CHAPTER 36

CHAPTER 36

NAALIMPUNGATAN AKO NG maramdaman ang sikat ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana nitong apartment ko. Manipis lang kasi ang kurtina na kalagay roon kaya tumatagos 'yon. Sa susunod nga bibili na ako ng black out curtain. Kahit inaantok ay pilit ko parin bumangon at mag-asikaso ng mga dapat kong gawin.

Sinipat ko ang lalakeng katabi ko ngayon na mahimbing parin natutulog. Ang ilang bahagi ng kanyang buhok ay nakatakip sa kanyang mukha. Malalim ang kanyang paghinga sanhi na tulog na tulog parin ito.

Maingat akong bumangon at naestatwa saglit sa aking kinatatayuan ng maramdaman ang pagkahilo. Napapikit ako at hinintay ang ilang segundo hanggang sa maging okay ang aking pakiramdam.

Nagluto nalang ako ng almusal namin pagkatapos ay kinuha ko ang tuwalya sa gilid ng kabinet para maligo na. Maaga pa ang pasok ko ngayon.

"Ano bang meron," mahina kong sambit ng bigla akong nahilo.

Napahawak ako sa pader at mahinang napadaing ng maramdaman ang sakit sa aking ulo. Bumilis ang tibok puso ko at hindi ko alam bakit kinakabahan ako.

"Ouch," naiiyak kong bulong.

Mariin parin akong nakapikit na akala mo ay sa paraan na 'yon ay maalis ang sakit na nararamdaman ng aking ulo. Parang mas dumoble pa ang sakit no'n kumpara sa naranasan ko noong kelan lang. Natitiis ko ang iba pero ngayon hindi na.

Napadausdos ako sa sahig ng banyo at hindi namalayan na nasanggi ko ang mga nakadisplay na bottled shampoo. Naglikha iyon ng malakas na ingay. Sunod sunod ang pagtulo ng aking luha at pag-hikbi dahil hindi ko kaya ang sakit.

Nakayuko ako sa aking tuhod habang ang aking kamay ay nakasabunot sa buhok ko. Hanggang ngayon ay hindi parin naaalis ang sakit no'n. Parang gusto kong iuntog ang aking ulo sa pader.

"Anna!"

Kahit nakapikit ako alam ko kung sino 'yon. Dinig ko ang paghingal ni Kristoff, nagkukumahog na pala ito papunta sa akin.

"My head," humahagulgol kong sambit habang nakapikit. "Bakit ang sakit ng ulo ko," parang bata kong wika.

"Let's go to the hospital," natataranta niyang wika.

Naramdaman ko nalang na binuhat ako nito. Nanatili parin akong nakayuko habang hawak ang aking ulo. Impit akong napaiyak ulit ng sumakit na naman ang ulo ko. Ayan na naman ang nararamdaman ko na parang minamartilyo ang aking ulo.

"I'm scared. Bakit ang sakit niya. Help me please."

"Okay, hon. Calm down. Papunta na tayo sa hospital," pagpapakalma nito sa akin.

Malabo na sa aking pandinig ang mga sinasabi nito. Hidni ko alam kung saan ako magfofocus. Kung sa sakit ba ng aking ulo o sa mga sinasabi nito para kumalma ako.

Kahit nakapikit ako alam kong natataranta rin siya. Hindi ko kasi magawang dumilat dahil sa tingin ko mas lalong sasakit 'yon. Makalipas ng ilang segundo sa pagrereklamo ko na masakit ang aking ulo naramdaman ko nalang na parang may tumulo na likido palabas sa aking ilong pagkatapos no'n ay hindi ko na namalayan na nawalan na akong ng malay.

KAHIT MABIGAT ANG talukap ng aking mata ay pinilit kong idilat 'yon. Alam ko na nasa hospital ako ngayon at sa bandang dulo nitong kwarto ay nakita ko si Kristoff kausap ang doktor. Sa tingin ko ay seryoso ang kanilang pinaguusapan dahil walang emosyon ang kanilang mukha.

Hindi nakatakas sa akin ang pagkakaroon ng pag-alala sa expresyon ni Kristoff. Dahil do'n parang tinambol ng kaba ang aking dibdib. Hindi ko alam pero bumilis ang aking pag-hinga habang pinagmamasdan sila. Parang may kutob akong hindi maganda iyon.

"Toffy," tawag ko sa kayang ngalan.

Alerto na lumingon sa akin si Kristoff at ganoon din ang doktor na kausap nito. Awtomatik na pumunta sa aking direksyon ang nobyo ko na may bahid na pag-alala sa kanyang mukha.

"Hon," malumanay niyang wika. "Thank god you're awake now. Pinag-alala mo ako."

Hinawakan niya ang aking palad at pinagsiklop niya 'yon. Hindi pa nakuntento ay binigyan niya pa 'yon ng munting halik. Pinabayaan ko nalang siya at ningitian nalang ito. Umangat ang aking kamay at sinuklay iyon sa mahaba at mala ginto nitong buhok.

"P'wede na ba akong ma discharge?" nakangiti kong tanong sa kanila. "I have a work now. Balak kong humabol nalang kahit late sayang kasi ang sahod."

Nakita kong nagkatinginan sila ng doktor bago nila ako sulyapan.

"Hon," tawag sa akin ni Kristoff sa malambing na tono.

"Bakit?" tanong ko. "P'wede naman mainuman ng gamot 'yon sakit sa ulo ko hindi po ba, doc? Baka sa stress lang din po ang dahilan kaya nangyari 'to. Lagi na po kasi akong nag oovertime sa trabaho," sambit ko ng lingunin ko ito.

Humigpit ang hawak ni Kristoff sa aking kamay. Kasabay no'n ang pagtikhim ng doktor bago magsalita.

"Ms. Santiago I suggest na hindi ka muna pumasok sa trabaho mo dahil baka mamayang hapon ka pa makakauwi. Hinintay ka lang talaga namin na magising para ipaalam sa'yo na ipapa MRI ka."

MRI?

Naguguluhan na tinignan ko silang dalawa. Halos magdikit na ang dalawang kilay ko dahil nakakunot 'yon.

"Po? MRI? " paguulit ko na akala mo ay hindi ko narinig 'yon. "Bakit kailangan ko ng MRI? Okay na po ako doc sa stress lang sa work ang dahilan nito kaya sumasakit ulo ko. Naiinuman ko naman po siya ng gamot."

"Ilang beses na sumasakit ulo mo, Ms. Santiago?" biglang tanong nito.

"Maraming beses na po," sagot ko kahit naguguluhan.

"Everything is going to be okay, hon," mahinang wika ni Kristoff sa akin.

"Nakakaramdam ka ba ng hilo paminsan minsan? Migraines? Severe headaches? Memory problems?" sunod sunod nitong tanong sa akin.

Parang doon yata sasakit ang ulo ko sa mga katanungan nito.

"Hon..." malambing na wika ni Kristoff. Hindi ko alam bakit may bahid na takot o kaba ang nararamdaman niya ng banggitin niya ang aking pangalan.

Dahan dahan akong tumango sa doktor. "Opo. lahat po n'yan nararamdaman ko," tugon ko habang nakakunot ang noo. "Bakit po?"

"We recently talked about the possibility that you might have the typical signs of a brain tumor, Ms. Santiago. For this reason, I highly recommend having a MRI scan so we can figure out if the headache is actually an ordinary stress headache or a brain tumor."

"B-brain tumor?" nauutal kong tanong.

Parang kakapusin ako ng hangin sa sinabi nito. Mabilis ang aking paghinga kasabay no'n ang paghalik ni Kristoff sa akin palad. Pinapakalma niya ako sa paraan ng paghalik niya roon.

"No," nanghihina kong wika. "Wala akong brain tumor, doc. Uuwi na ako ngayon. Sa stress lang 'to kaya sumasakit ang ulo ko," madiin kong wika.

"Hon. just do what he wants. Para sa'yo naman yung sinasuggest niya," pangungumbinsi ni Kristoff sa akin.

Umiling ako. "No, Toffy," matigas kong tugon. "Wala ako sakit. I'm healthy!"

"My family history ba kayo sa brain tumor, Ms. Santiago?" tanong nito.

Hindi ako makasalita sa sinabi nito dahil unang pumasok sa akin ang aking ama na namayapa na. May sakit itong brain tumor at dahil sa akin mas lumala ang sakit nito. Ang kanyang ina naman na lola ko ay namatay rin sa sakit no'n at the rest ay hindi ko na alam.

"Yung papa ko..." I whispered. "Pati ang mama niya. They both died with the same illness."

Nakita ko ang pagtango ng doktor. "I see. P'wede na tayo mag perform ng MRI ngayon, Ms. Santiago. Kapag wala naman kaming nakita roon ay p'wedeng p'wede ka ng umuwi."

"Pero wala akong sakit, doc," pamimilit ko.

"Hon, just do what he say. Please? Nag-aalala rin ako sa'yo," pagmamakaawa ni Kristoff sa akin.

Hindi ko alam pero nangingilid ang aking luha ng sulyapan ko ito. Umiling ako sa kanyang harapan at doon na tumulo ang aking luha sa kanyang harapan.

"I'm healthy, Toffy. I'm not sick. Okay naman ako. I don't need this," mahina kong wika sa kanya.

"It is possible that you might inherit the condition from your father's side because brain tumors run in your family," pag-singit ng doktor.

"Magpapa-MRI scan po kami, doc. Final na po 'yon."

"Okay. pupuntahan ko nalang kayo kapag ready na ang scan room para sa MRI," pagpapaalam nito at lumabas na.

Si Kristoff nalang ang sumagot sa doktor dahil hindi masyado nag fufunction ang utak ko sa mga nangyayari. Nakakabigla ang lahat. Nakakabigla, nakakakaba. At nakakatakot.

"I'm not sick. I'm not sick. I'm not sick," paulit ulit kong wika at parang nababaliw na ako.

Muli akong napahagulgol ng makulong ako sa bisig ni Kristoff. Ang kanyang palad yan hinahagod nito sa aking likuran para kumalma ako. Sunod sunod ang aking paghikbi at paulit ulit na sinasambit sa kanya na wala akong sakit.

"I'm not sick, Toffy," wika ko sa pagitan ng aking hikbi.

"You will be okay, hon. Don't worry i'm here," pagpapakalma nito sa akin.

Lumipas ng pagkahaba-habang oras ay natapos na ang MRI scan na gusto nilang mangyari. Hindi parin kumalma ang nararamdaman ko hangga't hindi ko malalaman ang resulta ng MRI scan. Malakas ang aircon sa loob ng kwarto pero grabe ang pawis sa aking noo lalo na ang aking palad. Nanlalamig ako.

Isang mahinang katok ang aming narinig sa labas ng kwarto kasunod no'n ang pagpasok ng doktor. Siya 'yong nakausap namin kanina ni Kristoff. Hawak niya na agad ang resulta ng MRI scan ko. Pinipigilan ko lang ang aking sarili na huwag hablutin sa kamay niya ang brown envelop para ako na ang tumingin no'n.

"Nakuha na namin 'yung resulta, Ms. Santiago," may nilabas siya sa brown envelope at may binasa.

"Ano pong result, doc? Meron po ba?" kinakabahan at sa kalaunan ay naiiyak na.

Napabuntong hininga ito at base sa naging reaksyon niya ay alam ko na. Kaya hindi ko na maiwasan na muling lumuha sa kanyang harapan. Hindi nagsasalita si Kristoff pero ang kanyang kamay ay humahagod sa aking likuran para kumalma ako. Mabilis ang aking paghinga at hinihintay ang susunod na sasabihin nito.

"You have a brain tumor, Ms. Santiago. We found astrocytoma in your left brain. Some kinds of this type of brain tumor can be non cancerous or cancerous."

Para ang nabingi sa sinabi nito. Hindi ko alam pero parang nanghina ang aking katawan sa narinig ko. Kung hindi lang siguro naka suporta sa akin si Kristoff ay baka bumagsak na ang aking katawan sa kama.

No. No. No. I'm not sick.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top