CHAPTER 4
CHAPTER 4
NILUNOK KO MUNA ang aking ninginguya bago umusod kaonti para makatabi siya sa akin. Ngayon ko lang din nakita at hindi ako sanay na makita ang ayos nito ngayon.
Simpleng white t-shirt at black short ang sout nito. Habang ang sout naman nitong tsinelas ay muhkang mamahalin pa ang brandnew nakakahiya naman sa sout ko ngayon na hindi pa nakakapalit simula kanina. Ang buhok nitong malaginto at bagsak na bagsak. Nakatitig ang siya sa akin at kitang kita ko ang mata nitong mala dagat sa asul.
May hawak siyang supot at muhkang mga pastries iyon. Nakasuot din siya ng specs. Nanatiling nanahimik ang kapaligiran namin ngayon. Wala ni isang nagsalita sa amin. Mga dumadaang sasakyan lang ang naririnig namin at mga malalakas na tugtugan sa beer house.
"You know how to ride a motorcycle?" bigla nitong tanong sa akin.
Tumango ako habang ngumunguya. Kumuha ako ng isang pirasong barbecue at inabot sa kanya.
"Oo," tugon ko at parang nahihiya pa. Bakit ba 'ko nahihiya!?
"That's nice," he complimented.
Bumaba ang tingin niya sa hawak ko at muling umangat ang tingin sa akin. Muhkang nag dadalawang isip pa siya kung kukunin niya o hindi ang pagkain.
"Ayaw mo?" tanong ko. "Hindi kasi ako sanay na kumakain tapos yung kasama ko walang kinakain," wika ko at sumubo ng pagkain. "Medyo awkward siya," natatawa kong wika.
"Uhm..." mahina nitong wika at walang nagawa kundi tanggapin ang hawak ko.
"You're welcome," advance kong tugon sa kanya. "Kangalay na eh."
"I'm sorry," tugon nito.
"Okay lang," natatawa kong tugon.
Inubos ko na ang natira kong pagkain at ng muli kong lingunin si Kristoff ay nakatingin ito sa akin.
"Anong meron?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"This is my first time eating this..." mahina nitong wika at inabot pa sa akin ang hawak nito.
Muntik na ako mabulunan sa sinabi nito. May ganito pa palang tao!? Tipid ko lang siyang ningitian at kinuha ang hawak nito. Sinawsaw ko 'yon sa sawsawan at binalik sa kanya.
"Masarap 'to promise. Ayan kainin mo na," wika ko.
"Are you sure?" tanong nito. "This is the first time I've eaten this kind of barbecue. Kadalasan kasi may nagluluto na nito sa amin. Kaya hindi ko alam kung malinis ba 'to o hindi."
Kaya naman pala. Tumango tango ako at at tinapik ang kanyang braso. Napakislot pa ito sa gulat dahil sa aking ginawa.
"Sorry," natatawa kong wika. "Okay lang ano ka ba. Hindi ka siguro pinapayagan ng Mama mo kumain ng barbecue na binibenta rito 'no?"
Tumango siya at kinagatan na ang hawak nito. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya kita ko sa kanyang mata ang panlalaki at tinignan ko.
"This one taste good," tugon nito.
Mahina akong natawa at tumango tango pa siya habang ngumuguya. Napatingin ako sa relong pambisig ko at sinulyapan siya.
"Ano palang ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Galing ako ro'n," ninguso niya ang bukas pa na pastry shop sa kabilang kalsada. "Nag crave kasi si Mom ng macarons and cookies kaya bumili ako," ani nito.
"Oh... okay," tipid kong wika.
"You? What are you doing here?" Tanong nito. "It's already midnight, Anna."
Nilingon ko siya at mapait na ngumiti.
"Gusto ko lang magpahangin," tipid kong tugon.
Ayaw ko na maenvolve pa siya sa mga problema ko dahil mas gugustuhin ko pang problemahin mag isa 'yon.
"Family problems..." he whispered.
Dahan dahan akong tumango at nanahimik. Humahampas ang lamig ng simoy ng hangin dito sa pwesto namin. Naramdaman ko ang pagusog nito papunta sa akin at hinayaan ko nalang 'yon.
"Can I ask something?" tanong nito.
Nilingon ko siya. "Ano 'yon?"
"I'm still confused that you didn't remember me," he answered.
Seryoso ngayon ang kanyang muhka habang nakatingin sa akin. Doon mas lalo akong naguluhan. Eh kakakilala lang naman talaga namin.
"Kahit ilang beses mo pa ako tanungin ang maisasagot ko sa 'yo ay ganoon parin, Kristoff," tinignan ko siya at mahinang tinapik tapik ang kanyang braso.
"Ngayon lang talaga kita nakilala at yung binabanggit mo nung nasa clinic tayo baka ibang tao 'yon."
Bumagsak ang kanyang balikat. Napansin ko 'yon pero agad din naman niyang inayos ang kanyang postura at tumayo sa kanyang kinauupuan.
"Aalis na ako. Baka kanina pa naghihintay si Mommy," pagpapaalam nito sa akin.
Tumayo na rin ako at pinagpagan ang puwetan ko. Halos buhanginan na rin kasi kami naka pwesto.
"Tara. Ihatid nalang din kita. Nasaan ba bahay niyo?" tanong ko at tinalikuran siya.
"You don't have to do that," nagaalanganin pa ito.
Naglakad na ako papunta sa motor ko at bago pa sana makaupo roon ay hinawakan niya ang balikat ko.
"Wait. May buhangin kapa sa likod," pagpigil nito sa akin.
Hinarap ko siya at napapagpag pa sa likuran ko at bumaba pa sa bandang pang upo. Tumalikod ulit ako sa kanya.
"Ayan wala na?" tanong ko.
"Dito banda."
Pinatong niya saglit sa upuan ng motor ang dala nito at lumapit sa akin. Pinagpagan niya ang bandang beywang ko at bumaba 'yon sa aking pang upo ang kaso humina 'yon kaya parang kinalabas ay parang tinampal niya ang pwet ko.
"Sorry," nahihiya niyang wika.
Hindi ko na maiwasang hindi mapahalakhak dahil doon. Hinarap ko siya habang natatawa parin.
"Okay lang," natatawa kong wika.
Para siyang bata na nakatingin sa palad nito na akala mo ay may malaking nagawang kasalanan.
"Innocent, huh," mahina kong bulong at sumakay na sa motor. Pinaandar ko na 'yon at binaba pa ang papatungan ng kanyang paa.
Umangkas na siya sa motor at muhkang naghahanap pa ng mahahawakan kaya ang ginawa ko kinuha ko ang kanyang kamay at pinahawak nalang sa aking damit.
"I'm not innocent and for your information narinig ko 'yang bulong mo," sabi nito sa akin at muhkang nainsulto pa yata sa sinabi ko.
Muli akong natawa sa sinabi niya. "Sorry naman atsaka matagal ng walang hawakan d'yan sa likod. Kapit ka nalang sa akin dahan dahan nalang ako mag drive."
"P'wede ka na pala sa mature roles," pang aasar ko.
"Stop teasing me," bulong nito sa akin.
Tinigilan ko na rin ang pang aasar sa kanya at nagmaneho na. Hindi rin naman matagal ang byahe at nakarating na rin agad kami sa bahay nito. Tumigil lang ako sa gilid ng gate nila.
"Nandito na tayo," tinapik ko ang kanyang braso dahil hindi pa 'yon natanggal sa akin.
Napabilis yata ang pagpapatakbo ko sa motor kaya ngayon ay nakayakap na siya sa beywang ko. Wala lang naman 'yon sa akin dahil hindi ko alam sa aking sarili bakit ang komportable ko na sa kanya kahit kakakilala lang namin.
"Thank you," he answered.
Bumaba na siya at inayos ang kanyang sarili. Magulo ang kanyang buhok pero pinaglandas niya lang ang kanyang mahahabang daliri roon para maayos ito.
"You're blonde," wika ko sobrang lapit niya sa akin at parang gusto ko tuloy isuklay ang aking daliri sa mala ginto nitong buhok.
Natigilan siya sa sinabi ko. "I got this hair from my father," sagot nito. "Also I'm half Filipino and half scottish."
Namangha naman ako sa sinabi nito. Ningitian ko siya at kumaway nalang. Halata naman na may lahi siya kahit hindi nito sabihin sa akin. Sa buhok niya palang alam ko na eh.
"That's nice," pagcocompliment ko. "I really like your hair."
"Really?" tanong nito at hindi pa makapaniwala. "When we were younger, you used to make fun of me for having this hair that made me look like a corn."
I scoffed. Humalukipkip ako at wala sa sariling inirapan siya.
"Utang na labas, Kristoff. Hindi ako 'yan," tugon ko. "Sinabi ko ba 'yan dati?" tanong ko.
"Yeah! Hanggang ngayon hindi ko makalimutan 'yang sinabi mo 'no," sagot nito at parang naiinis pa.
Napakamot nalang ako sa aking pisngi.
"Sorry na kung sinabi ko 'yon."
"You still do not remember me, and I don't accept your apologies."
Napabugtong hininga nalang ako at tumango nalang. Muli kong tinapik ang kanyang braso at sumenyas na pumasok nalang siya bahay nila.
Hindi ko magawang tignan ng matagal yung bahay nila kasi nakakalula sa ganda. Harap lang din no'n ay dagat kaya maganda yung pinagpwestuhan nila ng bahay.
"Oo na. Pag naalala ko na 'yang mga pinagsasabi mo sa akin mag sosorry ulit ako," wika ko.
Hindi ko alam kung maalala ko o wala talaga. Eh kasi halos wala na rin ako matandaan sa childhood ko dahil na rin sa mga stress na nararanasan ko. Nawala nalang sila ng parang bula. Sa dami kong iniisip wala na akong balak balikan 'yon pero dahil sa mga sinasabi ni Kristoff ay hindi ko maiwasan na balikan ang mga alaala ko noong bata pa ako pero wala kahit ni isang memorya ang tumakbo sa aking isipan.
Blanko lang.
"Hey, are you okay?"
Napakurap ako ng marinig ang boses nito.
"H-ha? ano... oo okay lang ako," tugon ko at pinaandar konti ang motor.
Tumigil lang ako sa bandang gilid at nilingon siya.
"Bye!"
He waved at me. "Bye. Goodnight, Anna," pagpapaalam nito sa akin. "Drive safely."
"I will," tugon ko.
Muli kong pinaandar papalayo ang motor at tumigil sa gilid. May mga bench doon at naisipan kong maupo roon at may kinuha sa maliit na wallet.
Kailangan ko magpababa ng kinain ko. Nilagay ko sa aking labi ang marlboro at kumuha ng lighter. Sinindihan ko 'yon at hinits na. Tahimik lang ako sa aking pwesto at pinapakinggan ang pag hampas ng alon. Makadalawa lang ako nito ayos na.
Ngayon nalang ulit ako nakapag-sigarilyo. Hinahanap hanap na rin kasi ito ng katawan ko kahit tinigil ko na at tuwing naiistress na lang ako gumagamit.
Nang maubos ko ang isang stick ay tinapon ko iyon sa basurahan at nagsindi pa ng isa. Bahagya pa akong napalingon sa kabilang kalsada ng may bumusina sa akin. Napataas ang isa kong kilay ng makita kung sino 'yon.
"Akala ko ba hinahanap kana ng mama mo," salita ko ng tumigil ito sa aking harapan.
Dala dala niya ngayon ang motor nito. Nakakahiya naman sa motor kong nangangarag na.
"Hinahanap ako kasi dala ko ang pagkain niya. Hindi naman ako pinagbabawalan non basta uuwi lang ako ng maayos okay na sa kanya," tugon nito bumaba ang tingin niya sa hawak ko.
"Bakit?" tanong ko.
"You know smoking is bad, right?" tanong nito.
"Minsan lang naman—hey."
Hindi ko na natapos ang sinabi ko ng dahan dahan niyang kinuha 'yon at nagulat pa ako ng sinubukan niyang gamitin 'yon.
"Hoy! ikaw na nagsabi sakin masama manigarilyo tapos gagayahin mo pa ako," mahina kong sigaw sa kanya at sinusubukan na kinunin ang sigarilyo sa kanya.
Hinihits niya pa 'yon at sa kalaunan ay naubo pa dahil sinusubukan niyang ubusin 'yon.
"Halata pang first time mo pa rito, eh. Mamaya isipin ng mama mo bad influence ako sa 'yo," kinuha ko na ang sigarilyo sa kanya at tinapon sa basurahan.
"Baho," mahina niyang bulong.
Napadura pa siya dahil doon kaya natawa ako.
"Huwag mo na 'ko gayahin, Kristoff. Masyado ka pang baby ng mommy mo at baka pag nalaman niya naninigarilyo ang baby boy niya magalit pa 'yon."
Sumimangot siya at sumakay sa kanya motor.
"I'm not his baby boy, Anna. After all, I can give my mom a grandchild if she wants to."
Namula naman agad ako sa sinabi nito. Dinuro ko siya at inirapan. "Hoy, Ibang usapan na yan. At minsan sharing is not caring."
He chuckled. "Why? Inaasar mo ko na inosente tapos—"
"Shh! Shh! Shh!" pagputol ko sa sinasabi nito. "Hindi ako sanay, okay? Look at you! muhka kang inosente tapos malalaman ko nagsasabi ka ng ganyan."
Wala sa sarili na napasign of the cross ako dahil doon. Tinawanan niya lang ako at pinaandar ang motor. Hindi ko tuloy makita ang buhok nitong mala ginto dahil nakasout siya ng itim na helmet. Pero ang mata niya ay kitang kita ko. Kahit gabi ay parang nakatingin ako sa dagat sa tuwing magsasalubong ang titig naming dalawa.
"Let's stroll?" he asked. "Uunahan na kita, Anna. Chill stroll lang hindi racing."
Inirapan ko siya at sumakay na sa motor.
"Oa mo. Gano'n lang naman talaga ako mag drive."
"At least wear some protective gears, okay? You don't even wear a helmet right now."
Tinawanan ko lang siya at pinaandar na rin ang motor ko. Tinaas ko na ang stand at tinignan siya.
"Sa susunod mag sosout na."
He smiled at me. "Good girl."
Pinatakbo na namin ang motor at nagstroll stroll lang dito sa bayan. Paikot ikot lang kami at parang walang pake kung sakaling maubusan ng gasolina ang motor namin.
Kahit ngayon gabi lang ay makalimutan ko ang mga problema ko sa buhay. Ngayon lang naman ako humiling ng ganito kaya susulitin ko na 'to dahil kapag bumalik na naman ako sa bahay nandoon na naman. . . walang katigilang away, problema, at sermon ang mararanasan ko.
Kahit ngayon gabi lang maranasan ko na piliin muna ang aking sarili at hindi muna sila.
Ako muna.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top