LOVE AT FIRST KISS 8

LOVE AT FIRST KISS 8

INARO'S POV... 

January 2010, 4:45pm

            Ramdam ko ang kalungkutan ni Jek-jek sa parte ng kuwento niyang iyon. Pagkaawa rin ang naramdaman ko sa sinapit ni Ma’am Akiko samantalang nainis ako ng bahagya sa inasta ni Sir Ton-ton.

Sa gitna ng kaniyang kuwento ay biglang tumunog ang cellphone ko, paghihiwatig na may nag-txt sa akin na galing sa isa sa mga katrabaho ko. Natawa ako ng bahagya sa message nito.

“Girlfriend mo?....” tanong sa akin ni Jek-jek patungkol sa binabasa kong txt.

“Ha?... ah hindi… officemate ko…” sagot ko.

“Weh?... eh bakit parang kinikilig ka diyan?...”

“Hindi nga… medyo natawa lang ako sa txt niya.” Sagot ko ulit.

“Tungkol naman saan?...” pangungulit pa nito.

“Sa lapis at eraser…” sabi ko sabay ngiti.

“Lapis at eraser?...hmmm…” biglang napa-isip si Jek-jek.

“Oh bakit napapatango ka diyan?... alam mo yung istorya ng lapis at eraser?” namamangha kong tanong.

“Yeah, so long time ago…” sagot ni Jek-jek na parang siya naman ang kinikilig.

“Wait, what happens next?...” tanong ko tungkol sa nabitin na kuwento niya.

Jek-jek paused a while, then he continue the story with full of excitement in his voice…

--------------------------------------------------

JEK-JEK'S POV... 

Pagkatapos ng pangyayari na iyon, ang pagkaka-aksidente ni Ma’am Akiko ay nagdulot ng maraming pagbabago kay Sir Ton-ton.

Napansin ko na mas lalo pa itong naging tahimik at parang ayaw na makisalamuha sa ibang tao. Kahit ang pinsan niya na si King ay wala ring nagawa. Oo nga at hindi na ito masyadong nagsusungit pero mas ikinabahala namin ang pagiging mapag-isa nito at paminsan-minsan ay nahuhuli naming nakatingin sa kawalan at bigla-bigla na lang ito iiyak.

May 2006, 9:00pm, Sunday

Ginabi na ako ng uwi dahil nag-overtime pa ako sa restaurant. Sobrang bigat ng pakiramdam ko pagpasok na pagpasok ko sa boarding house. Ang totoo ay kanina pa ako hindi mapakali dahil nabalitaan ko na nag-resign na si Sir Ton-ton sa trabaho niya.

Naabutan kong nag-iinuman ang mga ka boardmate ko na sila King, Noel, Andrew, Jay-ar at Sir Ton-ton. Munting salo-salo raw iyon dahil bukas ay aalis na rin pala si Sir Ton-ton sa boarding house at uuwi na ito sa probinsya nila. Lalo tuloy ako nakaramdam ng kalungkutan sa balitang iyon. Nakisali na ako sa umpukan nila.

“So pinsan anong gagawin mo sa probinsya pag-uwi mo?...” si King.

“Hindi ko pa alam pinsan…” walang ganang sagot ni Sir Ton-ton.

“Babalik ka pa ba?...” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman sa akin ang mga kaboardmate namin sa aking tanong. Kahit ako ay nabigla kung bakit ko ba nasabi iyon. Tumingin ng diretso sa akin si Sir Ton-ton. Mata sa mata.

“Hindi ko pa rin alam…” seryoso niyang sagot sa akin. Sa unang pagkakataon sinagot ako nito ng matino na walang pagsusungit.

“Ano ba iyan, lahat naman ng tanong namin puro hindi mo alam  ang sagot ehe…” si  Noel.

“Hon naman pagpasensyahan mo na itong si pinsan at wala nga sa tamang katinuan yan tsk tsk…” si King

“Pasensiya na kayo sa mga pinag-gagawa ko… alam ko nagiging pabigat na rin ako sa inyo..” pagpapaumanhin ni Sir Ton-ton.

“Naku ito namang si Ton-ton, sus wala yun pare basta hangga’t kailangan mo ng tulong andito lang kami…” si Jay-ar naman ang sumabat.

“Salamat mga pare…” si Sir Ton-ton.

Sa mga oras na iyon ay umaatikabong kuwentuhan ang nangyari sa kanila habang ako ay nakikinig lang sa mga pinag-uusapan nila. Hindi ko maintindihan ang sarili noong gabing iyon parang gusto kong ma-iyak na hindi ko naman magawa. Masayang-masaya ang mga ito sa biruan nila, noon ko lang ulit nakitang tumawa si Sir Ton-ton.

Habang nasa gitna ng tawanan ay biglang hinablot ni Jay-ar ang cellphone ni Andrew na lubos naming pinagtaka.

“Ibalik mo nga sa akin iyan…” naiinis na wika  ni Andrew. Ngunit imbes na ibalik ay nagbasa pa ng txt si Jay-ar at matapos basahin ang mensahe ay tumawa ito ng tumawa na para bang wala ng bukas.

Kinabig ni Andrew si Jay-ar at binatukan sabay hablot sa cellphone niya, tumawa na rin kami sa eksenang nakita.

“Ano ba yung nabasa mo Jay-ar at wagas ka kung makatawa?…” tanong ni Noel.

“Yung txt kasi kay Andrew napaka corny…” natatawang sabi ni Jay-ar.

“Ano ba yun Andrew?...” curious na rin si King habang kami ni Sir Ton0ton ay naghihintay na rin sa sagot ni Andrew.

“Tungkol lang sa lapis at eraser…” sagot ni Andrew at kinuwento nga nito ang istorya ng Lapis at Eraser.

Lapis: sorry!

Eraser: para saan?

Lapis: kasi sa tuwing nagkakamali ako binabawasan mo ang parte nang sarili mo para lang maitama ako.

Eraser: ayos lang yun, ginawa talaga ako para sa’yo, at sana kapag nawala ako, mahanap mo ang bagong magtatama nang mga pagkakamali mo.

Lapis: sige, sisikapin kong hindi na magkamali, huwag ka lang mawala sa akin.

Matapos ang maikling kuwento na iyon ay parang sobra akong na-apektuhan sa naging pag-uusap ng lapis at eraser. Napatingin ako kay Sir Ton-ton at nakita kong nakatingin rin ito sa akin. Para akong malulusaw sa ginawa niyang pagtitig. Nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking katawan, dahil doon ay yumuko ako at hindi na muling tiningnan si Sir Ton-ton.

Hating-gabi na ng matapos ang simpleng salo-salo na iyon. Nagpresinta na ako na ang maglilipit ng sala dahil hindi naman ako nakainom. Isa-isa nang pumasok ng kuwarto sila Andrew, Jay-ar, King at Noel. Naiwan kami ni Sir Ton-ton sa sala.

“Tulungan na kita…” sabi ni Sir Ton-ton sabay kuha ng mga plato sa mga kamay ko.

“Sige na magpahinga ka na Sir Ton-ton, ako na ang maglilinis ng mga ito, lasing ka na…” pagtanggi ko.

“Hindi naman ako lasing, nakainom lang… sige na tulungan na kita” hindi na ako tumanggi pa sa pangungulit nitong tumulong.

Matapos malinis ang sala ay umupo pa muna kami sa sofa bago umakyat sa aming kuwarto. Pareho kaming tila nangangapa pa ng sasabihin noong una ngunit hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at ako na ang unang nagsalita.

“Anong balak mo pag-alis dito?...” tanong ko sa kaniya.

“Gusto kong makalimot…” sagot nito sa akin.

“Pagkatapos?...”

“Gusto kong hanapin ang sarili ko…” sobrang seryoso ng sagot na iyon ni Sir Ton-ton. Hindi ko masyadong naintindihan ang mga naging sagot niya.

“Pasensiya ka na sa mga kapalpakan ko…” sabi ko.

“Sorry rin sa kasungitan ko…” sabi naman ni Sir Ton-ton.

Nagkatawanan kaming dalawa. Sa isang iglap parang nawala ang anumang pader na nakaharang sa aming dalawa. Nakakapanghinayang lang na kung kailan ito aaliis ay saka lang kami nagkaroon ng pagkakataon na magka-kwentuhan ng ganito.

“Hindi ka na ba babalik?...” pagkuwan ay tanong ko sa kaniya.

“Bakit hihintayin mo ba ako?...” naging tugon naman ni Sir Ton-ton. Aaminin ko hindi ko napaghandaan ang tanong niyang iyon. Hindi ako nakasagot. Nagkatinginan lang ulit kami at maya-maya pa ay para kaming baliw na nagtatawanan.

Tumatak ng sobra sa isipan ko ang huling gabi na iyon ni Sir Ton-ton sa boarding house. Ilang minuto pa ang lumipas at umakyat na rin kami sa kuwarto para matulog. Pagkahiga ko ay agad kong pinikit ang mga mata ko at natulog ng may mga ngiti sa labi.

May 2006, 10:00am, Monday

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Wala akong pasok sa araw na iyon. Agad akong bumangon at unang hinanap ng aking mga mata si Sir Ton-ton. Wala na ito sa kama niya. Bumaba ako sa sala ngunit wala siya, sa kusina ay wala rin siya. Napaupo ako sa isa sa mga baiting ng hagdan. Hindi ko na naabutan si Sir Ton-ton. Umalis na siya ng hindi man lang ako nakapagpaalam.

Upang hindi ko maisip masyado ang pag-alis ni Sir Ton-ton ay sinikap kong maging busy sa buong araw. Naglinis ako ng sala, kusina, at banyo. Naglaba ako ng mga maruruming damit kasabay ang mga kumot at punda ng unan ko.

Nilinis ko rin ang kuwarto namin ni Sir Ton-ton. Ang kuwartong naging saksi sa mga pinagdaanan namin ni Sir Ton-ton. Humiga ako sa kama niya. Pilit kong iniisip na sana ay hindi na lang umalis si Sir Ton-ton. Nagawi ang tingin ko sa cabinet niya. Binuksan ko ito ngunit wala ng laman ang loob nito maliban sa isang nakatiklop na puting papel.

Kinuha ko ang papel at binuklat. Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ito. Para sa akin ang sulat. Hindi ko malaman ang mararamdaman matapos basahin ang sulat na iyon.

Jek-jek,

Sa mga oras na ito ay siguradong nasa biyahe na ako pauwi ng probinsya habang binabasa mo ang sulat na ito. Gusto ko sana humingi ng paumanhin kung hindi na kita ginising at nakapagpaalam. Pasensiya na rin sa kasungitan ko, hindi ko man nasasabi sa iyo noon pero gusto kong malaman mo na bilang trainor mo ay ay sobra akong proud sa iyo dahil napakadali mong matuto. Lagi mo sanag iingatan ang sarili mo, ikaw na ang bahala sa kuwarto natin.

Sayang at hindi man lang tayo masyadong nakapag-bonding at nagkakilala ng lubos. Sa pag-alis kong ito ay sana hindi mo ako makalimutan. Sana sa oras na mahanap ko na ang lahat ng mga kasagutan sa mga gumugulo sa isip ko ay nandirito ka pa rin sa boarding house at sana kapag nahanap ko na ang sarili ko mahintay mo pa ko sa pagbabalik ko.

                                                                                                Ton-ton

            Matapos basahin ang sulat niya ay walang humpay na pag-iyak ang ginawa ko. Sa mga oras na iyon ay mlinaw na sa akin ang lahat. May kung anong puwang sa puso ko si Sir Ton-ton kaya ako nasasaktan sa kaniyang pag-alis.

-itutuloy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top