CHAPTER 22

CHAPTER 22

PARA AKONG BINUHUSAN ng malamig na tubig sa aking narinig. Sa tanan ng buhay ko ay ang binanggit ni mama ang hindi ko nagugustuhan bukod sa ibang masasakit niyang salita kapag nag aaway kami.

"Ma!" hindi ko maiwasang sigaw sa kanya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung kokomprontahin ko ba si mama ko o uunahin ko si Kristoff dahil kahit hindi niya aminin ay alam kong nasaktan ito sa sinabi ng aking ina.

"Huwag mo 'kong sisigawan, ha!" galit din nitong wika.

Napapikit na lang ako at hinilot ang aking sintido. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Kristoff sa kamay mo na sa tingin ko ay sinasabi na ayos lang sa kanya pero sa akin hindi 'yon ayos.

"Ikaw namang lalake ka. Bakit ang lakas din ng loob mo na syotain 'tong panganay ko? Wala ka na ngang yatang silbi dahil d'yan sa pagiging lumpo mo, eh. Hindi mo ba alam na binubuhay pa kami n'yan?" aniya pagkatapos ay tinignan niya si Kristoff simula ulo hanggang paa.

Naninikip ang aking dibdib dahil sa mga sinasabi nito sa aking nobyo. Bakit ba siya ganito? Bakit lahat nalang ng bagay pinupuna niya? Naramdaman ko ang pamumuo ng aking luha sa gilid ng mata.

"Oh ano? Dadagdag kana rin sa pagiging gastusin niyang anak ko?" tanong nito habang nakahalukipkip. "Baka nga habang buhay ka ng ganyan e'di mas lalong nahihirapan anak ko kapag mag-asawa na kayo–"

"Ma," madiin kong sambit sa kanyang ngalan. "Itigil mo na po 'yan. Hindi niyo po ba alam na nakakasakit na kayo sa mga sinasabi niyo?" seryoso kong anas.

Tumaas ang isa nitong kilay. "Aba'y bakit? Totoo lang naman ang sinasabi ko. Kapag naging asawa mo na 'yan magiging alagain mo siya habang buhay dahil sa kapansanan niya–"

"Ma! Sabing tama na po!" umiiyak kong singhal sa kanya.

"Sinasabi ko sa'yo, Anna. makakatikim ka talaga sa akin ng sampal kakasigaw mo," galit nitong wika. "Wala kang respeto sa 'kin?! Hindi ka mag-aasawa hangga't hindi mo kami naiaahon sa kahirapan! Ibaon mo sa utak mo 'yan!"

"Ma'am. Sumama ako kay Anna sa pag-punta niya rito kasi gusto ko po kayong makilala bilang respeto na rin kasi kami na po ng anak mo–"

"Wala! Wala akong pake!" bago pa siya makapasok sa loob ay matalim siyang tumingin sa akin. "Humanap ka ng lalake na siya bubuhay sa 'yo. . ." tinignan niya si Kristoff. "Hindi 'yong ikaw pa ang bubuhay sa kanya at mag-alaga."

Sunod sunod ang aking hikbi habang tinatanaw ang aking ina na paakyat sa taas. Sa tingin ko ay papasok na ito sa kanyang kwarto. Hinawakan ko ang balikat ni Kristoff at tinuro ang loob ng bahay. Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya pumasok na kami.

"Tara sa kwarto muna tayo," pag-aya ko.

Dahan dahan siyang tumayo at tinulungan ko siyang humakbang sa taas. Dahil sa therapy session nito ay paunti unti na siyang nadadalian sa paghakbang kaya mas maganda rin talaga na nasasanay siyang maglakad para mahasa.

"Malapit lang naman kwarto ko kaya konting tiis nalang," mahina kong bulong at tinignan siya.

Hindi ko alam na nakatingin din pala ito sa akin. "It's fine. Mas okay nga ito para masanay ako sa paglalakad," tugon nito habang ang kanyang mala dagat na mata ay hindi maialis ang tingin sa akin.

Humaba ang aking nguso ng maramdaman ang daliri nito sa aking mukha. Pinunasan niya ang luha sa aking mata at malambing na ngumiti.

"Stop crying, Hon," He whispered.

Humigpit ang hawak ko sa kanyang braso at dahan dahan kaming naglakad patungo sa aking kwarto. Pinabukas ko na kay Anton ang aircon sa kwarto para malamig na agad pagkapasok namin dito.

"We can try to walk every morning if you want," saad ko at inupo siya sa aking kama.

Umangat ang tingin niya sa akin. "We have a pool. P'wede natin magamit 'yon kapag susubukan ko mag lakad."

Sumang-ayon ako sa sinabi nito. Naupo ako paharap sa kanya at paindian seat 'yon.

"Sige kung 'yan gusto mo," nakangiti kong wika. "I'm sorry, Toffy," humina ang aking boses.

Hinawakan ko ang kanyang kamay habang hindi inalis ang tingin sa kanya. Ganoon din naman ang ginawa nito. Para akong nalulunod sa mga tingin nito kahit marunong ako lumangoy parang wala rin 'yon dahil sa kanya.

Umangat ang kamay nito at hinaplos ang aking pisngi. "It's fine, I understand. Mukhang mahirap paamuhin mama mo," saad nito at mahinang natawa.

Umiling ako at lumapit sa kanya. Kinulong ko siya sa aking bisig at ganoon din ang ginawa nito sa akin.

"Mahirap, Toffy. At mukhang hindi mo mapapaamo si mama," bulong ko habang magkayakap. "Maski ako kahit anong pakumbaba ko wala talagang nangyayari," sinubsob ko ang aking sarili leeg nito at siniksik pa ang katawan sa kanya. "Sorry sa lahat ng mga sinabi ni mama sa'yo. Ibang iba ang pamilya ko sa pamilya mo kaya alam kong nabigla ka."

Napapikit nalang ako ng humigpit ang kanyang yakap sa akin. Naramdaman ko pa ang paghagod ng kanyang palad sa likuran ko, para bang pinapagaan ang aking loob.

"Hindi ako natutuwa kapag nakakarinig ako ng gano'n patungkol sa'yo," mariin akong pumikit ng muling nangilid ang aking luha. "Paano nila natitiis na magsalita ng gano'n? Mabuti nga at nakakatulog sila sa gabi ng hindi na kokonsensya sa mga pinagsasabi nila sa'yo."

"It's fine. Sanay na rin naman na ako sa gano'n," pagaalo nito sa akin.

Hinawakan niya ang magkabilaan kong balikat at tinignan ako. Walang tigil parin sa pag-daloy pababa sa aking pisngi ang luha ko habang nakatingin sa kanya.

"Hindi ako papayag na ikaw bubuhay sa 'kin kapag kasal na tayo. I help my parents in our business and nagiinvest ako sa ibang bagay kaya umiikot yung pera ko. Kaya ko kayong buhayin ng magiging pamilya natin," hinalikan niya ang aking noo at malambing ng ngumiti sa akin.

"Oa mo talaga anong kasal. Masyado ka yatang excited d'yan," natawa pa ako dahil do'n. Huminga ako ng malalim at salamat kumalma na. Pinunasan ko ang aking luha pagkatapos ay ningitian ito.

"Advance ako mag isip that's why," malawak ang ngiti nito at mukhang proud pa.

Napailing nalang ako dahil heto na naman si conyo. Nasanay na ako sa pagiging conyo nito paminsan minsan, ang cute niya kasi parang mama nito.

Nagorder nalang kami ng pagkain sa foodpanda ng maramihan para makakain din sila mama. Binigay ko sakanila 'yon ng madeliver dito tinanggap niya naman pero wala parin kibo sa akin. Ang dalawa kong kapatid ay nadoon sa kanilang kwarto mukhang nagpapahinga pero sa tingin ko ang bunsong kapatid ko ay busy sa plates nito.

Mabilis ko lang din binisita si Anton sa kwarto. Tahimik parin ito at paminsan minsan naman ay naglalambing sa akin. Medyo naguguluhan lang ako dahil hindi ko alam kung okay na ba siya o ano kasi bigla siyang ganito. Hindi ko gusto yung ganitong nararamdaman ko.

Si Kuya Toryo naman ay nabigyan din namin ng pagkain ang kaso hindi na pumasok sa loob ng bahay dahil mukhang nakahanap na ng kaibigan sa tapat ng bahay namin kaya hinayaan ko nalang 'yon.

"Can I ask you something?" tanong ko habang kumakain kami.

Inusog ko malapit sa gilid ng kama ang dati kong study table para ilagay ang naorder naming pagkain. Inisa isa niya na ang pag labas ng mga pinamili naming pagkain.

"Yeah, sure. Ano ba 'yon?" he asked.

"Matagal na tayong magkakilala hindi ba? Pero ako hindi kita matandaan at ngayon ko lang din nalaman na magkakilala tayo nung bumalik ang alaala ko nung nagaaral palang tayo," sagot ko.

Matagal ko ng gustong itanong sa kanya ito ang kaso hindi ako makahanap ng tyempo at nakakalimutan ko rin minsan dahil sa dami ng iniisip ko. Itong araw ang magandang araw para matanong ko ang gusto kong malaman sa kanya.

"Naalala mo 'yung gabi nung araw na nagpunta sa dagat?" tanong ko.

"Oo," tugon nito.

Siya na ang nagbigay ng pagkain sa akin. Tinanggap ko nalang 'yon at kinain sa harapan niya habang nakatingin sa kanya.

"Gusto ko lang malaman kung may nangyari na ba sa atin dati? Naging boyfriend ba kita bago ako mawalan ng alaala? O baka gawa gawa lang ng utak ko 'yon," sunod sunod kong tanong sa kanya.

Nakita kong natigilan ito sa aking sinabi. Kumuha siya ng tissue sa paper bag ng pinaglagyan ng pagkain pagkatapos ay hinarap ako. Nang tignan ako ay parang nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin niya ba 'yon o hindi.

"We had a one night stand, Hon. that was 7 years ago I think, we don't have a label kung sa iba it's just a plain sex but for me it's more than that to me, it's like we made love. Uunahan na kita we both want it and I didn't force you to have sex with me. Ilang beses kitang tinanong kung itutuloy ba natin o hindi kasi ayaw ko na magkaroon ng pagsisisi sa dulo," pag amin nito. "Umagree ka naman kaya nangyari na ang dapat mangyari."

Napatanga ako sa aking nalaman. Wala talaga akong maalala at konting konti nalang gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader nagbabakasakaling may maalala ako bukod sa nagpakitang senaryo sa aking utak noong gabing sumanggi sa aking isipan ang alaala na 'yon.

"T-then why I didn't remember anything about that?" parang nanghihina kong sambit.

Umiling din si Kristoff. Alam ko naman na kahit siya walang magagawa.

"Hon, kahit ako naguguluhan kasi pagbalik ko rito galing scotland hindi mo na ako maalala. The night we spend together I was about to go to Scotland because I need to study there. After 3 years sinubukan kita kausapin kahit magkasalubong man tayo sa library mukhang hindi mo 'ko maalala," seryosong pagkukwento nito sa akin. "Matagal na tayong magkakilala..."

Dahan dahan kong naibaba ang hawak kong kutsara at tinidor dahil sa panghihina. Ano bang meron sa 'kin at bakit wala akong maalala?

"B-bakit hindi ko alam 'yan..." bulong ko at sinulyapan siya. "Wala akong maalala," kinakabahan kong sambit sa kanya.

Nang magsalubong ang aming paningin ay nakita ko ang pagaalala sa kanyang mukha.

"I didn't know either, Hon. Nakausap mo na mama mo tungkol d'yan? It's look like you had long-term memory loss. It's been a year, and you didn't recall your other memories.," nagaalala nitong wika sa akin. "Hindi naman sa nagseself diagnose ako. Do you want to consult with a doctor? May kakilala si dad na neurologist."

Doon ay kinabahan ako. Unti unting pumapasok sa aking isipan ang isang memorya na ang batang ako ay nakahiga sa kama at may dextrose. Mukhang nasa hospital pa nga ako no'n. Agad din naman nawala 'yon kaya kumunot ang aking noo.

"H-hindi kami close ni mama atsaka simula no'ng namatay si papa doon na lumayo yung loob niya sa akin. Doon lahat nagsimula yung pagiging masungit niya sa akin," garalgal ang aking boses.

Napahawak ako sa aking ulo ng kumirot iyon napapikit ako dahi do'n. Narinig ko na nabitawan ni Kristoff ang hawak nitong kutsara at tinidor. Parang tuod na nakapikit at nakahawak ako sa aking ulo at iniinda ang sakit na nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin. Hindi ko na napigilan na umiyak sa kanyang bisig habang siya naman ay inaalo ako. Ang mahahaba nitong daliri ay sinusuklay sa aking itim na buhok at paminsan minsan ay nararamdaman ang malambot nitong labi sa tuktok ng aking ulo.

"I'm right here, Hon," pagaalo nito. "Shush. . . don't cry. I'm right here," malambing ang boses at paulit ulit lang na hinahaplos ang aking buhok.

Napailing ako at walang tigil sa pag-agos ang aking luha. Dahil doon ay mas lalo pa yatang lumala ang sakit ng aking ulo.

"I'm scared, Toffy," I cried. "What's happening to me? Why I can't remember my other memories?"

"Calm down, Hon. Baka lalo pang sumakit ulo mo," nagaalala nitong saad sa akin.

"A-am I sick?" I asked while sobbing.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top