CHAPTER 25
CHAPTER 25
NAKALEAVE AKO NG ILANG araw sa pagiging caregiver ni Kristoff dahil sa nangyari sa aking kapatid na si Anton. Mabuti nga at pumayag si Tita Marina. Ilang araw lang din naman ang magiging burol ni Anton dahil alam kong wala na kaming ibang pamilya na bibisita sa bahay. Ang naipon kong pera ay nailabas ko dahil ako ang gagastos sa burol ng aking bunsong kapatid.
Gusto ko maayos ang kanyang damit hanggang sa maging kabaong nito gusto ko maayos at maganda. Kahit 'yon lang ay alam kong matutuwa si Anton. Pinunasan ko ang aking luha at huminga ng malalim. Nandito ako ngayon sa kanyang kwarto. Ang mga tambak na art materials sa study table nito ay wala na rin. Ang kwarto nitong parang amoy ng bagong mga libro o papel ay wala na rin.
Napatingin ako sa hawak kong cellphone ng biglang nag notif. Senyales na may nag chat sa akin.
Toffy:
Don't forget to eat, Hon. I love you very much. My deepest condolence in your family. Nagpadala rin ng pagkain niyo d'yan si mommy nagaalala kasi siya sa'yo kaya please eat okay?
Napalabi ako at wala sa sariling napaupo sa kama ni Anton. Nanlalabo na naman ang aking paningin. Simula na malaman ko na wala na si Anton ay parang nagiging sensitive at emosyonal ako. Hindi ko pa yata tanggap na wala na siya. . . sa pamilya namin si Anton lang ang nakakaintindi sa akin ang kaso wala na siya.
Anna:
Pasabi kay Tita Marina salamat sa pagkain. Kakain ako huwag kang mag-alala. I love you.
Toffy:
I love you more, Hon. please update me if you already eat, okay? Alam kong sinasabi mo lang 'yan para hindi ako mag-alala rito.
Anna:
Yes po.
Pinatay ko ang phone at muling nilibot ang paningin sa kwarto ng aking kapatid. Napasulyap ako sa nag-iisang sobreng puti na naka patong sa open cabinet ni Anton. Naglakad ako ro'n at kinuha 'yon. Mukhang hindi pa nabubuksan dahil naka sealed pa 'yon. Tinignan ko pa ng mabuti ang kabuuhan ng sobre na akala mo ay ineexpeksyon ko 'yon. Hanggang sa dumako ang aking tingin sa isang sulat sa likurang bahagi ng sobre sa bandang baba ng kanan.
Ate Anna.
Kumunot ang aking noo. Parang nakipagkarerahan ang aking puso sa sobrang bilis ng tibok at parang kakapusin pa ako ng hininga. Alam ko na 'to, pagpapaalam niya bago kitilin ang kanyang buhay. Kahit mabigat sa dibdib ay binuksan ko ang sobre para mabasa ang nilalaman no'n. Napatakip ako sa aking bibig ng mabasa ang aking pangalan sa unang sulat nito. Dahan dahan akong napaupo sa tiles habang walang tigil sa pagtulo ang aking luha habang pilit na binabasa ang sinulat ng aking kapatid.
Dear Ate Anna,
Hello, ate. Alam kong mababasa mo na 'to kung kailan wala na ako. Mukhang tama naman 'no? Gusto kong mag-sorry kung nauna na ako sainyo pero huwag kang mag-alala babantayan naman kita, kayo nila mama. Ang dami kong pinagdadaanan at gusto kong sabihin sa'yo pero huwag nalang kasi alam kong may sarili ka rin problema. Ayaw ko ng makisawsaw sa problema na meron ka ate.
Napapailing ako habang binabasa 'yon na akala mo ay si Anton 'yon.
"Kung iniisip mo na abala ka, Anton. Hindi 'yan totoo. Hindi ka abala sa akin," humahagulgol kong wika na akala mo ay nandito sa loob ng kanyang kwarto at naririnig ako.
Muli kong binasa ang sulat niya sa akin at halos hindi ko na 'yon matignan dahil sa aking luha. Kumalat na rin ang ink sa papel dahil doon nasasalo ang mga luha ko. Pero kahit gano'n ay pilit ko parin binasa 'yon at inintindi dahil sinulat ito ng aking bunsong kapatid. . . sinulat 'to ni Anton.
Nagtake ulit ako ng mga subject na naibagsak ko pero may isa na naman akong naibagsak ate. Sorry kung hindi ko kaya. Baka hindi talaga siya sa akin. Baka hindi para sa akin ang pag aarchitect. Gusto kong sabihin sa'yo 'to pero ako na ang nahihiya. Ang gulo na rin ng pamilya natin kaya mas lalong hindi ko kaya. Naapektuhan na rin ako, Ate Anna. kaya pasensya na kung nauna na ako. Sa tingin ko tama 'tong ginawa ko kasi wala na yung hirap na nararanasan ko. Alam kong ang selfish ng ginawa ko pero hindi ko na talaga Ate Anna. Maski si mama ay hinuhuthutan na rin ako ng pera ng malaman niyang nag papart time job ako para pambayad ko sa mga subject na naibagsak. Hindi naman ako makatanggi kasi si mama na 'yon kaya mas lalo akong nahirapan.
Alam kong ako nalang ang kakampi mo sa pamilya na 'to. Huwag kang magalit sa'kin ate kung ginawa ko 'to, ah? Kung iniisip mo na walang nakakaappreciate sa lahat ng sakripisyo mo sa pamilya na 'to nagkakamali ka. Isa ako sa taong nakakakaappreciate sa lahat ng ginawa mo rito, ate. Grabe ang bilib ko sa'yo na nagagawa mo parin kaming unahin kahit walang wala kana. Kami parin iniisip mo. kaya ngayon ate sana sa susunod piliin mo naman ang sarili mo.
Piliin mo ang sarili mo ngayon para sumaya ka naman. Sobrang dami mo ng naitulong sa pamilya na 'to kahit alam kong hindi mo naman obligasyon gawin 'yon. Thank you for everything ate ko. All your sacrifices will pay off. Sisiguraduhin kong magiging succesfull ka ate. Thank you again and i'm really sorry. I love you, Ate Anna.
Love,
Anton.
Nanghihina na napahiga ako sa tiles habang yakap yakap ang letter na sinulat ni Anton para sa akin. Sunod sunod na hikbi ang aking pinakawalan. Nakapikit na ang aking mata pero ang mga luha ko ay walang tigil parin sa pag-tulo. Ang mga nabasa ko sa papel ay parang sirang plaka na paulit ulit kong naririnig na akala mo ay sinasabi sa akin 'yon ni Anton.
"Anton!" humahagulgol kong sigaw habang nanghihina na nakahiga sa tiles.
Napabalikwas ako ng bangon ng may naramdaman na sumipa sa akin. Nang tignan ko kung sino 'yon ay si mama lang pala. Matalim parin ang titig nito sa akin habang nakahalukipkip.
"Bumangon ka d'yan at nasa labas na ang kapatid mo," wika nito, sa tono palang ng pananalita nito ay parang naiinis parin siya sa akin.
Wala sa sariling napabangon ako at tinignan ang nakataas na blinds sa bintana. Gabi na pala at hindi ko napansin na nakatulog ako dahil sa sobrang pag-iyak ko. Ang bigat ng aking pakiramdam maski ang aking mata ay parang gusto niya nalang na nakapikit. Paniguradong namamaga na ito. Nabalik lang ako sa aking huwisyo ng maramdaman ang pagdukdok ni mama sa aking ulo.
"Anong tinutunganga mo riyan? Bumaba ka ro'n!" wika nito sa akin. "Yung lumpo mong boyfriend nagpadala pa talaga ng makakain natin anong sa tingin niya wala na tayong makain?" galit nitong sambit.
Binulsa ko ang natupi kong letter na sinulat ni Anton at lumabas na kwarto niya. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni mama.
"'Ma, p'wede po bang itigil niyo 'yang pagtawag ng ganyan sa boyfriend ko?" tugon ko. "Mabuti nga at mabait parin 'yon sa atin kahit gano'n ang trato mo sa kanya, eh," mahina kong saad at nilingon ito.
Napabaling agad ako sa kaliwa ng maramdaman ang palad nito sa aking pisngi. Napapikit nalang ako at huminga ng malalim. Wala ako sa mood na makipagtaasan ng boses dahil sa aking nararamdaman.
"Wala akong pake at hindi ko kailangan ng simpatsya ng nobyo mo, Anna. baka isampal ko pa sa pamilya nila 'yang pinadala nilang pagkain dito," tugon nito habang ang tono ng kanyang pananalita ay nanggigigil.
Nauna na siyang bumaba patungo sa labas ng bahay at binangga pa ako. Napasuklay nalang ako sa aking buhok at sumunod. Sa harapan na bakuran nakapwesto ang kabaong ni Anton. May mga nakadisplay rin doon na magagandang klaseng bulaklak. Ako ang pumili no'n dahil alam kong magugustuhan niya ang puting rosas na may halong pula.
"Annie, naghapunan kana ba?" tanong ko ng makita siyang nakaupo sa bakanteng monoblock.
Nahahapo ito habang nakaupo. Nakita ko ang tipid nitong ngiti sa akin at hinimas ang kanyang tyan.
"Oo. ako na naunang kumain sa binigay ni Kuya Kristoff pasabi nalang salamat ang sarap nung pagkain," tugon nito.
"Sige sasabihin ko 'yan sa kanya," sagot ko.
Nakaalis na ang mga nagaayos sa burol niya. May ibang kapitbahay naman ang nakikiramay kaya kailangan din inaassist ko sila. At kapag wala naman ay nagpapahinga ako sa mga upuan habang pinagmamasdan ang kabaong ni Anton.
Buong gabi walang pansinan dito sa bahay namin. Ang lungkot kasi parang mas lalong lumala ng mamatay si Anton. Mas lalong nagmukhang patay ang pamilya namin lalo na ang bahay na 'to. Nang dumating na ang araw ng kanyang libing ay napuno ng iyakan ang pwesto namin dito sa sementeryo. Dahil wala kaming ibang kamaganak ay kami nalang magpapamilya ang naghatid sa huling hantungan ng aking kapatid.
"Ang bunso ko..." nanghihinang sambit ni mama habang lumuluha.
Unti unti ng binababa ang kabaong ni Anton sa lupa na may malalim na hukay. Wala ng emosyon ang aking mukha parang ubos na ubos na ako. Gusto kong umiyak pero kahit anong pilit ko walang nangyayari. Naninikip lang ang dibdib habang pinagmamasdan ang aking kapatid mas lalo na si mama na humahagulgol.
Umabot pa ng ilang minuto bago tuluyang nalapag si Anton at natabunan na ng lupa ang kanyang libingan. Nakapagpaalam na sa amin ang pari kaya kami nalang tatlo ang natira rito. Walang pansinan at akala mo ay hindi magkakilala. Sinundan ko ng tingin sila mama at Annie na makitang sumakay sila sa dilaw na trysikel.
"Ma!" sigaw ko at lakad takbo na pumunta sa kanila.
Si Annie ang naunang pumasok sa loob ng trysikel at bago pa pumasok si mama ay matalim itong tumitig sa akin. Tinulak ako nito kaya napaatras ako habang ang puso ko'y akala mo tinutusok ng milyong milyon na karayom. Nasasaktan ako sa pangtataboy nito sa akin.
"Ano? Sasama ka?! Bumalik kana sa pinagtatrabahuan mo dahil kailangan mong kumita para sa amin. Alangan namang mag mumukmok ka pa? Kapal naman ng mukha mong magmukmok eh ikaw may kasalanan kung bakit namatay si Anton! Bumalik kana ro'n!" pangtataboy nito sa akin.
"Ma..." nasasaktan kong wika. Muli na naman nangingilid ang aking luha. Ang hapdi na ng aking mata dahil sa ilang beses kong pag-iyak kahapon at sa nagdaan pa na araw.
Umupo siya sa bakanteng upuan sa likod ng driver at tinapik ang balikat nito. "Tara na kuya!" galit nitong wika.
Sinundan ko sila ng tingin habang walang tigil ang aking luha sa pag tulo. Napabaling ako sa aking gilid ng may bumusina. Kumunot ang aking noo ng makita ang pamilyar na puting van. Bumukas ang pintuan at doon ko nakita si Kristoff. Nakaputing polo ito at short na khaki brown. May shades itong sout habang kumakaway sa akin. Hindi ko na napigilan ang paghikbi ng makita ko siya.
Tumakbo na ako patungo sa kanya. Binalewala ko ang panlalabo na aking paningin basta ang nasa aking isipan ay makapunta kay Kristoff. . . ang pahinga ko. 'Yon ang importante. Si Kristoff ang pahinga ko.
"I saw what your mother did to you," panimula ni Kristoff.
Hindi ako makasagot sa sinabi nito. Pumasok na ako sa loob ng van at sinarado ang pinto bago makulong sa kanyang bisig. Mukhang kabisado niya na ako dahil kusang pumulupot ang kanyang braso sa aking katawan.
"Huwag mo nalang pansinin 'yon," lumuluha kong tugon sa kanya habang ang aking mukha ay nakasubsob sa malapad nitong dibdib. Ang sarap humiga o sumandal sa kanyang dibdib sa totoo lang. Mas pipiliin ko pang mahiga rito kesa sa kama ko.
Narinig ko ang paghinga nito ng malalim at sinusuklay ang aking buhok. Umaandar na ang sasakyan pabalik sa Monsietta. Habang kami rito sa likod ay naglalambingan. Wala namang pake si Kuya Toryo kaya ayos lang.
"Stop crying, Hon," nagaalala niyang sambit sa akin. Pinaglandas niya kanyang hinlalaki sa aking mata na alam kong namumula at namamaga. "Kung hindi ka siguro umiinom ng tubig baka na dehydrate kana."
Napanguso ako at siniksik ang sarili sa kanya. "Umiinom naman ako ng tubig kaya hindi 'yan mangyayari,"tugon ko.
"Condolence again, Hon," he whispered.
Tango nalang ang aking sagot at humarap sa kanya. Niyakap ko ang aking braso sa kanyang leeg at sinubsob ngayon ang mukha sa balikat nito. Narinig ko ang mahinang tawa nito at ginaya ang aking ginawa. Sa ganoong posisyon ay naging tahimik lang kami. Walang nagsalita at tanging mabilis na tibok ng puso ang aking naririnig. Napangiti ako ng marinig ang kanya, akala ko ako lang nakakaramdam ng ganito siya rin pala.
Parehas na mabilis ang tibok ng aming puso.
"I have a surprise for you," nakangiti niyang wika sa akin ng makarating kami sa bahay nila.
Patagilid akong nakaupo sa kanyang hita habang pinapaandar niya ang kanyang wheelchair patungo sa backyard. Napalingon naman ako kay Kuya Toryo na may bitbit na basket na malaki. Taas baba ang tingin ko sakanya at napangiti nalang siya sa aking ginawa.
"Ano 'yon?" curious kong tanong sa kanya.
I heard his deep and sexy laugh. "It's surprise. Panget naman kung maiispoil ka sa gusto kong ipakita sa 'yo," he answered.
Umismid nalang ako at hindi na nagsalita. Si Kuya Toryo na ang nagbukas sa maliit na gate para tuluyan na kaming makaalis sa bakuran ng bahay nila. Kahit nasa malayo ay tanaw ko ang malaking puno na pamilyar sa akin. Heto yung puno sa aking panaginip nung pinuntahan ko noong bata pa ako. Dito rin kami unang nagkakilala ni Kristoff nung bata pa kami.
Napanganga ako at namangha ng makita kung ano ang nandoon. Isang picnic blanket at may mga palamuti pa sa katawan ng puno na sa tingin ko ay fairy lights 'yon dahil palubog na ang araw.
"Toffy," mahina kong wika.
Pinagmasdan ko si Kuya Toryo na siya ang nagaayos ng mga pagkain doon. Sa isang pagkain lang ako napatingi ng matagal. Isa 'yon minimalist cake na natatakpan ng isang clear na takip kaya nakita ko ang disenyo no'n.
Napalingon ako sa kanya ng maramdaman ang kanyang labi sa aking pisngi. Malawak ang kanyang ngiti na akala mo ay batang nabilhan ng paborito nitong laruan. Ang kanyang mala dagat na mata ay tuwang tuwa sa naging reaksyon ko. Ang kanyang buhok na mala ginto ay sinasayaw ng hangin habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Do you like it?" he asked while smiling.
Nahawa na ako sa ngiti nito. Ilang beses akong tumango at bahagyang sinulyapan si Kuya Toryo na abala parin sa pagaayos ng aming kakainin bago ibalik ang paningin sa aking boyfriend. Ang ngiti nito ay akala mo bata kaya hindi ko mapigilang matawa na rin.
"I planned this last week. Mukhang nagustuhan mo naman. Isn't it cute, Hon? We're having a little picnic date here. This is the place that we meet for the first time when we're a child. That's why I decided on this spot for our picnic date because it had special meaning for me. Dito mo rin ako sinabihan ng mukhang mais ako dahil sa buhok ko," natatawa nitong kwento.
"Natatandaan ko 'yan, Toffy," natatawang tugon ko at mabilis na hinalikan ang kanyang labi. "Thank you for this. I really appreciate your effort," malambing kong wika.
Kahit papaano ay napawi ang lungkot na naramdaman ko dahil sa ginawa nito. Ngayon ko lang din naranasan ang ganito dahil sa last relationship ko ay ako ang nagpaplano at gumagastos. Ang sarap pala sa pakiramdam na may taong nagpaplano sa magiging ganap sainyo. Wala ka ng iisipin kundi samahan mo siya at magenjoy kayo.
"Really?" halos hindi niya makapaniwalang tanong sa akin. "Natatandaan mo na?"
I nodded. "Yes, Toffy," I answered.
I noticed him staring at my lips. I unconsciously lick my lips since he is staring at me. He looks at me as if he is about to devour me. I clenched his shoulder when his face suddenly moved closer to mine, leaving no space between us. When his lips touched mine, I immediately closed my eyes. It feels smooth, and the way he kissed me makes me want to melt in his loving arms.
"Happy 2nd monthsary, Hon," he whispered in my lips. "Thank you for everything. I love you."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top