CHAPTER 12

CHAPTER 12

TIPID KO SIYANG ningitian at maingat na naglakad papunta sa table na nakapwesto sa bandang gilid ng kanyang kwarto. Alam ko na sinusundan niya ako ng tingin hanggang sa malapag ko ang tray na naglalaman ng almusal nito.

"Do not repeat what I am asking. Again, who are you?" he asked, slightly annoyed.

Inalis ko sa tray ang gamot nito at binuhat muli ang tray na naglalaman ng pagkain nito. Dinala ko 'yon patungo sa kanyang kama.

"I'm Anna po Sir Kristoff. Bagong caregiver niyo," mahinahon kong tugon.

Kumunot ang noo nito sa akin at bahagyang naningkit ang kanyang mata sa akin. Kita ko ang bahagyang panlalaki ng kanyang mata pero naging blanko rin iyon ng ilang segundo.

Anong meron?

"Get out. I don't want to see you," malamig nitong wika sa akin.

Pinagsawalang bahala ko nalang ang sinabi nito sa akin at nilapag sa kanyang hita ang tray.

"Sir, kailangan niyo po kumain ngayon kasi iinom pa po kayo ng gamot—"

"I said get out! Kailangan ko pa bang ulitin yung sinabi ko? o tatagalugin ko pa!? ang sabi ko lumabas ka!"

Hindi ko natapos ang aking sinabi dahil sa sinabi nito. Tinabig niya tray na nasa hita nito. Dahil hindi ko pa nabibitawan ang tray niya ay ang almusal nito na bagong luto ay natapon sa akin. Ang iba ay nagkalat na sa carpet. Naglikha rin 'yon ng malakas na tunog sanhi na may nabasag.

Nanglingunin ko si Sir Kristoff ay matalim ang titig nito sa akin habang nagtataas baba ang kanyang dibdib. Huminga ako ng malalim at pinulot ang tray na nasa sa lapag kasama ang plato na nabasag.

"Ouch," mahina kong daing.

Tinignan ko ang kanan kong kamay na mukhang napaso. Medyo namumula 'yon pero pinagsawalang bahala ko 'yon. Lilinisin ko muna 'yon bago ako lumabas.

"Labas," pangtataboy nito sa akin. Madiin ang pagkakabigkas niya habang nakatingin sa akin.

Hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng tingin nito sa kanan kong kamay na napaso. Tinago ko iyon at tumayo na habang hawak ang tray.

"Babalik po ulit ako mamaya Sir Kristoff. Kailangan niyo pong mainom gamot niyo kaya sana po pagbalik ko kumain na po kayo. Kukuha lang ako ng pagkain sa dining area," pagpapaalam ko sa kanya.

"I don't care! Get out and I don't want to see you!"

Wala siyang pake sa sinabi ko at tinuro niya pa ang pintuan nito na nakasarado. Napalingon ako ro'n ng biglang may kumatok pagkatapos ay bumukas 'yon. Sumalubong sa amin si Ma'am Marina.

"Oh my!" dinig kong wika ni Ma'am Marina ng makita ang nagkalat na pagkain sa carpet.

"Why did you find me another caregiver, mom!?" galit nitong wika sa mama niya.

Sinulyapan niya ulit ako pero ganoon parin ang kanyang titig. Matalim parin titig nito sa akin na akala mo ay may nagawa akong kasalanan.

"Anak, you need it. Konting tiis nalang kapag nakahanap na si daddy mo ng doctor magiging ayos na rin ang lahat. Don't worry mommy will do everything," mahinahong wika ni Ma'am Marina sa anak nito.

Lumabas na ako at hindi na sila inabala. Tahimik lang akong nagtungo sa dining area pagkatapos ay dumiretso sa kusina para ilagay sa lababo ang maduming tray. Tinapon ko na rin ang basag na plato at baso.

"Kumusta?"

Napalingon ako sa aking likuran ng makita ang mayordoma. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa akin. Ningitian ko lang siya at pinatay ang gripo.

"Mukhang mainit po ang ulo ng alaga niyo sa akin," tugon ko bahagyang natawa. Pinunasan ko ang aking kamay at nilapitan siya. "Pero ayos lang po naiintidihan ko naman si Sir Kristoff dahil sa kundisyon niya."

Hindi siya sumagot sa aking sinabi. Doon ay bumaba ang tingin niya sa napaso kong kamay. Sumenyas siya sa akin na lumapit.

"Tara sa dining area, hija," pag aya nito sa akin.

Nauna siyang lumabas kaya sinundan ko ito.

"Maupo ka ro'n," masungit nitong utos sa akin at tinuro ang bakanteng upuan.

Hindi na ako nag protesta at sinunod ang sinabi nito sa akin.

Naupo na ako at hinintay si manang sa gagawin nito. Bumalik din siya agad sa aking pwesto bitbit ang first aid kit. Tahimik at maingat lang ang kanyang galaw.

"Pasensya kana sa alaga ko, hija," mahina nitong wika sa akin.

Hinawakan niya ang aking kamay na napaso at nilagyan iyon ng hindi ko alam kung anong brand na ointment.

Umangat ang tingin ko sa kanya at ningitian ito. "Ayos lang po. Kung sa tutuusin po ay mas malala pa nga po yung mga nararanasan ko sa pasyenteng hawak ko dati," nakangiti kong pag kukwento sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi ko at napailing. Dinagdagan niya ulit ang paglagay ng ointment sa aking paso. Nandoon parin ang hapdi pero mabuti nalang at merong cooling effect ang linagay ni manang.

Binalutan niya ng bandage 'yon. Nang matapos ay humalukipkip siya at tinignan ako.

"At bakit parang mukhang masaya ka pa sa lagay na 'yan?" tanong nito sa akin. "Parang masaya ka pa kung maglilinis ka ng dumi ng pasyente mo," saad nito at hindi ko alam kung nagbibiro siya o hindi.

Mahina akong natawa at napakamot sa aking ulo. "Masaya po kasi ako sa trabaho ko, manang. Atsaka po okay lang naman po sa aking kung 'yon ang gagawin ko kasi kasama naman po sa trabaho 'yon. Hindi ko rin naman po masisisi ang pasyente ko dahil alam kong hindi rin nila gugustuhin na may maglinis ng ibang tao sa sarili nilang dumi," tugon ko.

Tumango tango siya sa aking sinabi. "Mabuti naman at masaya ka sa trabaho mo," saad nito. "D'yan ka lang at kukuha ako ng panibagong pagkain ni Kristoff."

"Okay po," sagot ko.

Tinalikuran na niya ako at nagtungo siya sa kusina para ipaghanda ng pagkain si Sir Kristoff. Bumaba ang aking tingin sa napaso kong kamay na nakabenda. Masakit talaga siya na mahapdi. Sopas ang dinala kong almusal sa kanya at bagong luto pa iyon dahil umuusok pa.

"Hi, dear."

Muntik na akong mahulog sa aking kinauupuan ng marinig ang malambing na boses ni Ma'am Marina. Ang expresyon ng mukha nito ay parang naaawa sa akin lalo na ng sinulyapan niya ang benda.

"I'm really sorry, Anna," pagpapaumanhin nito sa akin.

Nagaalalang naupo siya sa bakanteng upuan sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay na may benda. Magaan ang kamay nito habang hinahaplos ng hinlalaki ang ibabaw ng aking palad.

"Sometimes he's bit grumpy every morning," mahina niyang wika sa akin. "And I think this morning he's angry because I forgot to informed him that I already found a new caregiver for him," she said while staring at me. "I'm really really sorry, Anna. This must be hurting you."

Ningitian ko siya para maassure na okay lang ako. "Okay lang po ako, Ma'am Marina. Nalagyan naman na po ni manang yung paso ko."

"That's good to hear," tugon niya at napahinga ng malalim. "So you're the Anna that my son mentioned four years ago."

Kumunot ang aking noo sa sinabi nito. "Po?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"My son, sometimes told me about this girl named Anna, and based on his reaction when he met you, I already knew that the girl was you."

Alanganin akong ngumiti sa kanya. Anak niya? Kinikwento ako ni Sir Kristoff dati sa kay Ma'am Marina? Simula ng maaksidente ako ay kalahati ng aking buhay ay wala akong maalala kaya hanggang ngayon ay parang nangangapa ako. Na parang may kulang sa aking buhay na hindi ko man lang naaalala.

"I'm sorry po pero baka ibang Anna 'yon?" iyon nalang ang aking naitugon.

"Hija, pakidala na ito sa kwarto ni Kristoff."

Natigil lang ang aming paguusap dahil dumating na si manang dala dala ang pagkain ni Sir Kristoff. Fried rice, tocino, at itlog na ang dadalhin ko ngayon sa kanya. May fresh orange juice rin na kasama at isang bottled water.

Tumayo na ako at kinuha ang tray sa kanya. "Mauuna na po ako, Ma'am Marina, manang. Hindi pa po kasi nakakainom ng gamot si Sir Kristoff," pagpapaalam ko.

"Go ahead. Uhm. . . before you enter my son's room, you need to change your clothes, Anna. It's already dirty na kasi," wika ni Ma'am Marina.

Doon ay bumaba ang aking tingin at tama siya. Madumi na pala at hindi ko pa 'yon napansin kanina.

"Sige po. Salamat po, Ma'am Marina," pagpapasalamat ko.

"You're welcome, dear," she answered.

Habang bitbit ang panibagong pagkain ni Sir Kristoff ay dumaan muna ako sa aking kwarto at nagpalit ng pang itaas. Mabuti na nga lang at may extra akong uniform na dala. Inaasahan ko na kasi na may mangyayari na ganito at tama nga ako. Mas maganda na ang handa kesa sa hindi handa.

Nang matapos ay lumabas na ako at bitbit na naman ang tray. Kumatok ako ng tatlong beses pero mahina lang 'yon. Sapat na para marinig ni Sir Kristoff.

"Hello po, Sir Kristoff. Si Anna po ito kailangan niyo na pong kumain kasi iinom pa po kayo ng gamot ngayon," wika ko ng makapasok sa kanyang kwarto.

Hindi naman nakalock iyon kaya pumasok na ako ng makakatok ako ng tatlong beses sa pintuan nito. Tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko habang ang Sir Kristoff ay nakahiga sa kama. Nakatagilid ito at hindi ko alam kung natutulog ba o gising dahil mukhang nakaharap siya sa nakabukas nitong laptop.

"Sir?" mahinang kong tanong.

Maingat pero dahan dahan akong naglakad paikot para makita ito. Kumpirmado naman na tulog ito pero ang laptop ay nakabukas. Mahina kong tinapik ang kanyang balikat para magising ito.

"Sir Kristoff. Kain na po kayo," bulong ko sa kanya.

Nakailang tawag pa ako sa kanya para magising ito. Nang umabot na yata sa lima o siyam na pag tawag ko sa ngalan nito ay doon lang siya nagising. Sa wakas ay naalimpungatan na ito.

Dahan dahan siyang dumilat at doon ko muling nakita ang mata nitong mala dagat sa asul. Grabe ang ganda ng mata niya. Sa kulay palang ay akala mo nasa karagatan kana nakatingin. Ang buhok nito ay magulo na rin dahil sa tulog nito.

"Hello po, Sir Kristoff. Naka ready na po ulit yung breakfast niyo," nakangiti kong wika.

Mukhang doon lang siya natauhan sa sinabi kaya napaatras siya at tumingin sa kamay ko na nasa likod ko. Bumaba rin ang tingin niya sa hita nito na natatakpan ng comforter pagkatapos ay napabuga ng hangin.

"Pinaalis na kita, ah. Ano pang ginagawa mo rito?" masungit niyang wika sa akin.

Tinalikuran ko siya at kinuha ang tray na nakapatong sa lamesa. Tipid ko lang siyang ningitian at maingat na nilapag sa hita nito para makakain na siya.

"Pasensya kana pero ako ang magiging caregiver mo hanggang matapos ang tatlong taong kontrata ko sa mommy mo," sagot ko.

Umismid siya sa sinabi ko at hindi na ako pinansin. Muli akong naglakad pabalik sa lamesa para kunin ang gamot na nakapatong roon. Kinuha ko 'yon at nilagay sa bedside table ni Sir Kristoff para siya na ang kukuha at iinom no'n.

"Why did you come back, Anna?" he asked. "After 4 years. . . pagkatapos mo akong ipagtabuyan," mahina nitong wika habang hinihimay ang tocino.

Natigilan ako sa sinabi nito.

"Po?" naguguluhan kong tanong. "Pasensya na po sir pero kakakilala lang natin."

"Don't play with me," tugon nito at sinulyapan ako.

Ang mala dagat nitong mata ay parang malungkot habang nakatingin sa akin.

"I'm angry because you're here and act like you don't remember me," he said.

Kumurap kurap ako at napaupo sa bakanteng upuan. "Pero ngayon lang po talaga kita nakilala."

"Are you joking?" tanong nito sa akin sa sarkastikong tono.

May kung anong kirot sa aking dibdib ang naramdaman ko sa tono ng kanyang pananalita. Kakakilala ko lang itong anak ng amo ko pero bakit ganito nararamdaman ko.

"Can you please stop doing this?" he asked me again.

Umiling ako at tipid ko siyang ningitian. "Pasensya na po kayo sir pero baka ibang Anna yung tinutukoy mo. May nakwento rin po kasi sa akin si Ma'am Marina at baka ibang Anna lang po 'yong binabanggit niyo sa akin at hindi talaga ako," magalang kong tugon.

Napatawa ito at parang hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"I'm done eating," malamig nitong wika.

Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nilapag ko iyon sa lamesa at binigay sa kanya ang gamot nito. Nainom naman niya na 'yon kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero mukhang wala parin sa mood ito dahil sa napagusapan naming dalawa.
Hindi ko naman talaga siya kilala. Kung pipilitin kong isipin ang bagay na 'yon baka sumakit ang aking ulo at lumala pa ang sakit no'n.

Napalingon ako sa kanya ng subukan nitong tumayo. Agad ko naman siyang pinuntahan at inalalayan papunta sa wheel chair nito.

"Don't touch me," pangtataboy nito sa akin. "Kaya ko sarili ko," bulong nito.

Napaatras nalang ako at hindi na nagsalita. Napalunok nalang ako at pinanood siyang pumasok sa kanyang banyo. Hindi ko alam pero bakit ako nasasaktan sa pangtataboy nito sa akin? Mayroon talagang parte sa aking puso na nasasaktan sa tuwing ganito ang trato niya sa akin na masyado namang common na nangyayari sa nauna kong pasyente.

Napantig ang aking tenga ng makarinig ng parang may nahulog na bagay sa banyo nito.

"Sir?" tawag ko sa kanyang ngalan pero wala akong narinig na salita.

Sa muling pagkakataon ay nakarinig ako ng may nahulog pero sobrang lakas no'n at parang marami pa ang nahulog sa banyo kaya hindi na ako nagdalawang isip pasukin ito.

"Sir! Okay lang po ba kayo!?" nagaalala kong tanong.

Ang pwesto nito ngayon ay nakaupo na siya sa tiles habang hawak hawak sa handle bar na mukhang pinagawa para sa kanya para may hawakan ito. Hinihingal ito at may pawisan ang kanyang noo at leeg. Nang makita ako ay nanlaki ang kanyang mata dahil do'n.

"What are you doing here!" sigaw nito sa akin. "Are you crazy!?" halos hindi makapaniwala nitong wika sa akin.

Ngayon ay kita ko ang pamumula ng kanyang mukha kasama ang tenga nito. Nakababa na kasi ang shorts nito kasama ang underwear kaya kita ko ang pagkalalake nito. Umiwas nalang ako ng tingin dahil maski ako ay nahihiya kung idedescribe ko pa iyon. Masyado siyang. . . masyado siyang. . . malaki at yung munting buhok sa ibabaw no'n ay trimmed at mala ginto rin ang kulay. Napailing nalang ako na akala mo ay mawawala sa aking isipan ang aking nakita.

"Tutulungan na po kita," seryoso kong wika at nilapitan ko siya.

"Shit! Shit! Shit!" sunod sunod nitong wika ng makitang papalapit ako sa kanya.

Tinakpan nito ang kanyang ari ng makalapit ako. Hinawakan ko ang kanyang braso at sinakbit iyon sa aking balikat para tulungan siyang makatayo. Buong lakas ko siyang tinayo at doon siya nakakuha ng tyiempo na tulungan din ang sarili na makatayo gamit ang paghawak sa bakal na handle. Mahaba naman iyon kaya hindi siya mahihirapan.

"Umihi na po kayo, Sir Kristoff," wika ko sa kanya ng makaharap kaming dalawa sa inidoro.

"How can I even pee when you're here?!" giit nito sa akin. "Don't look!"

Naipit ko ang aking dalawang labi at pinigilan na huwag matawa. Umiwas ako ng tingin ng mahuli niya ang aking naging expresyon kaya masama siyang tumingin sa akin.

"Heto na po hindi na nakatingin," wika ko. Tinignan ko nalang ang buong banyo nito habang siya ay abala sa pag-ihi.

Malaki ang kanyang banyo at malinis tignan bukod sa mga ginagamit niyang sabon pangligo at shampoo na nahulog sa tiles. Ako nalang maglilinis nito mamaya dahil hindi naman magawa iyon ni Sir Kristoff.

"I'm done," tipid nitong wika.

"Okay po," tugon ko.

Nakataas na ang short nito at tinulungan ko na makaupo siya sa wheel chair nito. Nakakapasok ang wheel chair nito sa loob ng kanyang banyo dahil may ginawa yata sila sa daanan ng pintuan na pa-slope ang daan para makadaan ang wheel chair.

Nang makaupo siya ay dumiretso ito sa mababang lalabo. Naghugas ito ng kamay at nagsabon din. Siya na rin ang nagtulak ng wheelchair palabas sa banyo kaya sinundan ko na lang siya.

"Don't ever do that, Anna," seryoso nitong wika sa akin.

Napakamot nalang ako sa aking pisngi sa sinabit nito. Tinulungan ko siyang makabalik sa kama nito at pinatong niya rin agad ang comforter sa hita nito.

"Baka po maaksidente ka kung hindi kita tinulungan," tugon ko.

Kinuha niya ang kanyang laptop at pinatong sa hita. Napansin ko ang pamumula ng kanyang mukha kasama ang kanyang tenga. Sinulyapan niya ako habang ang expresyon nito sa akin ay naiinis.

"Do you not feel embarrassed about what you did a while ago?" tanong nito habang namumula ang kanyang mukha.

Muli akong naupo sa bakanteng upuan at hinarap siya. Hindi ko alam kung ang pagkapula ng kanyang mukha ay dahil ba sa galit o dahil ba sa hiya.

"Tinulungan lang naman po kita, sir," tugon ko.

Napahilamos siya sa kanyang mukha at dinuro ako. "You can't just enter in my bathroom like that okay!?" wika nito sa akin. "You just saw my. . . my. . ."

"Ari mo, sir?" pagpapatuloy ko dahil mukhang hindi niya kaya sabihin iyon.

Lalong namula ang kanyang mukha at sa tingin ko ay parang nangangamatis na dahil sa hiya.

"Don't say that!" muli nitong sigaw sa akin.

Hindi ko na napigilan na tumawa dahil doon na ikinakunot ng kanyang noo.

"Why are you laughing?" he asked.

"Wala naman pong dapat ikahiya, sir. Sa tagal na po ng trabaho ko ay iba't ibang klaseng ari na po ang nakita ko sa pagaalaga ng pasyente ko kaya wala na rin naman ng bago sa akin 'yong iyo," tugon ko.

Napatanga ito sa aking sinabi.

"Walang bago?" mahina nitong wika sa akin.

Kung kanina ay ang noo nito ang nakakunot ngayon naman ay noo ko naman ang nakakunot.

"Opo. Wala namang bago sa akin na makakita no'n kaya okay lang po," tugon ko. "Malaki nga lang po yung sa'yo."

"What!?" he shouted. "Stop! Itigil na ang topic na 'to."

Napapikit ako sa sigaw nito. Napailing nalang ako dahil do'n. kitang kita ko kahit sa malayo ang tenga nitong nangangamatis habang nakatingin parin sa akin. Naiinis parin ito sa akin at siya na ang unang umiwas ng tingin. Nagkibit balikat nalang ako dahil nagsasabi ako ng totoo.

Totoo naman, eh. Atsaka nga 'di ba parang mas masaya pa ang mga lalake na cinocompliment na malaki sila pero bakit parang ewan itong anak ni Ma'am Marina. Napailing nalang ako dahil sa aking pinagiisipan. Dapat hindi ko pinagiisipan ng ganoon ang anak ng nagpapasahod sa akin. Pero hindi ko maiwasang hindi ngumiti ng pilyo dahil sa nagiging reaction niya.

"Why are you smiling like that," masungit nitong tanong sa akin.

"Wala po, sir," tugon ko at tumayo na. "Aalis na po. Pakitawag nalang ako kapag kailangan niyo ng tulong," saad ko at kinuha ang tray.

Naglakad na ako patungo sa pintuan nito at pinihit ang doorknob. Hindi na niya ako sinagot kaya ngumiti na lang ako. Tuluyan na akong lumabas bitbit ang kanyang tray. Habang naglalakad patungo sa kusina ay hindi parin mawala sa aking isipan ang reaksyon nito kanina.

"Ang cute," natatawa kong wika sa aking sarili.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top