay nandito maski ang kapatid ni Anna na si Annie.
Napahilamos na lang sa mukha si Kristoff at paulit ulit pa rin siyang naglalakad pabalik balik sa kanyang pwesto. Nakatingin sa kanya ang ina nito, si Annie, at ang kanyang ama. Pero wala siyang pake.
"How can I calm down, dad? My wife is inside the operating room. and I'm nervous because what if she didn't make it?" Kristoff nervously replied. His hands are dripping wet. And it feels like he has a waterfall-like feeling in his palm.
"Anak," malambing na tawag ni Marina sa kanyang anak. "Ang nararamdaman mo ay nararamdaman din namin, okay?" malumanay na sambit ni Marina.
Kahit papaano ay kumalma siya sa sinabi ng ina nito. He finds comfort in his mother's tone of voice. Only his mother had the skill to do it. The way she talks to Kristoff is very calming and soft.
Napatingin si Kristoff sa kapaligiran ng ipakita ng kanyang ina ang nangyayari. Masyado itong maraming iniisip kaya hindi na niya napapansin ang nangyayari sa kapaligiran nito.
Ang kapatid ni Anna na si Annie ay tahimik na nakaupo sa bakanteng upuan na naka-pwesto sa bandang gilid. Nakahilera lang iyon at siya lang ang nakaupo dahil sa kabila nakaupo si Alex.
pinakatitigan ni Kristoff si Annie na tahimik na umiiyak. Nakayuko ito habang nakasubsob sa kanyang palad na nakatukod sa tuhod nito. Paano niya nalalaman kung umiiyak ito? Dahil ang kanyang balikat ay nagtaas baba ng ilang beses. Humihikbi rin ito at naririnig niya.
"Mas lalo siyang nakakaramdaman ng pag-alala dahil kapatid niya si Anna, son. All we can do is leave Anna in the hands of the surgeon and pray to God. They'll try their hardest to get Anna's brain tumor removed," pagpapaintindi ng kanyang ina sa kanya.
At dahil doon ay kumalma siya kahit papaano. Salamat sa kanyang ina.
Sinundan niya ang tingin ng kanyang ina bago maupo sa tabi ni Annie. Mukhang naramdaman ng babae ang presensya nito kaya kusang umangat ang kanyang ulo.
"Kuya Kristoff ikaw po pala," mahinang sambit ni Annie sa kanya.
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Kristoff at umangat ang kanyang kamay para guluhin ang kanyang buhok. Napalabi naman si Annie at muling tumulo ang kanyang luha pababa sa kanyang pisngi.
"Thank you, kuya," humihikbing wika ni Annie.
"For what?" kunot noo niyang tanong.
Huminga ng malalim si Annie bago sumagot.
"Sa lahat. Salamat dahil pinasaya mo si Ate Anna," lumuluha niyang kuwento. "Thank you kasi pinaranas mo kay ate yung saya na kailangan niya. Pati na rin ang pagmamahal ng isang pamilya na hindi niya naranasan simula noong namatay si papa. Salamat po sainyo nila Tita Marina at Tito Alex, alam kong masaya si ate dahil pinapasaya niyo siya. Masyado siyang nasusubsob sa pagtatrabaho para sa amin ng pamilya niya ultimo pangangailangan nito ay hindi niya narin mabili maski ang luho niya," pagtutuloy nito.
Napayuko si Annie at muling suminghot dahil tumutulo na rin ang kanyang sipon.
"Lahat prinovide niya sa amin. Pinagawa niya ang bahay para maayos na ang magiging tirahan namin. May kanya kanyang aircon din sa kwarto para raw hindi kami mainitan kapag summer na. Bilang isang kapatid kailangan na lang namin gawin ay mag-aral ng mabuti dahil alam namin na ang makapagtapos ng pagaaral ang pangarap ni ate sa amin."
Hindi magawang sumingit ni Kristoff sa sinasabi ni Annie. Dahil bukod sa ang bastos ng ganoon ay nakinig na lang siya. Nakuwento na sa kanya ng kanyang asawa ang bagay na ito pero gusto niyang marinig mismo sa kapatid niya ang kuwento.
"Pero hindi ako nakapagtapos," nasasaktan na kuwento ni Annie at doon siya sinulyapan nito.
Seryoso ang mukha ni Kristoff at interasado siyang malaman ang bagay na 'yon.
"Hindi ako proud na sabihin na nabuntis ako ng maaga Kuya Kristoff," nahihiya na wika sa kanya ni Annie. "Nabuntis ako ng ex boyfriend ni Ate Anna. Marcus ang pangalan no'n, hindi ko po alam kung kilala mo. Baka hindi na kuwento sa'yo na ate pero kung nakuwento niya ay ayos lang din. Parehas naman namin na ginusto 'yon. Nahulog ang loob ko sa tatay ng anak ko noong nag-aabroad si ate. At iyon na nga natukso na sa init ng katawan at nangyari na ang dapat mangyari kaya ayon nabuo si Ashley."
"Do you know that she's really disappointed in you?" biglang bigkas ni Kristoff.
Ayaw niyang magalit pero kapag naaalala niya ang hitsura ng kanyang asawa habang kinikuwento sa kanya ang maagang pagkakaroon ng pamilya ni Annie ay nasasaktan siya.
Tumango si Annie at binigyan siya ng ngiti kahit na nasasaktan ito.
"Alam ko po Kuya Kristoff. Kaya nga po bumabawi ako sa kanya ngayon. Pinagsisisihan ko na hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral pero hindi ko sinisisi si Ashley na siya ang naging dahilan kung bakit hindi ko natapos ang pag-aaral ko. Siguro dumating siya para iparealize sa akin na hindi madali ang buhay, hindi madali ang pagtatrabaho para may ipangkain ka sa pamilya mo."
Tumango tango si Kristoff at halatang sang-ayon siya sa sinabi ni Annie.
"Annie, it's your choice why Ashley was born in this world. Did you and Marcus use protection at that time?" Kristoff asked.
Umiling si Annie. "Hindi po."
"See. There's a lot to do to prevent pregnancy, but you choose not to use one of them."
Nahihiyang napayuko ito. Hinawakan niya ang balikat ni Annie at mahinang tinapik tapik iyon na para bang cinocomfort ang babae.
"Ang daming puwedeng mga bagay na makakapagrealize sa'yo na hindi madali ang buhay. Look at your sister, Annie. She's working hard for you and your mom. Simpleng gano'n lang ay marerealize mo na hindi madali ang buhay dahil nakikipag-sapalaran ang ate mo sa ibang bansa," seryosong wika ni Kristoff.
Sumandal si Kristoff sa kanyang kinauupuan at humalukipkip habang nakatingin parin sa kapatid ng kanyang asawa. Tulala itong nakatingin sa tiles ng ospital at parang pilit na pinapasok sa utak ang sinabi ni Kristoff sa kanya.
"Annie," tawag ni Kristoff. Awtomatik namang tumingin ang babae sa kanya.
Namumula ang kanyang mata at ang mga luha nito ay nagbabadyang tumulo. Hindi na niya napigilan na umiyak sa harapan ni Kristoff.
Ang tahimik na hallway sa malapit sa operation room ay nabalot ng mahihinang pag-iyak at hikbi ni Annie.
"I really disagree with teen pregnancy. However, it depends. In your situation, you and Marcus both want it, and he got you pregnant. Since we aren't even related by blood, I don't have a rights to be mad at you," mahinahong sambit ni Kristoff. "Mukhang natuto ka naman sa mga nagawa mong mali kaya okay na siguro 'yon. How's your life?" tanong ni Kristoff.
Nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa labi ni Annie. "Maayos naman po. Mataas naman yung sahod sa pinapatrabahuan ko kaya nakakaya ko naman din lahat ng gastusin. Yung naiwang na grocery store ni Ate Anna ay dagdag extra income na rin. At pasalamat na hindi kami nag uupahan kaya hindi ako masyado nahihirapan sa pag-bubudget," nakangiti niyang wika habang pinupunasan ang kanyang luha.
Hindi maiwasan ni Kristoff na ngumiti rin. Kahit sa pinagdadaanan nito ngayon ay nagawa na niyang magbago. Katulad sa kanyang ate ay nagiging masipag na ito sa pagtatrabaho para sa kanyang anak.
"You can say sorry to your ate after she recovered from her operation. Matutuwa siya kapag sinabi mo 'yon," pangungumbinsi ni Kristoff. "You're sister is very kind, Annie. She will immediately forgive you, even if you throw tomatoes at her and apologize. Gano'n siya kabait."
"Nahihiya po ako," mahinang sambit ni Annie.
Mahinang natawa si Kristoff at muling ginulo ang buhok ni Annie.
"Don't be," tipid na tugon ni Kristoff. "Mag-sorry ka sa kanya at sabihin mo ang gusto mong sabihin sa kanya papatawarin kana ng ate mo. I know her, I know my wife, Annie. Trust me."
"Okay po, Kuya Kristoff. Maraming salamat po," pag-papasalamat ni Annie.
Binigyan niya lang ng malambot na ngiti ang kapatid ng kanyang asawa at tumayo na. Hindi niya namalayan na ang bilis lumipas ng oras. Mag dadalawang oras na ang kanyang asawa sa loob ng operation room. Sinabihan na sila ng doktor na umaabot ng 4 to 8 hours at wala pa sila sa kalahati no'n.
Tumayo na siya at nagpaalam kay Annie na pupuntahan niya ang kanyang magulang. Akmang maglalakad si Kristoff patungo roon ay nabangga siya ng isang doktor at nurse na tumatakbo papunta sa operation room.
"Excuse me, this is an emergency!" sigaw ng doktor.
Napantig ang tenga ni Kristoff gano'n din ang kanyang ina at ama. Si Annie naman ay napatayo sa kanyang kinauupuan. Napatakip siya sa kanyang bibig ng malaman ang ibig sabihin no'n.
"What's happening?" naguguluhan niyang tanong.
"Ate," muling napaiyak si Annie at nauwi na sa hagulgol. Binalot no'n ang buong hallway papunta sa operation room.
Hindi na natuloy ang kanyang paglalakad patungo sa direksyon ng kanyang magulang dahil lakad takbo itong pumunta sa operation room.
"Kristoff!" Alex.
"Son!" Marina.
"What's happening?!" Kristoff shouted.
Pilit siyang pumasok sa loob ng operation room. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang kanyang asawa na ngayon ay parang nanghihina sa higaan. Medyo nakadilat ang kanyang mata pero paunti unting pumipikit 'yon.
Parang tinambol ang kanyang dibdib sa kaba. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso na akala mo ay nakikipagkarerahan sa kabayo sa sobrang bilis. Nagtaas baba ang kanyang dibdib habang unti unting umuusbong ang galit sa kanyang dibdib.
"I need to see my wife!" nag-wawalang sambit ni Kristoff. "Anna! Wake up, hon! Don't you dare close your eyes!"
Ang laki ng katawan ni Kristoff pero para siyang nanliliit, nanghihina at parang mawawalan ng hininga sa nangyayari. Ang asawa niya lang ang nakakapagpahina sa kanya ng ganito at wala ng iba. Halo halo na ang nasa isipan nito dahil napapansin niya rin na ang mga nurse na nasa loob ay nagkanda ugaga sa kanilang ginagawa. Para siyang mababaliw sa kanyang nasaksihan kahit saglit lang ito.
"My wife! Anong nangyari sa asawa ko!?" galit na sigaw ni Kristoff at pilit parin na kinakalas ang kamay ng kanyang ama sa braso nito.
"Kuya Kristoff," umiiyak na wika ni Annie.
May lumabas na isang lalaking nurse at parang may sariling utak ang kanyang kamay. Natagpuan niya na lang ang sarili nito na hawak hawak niya damit ng nurse sa bandang leeg at sobrang lapit ng kanyang mukha.
"S-sir," kinakabahan na sambit ng nurse.
"Oh my god! Kristoff, bitawan mo siya," utos ni Marina.
"Kristoff, stop!" seryosong sambit ni Alex.
Hindi na makasalita si Annie dahil natatakot din siya sa nangyayari.
"What the fuck is happening?!" nandidilim ang paningin ni Kristoff sa galit. Dumagundong ang malalim at seryoso nitong boses sa buong hallway habang matalim na nakatingin sa nurse. "Why do you all look like you're in a rush?! I heard a doctor running through this goddamn operation room, saying it's an emergency. What's really happening!?" galit at madiin na tanong ni Kristoff.
Hindi makasalita ng maayos ang nurse dahil parang lalamunin siya ng buo ni Kristoff. Malaking tao ito at ano mang oras ay para siyang babalibagin nito kung gugustuhin niya.
"B-bumaba po yung heart rate ng pasyente kaya kailangan asikasuhin po—"
Hindi na natapos ang sasabihin ng nurse ng wala sa sariling binitawan ni Kristoff ang damit ng nurse. Bumagsak ang nurse sa sahig at nagkukumahog na umalis sa hallway.
Nanlalambot ang tuhod ni Kristoff at parang kakapusin pa ito ng hininga dahil sa kanyang nalaman. Napapailing na napahawak siya sa kanyang ulo na natatakpan ng baseball cap at paulit ulit na naglalakad pabalik balik sa kanyang pwesto patungo sa kanyang magulang.
"Let me in! I need to see my wife!" sigaw ni Kristoff. "Hon! Anna! Don't die, I need you! We need you, my wife! Don't die please, I'm begging you!" sigaw niya.
Parehas na nagulantang ang magulang ni Kristoff at ganoon na rin si Annie na subukan niyang pumasok sa loob. Agad na nahatak siya ng kanyang ama at dinala sa gilid nito.
Hindi na nahiya si Kristoff ng tumulo pababa sa kanyang pisngi ang mainit nitong luha na akala mo ay nagmistulang waterfalls. Umiiling ito sa harapan ng kanyang magulang.
"My wife," Kristoff said while crying. "I can't lose her. My wife," paulit ulit na sambit ni Kristoff habang unti unting napapaupo sa sahig.
Agad siyang dinaluhan ni Marina at Alex. Samantala si Annie ay nakabantay sa labas ng operation room at hinihintay na masagip ang kanyang kapatid. Nanlalabo na ang paningin ni Kristoff habang hindi inaalis ang paningin sa nakasaradong pintuan ng operation room. Ang maliit na bintana sa pintuan na iyon ay natatakpan na itim na kurtina kaya hindi niya makita kung ano na ang kaganapan sa loob.
I need her. I need my wife. I can't breathe without her, she's my air. I can't lose her. Hindi ko makakaya kung mawawala siya sa akin.
Anna is my lifeline, and if I'm going to lose her, I'm going crazy.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top