CHAPTER 29

CHAPTER 29

TANGHALI NA kaya napagisipan ko na magpahinga nalang muna sa aking kuwarto. Tulog ngayon si Kristoff kaya hindi ko na inistorbo ito.

Hanggang ngayon bumabagabag parin sa akin ang sinabi nung nurse noong nag therapy ito. Binalita ko rin 'yon kay Tita Marina at Tito Axel para malaman nila ang progress ni Kristoff sa pag-te-therapy.

"Much better if mag pahinga muna si Kristoff. Mukhang tama naman ang sinabi ng nag-assist sa kanya," wika ni Tita Marina.

Nandito siya ngayon sa aking kuwarto dahil may sasabihin daw siya sa akin.

"Dear, are you okay?" she asked. "You lose some weight. Don't tell me you didn't eat, ah. Masarap ang luto ni manang dito," nag-aalala niyang sambit sa akin.

Tipid ko lang itong ningitian. "Kumakain naman po ako."

"Are you sure?" malungkot ang tono ng kanyang boses. "Look at you. Oh my god, I can clearly see your cheekbones na. tomorrow mag pahinga ka muna at kami na ng darling ko bahala kay Kristoff."

Nataranta naman ako sa sinabi nito.

"Ay huwag na po, Tita. Kaya ko naman po. Matagal pa po yung day off ko kaya hayaan mo po ako na magtrabaho bukas."

"Hindi ko naman ipapalit 'yon sa day off mo every weekend, Dear. I'm just worried kasi hindi ka okay. parang bumagsak yung katawan mo."

"Okay lang po ako, Tita. Huwag po kayo mag-alala."

Ang hirap niyang kumbinsihin na okay ako. Parehas lang sila ni Kristoff pero mas malala si Tita Marina. Ayos lang naman sa akin 'yon dahil sa pagiging ganoon niya nararamdaman ko na mahal niya ako.

"Okay. Later mag didinner tayo sa labas. Wedding anniversary kasi namin ngayon ng darling ko," nakangiti nitong sambit sa akin at napahagikhik pa nga.

"Happy wedding anniversary po sainyo, Tita."

"Thank you, Dear."

Kusa akong napangiti sa kanya. Ang cute talaga ni Tita Marina. Nagpaalam na ito lumabas kaya ako na naman ang natira rito sa aking kwarto.

Pabagsak akong nahiga sa kama at ang tanging tunog lang ng aircon ang aking naririnig wala ng iba. Ang mga ngiti sa aking labi habang nandito si Tita Marina ay naglaho ng parang bula.

Ano ba kasing meron sa akin? Bakit parang ang empty na nararadaman ko?

Napapikit ako ng muling sumakit ang aking ulo. Heto na naman siya, ang walang katapusang pag sakit ng aking ulo. Mahina akong napadaing habang hawak hawak ang aking ulo. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa sakit. Para siyang minamartilyo ng ilang beses.

Humihikbi na ako habang nakahawak parin sa ulo. Kahit anong gawin ko para mabawasan lang ang sakit ay walang nangyayari. Hindi ko alam kung ilang minuto umabot ang pagsakit ng aking ulo dahil nakatulog na ako sa sobrang sakit.

"Kumain kana ba?" tanong ko ng makapasok sa kwarto ni Kristoff.

Nakatalikod ito sa akin. Nakahiga siya habang ang kanyang katawan ay nakaharap sa kabilang pwesto ng kanyang kama.

Binaba ko ang tray na may lamang pagkain at nilapitan siya.

"Aalis daw tayo mamaya sabi ng mama mo," usap ko sa kanya ngunit wala akong narinig na sagot sa kanya.

"Where are we going?" bigla niyang tanong.

Nanatiling ganoon parin ang kanyang pwesto at hindi man lang ako matignan.

"Kakain daw sa labas kasi wedding anniversary ng parents mo," sagot ko.

Nakita ko ang paggalaw niya. Umiba na ito ng pwesto. Ngayon ay magkaharap na kami. Walang emosyon ang kanyang mukha. Ang asul niyang mga mata ay parang patay. Walang buhay na nakatingin sa akin.

Dati ay may pag ningning pa akong nakikita sa kanyang mata pero ngayon wala na.

"Okay," tipid nitong sagot sa akin.

Kinuha ko ang meryenda nito at binigay sa kanya. tinanggap niya naman 'yon at kinain na.

"Anong palang nangyari sa last session mo?" tanong ko.

Gusto kong malaman kasi baka 'yon ang dahilan kung bakit nagiging ganito siya.

"Nothing," tugon nito.

"Toffy, I know there's a reason why you are like that. Can you please tell me?"

Doon siya napatingin sa akin.

"No. There's no reason, Anna. And if ever there's a reason why would I say it to you? Hindi ka nga nagkukwento sa akin bakit ko gagawin 'yon."

Anna. Walang hon? Wala na yung endearment namin?

Mapait akong ngumiti kasabay ng pagkirot ng aking puso sa narinig ko.

"Anna? There's definitely something wrong, Toffy. Where's the Hon? First name basis na ba?" nasasaktan kong tanong sa kanya.

"Can you please go outside? Gusto kong mapag-isa," wika nito.

Umiling ako. "No. I will not go outside, Toffy. We already talked about this. Okay naman ako—"

"Keep lying to me," pagputol nito sa aking sinabi.

"Toffy..." naiiyak kong sambit sa kanyang ngalan.

"Hindi ka okay pero mas pinili mong hindi mag kuwento sa akin. Gusto kong malaman kung anong nangyayari sa'yo pero hindi ka nagsasabi sa 'kin," seryoso niyang saad. "Hindi naman mahirap 'yong hiling ko hindi ba? Nag papauto nalang ako sa'yo na okay ka kasi in the end hindi ka talaga nag kukwento."

"Toffy, I don't want to be a bur—"

Natigil ang usapan namin ng biglang may kumatok.

"Kristoff, aalis na tayo. Nand'yan ba si Anna?"

"Y-yes po, Tita," tugon ko agad.

Lumapit ako sa pintuan at binuksan 'yon. Ngumiti ako sa kanya pero ang itsura nito ay parang napansin na hindi kami okay ni Kristoff.

"May nangyari ba?" tanong nito. "Looks like you're fighting."

Mahina akong natawa. "Hindi po, Tita. Pinapabihis ko na po rin si Kristoff sakto lang din po dating niyo," pagsisinungaling ko.

Napatango tango. "Okay, dear. Labas nalang kayo agad kapag okay na. Para makauwi rin tayo ng maaga."

Nanglingunin ko si Kristoff ay sinusubukan niyang tumayo kaya tinulungan ko siya. Hindi naman nagreklamo ito dahil kailangan niya talaga ng tulong ko. Nang makabihis na siya ay sumunod naman din ako.

Hanggang sa makasakay sa van ay wala kaming kibuan kaya alam kong napapansin na rin ng mga magulang niya 'yon pero hindi na sila nagtanong. Mabuti naman.

Ubos na ubos na ang enerhiya ko ngayon kahit kaonti lang ang aking ginawa.

"This is so beautiful, Darling," malambing na wika ni Tita Marina habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng restaurant. "Thank you, Darling."

"You're welcome," nakangiting tugon ni Tito Axel.

Si Kuya Toryo ay katabi ni Kristoff. Napagigitnaan namin si Kristoff habang ang kanyang magulang ay katapat namin.

"Eat this," mahina kong wika.

Alam kong paborito niya itong putahe kaya nilagyan ko ang kanyang plato. Nasa malayo rin kasi 'yon nakapwesto kaya ako na rin ang kumuha.

Wala parin imik na kumain ito. Gusto kong maiyak pero nakakahiya sa magulang niya. ayaw kong sirain ang espesyal na araw na ito dahil sa pagiging iyakin ko.

Hanggang sa pag-uwi namin ay walang parin kibuan. Bago matulog ay wala rin pansinan. Habang patagal na patagal ay parang kakapusin ako ng hininga. Ang sakit ng dibdib at puso ko sa nangyayari.

"Goodnight, Toffy. I love you," mahina kong wika. Bahagya pa akong pumiyok dahil sa pagpipigil ng aking luha.

Wala akong narinig na pag-goodnight nito sa akin. Kaya lumabas na ako sa kanyang kwarto at dumiretso na sa aking silid.

Doon awtomatikong nagsituluan ang aking luha na akala mo ay nagmistulang talon. Lahat ng 'yon ay bumuhos.

"Ipa-terminate mo na yung kontrata kay mommy."

Para akong nabingi sa sinabi nito. Umaga na ngayon at kakahatid ko lang ng almusal nito sa kanyang silid.

"H-huh?" naguguluhan kong tanong. "Terminate? May isang taon pa ako rito, Toffy," wika ko.

Hindi ko alam pero masama ang kutob ko rito. Ang puso ko ay parang tinambol sa kaba. Halo-halo ang aking nararamdaman ngayon dahil sa kanyang sinabi.

"Hindi mo ba ako na ge-gets?" tanong nito sa akin.

Nanginginig ang aking labi na umiling sa kanyang harapan. Ang aking mata ay nagsisimulang manubig.

"H-hindi. Hindi ko maintindihan, Toffy. Anong—"

"Terminate the contract because I'm breaking up with you."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. Napalunok ako at kahit nasasaktan na ay nagawa ko pang tumawa.

"Breaking up with me?" natatawa kong sambit. "Akala ko ba walang break na mangyayari, Toffy," naiiyak kong wika.

"Please don't make me repeat what I'm saying to you, Anna."

Nanghihina na naglakad ako patungo sa kanya habang umiiling. Kusa ng tumulo ang pinipigilan kong luha at napaluhod malapit sa kanyang lama.

"No. No. Call me Hon. Please call me Hon, Toffy," lumuluha kong wika.

Ang mga mata nito ay walang buhay na nakatingin sa akin. Pero pansin ko ang pamumula ng kanyang mata. Nangingilid din kanyang luha.

"Leave. Ipa-terminate mo na yung kontrata kay mommy. Pagkatapos umalis kana rito. Bumalik kana sainyo."

"Huwag. Huwag namang ganito, Toffy. Hindi ko kaya," humihikbi kong saad. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nilagay sa aking pisngi na may bakas pa ng luha. "I can terminate the contract but please don't break up with me. I'm begging you," pagmamakaawa ko.

"Leave, Anna."

"Ikaw nalang ang kakampi ko, Toffy," humihikbi kong wika habang nakaangat ang tingin sa kanya. "Ayaw ko. Ayaw kong makipaghiwalay ka sa 'kin," parang bata kong wika. "I'll tell you my problem if that's the reason why you're breaking up with me."

Umiling ito. "That's not the reason, Anna. Go to my mom's office and tell her that you're going to terminate the contract. After that, leave our house and go back to your mom's house."

"Hindi na ako makakabalik do'n. Pinalayas na ako ni Mama. Pati ba naman ikaw ipagtatabuyan ako?" halos hindi na ako makahinga dahil sa sunod sunod kong paghikbi.

"Pinagtabuyan na ako ni Mama tapos ikaw naman?" nanghihina kong tanong sa kanya sa pagitan ng aking hikbi. "Akala ko ba hindi mo gagawin 'yon?"

"I can't walk anymore!" napapikit ako ng bigla itong sumigaw. "Are you happy? Alam mo na yung rason? Hindi na ako makakalakad pa, Anna. Habang buhay na ako baldado kaya tama lang yung gagawin ko."

Napapailing na pinunasan ko ang luha.

"There's still a chance. Saan mo ba narinig 'yan? Makakalakad ka pa—"

"No," pagputol nito sa aking sinabi. "Go outside. Umalis kana rito, Anna. Tapos na trabaho mo rito kasi kahit kailan hindi na ako gagaling."

Kahit nanghihina ay nagawa ko parin tumayo. Hinawakan ko ang kanyang braso pero iniwas niya lang 'yon sa akin kaya mas lalo akong nasaktan.

"O-okay lang. Kaya kitang alagaan, Toffy. I'll take care of you because I love you," nakangiti kong wika. "I love you very much, Toffy."

Umiling ito. Nakita ko na may tinawagan siya. Wala pang ilang minuto ay si Tita Marina na ang pumasok sa kwarto at kinausap si Kristoff. Wala sa sariling lumabas ako para makapag-usap sila dahil sa tingin ko hindi tama na makinig ako sa kanilang usapan.

Ang bilis ng pangyayari. Nandito na ako ngayon sa labas ng kanilang bahay. Tulala habang ang aking luha ay walang tigil sa pag-tulo. Humihikbi parin ako at kasabay no'n ang paninikip ng aking dibdib.

"Anna..."

Napalabi ako ng maglakad papunta sa akin si Tita Marina. Parang bata na umiyak ako sa kanyang bisig ng yakapin niya ako.

"Tita. I'm sorry po sa away namin ng anak mo," humihikbi kong wika. "Pasensya na po."

"We will try to talk to him again. Baka nadala lang siya sa emosyon niya."

Umiling ako at mapait ng ngumiti sa kanya. "Huwag na po, Tita. Kahit ako nagmamakaawa na sa kanya na huwag akong itaboy pero walang nangyari."

"You can still visit us here, Dear. Welcome na welcome ka rito," naiiyak na saad ni Tita.

Ngumiti ako at niyakap siya muli. Si Kuya Toryo ang naghatid sa akin pauwi sa bahay. Nagpaalam na rin ako sa kanya sa huling pagkakataon bago dumiretso sa bahay.

"Ma..." humihikbi kong tawag sa kanya ng makita siya.

Nakita ko ang pagtaas ng kanyang isang kilay at tinignan ako simula ulo hanggang paa pagkatapos ay ang dala kong maleta.

"Anong ginawa mo rito? Huwag mong sabihing buntis ka kaya ka pinalayas ng amo mo. Masasampal talaga kita makikita mo."

Umiling ako. "Hindi po ako buntis," muli akong napaiyak dahil naalala ko na naman ang pakikipaghiwalay sa akin ni Kristoff. "Wala na po akong trabaho, Ma."

Napapikit siya sa aking sinabi at mabilis na lumapit sa akin. Mahina akong mapadaing ng maramdaman ang hampas nito sa aking ulo.

"Tanga ka talaga! Oh anong gagawin natin? Malamang maghanap ka ng panibagong trabaho!" sigaw nito sa akin.

Pinunasan ko ang aking luha bago siya tignan. "Susubukan ko po pero baka magpahinga po muna ako—"

"Alam mo, Anna. Ilang taon nako nagtitiis sa'yo. Lumayas kana lang kung ganyan lang din gagawin mo," iritable nitong wika.

Nataranta ako ng kunin niya ang aking maleta at dinala sa labas ng gate.

"Ma!" naiiyak kong wika.

"Huwag ka ng bumalik dito tutal may trabaho na si Annie ngayon. Yung naiwan mong grocery store rito maayos naman pasok ng pera. Lumayas kana. Ako na nagmamakaawa sa'yo. Huwag ka ng babalik dito!"

"'Ma naman huwag naman pong ganito—"

"Layas! Punyeta na bata hindi ka ba nakakaintindi sa nanay mo?! Baka gusto mo iuntog pa kita sa pader ng maintindihan mo yung sinasabi ko!"

"Mama," umiiyak kong wika.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hinila ko ang maleta at naglakad papalayo pero paminsan minsan ay sinusulyapan siya. Bakit ba nangyayari sa akin 'to?

Nanlalabo ang aking mga mata dahil sa mga luha tumutulo pababa sa aking pisngi. Napatakip nalang ako sa bibig dahil ang lakas ng hikbi ko. Hindi ko na sila makontrol at parang kakapusin pa ako ng hangin.

Our breakup is very hurtful, to the point that I can't breathe while crying. My chest was hurting so much. This was the first heartbreak that I experienced. Heto na yata ang pinakamasakit na naramdaman ko.

But, family issues are the biggest heartbreak.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top