CHAPTER 38

CHAPTER 38

HANGGANG NGAYON AY hindi parin nag-sisink in sa aking utak na may sakit ako. Hindi pa ako p'wede na madischarge dahil ang doktor na nakausap namin nung isang araw ay gusto na agad malaman kung anong klaseng treatment ang aking gagawin.
Ang kaso matigas ang ulo ko nagpa-discharge parin ako.

Chemotherapy ba o pag-inom ng gamot. Hindi raw advisable ang pag inom ng gamot dahil masyado raw agressive ang sakit ko. Mababa ang chance na mamatay ang cancer cells. Kaya pinaka recommended niya ang chemotheraphy.

Hindi pa ako handa sa chemotherapy kaya sinabi ko nalang na iinom nalang ako ng gamot. Pinayagan niya ako pero suggest niya na pagka isang linggo ay bumalik ako sa hospital para masimulan na ang pag-gamot sa akin.

"Anna!"

Naputol ang aking pag-iisip ng may sumigaw sa aking ngalan. Napakurap ako at tumingin sa gilid ng makita si Maris. Nag-aalala ang kanyang expresyon nito sa akin at hinawakan ang aking balikat.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang wika.

Kumunot ang noo ko. "B-bakit?" nauutal kong tanong.

"Baliw! Muntik ka ng mapaso ng mainit na tubig. Sana ako nalang inutusan mo mukhang wala ka sa sarili mo, eh," sermon nito sa akin.

"Mainit na tubig?"

Tumango ito. "Nako, Anna. Sige na bumalik kana roon sa upuan natin at ako na bahala rito," aniya.

Napagtanto ko na kanina papala ako nandito sa water dispenser. May cup noodles na nakasalod doon sa labasan ng mainit ng tubig. Masyadong marami ang aking iniisip kaya hindi ko na namalayan na napuno na pala ang cup noodles na dala ko.

Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa aking upuan. Pagkauwi ko sa bahay nong galing kami sa hospital ay nagresearch agad ako sa sintomas ng aking sakit. Simula ng malaman ko na may sakit ako ang mga sintomas na nabasa ko ay napapansin ko na sa aking sarili.

Natatakot ako. May mga araw na nacoconfuse ako at para bang hindi nag fufunction ang aking utak.

"Kumakain kana. Bumili nalang ako ng bagong cup noodles mo. wala ng lasa 'yon kung kakainin mo pa sa sobrang daming tubig mo na nailagay."

Sinundan ko ng tingin si Maris habang inaasikaso niya ako. Gumuhit ang ngiti sa aking labi at kinuha ang plastic spoon at nagsimulang kumain.

"Salamat," mahina kong wika.

Ngumiti siya sa akin at kinindatan ako. "You're welcome, madam."

Napailing nalang ako. May isang linggo pa ako bago bumalik doon sa hospital at maging handa para sa treatment ko. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ang pangingilid ng aking luha.

May sakit na talaga ako. Hindi na ito biro.

"Ano 'yan?" biglang tanong ni Maris ng inumin ko ang gamot na nireseta sa akin ng doktor.

"Painkillers lang," pagsisinungaling ko.

Nanatili siyang nakatingin sa akin. "Araw araw bang sumasakit ulo mo?"

Umiling ako. "Hindi naman. Kaninang umaga nalang ulit siya sumasakit kaya ininuman ko nalang ng gamot," muli kong pagsisinungaling.

Napatango naman ito. "Anna, kung palagi 'yang sumasakit magpa-check up kana, ah? Baka mamaya kasi hindi lang simpleng headache 'yan," mahina pero ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng pananalita nito.

Malambing akong tumango at hinawakan ang kanyang braso. "Oo huwag kang mag-alala."

NAGUSOT ANG AKING ilong ng may maamoy ako. Napag-isipan ko na mag half day nalang dahil may dinaanan pa ako sa bangko. Ang mga naipon kong pera roon ay 'yon ang aking gagastusin kapag magpapa chemotheraphy na ako.

Nag file na rin ako ng resignation letter at tinanggap naman 'yon basta tapusin ko lang ang isang linggo sa pagtatrabaho. Sinabi ko rin sa kanila ang totoong dahilan kung bakit ako mag reresign at nirequest na huwag sabihin kay Maris ang dahilan kung bakit ako nag resign. Alam ko kasing itatanong niya 'yon sa head namin.

"Shit!"

"Toffy?" tawag ko sa kanyang ngalan ng makitang tumakbo ito papunta sa kusina.

Tumayo ako sa aking kinauupan at natigil ang pagbibilang ng pera para sundan ito. Kumunot ang aking noo ng makitang pinatay niya ang kalan at binuksan ang takip ng kaldero.

"Nasunog yung kanin," dinig kong sambit nito pagkatapos ay sinulyapan ako.

"Ayan kasi hindi mo binantayan," tugon ko at humalukipkip sa kanya.

Nakita kong natigilan ito sa aking sinabi. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Dinala niya ako roon sa pwesto ko kanina habang nagbibilang ng pera.

"Kakarating ko lang dito, hon," malumanay niyang wika. "I guess you forgot that you cooked rice a while ago," malambing nitong wika.

"Kita mo naman nag bibilang ako ng pera rito bakit ako mag-sasaing," tugon ko.

Namayani ang katahimikan sa buong apartment at nagkatinginan lang kami. Parehas kaming naestatwa sa pwesto namin dahil doon.

"I-i'm sorry," mahina at nauutal kong wika.

Tahimik na tinuon ko nalang ang pansin sa pagbibilang ng pera. Posibleng nag saing talaga ako at hindi ko na maalala na nakasalang pala 'yon. Napapikit nalang ako ng sumakit ang aking ulo. Tinukod ko ang dalawang siko sa lamesa at parehas na napahawak sa ulo ko.

"Sumakit na naman ba?" nag-aalalang tanong ni Kristoff. "Hon, it's okay. Hindi ako galit. Next time kapag magluluto ka dapat nandito nalang ako para kung sakaling may nakalimutan ka ako nalang mag aasikaso no'n. It's that okay?" mahinahon niyang usap sa akin.

Impit akong napaiyak dahil sa sinabi nito. Nakalimutan ko na talaga. Pesteng sakit 'to mas lalong pinapahirapan ang mga gawain ko sa buhay! Mahina akong suminghot at sinalubong ang tingin ng aking nobyo.

"Nakalimutan ko. Sorry," pag-uulit ko habang wala parin tigil sa pagtulo ang aking luha.

Huminga siya ng malalim at binuhat ako na pang bridal style. Naupo ako sa kanyang kandungan ng maupo siya sa aking kama.

"Hindi parin ako makapaniwala ngayon na may sakit ako, Toffy," pag-rarant ko sa kanya. "Sa napakadaming tao sa mundo bakit ako pa?" tanong ko. "I didn't deserve this."

Napahagulhol ako sa kanya at sinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang pagyakap ng kanyang braso sa akin at mas lalo kong siniksik ang sarili sa malapad nitong dibdib.

Sunod sunod na paghikbi ang aking pinakawalan. Tanging malambot at malambing na boses nito ang aking naririnig hanggang sa kumalma ako.

"I'm here, hon. We're here to help you get through this. Be brave, and we're going to fight your cancer," pagpapagaan nito sa aking loob.

Tanging tango lang ang aking naitugon at niyakap siya pabalik. Hikbi at pag singhot ang naririnig sa buong apartment hanggang sa maging okay ako.

"Kumusta na si Lola Gigi?' tanong ko.

Matapos na kumalma ako sa pag-iyak ay nag-order si Kristoff ng ulam. Amoy at lasang sunog ang kanin pero mas pinili namin na kainin 'yon dahil masama ang mag-aksaya sa kanin.

"She's fine now. Medyo naninibago siya pero naging okay na rin. Bihira nalang din si Mommy na tumulong sa company ni Daddy kasi gusto niyang makasama si Lola. nilubos na niya yung mga taon na hindi sila magkasama kaya 'yon laging nag bobonding," tugon nito at sumubo ng pagkain.

Lumawak ang aking ngiti sa sinabi nito. Tama lang talaga ang naging desisyon nila na kunin si Lola Gigi. Atsaka matanda na ito kaya kailangan puro goodvibes nalang ang mararanasan nito at hindi problema.

"After one week babalik ulit tayo sa hospital para sa treatment mo," paalala sa akin ni Kristoff.

Dahan dahan akong tumango. Parang ayaw ko pa. Hindi pa ako handa para sa bagay na 'yon.

"P'wede bang uminom nalang ng gamot—"

"Hon," pagpigil nito sa sasabihin ko. "Alam mo naman magiging sagot ko d'yan. Chemotherapy is the best treatment in your case. Drinking medicine won't work that fast," seryoso nitong wika.

Nagaalala na tinignan ko ito. "Natatakot ako, Toffy. What if hindi gumana sa akin 'yon? Baka lumala pa sakit ko. Hindi pa ako handa sa chemotheraphy."

Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil ng mahina 'yon.

"That's why he gave us one week so that you can decide if you're going to take the chemotherapy, Hon. don't worry nandoon ako palagi sa tabi mo hanggang sa gumaling ka," sagot nito.

Hindi ako makasagot sa sinabi nito. "Are you sure," paninigurado ko rito.

He nodded. "I promise, hon. I'll never leave you."

Tumayo siya sa kinauupuan nito at pumunta sa aking pwesto. Yumuko siya kaonti at binigyan ng halik ang aking noo pagkatapos ay ang aking labi naman.

"Okay. mag papachemo na ako," sambit ko sa kanya.

Ang asul nitong mata ay nakatingin sa akin. Parang may humaplos sa aking puso ng makita roon ang pagmamahal niya sa akin. Gumuhit ang ngiti nito sa labi at niyakap ako ng mahigpit. Amoy na amoy ko tuloy siya.

"Very good decision, hon. You're really a brave girl."

One week later...

Nandito na ako ngayon sa hospital para magpa chemo. May ginawa lang sa akin na lab test bago magsimula. Tinupad naman ng aking nobyo na sasamahan niya ako kaya masaya ako dahil kahit papaano ay may kasama ako rito.

"I'm very happy, Ms. Santiago dahil pumayag kana," nakangiting wika ng doktor.

Tipid ko lang siyang ningitian at sinulyapan ang guwapo kong boyfriend na ngayon ay tahimik lang sa aking gilid. Nakasout lang ito ngayon ng black shirt at khaki brown na shorts, para sa paa nito ay nakasuot siya ng slides na tsinelas na mukhang pang-alis. Magkahawak ang aming kamay at ayaw na ihiwalay iyon.

"Pasensya na po sa mga nagawa ko sainyo last week, doc," paghingi ko ng paumanhi.

"Okay lang 'yon, Ms. Santiago. Naiintidihan kita kung bakit ka ganyan."

"Salamat po," nahihiya kong wika.

Lumabas muna ito at babalik nalang mamaya. Nandito kami ngayon sa infusion suite kung saan gaganapin ang aking chemotheraphy. Sa tingin ko ay private pa 'tong kinuha ni Kristoff para raw walang ibang pasyente ang makakasalamuha ko.

"Are you nervous, hon?" he asked.

Umangat ang aking tingin. "Oo," tugon ko. "I wish this treatment will work."

He cupped my small face and slowly kissed me. I kissed him back. We shared a kiss that was quite passionate. Na para bang ito na yata ang huling halik na mararanasan namin sa isa't isa. It felt like I was about to melt whenever he kissed me. I could feel his love, and my tears just continued to fall down without any reason at all as I was kissing him.

I just had this feeling that my life was about to end, but I'm ignoring it. I don't want to think like this. I need to be brave because there are people who care about me and believe in me to beat this cancer.

"Normal lang kabahan, hon. You're going to beat your cancer. Huwag kang panghihinaan ng loob. Tandaan mo na nandito lang kami ng family ko para sa'yo. We can be your second family," pagpapagaan nito sa akin loob.

Hindi ko maiwasan na matawa. Mahina kong hinaplos ang kanyang braso.

"Conyo talaga," pang-aasar ko.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at pinisil nito ang aking ilong.

"You're mean talaga—"

Sabay kaming napatingin sa pintuan ng may kumatok. Masyado pang mabilis para sa lab test result ko kakaalis lang ng doktor kaya paniguradong hindi siya 'yon.

"Ako na ang titingin d'yan ka nalang."

Tumango nalang ako at naupo sa magiging upuan ko kapag magpapachemo na. Narinig ko ang pamilyar na boses at biglang bumukas ang pintuan nitong infusion suite.

"Nasaan ba kasi si Anna," isang pamilyar at galit ang tono ang aking narinig.

Si mama.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top