CHAPTER 42

CHAPTER 42

ISANG BUWAN NA KAMI mag-asawa ni Kristoff. At habang patagal nang patagal ay nararamdaman ko ang panghihina ng aking katawan. Dahil doon hindi na mawala sa aking isipan ang kaba.

Pagka gabi nahihirapan akong matulog dahil natatakot ako na baka hindi na ako magising dahil sa aking sakit. Ang treatment ko ay tuloy tuloy parin, wala 'yong tigil. Hindi namin nilalaktawan kahit isa ang session. Ang kaso parang inuunti-unti naman yung katawan ko.

"Alam kong wala kang pasok ngayon, ah," mahina kong wika.

Maski lakasan ko man lang ang aking boses ay parang malaking konsumo na agad 'yon sa aking enerhiya. Inaalalayan ako ni Kristoff patungo sa aking higaan. Medyo nahihirapan na rin ako maglakad dahil sa panghihina pero kaya pa naman.

"Wala talaga. Inasikaso ko lang yung mga naiwang files ni mommy para sa susunod na araw hindi ko na iisipin 'yon," malumanay niyang tugon.

Nang mahiga ako sa kama ay tumabi naman siya sa akin. Gumuhit ang ngiti sa aking labi at kinulong ang sarili sa bisig nito.

"Don't stress yourself too much, Toffy," pagpapaalala ko sa kanya.

"Yes, hon. I will," masunurin niyang sagot.

Napapansin ko na rin kasi na sobra siyang nakatutok sa kanyang laptop. Dahil sa akin nag work from home nalang ito kaya kahit nandito siya sa loob ng kwarto ng hospital ay nakasout parin ito ng formal attire dahil may mga business meeting siyang kailangan i-attend.

"Grabe. Akalain mo 'yon. Nung una ikaw yung nakaranas ng paghihirap tapos nung gumaling ka naman ako yung sinunod," wala sa sarili kong sambit at nilingon siya. "Parang mas gusto ko pa yung nangyari sa'yo kaysa magka-cancer. Parehas naman din mahirap pero basta. At saka wala naman tayong ginawang mali para makaranas ng ganito. Ang wholesome naman ng relasyon natin maliban nalang sa hindi pagkakaintindihan noong naghiwalay tayo tapos wala na hindi ba?"

Nasasaktan na ngumiti ako sa kanya. Nakita ko ang paglambot ng expresyon ng kanyang mukha. Kung noon ay nakasout ito ng formal attire ay ngayon naman ay naka white shirt na siya, wala kasing business meeting ito ngayon.

"It's called pagsubok sa isang relasyon, hon. Parang nabanggit mo na rin 'yon," tugon niya.

Mahina akong natawa ng marinig ang pagka-conyo nito. Napapailing na tinignan siya habang may bahid parin na sakit sa aking mukha.

"Alam ko naman na may ganyan pero ang tanong ko kasi bakit sa atin pa?" tanong ko sa kanya na akala mo ay masasagot niya 'yon. "Siguro ang laki ng kasalanan ko sa past life ko kaya kinarma ako ngayon," pagbibiro ko.

Malungkot na tinignan ako ng aking asawa. Ang mata nitong mala dagat ang kulay ay parang nasasaktan pa habang nakatingin sa akin.

"Hindi ko rin alam, hon. Tinatanong ko rin 'yan sa sarili ko. You're good and not bad either. You always prioritize your family, to the point where you forget taking care of yourself. You're a good daughter, sister, friend, girlfriend, and wife," malambing ang tono nito habang nakatingin sa aking mga mata.

"Kaya malaking katanungan pa rin kung bakit ikaw pa," bulong nito. Kinulong niya ang magkabilaang pisngi ko sa kanyang palad at pinagdikit ang aming noo. "Please don't die, hon. Ako naman ngayon nagmamakaawa sa'yo. Huwag kang mamatay parang awa mo na. Alam kong sobrang hirap na hirap kana. matapang ka alam ko 'yon. I know you can do it. Tandaan mo lang na nandito ako, kami nila mommy. You're new family are here for you."

Ni pagkurap yata hindi ko magawa. Nanatili akong nakatingin sa mga mata nitong namumula na dahil sa pag-iyak. Hindi ko alam pero naiiyak na rin ako dahil sa mga sinasabi nito. Araw araw niyang pinapalakas ang aking loob na huwag sumuko at lumaban.

Parehas na kaming lumuluha sa isa't isa. Ang laki ng mga butil ng kanyang luha na gumagapang pababa sa namumulang pisngi nito habang nakatingin sa akin.

"Hindi ko hahayaan na manalo 'tong cancer ko, Toffy," pagpapagaan ko sa kanyang loob. "Pangako 'yan."

Napabuga ng hangin si Kristoff at hinawakan ang aking ulo. Sinimangutan ko naman ito. Nakasout parin ako ng bonnet pero iba na ang kulay nito ngayon. Kulay white 'yon na may maliit na flowers na design sa bandang gilid.

"Tigilan mo na nga yan mawawalan ako ng buhok lalo dahil sa'yo," pagrereklamo ko sa kanya. Sinusubukan niya kasing guluhin 'yon eh ang kaso kaonting galaw lang ay pakiramdam ko maglalagas 'yon.

Mahina siyang natawa at sinunod na lang ang sinabi ko. Namayani ang katahimikan ng ilang minuto bago magsalita. Ang totoo niyan ay kung may mga tao na makakakita sa ginagawa namin ngayon sasabihan kaming weirdo pero para sa akin hindi. Ang peaceful siya para sa akin. Bukod sa ganito ay paminsan minsan naman ay ginagala niya ako rito sa hospital. Merong garden doon at doon kami minsan tumatambay ang kaso mainit nga lang kaya bumabalik lang din kami agad dito sa kwarto.

"Hindi ka pa rin kinikibo ng mama mo?" biglang niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi. Nabanggit na rin naman ni Annie kay mama na kasal na tayo pero wala naman sinabi. Tinanggap ko nalang din na hindi na talaga kami mag-kakaayos," tugon ko.

"I'm sorry to hear that, Hon," malungkot niyang wika.

"Okay lang. May mga tao talaga na hindi ka mapapatawad kasi yung sakit na nararamdaman nila nandoon parin kahit sobrang tagal ng nakalipas. Kaya ayon hindi ko na rin pinilit para wala ng gulo."

Humaba pa ang usapan namin pero umiikot lang din naman sa topic tungkol sa pag-aaway namin ni mama. Alam niya naman lahat ng 'yon kaya wala ng dapat idagdag pa.

MUNTIK NA AKONG MA-OUT OF balance ng makaramdam ako ng pagkahilo. Tatlong buwan na ang nakalipas at hindi ko na mabilang kung naka ilang session na kami sa chemotheraphy ko.

Naramdaman ko ang braso ni Kristoff na nakaalalay sa akin dahil sumusuka ako sa lababo dito sa loob ng banyo. Nagmumog ako at wala sa sarili na napatingin ako sa aking sarili dahil sa salamin na nandoon.

Nanlalalim ang aking mata at bakas na sa aking mukha ang pagod. Sobrang payat na at kapansin pansin na iilan nalang din ang buhok na nakalabas sa aking bonnet.

"I think I can't make it," nanghihina kong wika sa aking asawa na ngayon ay buhat buhat ako.

"Hmm. No, hon. You can make it I swear. It's just the monster in your head saying you can't make it," malambing nitong wika.

Maingat niya akong pinaupo sa itim na monoblock chair. Pinanood ko lang ito na kumuha ng electric razor at dumiretso agad sa akin ng makuha 'yon. Kakalbuhin niya na ako. Sobrang kaonti na lang ang natira sa aking buhok kaya kinagabihan bago mangyari ito ay sinabihan ko siya na i-shave niya ang buhok ko.

"What if sila na lang yung pumatay sa cancer cells ko para hindi na ako mahirapan," biro ko at kahit nahihirapan ay nagawa pang tumawa.

Narinig ko ang mahina niyang tawa bago buksan ang electric razor.

"Silly girl," nakangiti niyang wika.

Nagusot ang aking ilong ng pisilin niya 'yon. Napahagikhik na lang ako at nanahimik na. Naramdaman ko ang pagtanggal niya sa aking bonnet. Natigilan pa 'yon ng ilang segundo kaya nagtataka na tinignan ko siya.

"Bakit?" tanong ko. Kinapa ko ang aking ulo at maramdaman na puro maninipis nalang na bahagi ng buhok ko ang nandoon. "Panget na 'no? Kalbuhin mo na para wala ng sagabal," utos ko sa kanya.

"You're still beautiful, hon," yumuko ito at hinalikan ang aking pisngi kahit nasa likuran ko siya. "So beautiful," he whispered.

Mahina akong natawa at tinapik na ang kanyang kamay para ipaalam na simulan na niya ang dapat nitong gawin. Ang pamilyar na tunog sa pagshashave gamit ang electric razor ang aking narinig. Kasabay no'n ang pag dampi sa aking ulo para kalbuhin ako.

Sumikip ang aking dibdib at naramdaman na uminit ang aking mata. Namumuo ang aking mga luha at nagbabadya 'yong tumulo. Kada mararamdaman ko ang aking buhok na dumadampi sa aking balikat bago tuluyang mahulog sa sahig ay mas lalo akong nasasaktan.

My hair. They're already gone. I'm gonna miss this.

Wala sa sariling napayuko ako ng tuluyan na tumulo ang pinipigilan kong luha. Sunod sunod na pag-hikbi ang aking pinakawalan dahil alam kong tapos na si Kristoff. Tapos na ang asawa ko sa pagshave ng aking buhok.

Mabilis lang ang naging proseso no'n dahil kaonti na lang ang buhok na natira sa akin. Kahit tapos na ay naririnig ko parin ang tunog ng electric razor. Walang kwenta ang pagpunas ko sa aking luha dahil napapalitan 'yon ng panibagong luha.

"Hon, stop crying na," dinig kong sambit ni Kristoff.

Nakita ko na nagtungo siya sa aking harapan at nakangiti na tinignan ako. Kahit nanlalabo ang aking mata ay pilit ko parin tignan ang kanyang hitsura.

"A-anong ginawa mo," nauutal kong sambit sa pagitan ng aking iyak.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko at sa kalaunan ay nauwi sa hagulhol. Ang mahaba na mala ginto nitong buhok ay wala na. Dahil maski siya ay kalbo na rin. Parehas na kaming kalbo.

"I also shave my hair," malambing niyang sambit sa akin.

Pinatay niya ang hawak nitong electric razor at pinatong sa ibabaw ng lamesa malapit sa kanya. Binalikan niya ako at pinantayan ang aking pag-upo. Parehas na naka bend ang kanyang hita pero hindi talaga mismo naka upo ang kanyang pwetan sa sahig.

"Gusto kong maranasan kung ano ang pakiramdam mo ngayong wala ka ng buhok. Kahit simpleng ganito lang maiparamdam ko sa'yo na hindi ka nag-iisa," wika nito sa malumanay na tono. "Nandito parin ako sa tabi mo kahit na nahihirapan kana."

Napahikbi na ningitian ko siya. Ang mga luha ko ay hindi parin tumitigil. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinagsiklop ko 'yon.

"Thank you, Toffy," pagpapasalamat ko sa pagitan ng aking pag-iyak. "Pero hindi mo na sana ginawa 'yon. Mukha kang betlog, eh," umiiyak kong wika.

Nakita ko na nanlaki ang kanyang mata dahil hindi niya inaasahan ang aking sinabi. Wala naman akong pake roon. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at niyakap ako.

"You and your mouth, hon," sambit nito.

Niyakap ko siya ng mahigpit at tinanday ang aking ulo sa kanyang balikat.

"I'm telling the truth, Toffy—"

Wala sa sariling tinulak ko siya ng biglang sumakit ang aking ulo. Nawalan pa ako ng balanse sa aking kinauupuan kaya bumagsak ako sa sahig.

"Anna!" dinig kong wika ni Kristoff.

"It hurts!" daing ko habang nakahawak sa aking ulo.

Heto na naman ang aking pakiramdam kapag sumasakit ang aking ulo. Kung noon ay doble ang sakit ngayon ay hindi. Trumiple pa yata 'yon. Naka fetal position na ako sa sahig habang nakahawak sa aking ulo.

Naramdaman ko na may tumulo pababa sa aking ilong. Hinawakan ko 'yon at napagtanto na dugo 'yon. My nose is bleeding.

"Kristoff," nanghihina kong wika. "It hurts. Call the doctor, p-please."

"Alright!" nagmamdali niyang wika.

Paulit ulit kong sinamsambit sa aking sarili na nasasaktan ako. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararadaman ko. Pero isa na roon na parang minamartilyo o binabarena ang aking ulo.

Unti unti ko ng nararamdaman ang pandidilim ng aking paligid at bumibigat ang talukap ng aking mata. No! I don't want to pass out! What if i didn't woke up after this!? I'm scared.

Isang pangalan ang aking naibigkas bago ako tuluyang lamunin ng dilim na may pag-aalala na baka hindi ako magising pagkatapos nito.

"Toffy," I whispered.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top