CHAPTER 1

CHAPTER 1

ILANG BESES KONG chineck ang manuscript namin bago ko isarado ang laptop ko. Magdedefense na kasi kami sa susunod na linggo kaya inaasikaso ko ngayon ang manuscript ng thesis namin.

"Mama, may natira pa bang pandesal d'yan?" tanong ko habang nilagay ang laptop sa loob ng bag.

Wala akong narinig na sagot kaya hindi nalang ulit ako nagtanong. Titignan ko nalang mamaya kapag nakababa na ako.

Simpleng white shirt at mom jeans ang sout ko. Pinaresan ko lang iyon ng kulay puting sapatos. Kinuha ko ang id ko sa ibabaw ng lamesa at sinuot 'yon.

4th year college na ako at pagtapos namin ma defend ang thesis namin sa susunod na linggo aasikasuhin pa namin ang mga ibang bagay pagkatapos ay practice na ng graduation namin.

Hinayaan ko lang na nakalugay ang bagsak kong buhok. Nasa medium length 'yon dahil kakapagupit ko lang kahapon. Medyo hassle kasi sa trabaho ko at lalo na sobrang mainit ngayon.

"Ma?" tanong ko ng makalabas sa kwarto.

Napakamot nalang ako sa 'king ulo at chineck ang buong bahay. May pinuntahan sila?

Naglakad ako papunta sa lamesa at tinanggal ang takip ng pagkain. Napalunok nalang ako ng makitang isang pirasong tuyo ang natira. Ang supot ng pandesal ay nasa tabi nito pero wala ng laman.

"Kahit isa wala talaga," mahina kong bulong sa aking sarili.

Tinapon ko ang supot ng pandesal at umalis na. Mamaya nalang ako kakain. Muhkang water therapy muna ako ngayon ah.

Naglakad lang ako papuntang school dahil malapit lang naman 'yon atsaka maaga akong umalis sa bahay para makapag muni muni pa habang naglalakad. Mamayang uwian namin ay diretso na ako sa pinagtatrabahuan ko.

Nagstart ang pagiging full time job ko noong 3rd year college dahil kaonti nalang ang unit na tinitake ko atsaka sayang ang oras na natira kaya mas mainam na makapaghanap ako ng trabaho.

Nang makapasok na ako sa university ay dumiretso muna ako sa library para makapagpahinga saglit. Dito rin kasi kami maghihintayan ng mga ka group ko para mapagusapan ang mga babaguhin sa thesis.

Sinuot ko ang aking earphones at sinalpak 'yon sa cellphone ko. Inopen ko ang message ng makitang may nag text.

TL:
Clarise OT ka ngayon? May maagang nag leave kasi kanina baka gusto mo.

Napataas ang isa kong kilay dahil doon. Nagsimula akong tumipa sa keyboard ng cellphone para reply-yan ito.

Anna:
Sige TL sakto may dagdag yan.

TL:
Okay.

Hindi ko na siya nireply-yan kaya hinayaan ko na 'yon. Nagpatugtog nalang ako at nagreview saglit sa mga lessons ng first subject namin.

Ang sarap sa pakiramdam kapag tahimik ang lugar. Ang peaceful lang at kalmado. Kalaunan ay pinatay ko ang music at ninamnam ang katahimikan sa library.

Nakaharap ako sa entrance ng library kaya nakikita ko ang pumapasok at lumalabas. Katulad nalang neto, Kita ko ang 4th yr college na Forensic science students ng university na ito.

Ang course na 'to ang binibaby ng school namin. Sikat ang school namin sa course ng Forensic science. . . ang mga sikat na crime solvers ay halos dito nakagraduate lahat nagiging successful sa career nila. Hindi ko naman din maitatanggi dahil magaling magturo ang mga professor dito.

"Pogi talaga nung may lahi 'no?"

Impit akong napatili ng may nagsalita sa gilid ko. Nang lingunin ko 'yon isa siya sa mga kagroup ko.

"Ano ba naman 'yan. Nakakagulat ka," tugon ko at inayos ang aking upo.

Sinulyapan ko sa huling pagkakataon ang tinutukoy nito. Natural lang ang expresyon ng muhka nito. Malinis ang gupit ng kanyang buhok at mala ginto ang kulay nito. Kahit sa malayo ay malalaman mo na kasing kulay ng dagat ang kanyang mata.

"Habulin ng babae," biglang wika ng aking katabi.

"Transferee?" bigla kong tanong sa kanya.

Nagkibit balikat ito at kinuha ang laptop sa bag pagkatapos ay binuksan. Mabilis niya ang sinulyapan at tipid na ngumiti.

"Ewan ko. Siguro? atsaka alam ko bawal na tumanggap ng transferee ngayon kasi mag eend na ang school year mga ilang weeks nalang," tugon nito habang nagtitipa sa kanyang keyboard.

"Iyon nga rin ang iniisip ko. Baka hindi lang natin nakikita rito kaya muhkang transferee."

"Baka nga," natatawa niyang sagot.

Muli ko itong sinulyapan. Nakaupo na siya at kasama ang mga classmates nitong nagtatawanan. Mahina lang ang kanilang boses at ang iba abala sa kanilang binabasa.

Forensic science. Napakagandang course at muhkang nakakacurious ang pinagaaralan nila. Ang interesting pakinggan ng mga lessons o mga ginagawa nila.

"Ano ba ieedit ko?"

Nilingon ko ulit ang katabi ko at diniscuss na sa kanya ang mga dapat niyang baguhin sa part nito sa thesis namin.

MAHINA AKONG NAPADAING ng maramdaman ang kurot ng kagroupmates ko. Nakatulog pala ako.

"Mamaya pagalitan kapa," wika nito sa akin.

"Sorry," mahina kong tugon.

Tipid niya lang akong ningitian at nakinig na sa nagtuturo sa harapan ng classroom namin. Kahit anong intindi ko nahihirapan ako makacatch up ng lessons ngayon. Ano bang problema ko?

"Bye, Anna! una na kami. Ingat ka papunta sa work mo!"

I smiled. "Kayo rin! ingat kayo pauwi."

Iba ang way ko sa way nila kaya nauna na akong naglakad patungo sa waiting shed at naghintay ng fx. Naupo ako sa bakanteng upuan ng biglang may dumaan sa aking harapan. Lakad takbo iyon kaya napatingin ako kung sino 'yon.

Pamilyar na mala gintong buhok. Bumaba ang tingin ko ng may matapakan ako. Umatras ako at tinignan kung ano 'yon.

Id!

Pinulot ko 'yon at wala sa sariling tinignan ang pangalan ng may ari nitong hawak ko.

Kristoff McQuoid.

Iyon pala pangalan niya?

Seryoso ang kanyang muhka sa picture at kapansin pansin ang mapupula nitong labi. Napabalik lang ako sa aking ulirat ng may nagsalita sa gilid ko.

"Makikiraan po."

Gumilid ako at yumuko kaonti. "Sorry po."

Pagtingin ko sa nilakaran ni Kristoff ay malayong malayo na siya sa akin kaya nanlaki ang aking mata. Hindi agad ako nagdalawang isip na habulin ito.

Sobrang higpit ng school namin kapag walang id at baka hindi siya papasukin sa school bukas!

"Hey!" sigaw ko sa malayo.

Muhkang hindi niya ako narinig dahil patuloy lang siya sa pag lakad. Sumasakit na dibdib ko dahil hingal na hingal na ako. Ang bilis niyang tumakbo!

"Kuya!" sigaw ko ulit.

Ano bang—kaya naman pala hindi ako naririnig dahil naka earbuds siya!

Huminga ako ng malalim at tumakbo ng mabilis. Nahabol ko naman siya dahil bumagal ang kanyang lakad. Hinawakan ko ang kanyang balikat at napakislot ito.

"Ay!" napatili ako ng bigla siyang gumilid at dahil na nanginginig ang binti at hita ko muntik pa akong sumubsob sa sahig mabuti nalang at nahawak niya ang aking beywang para hindi ako tuluyang mahulog.

"Careful, miss," ani nito habang nakahawak parin sa akin beywang. Napakalalim ng boses nito at parang ilang beses pa siyang nag replay sa aking utak.

Medyo awkward ang pwesto namin kaya ako na ang umalis. Tipid ko siyang ningitian at inabot sa kanya ang napulot kong id. Napangiwi pa ako dahil nanginginig talaga ang binti at hita ko para akong sumabak sa fun run.

"Id mo napulot ko," hinihingal kong wika sa kanya. "Mahigpit kasi yung school natin kapag walang id baka hindi ka papasukin bukas."

Bumaba ang tingin nito sa hawak kong id. Pasimpleng tinignan ko ang kabuuhan ng kanyang katawan. Completed unifrom at malinis ang kanyang buhok. Ngayon kitang kita ko sa malapitan ang kanyang mata.

It's exquisite.

"Thank you," tipid nitong tugon. "And you're right our university is really strict to id."

Ningitian ko lang siya at sumenyas na okay dahil hinahabol ko ang aking hininga. Nang maagaw ng aking pansin ang paparating na fx ay pinara ko agad iyon dahil madadaanan no'n ang company na pinag tatrabahuan ko bilang call center.

"You're welcome! ingat nalang sa susunod."

Akmang magsasalita pa sana ito pero nakapasok na ako at nagpunas ng pawis. Magreretouch nalang ako mamaya sa restroom.

NANG MAKARATING ako sa trabaho ko ay saglit akong nag ayos sa restroom at dumiretso na sa aking cubicle. Inubos ko ang aking oras sa pagsagot ng mga call ng customers at nakipag usap sa workmate ko kapag breaktime naman.

Sa sobrang bilis ng pagdaloy ng oras ay heto na ako ngayon pauwi na ng bahay. Kumakalam na rin ang aking sikmura at gusto ko ng kumain sa bahay.

"Nandito na ako, Ma," wika ko ng makapasok sa bahay.

"Anak tara dito kumain kana."

Nakaupo na sila sa kanya kanya nilang upuan at nagsasandok na ng kanilang makakain. Nauna ang bunso namin kapatid na lalaki na si Anton. Lechong manok ang ulam namin ngayon na ikinakunot ng aking noo.

"Lechong manok?" tanong ko habang nakatayo sa harapan nila.

"Oo, anak. Gusto mo niyan hindi ba?" tugon ni mama at kumuha ng karne.

Pinagmasdan ko si Anton, Annie at si mama na naguunahan sila sa pagkuha ng manok. Isang pirasong drumstick nalang ang natira.

"Ma naman sabi ko tipirin niyo po yung pera na binigay ko sainyo nung isang araw 'di ba?"

Kakabigay ko lang ng sahod ko sakanya. Kalahati non binigay ko sakanya dahil sa mga bayaran dito sa bahay.

Natigilan siya sa pagsubo at tinignan ako.

"Kung ayaw ko kumain e'di huwag," basta nitong sagot sa akin. "Ikaw na nga binilhan ng lechong manok nag iinarte kapa d'yan."

"Hindi ka ba naaawa kay mama, ate? Ikaw na nga yung binilhan ng manok kasi paborito mo 'to pero parang galit ka pa," pag singit ni Annie.

Napakamot ako sa ulo sa inis at kinalma ang aking sarili. "Inisang bagsakan niyo naman po ng pag bili 'yang binigay ko sainyo. panigurado pong pati tubig at kuryente hindi niyo pa po nababayaran. Syempre po sumama loob ko kasi ako po nagbibigay ng pera sainyo tapos ginagastos niyo po ng isang bagsakan ngayon gabi?"

Napailing nalang ako at hinayaan ng kunin ni Anton ang natirang manok na para sa akin. Wala naman din pake si Mama. Iniisip na para sa akin? o baka para sa kanila lang.

"P'wede naman tayong kumain n'yan sa susunod na sahod ko pero huwag muna sana ngayon. Patong pato pa po bayaran natin ngayon, Ma," mahinahon kong wika.

Kakain nalang ako ng cup noodles mamaya dahil naubos na nila ang biniling manok.

"Muhkang isang buong manok pa po yung binili niyo," usap ko sakanya. "Kahit isipin niyo nalang po na mairaos po nating ngayong buwan ang mga bayarin, Ma. Kahit iyon nalang pagka susunod na buwan pwede na tayo ulit kumain niyang manok—"

Hindi ko natapos ang aking sinabi ng bigla lumapat ang palad nito sa akin. Napabaling sa kaliwa ang aking muhka at nanahimik. Sa sobrang bilis na nangyari ay hindi ko napansin na sinampal niya ako.

"Kapal ng muhka mo sabihan ako ng ganyan. Mayabang ka dahil may trabaho kana? Ipapamuhka mo sa 'kin na pabigat na kami ng mga kapatid mo kaya ganyan ka magsalita!?" sigaw nito sa akin. "Ikaw na nga 'tong binilhan ng manok pero kumukuda kuda kapa d'yan!"

Kahit kailan lahat ng binili nilang ulam wala akong natikman na maayos doon. Halos isang piraso lang at hindi na nasundan.

"Wala na ang tatay mo kaya dapat lang na buhayin mo kami ng mga kapatid mo! responsibilidad mo na 'yon lalo na at panganay ka!"

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top