CHAPTER 32

CHAPTER 32

KATATAPOS KO LANG mag-almusal at nag-asikaso na agad ako ng aking sarili dahil death anniversary ng bunsong kapatid ko na si Anton. Nakabihis ako ng simpleng sundress na kulay light blue. Dahil hindi ko naman p'wedeng matali ang maikli kong buhok naglagay nalang ako ng hairclip na pearl ribbon ang design. Kinuha ko rin sa shoe rack na nakalagay sa likod ng pintuan ang flat shoes na kulay puti rin na palagi kong ginagamit.

Bibisita lang ako roon sa puntod ng kapatid ko pagkatapos ay magsisimba rin bago umuwi ng bahay. Linggo ngayon kaya makakagawa ako ng mga gawaing bahay lalo na ang paglalaba dahil natambakan na naman ako ng labahin.

Bumili nalang din ako ng mailalagay na pagkain sa puntod ni Anton sa karinderya. Busy kasi ako kagabi at hindi na rin naasikaso gawa ng pagod. Hindi ko na kaya ang sunod sunod na gawain dahil napapagod agad ako.

Dalawang araw na ang lumipas simula noong nagkita kami ni Kristoff sa pinagtatrabuhan ko. Iyon lang talaga ang naging interaction namin at wala ng iba. Wala ng call maski text. Natigilan naman ako sa aking pinag-iisip. Bakit ko ba hinihintay na gawin niya 'yon sa akin?

Nang makarating na ako sa puntod ni Anton ay napaatras ako sa aking nakita

Anak ng anong ginagawa niya rito?

Hindi niya ako napansin dahil nakatalikod siya sa pwesto ko. Naka indian seat siya sa nakalatag na banig at sa tingin ko ay kumakain ito sa harapan ng puntod ng aking kapatid.

Dahan dahan lang ang aking lakad hanggang makalapit sa kanya. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nito. Nang lumingon siya sa akin ay muntik pa siyang mabulunan dahil sa kinakain nito.

"What are you doing here?" I asked.

"Uhm..." nagaalanganin nitong tugon. Umangat ang kanyang kamay at tinuro ang lapida ni Anton. "I visit your brother. Death anniversary niya ngayon 'di ba?"

Tumango ako at lumapit sa aking kapatid. Nilapag ko roon ang binili kong bulaklak at binuksan narin ang binili kong pagkain sa kanya. Ang dala kong kandila ay sinindihan ko na 'yon at nagdasal kaonti.

"You can sit beside me," sambit nito ng makitang tapos na ako magdasal.

Wala naman akong choice dahil madudumihan ang sout kong dress kung sa damuhan ako mauupo. Malaki naman ang dala niyang banig kaya mas mainam pa 'yon kesa sa magsisiksikan kaming dalawa.

"Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko.

Hindi ko maiwasan na tignan ang dala niyang pagkain. Kumunot ang noo ko ng mapansing puro chicken breast ang nandoon pero iba't iba ang luto.

Tumango ito. "Yes. One hour mahigit na rin nagpa misa rin kasi ako rito kanina kaya maaga punta ko," tugon nito.

Dumako tuloy ang tingin ko sa kanya ng marinig ang sinabi nito. Nagpamisa? Wala sa sariling hinagod ko ng tingin ang katawan nito. Khaki brown short at as usual simpleng white shirt na may print sa likod na sa tingin ko ay hiragana letter ang disenyo no'n.

"Okay," tipid kong tugon.

"Marami pang pagkain dito kumain ka muna," pag-aya nito sa akin.

Hindi na ako nakatanggi dahil kumuha na siya ng mga pagkain at kanin. Mukha namang masarap kaya susubukan kong tikman ito.

"Luto mo?" tanong ko. Kinuha ko sa kanya ang malinis na kutsara at ang tissue na nilahad nito sa akin.

"Yes. Puro chicken breast nga lang. I'm sorry," paghingi nito ng paumanhin sa akin. "I'm working out kasi 'tsaka nagbubuild ako ng muscle."

Muntik pa akong masamid ng marinig ang pagiging conyo nito. Sa nakalipas na tatlong taon ngayon ko nalang narinig ang pagiging gano'n niya kaya hindi ko itatanggi na namimiss ko 'yon.

"Slow down, Anna," malumanay ang boses nito. Kumuha siya ng bottled water sa pa box na bag at binigay sa akin. Siya na rin ang nagbukas no'n para diretso inom nalang ako.

"Thanks," tipid kong tugon. "You're working out right?" I asked.

He nodded. "Yes, why?"

Nagkibit balikat ako. "Well you're body is looking good now. Bakit magpapamuscle ka ng sobra?" tanong ko at hindi makatingin sa kanya ng maayos.

Binagalan ko nalang ang pag nguya ng pagkain dahil kung uubusin ko agad 'yon wala na akong ibang pagtutuunan ng pansin dahil para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig nito sa akin.

"Are you okay with my body?" tanong nito at parang hindi pa yata makapaniwala sa aking sinabi. "So it's fine if I stop to go to the gym?"

Napalingon ako sa kanya. "Anong it's fine if I stop to go to the gym ka d'yan. Ano ako mama mo? Bakit dumidipende ka sa desisyon ko kung magpapalaki ka ng katawan o hindi," hindi ko maiwasang maging pilosopo sa kanya. Mukha siyang nawawalang bata ng tignan ko ito.

Mabuti at may mga puno rito kaya may nasisilungan kami. Malakas din ang dumadaan na hangin sa pwesto namin. Kahit tirik ang araw wala parin itong panama sa malakas na hangin na dumadaan.

"I'm just asking lang naman," heto na naman ang pagiging conyo nito.

Napailing nalang ako at inubos ang pagkain. Ininom ko na rin ang tubig at nilagay sa plastic sando bag dahil doon niya iniipon ang mga basura nito.

"Desisyon mo 'yon kung magpapalaki ka ng katawan o hindi—"

"Do you like my body?"

Napapikit nalang ako dahil kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig nito. Pinigilan ko ang aking sarili na huwag magsalita dahil mananaig na naman ang puso ko sa mga pinagiisip ko.

Tumayo na ako at pinagpag ang sout kong dress. Naalarma naman siya sa ginawa ko kaya napatayo rin siya. Sa laki nitong tao na 'to p'wede na niya akong matago, eh. Kahit sumiksik lang ako sa malapad itong dibdib for sure makakatago talaga ako ng maayos.

"Bye, Anton," pagpapaalam ko at hinaplos ang kanyang lapida.

"Wait! Where are you going?" sigaw nito ng maglakad ako papalayo.

"Magsisimba, bakit?" sambit ko ng lingunin siya.

Wala akong nakuhang sagot dahil nagkanda ugaga ito sa pagligpit ng pinagkainan nito. Parang may sariling utak ang aking paa dahil natagpuan ko nalang ang aking sarili na tinutulungan ko na ito sa pagliligpit.

"I was about to go to church. Sabay nalang tayo?"

Pinaningkitan ko ito ng mata dahil hindi ko alam kung coincidence lang ba na pupunta siya ro'n o gusto niya lang akong makasama. Nung isang araw pa itong ganyan eh. 'Yon ang napapansin ko sa kanya.

"Pupunta ba talaga o gusto mo lang ako samahan?" straight to the point kong tanong sa kanya.

Huli ko naman agad sa naging reaksyon nito na para bang kinakabahan siya na ewan. Ang mata nitong mala dagat ay malikot ngayon at kung saan saan tumitingin. Hindi man lang ako matignan sa mata.

"Hindi naman ako magtatagal do'n kasi marami akong aasikasuhin sa bahay pero kung gusto mong sumabay okay lang din," wika ko ng hindi siya makasagot sa aking tanong.

Kaya ang nangyari ay ayon sabay na kaming nagsimba rito sa sikat na simbahan sa cuidad. Nakisakay nalang din ako sa kotse nito dahil dala niya pala. Ito yung kotse na dala niya nung nagvolunteer siya na maghatid ng appliances na napanalunan ko nung raffle.

Akala ko ng matapos ang misa sa simbahan ay tatantanan niya na ako pero hindi pa pala! Hanggang sa pag-uwi ko ng bahay ay hinatid niya ako at hindi pa nakuntento para bata akong sinusundan.

"Ano bang problema mo?" tanong ko.

Nakasout na ako ng pambahay pero heto siya nakaupo sa upuan sa maliit ng dining area ko.

"What's my problem?" paguulit nito.

Napapagod na binaba ko ang basket na naglalaman ng labahin at napameywang nalang sa kanyang harapan.

"Umalis kana Kristoff at may gagawin ako ngayon. Busy ako dahil bukod sa maglalaba ako maglilinis pa ako ng apartment," seryoso kong wika sa kanya.

Parang bata itong tuod na nakaupo sa upuan habang nakatingin sa akin. Ang kanyang kamay ay nakapatong sa hita nito. Naka bun ang mahaba nitong buhok at nakalaylay ang ilang hibla ng kanyang buhok sa mukha. Namumula pa nga siya dahil sa init eh kaya ang electric fan ko ay tinutok ko sa kanya.

"I can help you," tugon nito.

Heto na naman si I can help, I can help na 'yan. Umiling ako at tinuro ang nakabukas na pintuan.

"Umuwi kana, Kristoff. Wala kang mapapa rito. Ang init init dito sa apartment atsaka walang aircon. Tignan mo sarili mo namumula ka kung alam mo lang," panenermon ko.

Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi. "I don't mind."

Tumayo ito na ikinakunot ng noo ko. Ano na naman bang gagawin nito. Nabigla ako ng kunin niya ang dala kong basket at dinala sa likod ng apartment. May maliit kasing pwesto roon na p'wedeng paglabhan kaya minsan doon na ako naglalaba.

"Dito ka naglalaba am I right?" he asked.
Linggong linggo iniinis ako nito. Napakamot nalang ako sa aking buhok dahil sa inis at inunahan siya.

"Yeah. you're right dito ako nag lalaundry," pangaasar ko sa kanya.

"Mean," he whispered.

Sa sobrang inis ko ay hinablot ko agad sa kanya ang basket at inayos na ang mga unang lalabhan ko. Mukhang alam niya naman ang gagawin kaya hindi na siya nagtatanong sa akin. Hindi ko na alam kung anong oras na kaming inabot sa paglalaba dahil ang dami niya talaga.

"Umuwi kana kasi, Kristoff. Ako na bahala rito," pangungulit ko.

Nakahubad na pala ito dahil sa sobrang init. Ayaw niya pa kasi makinig eh yung dibdib niya ay akala mo tocino na sa sobrang pagkapula.

"It's okay, Anna. ang dami rin ng lalabahan mo. Kung hindi kita tutulungan baka abutan ka ng hapon dito," tugon nito.

"For your information it's already afternoon," pambabara ko. "Atsaka baka may malabhan ka d'yan na hindi dapat malabhan."

"Huh?" kunot noo nitong tanong sa akin. "Like this?"

Namula ang aking pisngi ng basta nalang niyang kinuha ang black thong na underwear ko sa planggana na may sabon at ibinalandra pa talaga sa ere.

"Give me that!" naiinis kong wika.

Akmang kukunin ko 'yon ng nilayo niya sa akin ang hawak no'n.

"Tutulungan nga kita, Anna," mahinahon niyang sambit sa akin. "Bakit ka ba nagagalit d'yan?"

Nabubwisit na tinignan ko ito. "Na sa'yo yung underwear ko. Sinong hindi magagalit," madiin kong sambit sa kanya.

"It's just a underwear—"

"Dirty underwear!" giit ko.

"It's not dirty anymore. May sabon na yung tubig dito kaya hindi na siya marumi."

"Bwisit!"

Hindi na ako nakipagtalo dahil gusto ko ng matapos itong paglalaba para makauwi na 'tong isa. Ngayon naman ay nagsasampay nalang kami ng mga nilabhan ko. Pasalamat nalang talaga sa dryer dahil mabilis nalang iyon matutuyo.

"How's your mother?" seryosong tanong ni Kristoff.

Hatinggabi na at nandito parin siya. Wala na akong nagawa kahit gusto kong paalisin ito dahil malaki rin naman ang ambag niya sa paglilinis ko ng apartment. Pagkatapos kasi namin maglaba ay nag general cleaning ako sa buong apartment. Gawain ko na iyon tuwing linggo.

"Okay naman siguro sila ro'n," mahina kong tugon habang nagpupunas sa lamesa.

"Wala ka ng balita sa kanila?"

Umiling ako at nahahapong naupo sa upuan. Sa wakas at tapos na rin. Grabe ang pagod ko ngayon. Mukhang nakita ni Kristoff ang aking kalagayan kaya dumiretso ito sa refrigerator at kumuha ng malamig na tubig sa pitsel. Nilapag niya muna sa lamesa iyon at sinunod ang pagkuha ng baso.

"Wala na. Pero minsan nagtetext si Annie sa akin kinukumusta ako. Simula nung pinalayas ako last three years ago wala na akong contact sa kanila. Pero ngayon nagpaparamdam si mama sa text naman," tugon ko.

Kumuha ako ng malamig na tubig at ininuman iyon.

"Sa tingin ko nalugi na yung negosyo na pinatayo ko ro'n kaya ako na naman ang hinahabol habol," mahina kong wika.

Naupo ito sa bakanteng upuan na nasa aking harapan. Ang buhok nitong nakatali kanina ay nakalugay na ngayon. Hanggang ngayon nagagandahan ako sa buhok niya. Ang shiny tapos ang glossy pa tignan. Pero wala parin makakatalo sa mata nito na sa tuwing nakatingin ako roon ay dagat ang unang pumapasok sa aking isipan. Maganda, kalmado, ang ganda tignan dahil bukod sa mala dagat ang kanyang mata ay kasing kulay rin ito ng magandang kalangitnan.

"Sa tagal kong nagtrabaho hindi ko man lang naramdaman na naging successful ako," pagkukwento ko. "May naipon naman ako pero hindi pa 'yon sapat sa pangangailangan ko."

"Hindi naman masama mang-cut off ng tao kung sa tingin mo mas makakabuti 'yon sa 'yo," tugon nito sa akin. "How's your feeling when you cut off your mother?" he asked.

Napalunok ako sa tanong nito. "Hindi ko alam pero masaya siya. Hindi ko alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko na masaya ako dahil cinut off ko siya. Nalulungkot din dahil gusto ko silang tulungan pero ako naman 'tong walang wala kung aabusihin ako."

"Don't worry I won't judge. Your feelings are valid, Anna," pagpapagaan ng loob nito sa akin. "Sa susunod magtira ka sa sarili mo pero alam kong mahirap umangat kung pati pamilya mo laging umaasa sa'yo—"

"Ako nalang maaasahan nila."

"The grocery store that you left for them is enough. Kaya nilang mapalago 'yon kung gugustuhin ng mama mo. pero mas pinili niyang perahan ka at sumbatan ka na obligasyon mo siyang buhayin dahil ina mo siya. You didn't want to be born in this cruel world, Anna. hindi natin ginusto na mabuhay sa mundong ito. It looks like she just made you for a retirement plan," mahaba nitong lintayan sa akin.

Sumikip ang aking dibdib sa sinabi nito. Sa tingin ko tama ito pero inuuto ko na lang ang aking sarili na hindi totoo iyon dahil hindi ko pa tanggap na gano'n si mama.

"Naging gano'n lang 'yon dahil sa pagkamatay ni papa. Hindi naman siya gano'n sa akin dati, eh. Masyado lang nabalot ng galit ang puso niya kaya grabe ang trato niya sa akin," wika ko habang nanginginig ang aking boses.

"It's not your fault..." malumanay niyang wika. "It's not your fault, Anna. you're just a kid back then."

"Kahit na—"

Naputol ang aking sinabi ng marinig ang pagvibrate ng aking phone sa ibabaw ng lamesa. Sabay kaming napatingin ni Kristoff kung sino 'yon. Agad ko naman kinuha ang phone ng mabasa ang kung sino ang caller.

"Sasagutin ko lang 'to," tumayo agad ako at lumabas ng bahay.

Ramdam ko ang tingin niya sa akin habang naglalakad palabas ng bahay pero binalewala ko lang ito.

"Hello?" bungad ko.

Isang malakas na hikbi ang aking narinig sa kabilang linya.

"Ate, p'wede po bang makahiram ng extrang pera sa'yo? Kahit sa susunod na linggo ko nalang babayaran kailangan na kailangan ko na kasi ngayon mismo yung pera. Kakasahod ko lang din nung isang araw ang kaso may pinaglalaanan na kasi 'yon sa mga gastusin dito," umiiyak niyang sambit sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Ano bang nangyari d'yan bakit ka umiiyak?"

"Si Ashley nasa hospital. May dengue yung pamangkin mo."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top