Kabanata 2

DIVINA AND Rina were about to enter the cafeteria when they saw him, nahagip ng kanilang mga mata ang kaisa-isang tao na nagdulot ng sakit kay Divina.

At 'yong sinasabi nilang 'heartbreak' —and it really hurts like hell.

Kasama nito sa table si Fraia. His new girlfriend. His fling. Hindi lang sa mata masakit ang paglalandian ng dalawa dahil mas doble ang sakit sa puso niya.

Sinulyapan niya si Rina sa kanyang tabi saka bumulong, "bestie, hindi pala ako nagugutom. Sa room na lang ako maghihintay sayo. Okay lang ba?" Pagkakuwan ay malungkot na sabi niya. Hindi niya na hinintay ang sagot ni Rina, siya na ang kusang bumitiw sa kamay ng kaibigan.

Hindi niya kayang makita si Kevin na may kasamang iba bukod sa kanya dahil parang dinudurog ang puso niya sa sobrang sakit.

Sa totoo lang ay marami na siyang nakarelasyon, hindi na bago sa kanya ang ganitong senaryo subalit ito ang unang beses na nakaramdam siya ng sakit. Sa katauhan ni Kevin.

Hindi na siguro kayang magmahal pa ng puso niya.

"What? No! Wait bestie... "
Naguguluhang tanong nito. Akmang pipigilan pa siya nito.

But she didn't respond. She just run. As fast as she could.

Pumasok siya sa girl's comfort room saka dumeretso sa isang cubicle. Hindi niya na napigilan ang mga luhang gusto nang kumawala sa pisngi niya kanina pa nang makita niya ang mga ito. Sila.

Sige iiyak mo lang lahat..at the back of her mind said.

Nang wala ng mailuha ay saka siya lumabas ng cubicle, lumapit siya sa salaming naroon.

Pinagmasdan niyang maigi ang kanyang repleksiyon sa salaming nasa harap niya na sana ay hindi niya nalang ginawa. Nahahabag siya sa kanyang sarili. Alam niya sa sarili niya na patuloy lang siyang masasaktan kung palagi niyang makikita si Kevin.

Mabuti pang lumayo nalang siya. Sa isiping iyon ay kumawala na naman sa kanyang pisngi ang masaganang luha.

Crying is the best way to ease the pain inside her.





ITO ANG unang pagkakataon na kakain nang mag-isa sa cafeteria si Rina. Hindi siya sanay na kumain ng mag-isa, pero nagugutom na siya kaya't bibilisan niya na lang kumain at pagkatapos ay dadalhan niya ng pagkain si Divina.

Bakit ba kasi iniwan ako ni bestie e. Pumila na siya at umorder ng makakain, spaghetti, fried chicken, fries, lasagna at chocolate float.  At syempre para sa best friend niya, carbonara and milk tea. Yum!

Lalu tuloy siyang natakam sa mga pagkaing nasa harap niya.

Dala-dala niya ang tray ng  pagkain, nagpalinga-linga siya upang makahanap ng mauupuan. Mahirap pa namang makahanap ng upuan kapag mga gano'ng oras dahil halos sabay-sabay kung maglunch ang mga freshman.

Nang sa wakas ay nakahanap siya ng mapwe-pwestuhan, malapit sa may pintuan. Agad siyang naglakad patungo do'n upang maupo.

Nang bigla siyang bumangga— Ay, hindi, dahil siya pala ang binangga.

"Sheeyyt!" Daing niya nang tumama ang puwetan niya sa sahig habang mahigpit paring nakakapit sa magkabilang gilid ng tray.

Mabuti nalang at hindi natapon ang mga pagkain niya.

Isang nakamamatay na tingin ang ibinigay niya sa taong bumangga sa kanya.

"Miss, pwede ba,
kung maglalakad ka wag kang pumikit. Baka sa susunod hindi lang ako ang makabangga mo, pader na." Mayabang na sabi ni... ni Kevin na nakapoker face.

Antipatiko. Hmp, siya na nga ang nabangga at nasaktan, siya pa may kasalanan? Iba rin ang takbo ng utak nitong kumag na ito. Gustong-gusto niya itong patulan kaya lang ay nagugutom na siya kaya uunahin niya muna ang pagkain.

Tatalikod na sana siya subalit huminto rin agad nang magsalita itong muli, "hindi ka man lang ba magso-sorry? Nabangga mo lang naman ako."

Sa pagkakataong 'yon ay tuluyan na siyang nairita. Nagpanting ang kanyang tainga dahil sa narinig.

"E, kung hindi ka naman kasi paharang-harang 'di sana hindi kita nabangga. Tanga ka rin e, noh?" Ganti niya sa binatilyo. Hindi lahat ng babae ay magugustuhan ka.

Bagama't nagulat dahil sa pangbabara sa kanya ng dalagita ay hindi siya nagpahalata.

"Sinong tanga? Ako?" Pasigaw nitong tanong.

"Oo ikaw! Hindi ba obvious? Tanga talaga. Tsk."
Pang-aasar niya pa rito. Kahit babae pa siya ay hindi siya patatalo rito.

"Excuse me, hindi ako tanga baka ikaw—BOBO!" Aba't sinigawan pa talaga siya ng tukmol na 'to at mas pinagdiinan pa ang salitang bobo.

"FYI, Mister Paharang-harang, kaladkaring playboy. Hindi ako bobo, top 1 kaya ako sa buong freshman level. Tsaka, at least kung bobo man ako, nasusulosyunan naman 'yon. Wala kayang taong bobo. Pero ang katangahan, walang sulosyon, wala ring gamot. Tanga!" Hindi niya na napigilan ang sariling sigawan din ito saka pinagdiinan ang salitang tanga. Lintik lang ang walang ganti!

Halos umusok ang ilong nito sa galit. Poor Kevin.. Hindi siguro sanay na may kumokontra rito, 'yan ang hirap sa mga mahahangin e, akala yata lahat ng mga babae ay nagkakandarapa sa kanila.

Hindi mo ako malalandi kasi hindi naman ako malandi tsaka hindi ako tatablan ng kakisigan mo. Kasi tanga ka.

Matiim siya nitong tinitigan saka nilapitan, marahas na hinablot nito ang isa niyang kamay dahilan upang mas lalong dumikit ito at bumulong.

"Pasalamat ka. Maganda kang babae. Dahil kung hindi kanina ka pa nakatikim sa akin. Siguro may gusto ka sa akin, noh?"
May diin nitong bulong.

She stilled. Sheeyt. Ang bango niya. Ganito ba ang feeling kapag may humahawak na guy sa katawan ng isang babae kahit kamay lang. Para akong nakukuryente..

Ngunit, biglang naglaho ang pagmumuni-muni niya nang maalala niya ang sinabi nito, ako may gusto sa  kanya? Hhmmpp.

"Excuse me Mister kaladkaring Playboy na paharang-harang, na nanakit sa bestie ko, binangga ako at sinabihan pang bobo kasi tinawag ko siyang tanga pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko, bumulong sa akin na nagdulot ng bolta-boltaheng kuryente sa sistema ko at sinabihan akong maganda at may gusto sa kanya. Anong kwento mo?" Bigla niyang sabi sa sobrang inis niya sa binatilyo.

Kapagkuwan ay nagpatuloy sa pagtatalak si Rina, "Nabangga ka lang ng hindi sinasadya, may gusto ka'gad? Hindi ba pwedeng.. Hate muna?"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay— iniwan ako?! Walk-out king?

Wait! Nagblush ba si Kevin?
Halata masyado e,
Hahahhahahhahahahhahah
Ang gagong tanga nagblush!







A/N:

Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE!

Thank you and keep safe always 😘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top