CHAPTER 31

CHAPTER 31

NAKITA KO NA lakad takbo itong tumungo sa aking direksyon kaya gumilid muna ako para hintayin siya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon. Dapat nga hindi ko siya pinapansin dahil sa ginawa nito sa akin last three years ago pero heto ako nagbingi bingihan sa sinasabi ng aking utak kaya nagwagi ang aking puso.

"You're going home?" habol hininga nitong tanong sa akin ng makalapit.

Naguguluhan ng tumango ako. "Oo, bakit po, sir?"

Naitikom ko agad ang aking bibig ng lumabas 'yon kusa sa aking labi. Sir!? Bakit sir!? Napapikit ako at tipid ko itong ningitian.

"Sir?" he asked.

"May kailangan ka po ba? Baka nakalimutan niyo po ulit yung daan papuntang hall p'wede ko naman pong ituro 'yon," wika ko.

Natigilan siya sa sinabi ko at hindi nakapagsalita. Kaya ngayon para kaming tanga sa gilid ng kalsada na natitinginan lang. Mga tunog lang ng mga dumadaang sasakyan at ingay ng ibang tao ang naririnig ko.

"N-no," nauutal nitong tugon sa akin. Tumikhim ito bago magsalita. "You won," dugtong nito.

Bahagyang kumunot ang aking noo. "I won?" I asked. "Saan ako nanalo?"

Humakbang siya papalapit sa akin kaya naamoy ko agad ang pabango nito. Pawisan na siya dahil sa paghabol sa akin pero mas nanaig ang pabango nito na nanuot agad sa aking ilong.

"Nanalo ka ng dryer atsaka electric fan sa raffle," sambit nito.

Napanganga ako sa sinabi nito. Ako? Nanalo sa raffle?

"Sa dinami daming p'wedeng nanalo bakit ako?" bigla kong tanong at itinuro pa ang sarili. "Hindi naman sa nagiging ungrateful but—"

"You're lucky I guess," pagputol nito sa sasabihin ko.

Napaisip isip pa ako dahil parang masyado naman akong maswerte ngayon. Dalawang appliances sa isang raffle?

"So saan ko p'wedeng marecieve yung napanalunan ko?" tanong ko at hindi maitago ang pag-kasaya.

"I can deliver it to your house." mabilis niyang tugon sa akin. Mukhang napansin niya naman kung paano ako makatingin sa kanya kaya napatikhim ito bago muling magsalita. "Kung gusto mo lang naman. The appliances are heavy for you to bring to your house by yourself. That's why I'm volunteering to deliver them."

"Well I can rent a tricycle," tugon ko.

Kumamot ito sa kanyang buhok. "Hindi 'yon kasya sa iisang tricycle."

Napahalukipkip ako. "I can rent two tricycle, Kristoff."

Napakurap ako ng makitang sumilay saglit ang ngiti nito sa akin pero nawala lang din 'yon kalaunan.

"Nasaan na yung napanalunan ko? Tatawag nalang ako ng dalawang tricycle para malagay na ro'n."

Tumalikod ako at tinaas ang aking kamay para sumenyas sa mga nakapilang tricycle na kailangan ko ng dalawang tricycle.

"Dalawa—"

"Wait!"

"Ano bang—"

Hindi ko natapos ang aking sinabi ng maramdaman ang kanyang kamay sa aking beywang at hinapit ang katawan ko papalapit sa kanya. Dahil sa pagkabigla ay ayon halos dumikit na ang buong mukha ko sa malapad nitong dibdib.

"You almost ran by a car," nagaalala nitong wika.

Nang inangat ko ang aking tingin ay nakita ko ang pagaalala nito, 'yon ang aking nababasa sa mata nitong mala dagat. Grabe tatlong taon na kaming hiwalay pero iba parin ang impact ni Kristoff sa akin. Ang totoo niyan ay hindi parin ako nakaka move on sa kanya.

Sobrang hirap kasi limutin yung mga alaala naming dalawa na magkasama. Sumikip ang aking dibdib ng maalala ang pagtataboy nito sa akin noon kaya mahina kong tinulak ang kanyang dibdib at binigyan ng distansya ang isa't isa.

"Are you okay?" he asked.

"Okay lang ako," tipid kong tugon. Napasuklay ako sa buhok kong short layered bob. Hindi ko rin alam bakit parang pinagpapawisan na rin ako katulad niya.

"Thank god," he murmured.

"P'wede ko naman makuha na 'no?" paguulit ko.

Bumaba ang tingin ko sa wrist watch ko. Mag-aala sais na ng gabi hindi pa ako nakakauwi.

"It's already in my car. P'wede kitang ihatid kung saan ka nakatira para hindi kana mahirapan bitbitin yung dalawang appliances," nagdesisyon agad siya gagawin ko.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Pagbibigyan kita ngayon, Kristoff. Sa susunod huwag mong pangunahan yung magiging desisyon ko," seryoso kong wika sa kanya. "Nandoon na sa kotse mo, eh. Nakakahiya naman kung ipapaalis ko pa sa'yo 'yon."

Parang masunuring bata itong tumango sa akin. "Yes. I'm sorry I just want to help you."

"Deciding on what i'm gonna do is not helping, Kristoff," napabuntong hininga nalang ako at inunahan siyang maglakad patungo sa parking area.

Ramdam ko ang pagsunod nito sa akin. Dahil mahaba ang binti nito kumpara sa akin ay naabutan niya agad ako. Sa bandang gilid ko ay may tumunog na kotse sa tingin ko ay sa kanya 'yon. Isa 'yong kulay puti na raptor. Nakita ko agad sa likuran ang dalawang malaking box na sa tingin ko ay 'yon ang appliances na napanalunan ko.

"Wear your seatbelt please," wika ni Kristoff ng makapasok kami sa loob ng kanyang kotse.

May inasikaso pa ito sa loob ng sasakyan bago paandarin ang kotse. Sinunod ko ang sinabi nito at bigla nalang akong naging concious sa aking sarili. Maayos naman ang aking buhok panigurado. Hindi naman siguro ako haggard 'no?

"It's so hot," reklamo nito.

May pinindot siya sa baba ng dashboard at narinig ko ang pag-ingay ng aircon sa loob ng kanyang kotse sanhi na lumakas ang pagbuga ng hangin no'n. Gano'n din sa aking pwesto.

Wala sa sariling napatingin ako sa kanya ng makitang tinanggal nito ang tali sa buhok at doon lumantad ang buhok nitong long curtain hair ang style. Umabot 'yon hanggang sa balikat nito.

"Tara na at mag gagabi na," sambit ko.

"Okay, okay," tugon nito at pinaandar ang kotse.

NANG MAKARATING SA BAHAY ay tinulungan ko siyang magbuhat ng electric fan at dryer hanggang sa mapasok iyon sa loob ng bahay.

"Yung electric fan nalang dalhin mo kung gusto mo. medyo mabigat 'tong dryer ako nalang magdadala sa loob." wika nito sa akin.

"Okay," tugon ko.

Naging mabilis lang din ang ginawa namin kaya nakapagpahinga na agad. Simpleng studio type na apartment ang inuupahan ko ngayon. Maliit lang 'yon pero ayos na dahil hindi naman ako maarte at una sa lahat ay ako lang din naman ang nakatira rito. Wala ng iba.

"Kinukumusta ka pala ni mom, Anna," bigla nitong sambit sa akin.

Umangat ang tingin ko rito. Parang tumangkad yata ito kumapra noon. 6'3 ang height nito noong magkarelasyon pa kami pero sa tingin ko ay nadagdagan pa yata 'yon ng ilang cm.

"Okay lang," tugon ko at hindi na napigilang ngumiti.

Mabuti pa ang mama nito ay naalala pa ako. Si mama kasi naalala lang ako kapag nangangailangan ng pera o gusto magpabili ng kanyang luho. 'Yon lang at wala ng iba.

"I should go—"

"Magluluto ako ng hapunan dito ka nalang kumain," pagpigil ko sa kanya.

Gusto kong sampalin ang aking sarili dahil sa sinabi ko. Bakit ba bigla bigla nalang ako nagsasalita ng hindi ko man lang pinagiisipan ng mabuti. Naiinis na napapikit ako at kinurot ang aking sarili.

"Are you sure?" tanong nito.

Tumango ako. "Ayaw mo ba? P'wede rin naman kung hindi baka kasi hinahanap kana sainyo—"

"No!" nagulat pa siya dahil sa sigaw nito. "I mean. No," malambot na ngayon ang tono ng kanyang boses. "Hindi ako hahanapin sa amin, Anna. I'm already 31 years old hindi na ako bata para hanapin pa sa bahay."

Umismid nalang ako at tumango. "Okay. Mag aayos nalang ako sa kusina. Pahinga ka muna d'yan habang nagluluto ako," wika ko.

"I can help," sinundan niya ako hanggang sa kusina. "Minsan tinutulungan ko sila Manang at Mommy magluto kapag may time ako," pagkukwento nito sa akin.

Pinigilan ko ang sarili ng huwag ngumiti sa sinabi nito. Bakit ang cute niya parin hanggang ngayon!? Ang laking tao ang cute cute. Napailing ako sa aking iniisip. May parte sa aking utak na pinapaalala ang araw na pinagtabuyan niya ako kahit na nagmamakaawa na huwag akong hiwalayan.

"Hiwain mo nalang yung sayote," utos ko. Kinuha niya naman agad 'yon at naghanap ng kutsilyo nakita niya naman agad 'yon dahil nakapwesto malapit sa kanya ang lalagyanan ng kutsilyo ko. "Pang tinola, ah."

"Yes, Ma'am."

Naging tahimik ang pagluluto namin at paminsan minsan naman ay kinakausap niya ako. Ang daming katanungan sa aking isip na gustong itanong sa kanya. Bakit parang wala lang sa kanya? Nakikipag usap siya sa akin ngayon na parang walang nangyaring tabuyan.

"I'm happy that you can already walk, Kristoff," saad ko habang kumakain.

"Me too," tugon nito.

Bakas na bakas sa asul nitong mata ang pagkasaya. Siguro konti nalang magkakaroon na ng sparks sparks sa paligid niya sa sobrang saya eh.

"How's your life now?" I asked. Humigop ako ng sabaw habang nakatingin sa kanya. "Are you getting married? 31 kana ngayon kawawa naman si Tita Marina kung hanggang ngayon wala pa siyang apo," wika ko.

Nakita kong natigilan ito sa kanyang ginagawa at parang uncomfortable pa sa naging tanong ko.

"Oh, i'm sorry," paghingi ko ng paumanhin. "Masyado yatang personal ang tanong ko."

Tumikhim ito. "I'm not getting married unless you marry me, Anna."

Napalunok ako sa sinabi nito at bahagya pang nabingi. Naririnig niya ba yung sinasabi niya sa akin? Natawa nalang ako kasabay ng paninikip ng aking dibdib.

"Don't be ridiculous. Stop playing around, Kristoff. You're already a full-grown man. Hindi biro lahat."

"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong nito sa akin.

Kumunot ang aking noo. "Hindi mo magets yung punto ko? Hindi ko nga alam kung bakit tayo pinagtagpo ulit, eh. Kinakausap mo ako ngayon na para bang walang tabuyan na nangyari," wika ko.

Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan habang sinasabi sa harapan niya 'yon. Wala sa sariling uminom ako ng tubig para kahit papaano ay maalis 'yon pero walang nangyari, nandoon parin siya. Kahit anong pagpapanggap ko na matapang ay wala lang din pala 'yon dahil traydor ang aking luha.

Nanginit ang gilid ng aking mata at ramdam na nangingilid ang mga luha ko. Alam kong napansin ni Kristoff 'yon.

"Hon..."mahina niyang tawag sa akin.

One word. Lahat ng masayang alaala namin ay nag replay sa aking isipan. Mga tawanan, lambingan at pag dadate namin dalawa ay naalala ko na naman. Naibagsak ko ang hawak kong kutsara at tinidor sa lamesa at napatayo.

"Stop calling me like that, Kristoff," madiin kong wika. "We're already done. Wala na tayo kaya wala ka ng karapatan na sabihan ako ng ganyan."

Parang sinuntok ang aking dibdib na makitang nasaktan ito sa aking sinabi. Pinagsawalang bahala ko ang mga bagay bagay na tumatakbo sa aking isipan.

"I'm sorry. Hindi na kita tatawaging Hon—"

Kita ko na napalunok ito ng taasan ko siya ng isang kilay.

"I'm sorry again," parang bata nitong wika sa akin. "Let's eat, Anna. Masamang mag-talo sa harap ng pagkain."

Hanggang sa matapos kaming kumain ay siya na ang nagpresinta sa paghuhugas kaya wala na akong nagawa. Naglinis nalang ako sa sala at inayos na ang aking higaan.

"Aalis na ako," pagpapaalam nito sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nahiga nalang sa aking kama habang tulala sa kawalan.

"Why did you call me Toffy, Anna?" bigla nitong tanong sa akin.

Wala sa sariling nilingon ko ito. Nasa bukana na pala siya ng pintuan, nakatanaw ito sa akin habang hawak ang doorknob.

Kahit ako hindi ko alam bakit ko sinabi 'yon. Gustong ko sabihin 'yan pero nanatili nalang akong tahimik.

"Paki lock nalang 'yung pintuan kapag lalabas ka," wika ko at hindi sinagot ang tanong nito.

Huminga siya ng malalim at hindi na ako pinilit sa magiging sagot ko sa katanungan nito.

"Thank you for the food, Anna," pagpapasalamat nito.

"Yeah, you're welcome," tugon ko.

May pahabol pa itong sinabi sa akin na hanggang sa makaalis siya ay hindi ako makasalita. Sa tingin ko ay tama siya dahil kahit sa sarili ko ang palayaw ko sa kanya ay hindi maalis sa aking isipan.

"I guess old habits die hard," he said. "Goodnight, Anna. Sleepwell."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top