CHAPTER 3

CHAPTER 3

NANGHIHINANG UMUPO ako sa kama at umiiyak na tinignan ang pera na natira sa maliit na box na akala mo ay hinihintay na bumalik ang perang nawala rito. Hindi ko na mapigilan ang aking hikbi at sunod sunod na iyong lumabas sa aking bibig.

Pinunasan ko ang aking luha at binalik 'yon sa damitan ko. Lumabas ako sa kwarto at pumunta ng sala.

"Mama—"

"May bagong stock na naman tayo ng pagkain."

"Oo nga, 'ma."

Natigilan si Mama, Annie, at Anton ng makita ako. Punong puno ng luha ang aking pisngi at humihikbi parin. Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong maraming supot at may paperbags pa.

"Kinuha mo pera ko?" nanghihina kong tanong.

Hindi ako pinansin ni Mama at naglakad silang tatlo sa lamesa para ilagay ang mga dala nito. Naupo si Annie sa upuan at ganoon din si Anton. Parang wala silang pake sa akin at kitang kita ko pa ang paglawak ng ngiti ng dalawa kong kapatid ng mailabas ang brand new bag sa dala nilang paper bag.

"'Ma naman bakit niyo naman ninakaw pera ko," umiiyak kong wika.

Nilapitan ko siya at hindi naman ako pinansin parang bula lang ako sakanila kahit ang mga kapatid ko ay hindi man lang din nagpasalamat sa akin dahil pera ko ang ginamit pambili ng mga bag nito!

"Hahayaan mo kami magutom ng kapatid mo!?" sigaw ni mama sa akin ng mahawakan ko ang braso nito. Hinarap niya ako at sinalubong ko ang mata nitong galit na galit. Nagsimulang magligpit ang dalawa kong kapatid at binitbit ang mga gamit nila.
"Mamatay tayo sa sobrang kakuripot mo! Akala mo hindi ko alam na may tinatago ka? Alam ko lahat, Anna! Hindi sapat yung sahod na binibigay mo sa akin," galit nitong singhal sa akin.

"Paanong hindi po mauubos agad eh ginagastos mo sa walang bagay yung pera, 'ma. Tapos malalaman ko rin po yung iba pinapangsugal mo pa. Binibigay ko naman po lahat, 'ma. Kahit ubos na ubos na po ako basta meron kayo," umiiyak kong wika.

"Anong binibigay mo lahat! Gaga ka! eh ano tong pinagbili naman sa mga dala ko?! May tira ka pang hindi binigay sa akin tapos sasabihin mo binigay mo lahat!"

Wala sa sariling kinuyom ko ang aking kamay.

"Kasi alam ko pong gagastusin mo kung ibibigay ko lahat, 'ma—"

"Iyon ba ang nasa isip mo, Anna!? Na gastador ako at hindi marunong humawak ng pera!?" tugon nito habang dinuduro ako.

Wala tigil sa pag tulo ang aking luha habang nakatingin sa kanya. Galit na galit ito dahil sa pag kompronta ko sa pag kuha niya ng aking pera.

"Hindi ka ba naawa sa kapatid mo?! binilhan ko sila ng bag gamit pera mo dahil sira na rin ang bag nila. Hindi ka ba nahihiya na papasok silang parang pulubi dahil sa bag nila!?"

"Magagawan pa naman po siguro ng paraan 'yan, 'ma. Yung pera na kinuha niyo pang emergency lang po 'yon at pang gastos ko sa school kasi gagraduate na po ako. Marami pa po akong gastusin na babayaran sa school," humahagulgol kong wika.

"Wala akong pake! wala akong pake, Anna! problema mo na 'yon at hindi ako. Tutal marami ka ng pera 'di ba? ikaw lang may trabaho rito kaya ikaw gagastos. Bakit ko pa iisipin 'yan? Simpleng pag bigay ng pang gastos araw araw dito sa bahay ay hindi mo pa magawa ng tama dahil sa kakuriputan mo!" sigaw nito.

Naninikip na ang aking dibdib ng mag walk out ito. Kung ano ano pa ang binubulong nito at nagwawala na papunta sa kanyang kwarto.

"Punyeta! Lintik na buhay na 'to. Nagkatrabaho lang ang lakas na ng loob sumagot sagot," sigaw nito at malakas na sinarado ang pintuan.

Napatakip na lang ako sa aking bibig at pinigilan ang sarili na lumabas ang malakas na hikbi. Halos hindi na ako makahinga at sobrang naninikip ang aking dibdib.

"Hindi pa ba sapat yung sakripisyo ko," mahina kong tanong sa aking sarili.

Nangmahimasmasan ako ay tumayo na ako at niligpit ang mga pinamili ni Mama. Hindi man lang din malagay sa mga cabinet ang mga pinamili niya at hinayaan lang na nakabulagta sa lamesa. Medyo nagtagal din ako roon dahil apakarami ng pinamili nila. Parang inubos talaga ang pera na nakuha niya sa damitan ko.

Muli akong napaiyak habang nililigpit ang mga gamit. Nang matapos ay naisipan kong pumasok sa aking kwarto at kunin ang aking wallet pagkatapos ay may kinuhang susi na may keychain na kulay asul na star at may maliliit na gold flower na design.

Nilagay ko sa bulsa ang kinuha ko at lumabas na ng bahay. Masama pa ang aking loob at gusto ko munang mag muni muni. Habang iniisip ko 'yon ay nananakit ang aking dibdib.

Naglakad ako kaonti sa bakuran ng bahay at may maliit na garahe roon. Dito kami madalas tumatambay ni Tatay dati. Tinanggal ko ang cover sa lumang motor ni tatay at nilabas 'yon sa garahe.

Matagal na ang motor na 'to pero p'wede pa naman magamit. Ang kaso hindi p'wede sa malayuan dahil may mga checkpoint na rito. Kulay itim lang itong motor at may linings na kulay royal blue.

Sumakay na ako at pinaandar na ang motor. Wala naman din 'yang pake si Mama kung marinig man na umalis ako at sa tingin ko ay mas gugustuhin pa niyang umalis yata ako kesa makita na nasa iisang bahay kami.

Hindi naman na ako natatakot na baka may checkpoint dahil malapit lang naman ang pupuntahan ko. Malapit lang ang bayan dito sa baryo namin balak kong magpahangin sa seaside dahil malapit lang 'yon. Hindi rin traffic kaya mabilis lang ang byahe.

Tahimik at dinadama ko ang malamig na hangin na humahampas sa aking muhka habang nagmamaneho. Sumala bata palang ako ay tinuturuan na ako ni Tatay kung paano magmaneho ng motor. Sa tingin ko ay nag start 'yon noong grade 7 ako.

"Barbeque nga po anim 'tsaka isang kanin."

"Sige ineng. Pakihintay nalang tawagin number mo, ah," tugon ng matandang lalake na nasa cashier-ran. "Dito mo ba kakainin o hindi?"

"Take out nalang po," sagot ko.

Tumango naman ito at may sinulat sa papel. "Oh sige."

"Thank you."

Sikat ang barbecue-han dito sa binilhan ko. Sa sobrang daming pila ay nag bibigay na sila ng number at kapag luto na ang order mo ay tatawagin nalang 'yon para kunin mo.

Naupo ako sa bakanteng upuan at hinintay na maluto ang aking order. Dahil marami rin naman silang tauhan dito ay naging mabilis lang din ang pagluto nila. Nang matawag ang aking number ay kinuha ko agad 'yon.

"Salamat, Ma'am! Balik po ulit kayo."

"Salamat din po."

Sumakay ulit ako sa motor at pinaandar 'yon papunta sa seaside. Malapit nalang din iyon kaya nakarating agad ako. Marami ring tao ngayon dahil bukas na ang nga beer house at ang iba pang mga club.

Naghanap agad ako ng pwesto kung saan tahimik at nakakapagisip isip ng maayos. Nakapangiti ako ng maamoy ang aroma ng barbecue. Agad din naglaho ang aking ngiti ng maalala sila mama. Napailing nalang ako at nagsimulang kumain.

Kahit ngayon gabi lang isipin ko muna ang sarili ko. Wala namang masama 'di ba?

Ngayon gabi lang naman. Dahil simula ng mawala si Tatay ay sila Mama, Anna, at Anton na ang iniisip ko bilang panganay. Sa tuwing nakikita ko ang aking sarili na masaya o inuuna ang aking sarili hindi ko maiwasan isipin na tama ba iyon o deserve ko ba 'yon?

"Is it okay if I sit beside you?"

Muntik ko ng maibuga ang kinakain kong kanin ng biglang may nagsalita sa gilid. Madilim na kasi at halos wala na rin akong maaninag sa dagat at simpleng ilaw sa street light lang nagsisilbing liwanag.

Nang lingunin ko kung sino iyon ay nanlaki ang aking mata.

"Kristoff! Anong ginagawa mo dito?" nanlalaking mata kong tanong sa kanya.

He chuckled, and I could hear how deep his voice is. Napahaplos siya sa kanyang leeg at tipid akong ningitian. He waved at me.

"Hi," he answered while smiling.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top