CHAPTER 37
CHAPTER 37
HANGGANG NGAYON ay hindi parin ako makapaniwala. Kung nananaginip man ako sana ay gisingin na ako sa bangungot na 'to. Hindi ako natutuwa.
"Noncancerous naman yung akin hindi po ba?" tanong ko at umaasa na sana hindi cancerous ang nahanap ng tumor sa kaliwang bahagi ng aking utak.
"I'm sorry, Ms. Santiago nalaman din namin na ang tumor na nakita namin sa utak mo ay isang malignant which is cancerous siya," diretsahan nitong sagot sa akin.
Nanikip ang aking dibdib at muling tumulo ang aking luha. Halos hindi makapaniwalang tinignan ang doktor sa aking harapan habang nakasapo sa aking dibdib.
"You must be kidding me," natatawa kong wika. "Baka mali lang 'yan, doc," sambit ko sa pagitan ng aking paghikbi.
Hindi ko na namalayan na mahigpit na ang hawak ko sa aking kumot. Matalim na pala ang aking titig sa doctor. Kung hindi ko lang narinig ang kalmadong boses ni Kristoff baka ay nagwala na ako.
"Hon, calm down," he whispered. "He's going to help us. P'wede nating simulan yung treatment mo para gumaling kana habang maaga pa," pangungumbinsi nito sa akin.
Sinulyapan ko ang aking nobyo. Nagsalubong ang aming tingin, tingin nitong malumanay, kalmado na parang dagat at ang akin naman ay nanlilisik sa galit.
"I'm not sick, Toffy," mariin kong sambit sa kanya. Mahigpit na hinawakan ko ang kanyang braso para ipaintindi sa kanya na ayos lang ako at walang mali sa akin. "Hindi ko kailangan ng treatment dahil noncancerous lang 'to. Naiintindihan mo ba ako?" galit kong wika rito.
Hindi naman siya sumagot at napabuntong hininga na lamang. Magaan ang kanyang kamay na hinaplos niya ang aking braso para kumalma.
"I know it hurts to accept, hon. You're in the indenial stage. That's why you're like that."
Ang mga sinabi nito sa akin ay mas lalong nakapagpagalit sa akin. Malakas ko siyang tinulak at laking gulat ko rin dahil napaatras ko siya sa laki ng katawan nito. Ang kaninang nakaupo kong nobyo sa gilid ng kinahihigaan kong kama ay ngayon ay nakatayo na.
"Wala akong sakit!" sigaw ko. Matalim kong tinignan at dinuro ang doctor sa aking gilid. "Nakikipagbiruan ba ako, ha?! Akala mo magandang joke 'yang sinasabi mo!?"
Hindi ko na alam kung ano ang aking nagawa sa loob ng kwarto. Nagkalat na ang mga unan pati na rin ang bedsheet ng hospital bed ay natanggal na. Sunod sunod ang aking hikbi na para bang mawawalan ako ng hininga. Naninikip ang aking dibdib kaya habang lumuluha ay nakahawak ako roon.
Nakita ko na naalerto si Kristoff dahil sa nangyari. Naramdaman ko na ikukulong niya ako sa kanyang bisig pero muli ko itong tinulak.
"Don't touch me!" I shouted. "I'm not sick! This is all a joke!" nagwawala kong sambit.
"Also, one of the common symptoms of having an astrocytoma is personality change. It can be an emotional liability, which means their emotions become unpredictable. They may laugh or cry without apparent reason. aside from that it can be also a irritability and agression, Tumors can cause irritability, anger, and aggression," seryoso nitong wika sa akin.
"Stop talking!" sigaw ko sa doktor. Bumaba ako sa kama at akmang susugurin siya ng hapitin ni Kristoff ang aking beywang papalapit sa kanya.
"Changes in impulse control may lead to outbursts or inappropriate behavior. As I observe your behavior now, it may be irrationality and aggression, Ms. Santiago. We can help you, so please agree to the treatment that we offer you," pagpapatuloy nito.
"Hon!" wika ni Kristoff ng bumagsak ako sa sahig habang lumuluha.
Mabuti nalang at nakaalalay ang kanyang katawan sa akin ng bumagsak ako. Parang talon ang aking luha. Wala silang tigil sa pag tulo kahit nakapikit ang aking mata. Namamaos na ako kakasigaw dahil ayaw kong maniwala.
"Please, calm down. Natanggal na yung swero sa'yo," nag-aalalang wika ni Kristoff.
Nagmistulang bingi ako. Alam ko na natanggal na ang swero sa kaliwang bahagi ng aking kamay dahil nararamdaman ko rin ang pagtulo ng aking dugo pababa roon. Pero wala akong pakielam. Mas nanaig ang sakit sa aking dibdib at puso dahil sa aking nalaman.
"I'm not sick," parang batang wika ko rito.
Mariin akong napapikit ng biglang sumakit ang aking ulo. Heto na naman ang sakit na akala mo minartilyo ang ulo ko ng maraming beses.
"My head," I cried. "It hurts so much," I sobbed.
"Tatawag lang ako ng nurse," rinig kong sambit ng doktor. "Please pag-isipan niyo ng mabuti kung anong gagawing treatment para kay Ms. Santiago. I want to inform you that her tumor is in grade three, which is much more aggressive than grade 2 astrocytomas. We can start the treatment as soon as possible to help her feel better," pahabol nto.
Much more aggressive? Malala na yung tumor sa utak ko?
Napasabunot nalang ako sa aking ulo at napasigaw sa sinabi niya. Ang unan sa aking gilid ay idinampot ko at binato sa kanya kahit na sobrang sakit ng aking ulo.
"Get out!" I exclaimed.
Nanghihina na sinandal ko ang aking ulo sa dibdib ni Kristoff habang patuloy parin sa pagluha. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang ako sa mga gusto kong sabihin. Hawak hawak parin ang aking ulo dahil nandoon parin ang sakit.
"I'm not sick, Toffy," parang bata kong sambit sa kanya. "Ang sakit ng ulo ko. Please help me, I'm scared," I cried.
Naramdaman ko ang kanyang pagyakap sa akin at ang kamay nito ay dumako sa aking ulo. Minasahe niya 'yon ng dahan dahan na akala mo ay maalis ang sakit na nararamdaman ko pero hindi. Ganoon parin talaga siya. Ang sakit niya parin at gustong gusto ko ng iuntog o mawalan nalang ng malay para hindi maramdaman ito.
"We will help you, Hon. We will start the treatment immediately. Gagaling ka pangako 'yan. I'll talk to dad, he knows a good neurologist—"
"I don't want to die," umiiyak kong sambit.
"Shh. you will not die, I promise. Huwag ka mag-isip ng ganyan."
Umiling ako kahit na lumuluha. Kahit anong punas niya sa aking luha ay napapalitan parin ito ng bago.
"I'm scared..."
"Everything will be okay, hon. Tutulungan ka namin."
NAMUMUGTO ANG AKING MATA habang nakatingin sa labas ng bintana nitong kwarto. Hindi pa ako nakakauwi ng apartment dahil may titignan pa ang doktor sa akin. Chinat ko na rin kay Annie ang kalagayan ko. Na may tumor ako.
Hindi ko alam kung paano ako pinakalma ni Kristoff sa mga nangyari kanina. Pinaintindi niya lahat sa akin ang mga bagay bagay. Indenial pa ako ng walang sakit, tinatanggi ko pa kahit na may ebidensya na silang pinakita.
Sadyang hindi ko lang matanggap na ganito ang nangyari sa akin. Bakit sa'kin pa? Bakit ako pa?
Napalingon akong biglang may kumatok sa pintuan. Kasabay no'n ang pagpasok ng doktor kasama si mama. Bahagya pang nanlaki ang aking mata dahil nakita ko siya. Awtomatikong namuo ang aking luha. Walang emosyon na tinignan ako ni mama habang ang doktor sa gilid nito ay parang tinititigan pa ang mukha ng aking ina.
"Mama..." mahina at parang naiiyak kong tawag sa kanya.
Kaming tatlo lang ang nandito dahil umalis lang si Kristoff para bumili ng makakain namin ngayong gabi.
Naglakad patungo sa aking direksyon si mama habang nakahalukipkip.
"Nasabi sa akin ni Annie kung anong nangyari sa'yo," seryoso niyang wika.
Napalabi ako sa sinabi nito. "May sakit ako, 'ma," tumulo na ang pinipigilan kong luha. "May nakita po silang tumor sa kaliwang bahagi ng utak ko. Grade 3 na raw 'yon at cancerous."
Masyado na akong nagiging emosyonal ngayong araw dahil sa nangyayari sa akin. Akala ko ba naman ay maaawa ito sa akin o icocomfort niya ako pero hindi ko inaasahan ang naging reaksyon nito.
Natigilan ako ng pagak itong tumawa sa aking harapan. Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdaman ang pamilyar na sakit na palagi kong nararamdaman kapag nasasaktan ako.
"Alam mo kung anong tawag d'yan, Anna?" pabalang nitong wika. "Karma na 'yan dahil sa ginawa mo sa asawa ko."
Walang tigil sa pagtulo ang aking luha kasabay ng paglabas ng hikbi sa aking bibig. Napatakip ako sa aking bibig habang umiiling. Ang doktor sa gilid nito ay tahimik lang at nakikinig sa sinasabi ni mama.
"Ikaw may kasalanan kung bakit namatay si Samuel kaya karma na 'yang nangyari sa'yo. Parehas lang din ang sakit niyong dalawa kaya hindi na talaga ako magtataka na magiging karma mo 'yon."
Hindi lang parang tinutusok ang puso ko. Parang pinipiga pa 'yon at sinasaksak sa sobrang sakit. Habol habol ang aking hininga na tinignan ito. Namumula ang kanyang mata at nangingilid ang kanyang luha.
Nasasaktan parin siya hanggang ngayon dahil sa pagkamatay ni papa.
"Hindi k-ko po kasalanan 'yon, 'ma," humihikbi kong wika. "Bata pa po ako no'n. I'm sorry p-po," nahihirapan kong wika.
"Ikaw ang may dahilan kaya huwag ka ng magpaliwanag pa!"
Napapikit ako dahil sa pagsigaw nito. Dumagundong 'yon sa buong kwarto. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin. Ano ba dapat kong gawin parin maging okay na kami?
"Samuel? Samuel Santiago?" pag-ulit ng doktor.
Kahit nanlalabo ang aking mata dahil sa aking luha ay sinulyapan ko ang doktor. Nakatingin siya ngayon kay mama na hanggang ngayon ay nanlilisik ang tingin sa akin.
"Anong problema mo sa asawa ko?" bastos na tanong ni Mama.
Tumikhim ang doktor at seryoso niyang tinignan ang aking ina. "If you don't remember me I'm the one who handle Samuel's medical case lalo na sa brain tumor nito."
Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili ng tignan niya ako. Calm down, Anna. wala rito si Kristoff. Sarili mo lang muna ang kakampi mo ngayong oras.
"That's why your daugther is familiar to me because she's Samuel's daughter," wika nito.
Tinalikuran na ako ni mama kaya ngayon ay nakaharap na siya sa doktor. Nakahalukipkip ito at masama parin ang tingin nito.
"Oh? Anong gagawin ko, doc? Kaya mo bang buhayin ngayon yung asawa ko kaya nagsasalita ka ng ganyan? Anong magagawa niyang ikaw ang nag hawak ng medical case ng asawa ko eh matagal na siyang patay!" galit nitong saad.
"My deepest condolence, Mrs. Santiago. After a years ngayon lang din tayo nagkita. Hindi kana namin nahanap dahil bigla ka nalang umalis ng makuha mo yung katawan ng asawa mo rito sa hospital namin. Sasabihin sana namin na ang cause of death ng asawa mo ay ang pagputok ng ugat sa kanyang utak."
Natigilan ako sa aking narinig. Ang kaninang nakahalukipkip na braso ni mama ay ngayon ay nakababa na. Wala ni isang nagsalita sa amin ng ilang segundo.
"May brain tumor na siya pero hindi 'yon ang cause of death niya kundi ang pagputok ng ugat sa kanyang utak," paguulit nito. "Nakalagay na rin sa death certificate ng asawa mo 'yon—"
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!" pagputol ni mama sa sasabihin ng doktor. "Gano'n din 'yon, dok! Related parin sa utak ang pagkamatay ng asawa ko dahil sa bobita niyang anak," galit nitong wika at muli akong sinulyapan. "Hindi ko kailangan sayangin ang oras ko para basahin 'yang pesteng death certificate ng asawa ko dahil kahit pagbaliktarin ang mundo siya parin may kasalanan kung bakit namatay ang asawa ko!"
Akala ko ay nailuha ko na ngayon araw ang lahat ng luha ko pero hindi pa pala. Muling tumulo ang aking luha at dahan dahang naglakad patungo sa kanyang pwesto.
"Sorry po, 'ma," humahagulhol kong wika. "Sorry po sa lahat. Oo na po, ako na po ang may kasalanan kung bakit namatay si papa. Hindi ko na po itatanggi 'yon. Gusto ko lang po na magka-ayos tayong dalawa sa lalong madaling panahon," humihikbi kong wika.
Niyakap ko siya ng mahigpit at doon lumuha sa kanyang balikat. Agad naman siyang nagprotesta sa aking ginawa.
"Punyeta ka! Huwag mo akong hawakan!" sigaw nito at pilit na tinitanggal ang aking braso na nakayakap sa kanya pero hindi ako nagpatinag. "Wala kang karapatan na yakapin ako mamamatay tao ka!"
Sa isang iglap ay sumalampak ako sa sahig dahil sa pagtulak nito sa akin ng malakas. Ramdam ko pa ang pamamanhid ng aking pang-upo. Agad namang pumunta sa aking pwesto ang doktor na kasama namin para tulungan akong makatayo. Pinaupo niya ako sa kama at hindi nagsalita.
Sunod sunod ang aking hikbi habang nakatingin sa aking ina.
Kinamumuhian niya ako. . . 'yan ang nababasa ko sa kanyang mata. Hindi ko alam kung paano niya nakakaya na magtanim ng sama ng loob sa akin.
"'Ma, please mag-ayos na po tayo. Parang awa niyo na po. Gusto ko pong makipag-ayos sainyo," sambit ko habang umiiyak sa kanyang harapan. "Kahit ngayon lang po. Pagbigyan niyo na yung hiling ko."
Nagsisimula na namang humapdi ang aking mata at bumibigat na siya.
Hindi niya ako pinansin at nagtungo na ito sa pintuan ng aking kwarto para lumabas. Bago pa siya tuluyang makaalis dito ay nagsalita ito na ikinabasag ng aking puso, na kung sabihin niya 'yon sa akin ay hindi niya ako anak.
Na para bang hindi niya ako iniluwal at hindi nila ako nabuo ni papa dahil sa pagmamahalan nilang dalawa.
"Mas mabuti pang ikaw ang namatay, Anna. hindi si Samuel. Baka masaya pa ako hanggang ngayon kung 'yon ang mangyayari," seryoso niyang wika at tuluyan ng lumabas sa aking kwarto. Dahil doon ay muli na naman akong napahagulhol at napayuko nalang dahil sa sakit na aking nararamdaman.
Oo nga pala. Nakakaya niyang sabihin 'yon sa akin dahil hindi na anak ang turing niya sa akin. Kundi mamamatay tao na.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top