CHAPTER 26
CHAPTER 26
NATATAWANG nilagyan ko ng icing ang matangos na ilong ni Kristoff. Kanina pa bumalik si Kuya Toryo sa loob ng bahay ng maassemble niya ang mga pagkain namin dito para raw may privacy kami.
"Nakakarami kana, ah," humaba pa ang nguso nito.
Medyo madilim na sa aming pwesto pero ayos lang nagmumukhang romantic ang date namin dahil sa fairy lights na nakapalibot sa katawan ng puno. Pero bago pa kami tuluyan na makaupo rito sa nakalatag na picnic mat ay may dala dala si Kuya Toryo na parang manmade na silungan para tuloy kaming nag bahay bahayan dito ni Kristoff. May bubong din 'yon na kulay puti na tela manipis, malapad at mahaba 'yon na naging maliit na kurtina pa sa harapan. May fairy lights din 'yon kaya ang cute niya.
"Thank you, Toffy," malambing kong wika.
Nakahiga ako ngayon sa kanyang hita habang siya ay nakaupo. Ang likod nito ay nakasandal sa puno. Tapos na kami kumain kaya tinitikman na namin ang cake. Chocolate ganache cake 'yon.
Nakatingala ako habang tinitignan siya. Nagsalubong ang mala dagat nitong mata sa mata kong dark brown. Ang mga ngiti nito sa labi ay matamis na sa tingin ko ay lalanggamin na kami rito kung hindi niya ititigil ang pag ngiti nito sa akin ng gano'n. Magaan ang kanyang kamay na hinaplos nito ang aking mukha.
"You're welcome, Hon. Thank god you like it," nakahinga pa siya ng maluwag habang binabanggit 'yon. "Akala ko hindi mo nagustuhan."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Nakapabangon ako at humalukipkip sa harapan niya habang ang aking nguso ay humaba.
"Anong hindi nagustuhan?" naiinis kong tanong sa kanya. Muli kong sinilip ang kabuuhan ng set up nitong picnic date namin. "Ang magical kaya para sa 'kin tapos binagayan pa ng sout natin ngayon," wika ko.
Nang makabalik kami sa hacienda ay pinapalit lang ako ni Kristoff ng ibang dress bago dumiretso rito. Simpleng baby blue flowy dress ang sout ko. Ang strap no'n ay may de-tali kaya niribbon ko nalang 'yon at pa-square neckline no'n.
Nagkibit balikat lang ito sa akin at hinawakan ang aking kamay para mapalapit ako sa kanya. Nagtabi kaming dalawa habang nakatanday ang aking ulo sa balikat nito. Ramdam ko pa ang pagsiklop niya sa palad naming dalawa.
"Akala ko lang naman," natatawa niyang sambit. "Ngayon ko lang din ba nasabi sa'yo na ang ganda mo?" binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.
Umismid ako at mahinang siniko ang kanyang tagiliran. "Nambobola ka na naman, eh," tugon ko. Alam ko na kahit hindi ko mapantayan ang kutis nitong si Kristoff ay paniguradong namumula ang pisngi ko.
Umiling ito. "Hindi kaya. You're really beautiful, Hon. Your sun-kissed skin never fails to amaze me. You're look like a beautiful gold goddess, warm, shimmering and glowing on my worst days," mahina nitong wika habang ang kanyang mata na mala dagat ay seryosong nakatingin sa akin. "Thank you for coming back. Thank you for taking care of me. Thank you for everything. This day is very memorable and I will cherish this moment with you, Hon."
Parang may kung anong mga paru parong nagliliparan sa aking tyan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa kanyang sinabi. Siguro dahil kahit kailan ay hindi ko man lang narinig na ganito mag compliment ang ex ko kaya parang nawawalan ako ng kakayahan mag salita.
"Oa, ah," 'yon nalang ang aking naging tugon.
Parang bata na bumagsak ang balikat nito at ngumuso sa akin. Hindi ko na napigilan na humalakhak dahil mukha na siyang magmamaktol. Niyakap ko nalang ang aking braso sa kanyang leeg.
"Hindi lang ako sanay sa compliment mo. Masyadong naging oa ah pero okay lang," natatawa kong sambit ang kanya. Mahina akong napatili ng maramdaman ang kurot nito. Mahina lang din 'yon.
"You always making fun of me, Hon," parang bata nitong wika sa akin.
"Sorry na."
"Okay..." mabilis nitong tugon at hindi nagsalita.
Napapailing na kinalas ko ang pagkakayakap sa kanya at mabilis na hinalikan ang kanyang labi. Mukha niya ngayon ay akala mo batang nag tatantrums.
"I'm just joking. I appreciate your compliment, Toffy. Kung alam mo lang kung ano nararamdaman ko habang sinasabi mo 'yan. Kinikilig kaya ako," pang-aasar ko sa kanya.
Hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng kayang pisngi at tenga. Huling huli ko talaga 'to eh. Ang mestizo ba naman.
"Akala ko ako lang nakakaramdaman no'n, eh," tugon nito.
"Akala mo lang," natatawa kong wika.
Namayani ang katahimikan sa aming pwesto. Tanging tunog ng dumadaang hangin lang ang maririnig namin dito bukod sa mga insekto na maingay. Balewala lang naman sa amin 'yon dahil nag eenjoy kami rito.
"Feel ko konti nalang ipagtatabuyan na ako ni Mama," bigla kong bulong.
Ramdam ko na tumingin ito sa akin. Pero nanatili akong nakatingin sa kawalan. Dinadama ang malamig na simoy ng hangin at sinasayaw nito ang mahaba kong buhok.
"Bakit mo naman nasabi?" tanong nito.
Nakakunot na ang kanyang noo ng lingunin ko ito. Humigpit pa ang hawak niya sa aking palad.
Nagkibit balikat ako. "Na fefeel ko lang naman. Alam ko naman na hindi niya parin ako napapatawad, eh. Ako parin sinisisi niya kung bakit namatay si Papa tapos ngayon si Anton naman," pagkukwento ko.
"Well. . . uhm. Hon, it's not your fault why your father died. Mabuti nga at nailigtas ka niya nung nadulas ka," sagot nito sa akin.
Hindi na ako nagprotesta ng yakapin niya ako ng mahigpit para icomfort. Ang palad nito ay dahan dahang humahagod sa aking likuran.
Umiling ako. "Dahil do'n lalong lumala ang sakit ni Papa," sagot ko. "Siguro kung hindi ako niligtas ni Papa baka tumagal pa buhay niya—"
"Hon," mahinahon niyang tawag sa akin. "Mas lalong hindi makakaya ng Papa mo na makita niyang nadulas ka ro'n at nabagok ulo mo."
"Parehas naman kaming nabagok nung niligtas niya ako," naiiyak kong wika pero nilabanan ko ang aking sarili na huwag tumulo ang aking luha.
"He still save you, Hon. There's no father can't bear watching his child in an accident. Kaya ka niya niligtas kasi mahal ka niya."
Napabuntong hininga ako at tahimik na tinanday ang aking ulo sa dibdib nito. Tama naman siya. Walang tatay na makakayang makita na madidisgrasya ang kanyang anak sa harapan nito. Pero hindi ko parin maalis sa aking isipan na ang naging dahilan ng paglala ng kanyang sakit ay ako.
"Don't blame yourself, Hon. I'm sorry if your mother blames you for your father's death. You're too young and innocent at that time, and she shouldn't say that to you," patuloy parin siya sa pagsuklay sa aking buhok.
Napanguso nalang ako sa sinabi niya. Close naman kami ni mama noon eh pero nung naaksidente ako kasama si Papa at pagkaraan ng ilang buwan ay namatay siya naging ganoon na ang trato niya sa akin.
"You don't have to say sorry, Toffy. Hindi mo kailangan humingi ng tawad sa hindi mo ginawa."
Malungkot itong tumingin sa akin. Lumambot ang aking puso sa paraan ng tingin nito. Para akong matutunaw at nahihipnotismo sa mata nitong mala dagat sa pagka asul.
"I just can't stand hearing your mother saying those things to you. Gusto kitang ipagtanggol pero anong ipagmamalaki ko? I still can't walk, Hon. gusto ko ipagtanggol kita ng nakatayo na ako sa gilid mo," malungkot niyang wika.
Hinaplos ko ang panga nito at masuyo itong tinignan. "You're presence and comfort are enough. Basta huwag mo 'kong pagtabuyan, Toffy. Ikaw nalang kakampi ko ngayong wala na si Anton," ilang beses akong napakurap dahil nangingilid ang aking luha.
"Never, Hon. I'll stay by your side forever," he answered and placed a gentle kiss on my forehead.
"Thank you," nakangiti kong tugon at nakahinga ng maluwag.
Inabot din kami hanggang alas otso ng gabi dahil masyado kaming nawili sa paguusap. Naisipan narin namin pumasok dahil nakarating na rin pala ang mga magulang nito galing sa cuidad. Nakita pa nga kami na nag pipicnic date. Dahil sa mama ni Kristoff ay nakuhaan pa kami ng picture sa instax nito.
Magkatabi kaming dalawa habang ang aking ulo ay nakatanday sa kanyang balikat. Ang kamay naming dalawa ay magkahawak kamay habang nakapatong sa hita ni Kristoff. Parehas kaming nakangiti sa litrato at nakailang take pa ng picture.
Ilang buwan na ang nakalipas at heto na nga ang nangyari. Alam ko naman na mangyayari ito kaya hinanda ko na ang aking sarili at sa magiging gastusin kung saka-sakaling kulangin magiging gastos ng ang aking kapatid ay may pang dagdag ako.
"Bakit ba ang tagal mo!" sigaw ni mama sa akin. "Manganganak na kapatid mo kukupad kupad ka parin ba, Anna!"
Nagmamadali na akong sumakay sa trysikel at hindi na makasagot sa mga sermon ni Mama. kailangan nandoon ako sa panganganak ng aking kapatid. Alam kong seryoso ang pinag-awayan namin pero gusto ko iparamdam sa kanya na kahit sa moral support man lang ay maramdaman niya na nandito parin ako bilang ate niya.
"Anna!"
"Paalis na po, 'ma!" natataranta kong tugon.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top