CHAPTER 14
CHAPTER 14
KASABAY NG MALAKAS NA kulog na nanggagaling sa labas ng bahay ng aking pinagtatrabahuan ay sumunod ang paghagulhol ni mama sa akin. Kahit nag away man kami ni Annie dahil sa maaga nitong pagbubuntis ay mayroon parin parte sa aking puso na pag-alala sa kanya.
Huminga ako ng malalim bago magsalita. Kahit naman din ako ay magpapanic kung ganoon mangyayari pero wala kaming magagawa kung parehas kaming nagpapanic.
"Nasaan na po kayo ngayon?" mahinahon kong tanong para kahit papaano ay kumalma ito.
"May tumulong sa amin na nagtatrabaho sa baranggay. Papunta na kami ngayon sa hospital," tugon nito habang umiiyak.
Kahit masama ang trato sa akin ni mama ay kumikirot ang aking puso pag naririnig ko ang pagiyak nito.
"Kayo lang ba? Nasaan si Marcus? Dapat si Marcus ang pinasama niyo riyan," ani ko sa nakakainis na tono.
"Wala rito yung bata na 'yon. Tatlong araw na niyang hindi inuuwian si Annie. Si Anton hindi pa nakakauwi kasi may isang subject pa raw siya sa school," sagot sa akin na mama. Umiiyak parin ito sa kabilang linya.
Napahilamos na lang ako sa aking palad dahil sa sinabi nito. Lintik na, sinasabi ko na, eh! Heto yung kinakatakutan ko na mangyari kay Annie.
"Sa GCH ba kayo ipupunta, ma?" tanong ko.
Kumilos na agad ako habang kinakausap si mama. Kinuha ko na ang maliit kong bag at doon nilagay ang aking wallet. Naglagay rin ako ng payong at tinignan muna ang sarili sa harap ng salamin sa huling pagkakataon.
"Oo," tugon ni mama.
Napatigil pa ako sa aking paglalakad papunta sa pintuan ng marinig ang iyak ng aking kapatid sa kabilang linya. Pagkatapos no'n ay namatay ang tawag. Siguro ay nakarating na rin sila sa hospital at hindi na ako nakausap ni mama.
Lumabas agad ako at nagmamadali na pumunta sa dining area para hanapin si manang. Wala siya roon kaya diniretso ko na 'yon hanggang sa kusina. Doon ay nakita ko siyang nag huhugas ng plato at ang ibang katulong ay nagpupunas ng nahugasan nito.
"Magandang hapon po, Manang. Nasaan po ba si Ma'am Marina?" tanong ko agad ng makalapit sa kanya.
Nilingon niya agad ako. Ang mga kasama nito ay mukhang nagulat pa sa aking pagsulpot sa kanilang likuran. Nakita ko ang pagtingin nito sa akin simula ulo hanggang paa. Nakasabit na kasi ang sling bag sa aking balikat at halatang kailangan ko na talaga makaalis.
"May pupuntahan po kasi ako. Emergency lang po," mabilis kong tugon habang hinihingal.
Paano ba naman kasi tinakbo ko simula sa labas ng aking kwarto hanggang dito sa kusina.
"Nasa kanyang kwarto na siya, hija. Ikalawang palapag unang pintuan sa kanan," mukhang napansin niya siguro ang pagmamadali ko kaya sinagot niya agad ako.
Tumango ako ng ilang beses at ningtian siya. "Maraming salamat po," tugon ko.
Tinalikuran ko na sila at tumakbo na papunta sa second floor. Para akong mawawalan ng hinihinga dahil sa pag-akyat ko. Habol hininga akong tumigil sa harapan ng kwarto ni Ma'am Marina. Nagpahinga lang ako saglit bago kumatok ng tatlong beses.
Nakakadalawang katok palang ako ay biglang bumukas ang pintuan. Parehas pa kaming nagkagulatan dahil do'n.
"Oh dear!" biglang sambit ni Ma'am Marina. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib habang nakatingin sa akin.
May facemask pa ito sa kanyang mukha. Naabala ko pa yata ang beauty rest nito.
"Anna, what are you doing here?" she asked.
"Ma'am alam ko pong hindi pa weekend ngayon pero sana payagan niyo po akong makaalis ngayon kahit isang araw lang po. Emergency lang po, Ma'am. Buntis po kasi yung kapatid ko at dinugo po siya ngayon lang din nangyari kaya tumawag sa akin si mama kanina. Bukas ng hapon nalang po ako uuwi. Magtetext po ako sainyo bukas, Ma'am," mahaba kong lintayan sa kanya.
Mukhang nagmamakaawa na rin ako sa harapan nito dahil gusto ko rin makita ang kalagayan ng aking kapatid.
Napahawak siya sa kanyang bibig at mahinang napasinghap dahil sa aking sinabi. "Okay, dear. I'll call Toryo para mahatid kana sa hospital," wika nito.
Iniwan niyang nakabukas ang pintuan kaya nakita ko na nagmamadali itong naglakad papunta sa bedside table nito. Kinuha niya ang telepono at nilagay sa kanyang tenga pagkatapos ay may kinausap doon na sa tingin ko ay si Kuya Toryo iyon.
Ngayon ko lang din na naka-night gown ito na kulay krema at nakasout din ang kapartner no'n na roba. Hindi na clean bun ang style ng buhok nito kundi naka messy bun na.
"Anna dear," tawag nito sa akin.
Dumungaw ako sa pintuan nito. "Ma'am?"
"You can go now. Maghintay ka nalang sa labas ng bahay ilalabas na ni Toryo ang kotse," binaba na niya ang tawag at muli akong nilapitan.
"Take care, dear. Malakas pa naman ang ulan. Paki-update nalang din ako kung nakarating na kayo sa hospital," aniya at hinawakan ang aking kamay.
Tumango ako. "Okay po, Ma'am. Maraming salamat po."
"You're welcome, dear," sagot nito sa akin. "Sana maging okay na ang kapatid mo."
"Sana nga po."
Muli akong nagpaalam at tinalikuran siya. Lakad takbo rin ang aking ginawa hanggang sa makalabas sa bahay. Doon ko nakita ang pamilyar na sasakyan. Ito yata yung ginamit ni Kuya Toryo nung sinundo niya ako sa bahay.
Kumatok ako sa pintuan ng backseat bilang senyales na buksan ang lock. Nakuha naman agad ni Kuya Toryo ang ginawa ko kaya pumasok na agad ako sa loob at sinarado ang pintuan.
"Kuya Toryo, sa GCH sana po tayo. Pasensya na po sa abala," nagmamadali kong wika sa kanya.
"Okay po, Ma'am," mabilis nitong sagot sa akin.
Minaniobra na niya ang kotse at nagmaneho patungo sa hospital.
NANG MAKARATING SA hospital ay dumiretso agad ako sa loob at nagtanong sa nurse na nakacharge sa reception kung nasaang room naka confine ang aking kapatid. Nauna na rin si Kuya Toryo at hindi na ako hinintay dahil bukas pa ng hapon ako makakauwi. Siya rin daw magsusundo sa akin dito sa hospital dahil utos din ni Ma'am Marina sa kanya.
"Magandang hapon po. Nasaan po yung room ni Annie Santiago? Kakasugod lang po iyon dito," mabilis kong wika sa nurse.
Nagulat pa nga ito dahil sa ginawa ko. Agad naman niyang hinanap sa monitor nito ang pangalan ng kapatid ko.
"Second floor po room 342," tugon nito sa akin.
Tumango ako. "Thank you," pagpapasalamat ko.
Tumalikod na agad ako at dumiretso sa elevator. Pinindot ko ang second floor button habang hinihingal. Hindi rin naman nagtagal ay nakalabas na ako at ngayon ay nasa harapan na ng kwarto ni Annie.
Akmang kakatok sana ako ng biglang bumukas iyon. Bumungad sa akin si mama. Nang makita niya ako ay napahalukipkip ito sa akin.
"Bakit ang tagal mo?" galit nitong tanong sa akin. "Alam mo bang muntikan ng mamatay si Annie dahil maraming dugo nawala sa kanya! Tapos ngayon kalang nakarating? Kahit man lang presenya mo maramdaman lang namin pero wala! Ang tagal mo!" galit nitong wika sa akin.
Hindi ako makasagot sa sinabi nito. Ang ibang tao at pasyente sa hallway ng second floor ay nakatingin na sa amin. Para na rin akong basang sisiw dahil hindi na nakapag park si Kuya Toryo ay lumabas na agad ako at tinakbo nalang papasok sa hospital.
Nauna siyang pumasok sa loob ng kwarto ni Annie kaya sinundan ko ito. Doon ko nakita ang kapatid ko na tulog sa kinahihigaan nito. Sinalubong ako ng malamig na hangin na nanggagaling sa aircon.
"Ma, alam mo naman na malakas ang ulan ngayon. May parating na bagyo sa baryo natin. Nakiusap na nga lang po ako sa amo ko na umalis ngayon para bisitahin si Annie," tugon ko at naupo sa bakanteng upuan.
Matalim niya akong tinignan at naupo rin sa bakanteng upuan malapit sa kama ni Annie na ngayon ay tulog parin.
"Aba'y dapat lang! Anong gusto mo hindi mo man lang makita si Annie? Kung alam mo lang yung pinagdaan ng kapatid mo kanina, Anna!" nakakunot ang noo nito sa akin. Napakamot siya sa kanyang buhok at halatang problemado pa. "May bagyo na tapos itong nangyari pa kay Annie dagdag bayarin na naman," dinig kong reklamo nito ng pabulong.
Huminga nalang ako ng malalim. "Ako na po bahala sa hospital bills ni Annie, 'ma," ani ko. "Para bawas na rin sa gastusin niyo. Nakapagpadala naman na rin po ako sainyo pero susubukan ko ulit magpadala sa katapusan."
Doon ay napalingon siya sa akin. Parang tuwang tuwa pa siya dahil sa sinabi ko. Basta pera ay matutuwa ito. Kahit sino naman ay matutuwa sa pera eh. Nawala na ang expresyon nitong galit at napalitan ng tuwa.
"Salamat kung gano'n, 'nak," nakangiti nitong wika. Sa sobrang tuwa nito ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nilapitan ako. Hindi na ako nagtaka na yakapin niya ako dahil sa tuwa. "P'wede bang makahingi ng isang libo, 'nak? May extra ka pa ba d'yan?" malambing nito sa akin.
Gusto kong tanungin kung para saan ang hinihingi nitong isang libo pero hindi ko na tinanong dahil alam kong mauuwi na naman ito sa sagutan at sa kalaunan ay mauuwi sa away.
"Meron po," tugon ko.
Kumuha ako ng pera sa wallet ko at binigay sa kanya. Tinanggap niya agad 'yon at bumalik sa upuan nito kanina. Nanatiling tahimik ang buong kwarto. Tinago niya sa bra ang pera na binigay ko pagkatapos ay kinuha ang cellphone at may chinat.
Ganito lang naman lagi ang set up namin. Naguusap kapag tungkol sa pera pero kapag hindi pera ang pinaguusapan ay para lang akong hangin sakanila. Kinuha ko ang cellphone at chinat si Ma'am Marina.
Anna:
Ma'am Marina, nakarating na po ako sa hospital. Sa tingin ko ay nandyan na rin po yata si Kuya Toryo. Salamat po pala sa pagpayag na makita yung kapatid ko.
Mrs. McQuoid:
That's good to hear. Mabuti at safe kayong nakarating d'yan. Go spend your time with your family, dear. Just chat me kung magpapasundo kana para masabi ko kay Kuya Toryo.
Napatingin ako ng biglang bumangon si Annie sa pagkakahiga. Namumutla pa ito at napadako ang tingin sa akin.
Anna:
Okay po, Ma'am Marina. Salamat po ulit.
Hindi ko na hinintay ang reply ni Ma'am Marina at nilapitan si Annie. Ngayon ay hindi siya nagsalita ng makalapit ako. Napahawak nalang ito sa tyan niyang malaki at umiwas ng tingin sa akin.
"Kumusta ang bata?" tanong ko. "Kumusta ka?"
"Bakit kailangan mong malaman?" tugon nito sa akin. Doon ay sinalubong niya ang tingin ko. "Wala ka ng pake sa akin 'di ba?" tanong nito. "Bakit ngayon tinatanong mo kung ayos ba siya o kami?" wika nito may bahid na poot.
"Lalabas na muna ako," dinig kong wika ni mama.
Dumiretso na siya sa labas at naiwan nalang kaming dalawa ng kapatid ko.
Napabugtong hininga ako at naupo sa tabi niya. Medyo malaki rin kasi ang kama na hinigaan nito kaya p'wede ako makaupo.
"Alam mo naman kung bakit ko nasabi 'yan 'di ba?" mahina kong tanong sa kanya. "Ang totoo niyan ay galit parin ako sa'yo, Annie. Pero bilang ate nag-aalala parin ako sa nangyari sa'yo kanina kaya ako nandito," pagpapaliwanag ko sa kanya.
Yumuko nalang ito sa akin at hindi ako sinagot. Kita ko ang paghaplos ng kanyang kamay sa bilugan nitong tyan.
"Hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko sa nangyari sa'yo dahil hindi ganito yung gusto kong buhay para sa'yo, Annie," wika ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakapatong sa tyan nito. "Ngayon mag-usap tayo ng masinsinan ng hindi kailangan magtaasan ng boses sa isa't isa."
Inalis niya ang kamay ko na nakapatong sa kamay nito. Pinabayaan ko nalang iyon at pinirmi ang aking kamay sa aking hita.
"May tanong ako, Annie," ani ko. "Mahirap 'di ba?" tanong ko.
Doon ay umangat ang tingin niya sa akin. "Mahirap ang buhay mo ngayon tama ba? Ayaw ko na rin na sumbatan ka, Annie. Naging masyado kayong mapusok ni Marcus sa isa't isa at 'yan ang nangyari," seryoso kong saad.
"Gusto man kitang tulungan pero ayaw ko. Kailangan mong matutong tumayo sa sarili mong paa para maranasan mo lahat lahat ng hindi umaasa sa akin."
Nakita ko ang panunubig ng kanyang mata dahil sa sinabi ko. Umangat ang aking kamay at hinaplos ang buhok nito.
"Hindi na laro laro ang buhay mo ngayon, Annie. Dahil may bata ng involve sa ginawa niyo ni Marcus."
Suminghot siya at pinunasan ang kanyang luha. Napailing nalang ako. Hinagod ko ang kanyang likod para kumalma kahit papaano.
"Nasaan pala si Marcus?" tanong ko.
Umiling lang siya sa akin. "Hindi ko alam. Ang totoo niyan ay tatlong araw na siyang hindi umuuwi sa bahay. Nagaalala na ako sa bahay tapos wala man lang akong narecieve na text kahit update man lang sa kanya," tugon nito, napaiyak na ito sa aking harapan.
Napapikit nalang ako dahil sa sinabi nito. Niyakap ko siya at pinakalma. Masyado yata siyang na istress kaya dinugo ito.
Nagusap usap pa kami sa ibang bagay bago makarating si mama. Hatinggabi na at nagtext sa akin si Anton na pauwi na ito at katatapos lang ng kanyang klase. Uuwi muna siya sa bahay para makuhaan ako ng damit para bukas.
Anton:
Ate Anna, papunta na ako d'yan.
Anna:
Nakadala ka ng damit ko?
Anton:
Opo.
Anna:
Salamat! Sorry kung naabala pa kita.
Anton:
Okay lang 'yon, teh. Maliit lang naman na bagay 'tong utos niyo.
Anna:
Oh sige ingat ka sa byahe papunta rito.
Anton:
Atsaka nga pala, ate. Nakita ko si Kuya Marcus sa baryo nila nakikipaginuman. Alam na ba ni Ate Annie? Napadaan kasi kami ro'n ng classmates ko kasi may shortcut-tan papunta sa pinagsusurvey-yan namin kaya nakita ko si Kuya Marcus.
Napatulala ako sa nabasa ko. Wala sa sariling tinignan ko si Annie na tahimik lang sa kama nito habang kausap si mama. Hindi ko alam ang pinaguusapan nila dahil medyo nasa malayo ako. Pero sa tingin ko ay tungkol iyon sa pinagbubuntis niya dahil paminsan minsan ay hinihimas niya ang tyan ni Annie at nagtatawanan pa sila.
Ayaw ko ng dagdagan pa ang stress na nararamdaman ni Annie dahil masyado yatang maselan ang pagbubuntis nito.
Anna:
Gano'n ba, Anton. Sige maraming salamat. Ingat ka ulit.
Anton:
Sige po.
Hindi rin natagal ay nakarating na si Anton dito. Mabilis lang naman ang byahe lalo na pag gabi dahil wala na masyadong bumabyahe.
Nagorder na lang ako ng makakain namin at sabay na nilantakan 'yon. Doon kami malapit sa tabi ni Annie para makasama namin siya habang kumakain.
Kinaumagahan ay parehas kaming nagulat ng sumulpot si Marcus sa labas ng hospital room ni Annie. Nang makapasok siya sa loob ay nakatikim siya ng malutong kong sampal.
"Ang kapal din ng mukha mo na magpakita rito, Marcus," nanggigil kong wika sa kanya. "Tatlong araw kang nawala tapos wala man lang text sa kapatid ko kung anong nangyayari sa buhay mo sa tatlong araw na wala ka sa bahay?!" galit kong wika sa kanya.
Nandidilim ang paningin ko sa kanya. Sa sinabi palang ni Anton na nakita niyang umiinom ito ay hindi na ako makapaghintay na sugurin siya.
"Ano siya mama ko? Hindi sa lahat ng oras, Anna. Alam ni Annie lahat ng kilos ko—"
"Tanga!" sigaw ko sa kanya. "Ano tingin mo sa sarili mo ngayon? Binata? Baka hindi mo alam naghihintay asawa mo sa'yo, Marcus. Tapos anong ginawa mo? Nakipaginuman lang sa mga barkada mo sa baryo niyo?" natatawa kong wika na may halong inis.
Natigilan siya sa sinabi ko. Nahuli ko siya kaya ganyan ang naging reaksyon nito.
"Anong uminom?" tanong nito at parang hindi pa makapaniwala sa aking sinabi. "Naghahanap ako ng trabaho, Anna. Gano'n na ba tingin mo sa akin?"
"Oo!" sigaw ko pabalik.
"Ate tama na," awat ni Annie sa amin.
"Kung magaaway kayo doon nalang kayo sa labas!" pati si mama ay nagagalit na rin.
"Kung makapagbintang ka sa akin akala mo may proweba ka!" gigil na sigaw sa akin ni Marcus. "May proweba ka ba!? Naghahanap ako ng trabaho kasi 'yon ang gusto mo 'di ba? para may ipalamon ako d'yan sa kapatid mo lalo na sa magiging anak namin!"
May kung anong sumiklab na galit sa akin dibdib. Sa tono palang ng pananalita nito ay akala mo isang malaking pagkakamali lang ang naging bunga sa pakikipagtalik nilang dalawa. Nang lingunin ko si Annie ay tulala lang itong nakatingin kay Marcus. Base sa expresyon nito ay nasaktan siya sa sinabi nito.
"Obligasyon mong gawin 'yon, Marcus! Parang sa tono palang ng pananalita mo parang hindi mo pa ginusto yung nangyari sainyo ng kapatid ko!"
"Oo! Ngayon pinagsisihan ko na lahat ng nangyari sa amin ng kapatid mo!" tugon nito sa akin.
"Walanghiya ka—"
"Gago ka pala eh!"
Hindi ko na natapos ang aking salita ng biglang sumingit si Anton. Malakas niyang sinuntok sa mukha si Marcus at bumagsak silang dalawa sa sahig.
Napasigaw kaming dalawa ni mama. Sinubukan naming si Marcus at Anton ang kaso parehas lalake, malalakas sila.
"Tarantado ka! Bubuntisin mo ate ko tapos ganyan maririnig namin sa'yo!" naggagalaiting sigaw ni Anton. Hindi nakapalag si Marcus dahil sunod sunod na suntok ang pinakawalan ng kapatid ko.
"Anton!" tawag ko sa kanya at hinawakan ang kanyang braso.
"Anak tama na!" sigaw ni mama.
Agad namang nakinig sa akin si Anton. Iniwan niya lang na nakahiga si Marcus sa sahig habang ang mukha nito ay duguan dahil sa ilang beses na pagsuntok ng bunsong kapatid ko ro'n.
"Lumayas kana, Marcus."
Napatingin kaming lahat sa pwesto ni Annie. Nakababa na pala ito sa kama at lumuluha habang hawak ang kanyang tyan.
"Lumayas kana at huwag kang magpapakita sa amin simula ngayon. Yung mga gamit mo sa bahay ipapadala ko agad sa bahay niyo huwag kang mag-alala," umiiyak nitong saad habang matalim ang tingin kay Marcus. "Gusto mo palang mag astang binata. Oh e'di sige ibibigay ko sa'yo ang gusto mo. Pero wala ka ng karapatang makita ang anak ko simula ngayon!"
Hindi na nakasagot si Marcus. Tumayo na siya at sa huling pagkakataon ay matalim ang tingin niya sa aking pamilya bago lumabas ng kwarto.
Lahat kami ay napapunta kay Annie ng humagulhol siya ng iyak habang nakahawak parin sa kanyang tyan. Walang tigil ang pagtulo ng kanyang luha. Napaupo siya sa kama nito habang lumuluha parin.
"Annie, tahan na," pag aalo ko sa kanya.
"Anak..." saad ni mama.
"Ate tama na po," pagpapakalma ni Anton.
Lahat ng pampakalma ay ginawa na namin dahil sunod sunod na ang hikbi nito. Lahat kami nataranta ng biglang dumaing si Annie at humigpit ang hawak sa kanyang tyan. Bumaba ang tingin ko sa ibaba nito at napansin ang pulang likido na gumagapang pababa sa kanyang hita hanggang binti.
"Shit! D'yan lang kayo dinudugo na naman siya," natataranta kong wika.
Sumunod nalang sila mama at Anton dahil nabigla rin sila sa aking sinabi. Lumabas agad ako at tumakbo papunta sa nurse station.
"Nurse!" I shouted.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top