CHAPTER 16
CHAPTER 16
MAS LALONG NAGING busy ang tao dahil sa pagdating ng papa ni Kristoff. Ang pinaguusapan nila na gagawin para sa darating na kaarawan ay natigil muna. Umuwi na ang planner at babalik nalang daw sa susunod na araw.
"Parang hindi ka masaya na umuwi papa mo?" tanong ko kay Kristoff.
Nandito kami ngayon sa kanyang kwarto. Madami na rin kaming nagawa na dapat gawin kaya nagtutupi nalang ng mga bagong damit na nalabhan ni Kristoff.
"I'm happy hindi lang halata," sagot nito habang nakatingin parin sa damit na tinutupi nito.
Natigil ako sa pagtutupi ng puting tshirt at tinignan siya. Seryoso ang mukha nito habang pinaplastar sa tabi niya ang mga natupi nito. Magkaharap ang pwesto namin sa isa't isa. Muling namayani ang katahimikan sa loob ng silid nito.
"Ang mommy mo naman halatang halata na masaya," natatawa kong saad.
He nodded. "Yeah. She missed dad so much," he answered. "Can you sit beside me?"
Sinulyapan ko ito at binigyan ng nakakalokong ngiti. "Hmm. . . for what?" pangaasar ko sa kanya.
"Because I just want to," tugon nito agad. "Come on, Anna. Tara na dito gusto kitang makatabi. Parang ang layo mo kung nandyan ka," wika nito sa akin.
Mahina akong natawa. Inipon ko ang mga natupi ko at nilipat sa magiging pwesto ko. Kinuha naman agad 'yon ni Kristoff para hindi ako mahirapan.
"Much better," nakangiti niyang wika sa akin ng makatabi na kami.
Kinuha niya ang remote sa bedside table at binuksan ang TV nito. Namili lang siyang ng movie at pinaandar na iyon para malibang naman kami habang nagtutupi.
"What's your love language?" mahina nitong wika.
Nilingon ko ito. "Hmm. . . act of service, word of affirmation?" tugon ko. "Parang lahat yata," wika ko at natatawa pa.
Tumango tango siya sa aking sinabi. "That's fine," nakangiti niyang tugon sa akin.
Hindi na siya nagsalita at tinuon na ang pansin sa panonood ng movie dahil tapos na rin naman na kami sa pagtutupi. Tumayo ako at sinimulan na kunin ang mga puting damit nito.
"Mamaya mo nalang 'yan ilagay sa closet ko," pagpigil sa akin ni Kristoff.
Umiling ako. "Hindi ako sanay na nakitang nakatambak mga damitan mo rito sa kama kahit nakatupi na siya."
Bumalik ulit ako sa kama para kunin ang underwear nito. Napatingin tuloy ako sa kanya dahil ramdam ko ang pagtingin nito sa akin. Lagi ko siyang nahuhuling tulala sa akin.
"Thank you..." dinig kong wika nito.
Malambot na malambing ang tono ng kanyang pananalita.
"I want to help you put my clothes in my closet, but I can't. That's not your obligation, but thank you, Hon," he said, softly.
Bahagya akong natigil sa pagsasalansan ng underwear nito dahil sa huling sinabi niya. Ang puso ko naghuhuramentado. Apakabilis ng tibok ng aking puso at akala mo ay lalabas siya sa aking ribcage. Hon? Pinaikling honey?
Hindi ko maiwasang hindi ikumpara si Kristoff kay Marcus. May callsign kami ni Marcus pero parang iba ang impact sa akin ang sinabi ni Kristoff. His calling me Hon was cute to me. Para siyang girl version ng mama nito habang sinasabi niya iyon sa akin.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Hinarap ko siya at ngumiti kahit na ang puso ko ay nagwawala sa saya. Heto yung hindi ko naramdaman noong kami palang ni Marcus dati. Bago palang kaming magkasintahan ni Kristoff pero etong nararamdaman ko ay akala mo naman umabot na ng ilang taon ang relasyon namin. Napapikit nalang ako sa aking pinagiisip.
Naglakad ako papunta sa kanya at naupo sa tabi nito. "It's okay. Huwag ka mag-alala makakalakad ka rin," pagpapagaan ko sa loob nito. "Siguro hindi ngayon pero malay mo mapaaga rin 'di ba? Huwag ka mawalan ng pag-asa, Kristoff. Kita ko ang mga ginagawa ni Ma'am Marina. . . gumagawa sila ng paraan ng papa mo para makalakad ka because they love you," mahina kong wika rito.
Umangat ang aking kamay at hinaplos ang mukha nito. Hinuli niya naman iyon binigyan ng munting halik na aking ikinatawa.
"Kung ang magulang mo walang tigil sa paghahanap ng magaling na doctor na makakapagpagaling sa'yo dapat ikaw din hindi mawawalan ng pag-asa. Kitang kita ko kung gaano ka kamahal ng magulang mo Kristoff," nakatingin lang siya sa akin at nakikinig sa mga sinasabi ko.
Hindi ko alam kung bakit nanunubig ang aking mata. Siguro dahil hindi ko naramdaman gano'n ang aking pamilya. . . siguro naiinggit ako dahil hindi gano'n si mama sa akin.
"Treasure your family dahil may ibang pamilya na hindi ganyan," at isa na ako ro'n. Gusto kong sabihin pero mas pinili nalang na hindi.
Para siyang bata na tumango sa aking sinabi. "Thank you, Hon. Alam ko 'yon pero minsan hindi ko lang maiwasang hindi mag isip ng gano'n. What if hindi na talaga ako makalakad?" bakas sa boses nito ang takot.
"Shush. Think positive. Makakalakad ka rin tiwala lang."
Hindi niya ako sinagot at mahinang hinila ang aking kamay. Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakaupo sa kandungan nito at nakayakap na siya sa akin. Nakasubsob na naman ang kanyang mukha sa aking dibdib habang nakayakap sa akin.
"Cheer up po. It's okay to feel this way, Kristoff. I understand that you're struggling and I know you're also frustrated. Nararamdaman ko rin 'yan kapag may gusto akong maalala na hindi ko magawa kaya hindi ka nag-iisa," malambing kong wika sa kanya. Pinaglandas ko ang aking daliri sa malambot at mala ginto nitong buhok.
Umangat ang kanyang ulo para tignan ako. "Thank you very much, Hon. thank you for not invalidating my feeling," sagot niya habang nakatingin sa akin.
"You're welcome," nakangiti kong wika.
Ngumiti ako at mahinang pinisil ang kanyang ilong. Heto na naman ang mata nitong nag dadilate. Para na naman akong nalulunod sa pagtitig nito sa akin. Hindi parin naaalis ang tingin nito sa akin, nagsimulang na namang bumilis ang tibok ng aking puso ng makitang unti unting lumalapit ang ulo nito sa akin. Hindi rin nakatakas ang paminsan minsang sulyap niya sa aking labi. Hindi na ako bata para hindi malamang kung ano ang sunod na gagawin.
Napahawak ako sa kanyang balikat at hindi namamalayan na humihigpit ang hawak no'n. Napapikit nalang ako at hinintay ang sunod na gagawin nito.
"Kristoff, anak–"
Mahina akong napasinghap at umalis sa kandungan nito ng biglang bumukas ang pintuan. Na-out of balance pa ako at natumba pa sa sahig.
"Shit! Are you okay?" nag-aalalang tanong sa aking ni Kristoff.
"Oh my, what's happening here? Are you okay, Dear?" lumapit sa akin si Ma'am Marina at tinulungan ako sa pagtayo.
Tinanggap ko ang kamay nitong nakalahad sa akin at tumayo na.
"Okay lang po ako," tugon ko rito.
Nakahinga ng maluwag si Ma'am Marina habang ang palad ay nasa kanyang dibdib. Nilingon niya ang anak nito bago mag-salita.
"Mabuti naman," sagot nito. "Kristoff, tomorrow pupunta ka pala sa hospital para sa therapy mo," saad nito sa kanya. Naestatwa pa ako sa aking kinatatayuan ng nilingon niya ako. "And Anna please accompany my son, okay?" nakangiti niyang wika sa akin.
"Yes po, Ma'am," tumango ako.
"Thank you, dear," niyakap niya ako at sinunod ang kanyang anak. Niyakap din siya pabalik ni Kristoff.
"Don't worry ihahatid naman kayo ni Kuya Toryo papunta sa hospital hanggang pauwi. You can also stroll around Monsietta if you want," nakangiting ani nito.
Monsietta ang tawag dito sa baryo nila. May kutob na rin naman na ako na iyon ang pangalan dahil sa maliit ng karatula na nasa labas ng bahay nila Kristoff.
Monsietta Hacienda. Sila Ma'am Marina ang may hawak sa baryo na ito at 'yon ang pangalan.
"I think 'yon lang naman ang gusto kong sabihin. By the way sa susunod na linggo pa 'yon don't worry. I'll go back to my office na," pagpapaalam nito. Bago pa siya makalabas sa pintuan ay muli siyang lumingon sa amin. "Oh I forgot to tell this. Anna tawag ka pala ni Manang sa dining area. Pumunta kana raw doon, bye!"
Umalis na agad ito at naiwan na kaming dalawa habang nakabukas ang pintuan ng kwarto ni Kristoff.
"Aalis na muna ako. Magpahinga kana muna d'yan," pagpapaalam ko.
Nakita ko na inayos nito ang kanyang comforter bago ako sulyapan.
"Okay, bye," tugon nito sa akin.
Ngumiti nalang ako at lumabas na bago ko pa masara ang pintuan nito ay nahuli ko ang pag-simangot nito. Paano ba naman kasi hindi natuloy ang dapat na gagawin nito. Napailing nalang ako at mahinang natawa.
DUMATING NA RIN ang pinakahihintay ng lahat. Ang kaarawan ni Kristoff. Lahat ng tao rito ay busy maski si Kuya Toryo ay nakikitulong sa pag aayos sa bakuran.
Gusto ko rin sana na tulungan sila ang kaso tulungan ko nalang daw mag ayos si Kristoff sabi ni Ma'am Marina.
Nakapagpwesto na sila ng napakalaking retractable tent. ilang piraso rin 'yon dahil may pupunta na mga workers. 'Yon ang bisita nila bukod sa mga tao rito sa bahay.
"This is gonna be tiring."
Mahina akong natawa. Nakaupo siya ngayon sa harap ng vanity table nito habang nag aayos ng kanyang sarili. Para mas mapadali ang lahat ay ako na ang nag blower sa buhok nitong mala ginto. Apaka shiny nito ngayon kumpara sa normal na buhok nito may nilagay yata siya ngayon.
"Minsan lang naman mangyari 'to kaya pagbigyan mo nalang gusto nila," natatawa kong tugon.
Napabugtong hininga ito. "I wanna spend my birthday in my room with you."
"Too late, naunahan kana ng mama mo."
Hinila niya ang drawer at kumuha ng wristwatch. Kinabit niya naman agad 'yon at may kinalikot pa ro'n ng kung ano ano.
"You can style my hair if you want."
Nang tumingin ako sa salamin doon nagtagpo ang aming tingin. Seryoso ang mukha nito at inabot ang wax.
"Ikaw bahala kung anong gusto mong hairstyle," wika nito sa akin.
Nagdadalawang isip pa ako kung gagawin ko 'yon o hindi pero sa kalaunan ay tinanggap ko 'yon.
"Are you sure? Paano kung hindi mo nagustuhan?" tanong ko.
"I trust you," bumaba ang kanyang kamay at mahinang tinapik ang aking hita.
Mahilig niyang gawin 'yon sa akin. Napapailing na pinatay ko ang blower ng matuyo na ang buhok nito. Ito nalang kasi ang kulang at p'wede na kaming lumabas patungo sa backyard.
Tinignan ko siya sa huling pagkakataon bago ko buksan ang takip ng wax nito bago ayusin ang kanyang buhok.
"You're handsome, Kristoff," pagpuri ko sa kanya.
Ramdam ko na natigilan ito. Hindi na niya napigilan na ngumiti sa akin. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi na umabot hanggang sa tenga nito.
"You too. . . You're beautiful. You're always beautiful, Hon," tugon nito at parang nahihiya pa.
"Alam mo malalaman ko agad kung nahihiya, kinikilig ka," natatawa kong wika sa kanya habang inaayusan parin ito.
Muli siyang tumingin sa harap ng salamin para tignan ako.
"Namumula ka agad."
Nakita ko ang pag ismid nito sa akin.
"Because I have fair skin," tugon nito.
Ako naman ngayon ang napaismid sa sinabi nito. Hindi naman ako maputi inaamin ko rito kaya nga naiinggit ako sa mga mapuputi eh lalo na rito kay Kristoff na akala mo pinagpala ng panginoon.
"E'di okay. Ikaw na maputi," tugon ko.
Dahil medyo wavy ang buhok nito nilagay ko lang sa bandang gilid ang iba. May ginawa pa akong ibang hairstyle ro'n at salamat naman bumagay 'yon.
Narinig ko ang mahinang pag tawa nito at hinawakan ang aking kamay. Pinaupo niya ako sa kanyang kandungan. Madalas niyang gawin 'yon sa akin kaya hindi na ako nagugulat na gawin niya ulit 'yon. Kaya ang nagawa ko nalang ay ikawit ang dalawa kong braso sa batok nito habang nakatingin sa kanya.
"Don't be jealous, Honey. You had the most gorgeous bronze skin," pagpuri nito sa akin. "Alam mo bang ang ganda ng balat mo kapag natapatan ng sinag ng araw? Para kang kumikinang," nakangiti ani nito pagkatapos ay nilapit niya ang mukha sa akin. "The only bright light on my gloomy day is you," he whispered.
Hindi ko na napigilan na ngumiti sa sinabi nito. Mahina kong hinampas ang kanyang braso dahil sa aking nararamdaman. Parang may kung anong kumukiliti sa aking tyan dahil sa sinasabi nito.
"Nambola ka pa," wika ko sa kanya.
"I'm just telling the truth," tugon nito at nagkibit balikat sa akin. "Parang ayaw mo pang maniwala sa akin, eh."
"I'm just not used to compliments," wika ko. "It feels weird," natatawa kong ani.
Naramdaman ko ang kamay nito sa aking likuran dahil backless ang sout ko ramdam ko ang init ng kanyang palad doon.
"Masanay kana kasi lagi kitang pupuriin," yumuko siya sa akin at pinagdikit ang aming ilong. Napatawa naman ako dahil do'n.
Hindi rin nagtagal ay umalis na kami. Tinignan ko muna ang ayos ko at sa kanya sa huling pagkakataon. Nakasout ito ng powder blue button down shirt at pinaresan niya ng white short.
Habang ako naman ay naka plain royal blue dress habang ang neck line no'n ay pa letter u. Hinayaan ko lang ang aking itim na buhok na bagsak lang at may tag iisang silver bobby pins sa magkabilaang buhok malapit banda sa tenga. Maliit lang na gold circle earrings ang sout ko at wala ng iba pang accessories bukod sa angklet sa aking kanan na paa. Simpleng silver strappy sandals na may 2 inch ang heels din ang sout ko.
"Let's go," pag aya ko. Tumango lang siya at hinawakan ang handle ng wheelchair nito.
"Let's go," tugon nito sa akin.
Nang makarating sa bakuran ay nandoon na ang mga workers nila Ma'am Marina. Ang iba ay nakapang sout pa ng pang trabaho rito. May iba dumaan lang din dahil sa tingin ko nasa kalagitnaan sila ng pagtatanim.
Si Kristoff ay nasa bandang unahan dahil ang mama nito ay nasa maliit na stage na inarkila nila dahil may sasabihin ito.
"Goodafternoon, everyone. Ngayon araw ay birthday ng aking nagiisang anak na si Kristoff. Nandito kami ngayon para ipaghanda ang kanyang birthday kasama kayo bilang pasasalamat na rin sa inyong pagtatrabaho rito," nakangiting saad ni Ma'am Marina. "I want to share my blessing with all of you, and I hope you enjoy this celebration on this day. Later on, I will give each of you a simple grocery for your family. Let's all eat na everyone!"
Bumaba na si Ma'am Marina sa stage at inalalayan ito ng kanyang asawa. Mahina akong natawa ng makitang parang teenager na kinilig si Ma'am Marina ng tanggapin niya ang kamay ng kanyang asawa.
"Happy birthday po, Sir Kristoff."
Ang iba ay binabati si Kristoff at nagpapasalamat naman ito. Nagsimula na silang nag kanya kanya maski ang magulang nito dahil abala sa pag eentertain ng bisita.
"Gusto mo pa ba ng lumpia?" tanong ko kay Kristoff.
Nasa iisang table lang din kami dahil kailangan niya parin ako. Nasa akin din ang mga itatake niyang gamot kapag nakakain na ito.
"Yes please. Thank you," pagpapasalamat nito.
Tumayo ako at kumuha pa ng lumpia sa nakaplastar na pagkain sa pahabang lamesa. Iba't ibang putahe ang nandoon.
"Eat well," nakangiti kong wika ng mabigay ang pagkain nito.
Tahimik lang niyang tinanggap 'yon at mahinang tinapik ang bakanteng upuan sa tabi nito. Naupo ako ro'n at tinuloy ang aking pagkain.
Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong pinatong sa aking hita at mahinang pinisil.
"Thank you, Honey," he whispered.
Mahina ko rin tinapik ang kanyang hita. "You're welcome," tugon ko.
Hindi naman makikita ang ginawa nito sa akin dahil mahaba ang table cloth na nakapatong sa lamesa. Mga huni ng ibon at mga boses ng bisita ang naririnig namin. Nanonood lang naman din ako sa mga ginagawa ng iba dahil hindi ko naman sila kilala.
Pagkadating ng bandang hapon na halos mag gagabi na rin ay naglipit narin ang mga ibang tao rito. Nagtulong tulong din sila sa pagipon ng mga upuan dahil ibabalik na ito pinaghiraman. Kitang kita ko ang pagbaba ng araw sanhi na maggagabi na.
Naging mabilis din ang pag liligpit at natapos na rin sila. Nagpaiwan nalang kami rito sa labas ng bakuran dahil 'yon ang gusto ni Kristoff.
Ngayon ay naglalakad ako habang tulak tulak ang wheel chair nito. May gusto raw kasi siyang puntahan rito. Malayo palang ay tanaw ko na ang gusto nitong puntahan.
Isa 'yong white victorian gazebo. Pabilog ang design no'n at may magandang disenyo ng balustre habang ang bubong ay kulay puti rin. Nagiisang ganoon lang 'yon sa pwesto no'n at may isang pahabang upuan. Mukhang luma na siya pero halata naman na naalagaan.
"Ang ganda naman dito," mahinang usal ko.
"That's true," tugon nito.
Mahina kong tinulak ang wheel chair nito para makaakyat sa pinaka loob ng gazebo. Tinulungan niya rin ako sa pagtulak. Pinwesto ko siya sa maganda ang tanawin. May mga fairylights din na naka bukas kaya parang ang magical lang din sakto maganda ang kulay ng kalangitan dahil sa sunset.
"Happy birthday!" nakangiti kong wika sa kanya. Hinawakan ko ang balikat nito at sinilip pa siya. "Hindi ako nakabati sa'yo kanina kasi maraming bumabati sa'yo."
He chuckled. "Thank you."
"May regalo ako sa'yo pero huwag ka mag expect ng sobra."
Naupo ako sa upuan na pahaba pero hindi rin natuloy dahil naunahan niya na ako. Pinaupo niya na ako sa kanyang hita.
"You don't have to do that. You're enough for me, Honey," he said, softly.
Pinagdikit niya ang kanyang ilong sa akin. Pinigilan ko huwag mapangiti dahil sa pagtawag nito sa akin. Sinakbit ko ang aking braso sa kanyang batok at pinakatitigan ito.
"Magugustuhan mo 'yon," nakangiti kong wika. "It's a blanket that I made. I crochet it," hindi ko na tuloy maiwasan na sabihi sa kanya kung ano 'yon.
Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "You're really talented, huh."
I laughed. "Slight lang," nahihiya kong tugon.
kahit na may wax ito ay ang buhok niya nasasayaw parin ng malakas na hangin dito sa aming pwesto. Hinding hindi ako mag sasawa na tignan siya dahil ang gwapo nito. Sa mata palang na kapag tumitig siya sa'yo ay para ka ng nalulunod. Pati na rin sa buhok nito na mala ginto na halos kakulay na rin ang kalangitan sa pagbaba ng araw.
"I'm going to tell mom about our relationship," bigla nitong wika sa akin.
"H-huh," napalunok naman ako sa sinabi nito at parang tinambol ang dibdib sa kaba.
"Gusto mo ba?" tanong nito. "Gusto kong i-legal kita kay mommy," pagpapatuloy nito.
Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil sa gulat.
"H-hindi ko alam."
"You're not ready? Naiintindihan naman kita kung 'yon yung gusto mo," aniya.
Pinagsiklop niya ang kamay nito sa akin at ningitian ako.
"Sabihan mo lang ako kung ready kana," pagpapagaan nito sa akin loob.
Dahan dahan akong tumango at tinanday ang ulo sa balikat nito.
"Natatakot lang ako na baka magalit ang mommy mo sa akin," bulong ko.
Bumaba ang tingin niya sa akin at sinulyapan ko ito. Nakakunot ang noo nito dahil sa sinabi ko.
"Why? Mabait naman si mom. Nakikita ko na nga paano niya itrato soon to be daughter in law niya eh," saad nito at nang aasar pa talaga.
"Baliw!" tugon ko. Humaba ang nguso ko dahil do'n. "Hindi ko lang alam bakit ako natatakot."
I heard him take a deep breath. "Trust me she will not get mad. We're both adults, Honey. Nasa tamang edad na tayo para sa pagpapamilya. Kung hindi ka magiging gusto ni mommy ipaglalaban kita," pagaassure nito sa akin.
Napangiti nalang ako at sa kalaunan ay napanguso. Mahina akong napasinghap ng bigla niyang hinila ang labi ko.
"Hey!" pag angal ko.
"What? ang cute mo kasi," natatawa niyang wika.
Napairap nalang ako at tumayo. Pero hinila niya ulit ang aking kamay at muling napaupo sa kanyang hita. Ang bilis ng pangyayari. Naramdaman ko ang kamay nito sa aking batok at hinila papalapit sa kanya. Bahagya pang nanlaki ang aking mata ng maramdaman ang labi nito sa akin. Sa kalaunan ay napapikit na rin at tinugon iyon.
"I love you, Hon," bulong nito sa aking labi.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top