LOVE AT FIRST KISS 5
LOVE AT FIRST KISS 5
INARO'S POV...
January 2010, 4:30pm
Muntikan na akong mabulunan sa kinakain kong cake dahil sa kwento ni Jek-jek. Ang Anthony na boardmate slash roomate niya ay si Sir Ton-ton pala niya na supervisor slash trainor rin pala niya.
"Small world diba?..." natatawang sabi ni Jek-jek
"Jek-jek naman wag mong bitinin sa ere yung kwento, ano na?...anong nangyari nung makita mo si Ton-ton sa pinto?...." pagpapatuloy ko sa kwento niya.
Hindi ko akalain na makikinig ako ng husto sa mga sinasabi niya. Halos makalimutan ko na nga ang dahilan kung bakit ako nag out ng maaga sa work at tumambay sa mall na iyon. Ayoko munang isipin ang problema ko, gusto ko magfocus sa kwento ni Jek-jek.
"Atat naman ito masyado... ngiting-ngiti si Sir Ton-ton nung pumasok siya sa loob ng boarding house..."
I don't know why, but suddenly he continue his story with a glow in his eyes....
--------------------------------------------------
JEK-JEK'S POV...
March 2006, 8:00pm, Monday
Ngiting-ngiti si Sir Ton-ton nung pumasok siya sa loob ng boarding house. Gulat naman ang makikita sa muhka ng mga kaboardmate ko na sila King, Noel, Andrew at Jay-ar. Samantala huminto naman ang mundo ko sa nagyayari. Halos hindi ako matinag sa aking kinauupuan.
Natatabingan ako nila Andrew at Jay-ar kaya hindi pa napapansin ni Sir Ton-ton na nandun din ako sa loob ng boarding house. Hindi ako makapag-isip ng gagawin. Hindi ko alam kung magtatago ba ako o dali-daling tatakbo sa kwarto para hindi niya ako makita. Hindi ako makapaniwala na ang Anthony na boardmate at roomate ko ay si Sir Ton-ton pala na Supervisor ko at trainor ko.
Napansin ko na biglang lumapit si King kay Sir Ton-ton.
"Pinsan!!!!..." tawag ni King kay Sir Ton-ton at sinabayan pa niya ito ng yakap at panggigigil. Mukhang close nga talaga ang mag-pinsan.
"Oh anong nagyari sayo pinsan?...hehe sobra mo naman ata akong na-miss" nagtatakang sabi ni Sir Ton-ton.
"Masaya lang ako pinsan kasi after 2 weeks nakabalik ka na ulit hehe...pati nga sila Noel, Andrew at Jay-ar na-miss ka rin...diba guys?" baling naman ni King sa iba pa naming kaboardmate.
"Oo Ton-ton na-miss ka namin." Sabay-sabay namang tugon ng tatlo.
Lahat sila ay biglang niyakap at kunwaring hinahalik-halikan pa si Sir Ton-ton. Samantalang ako ay parang tuod na hindi gumagalaw sa aking pwesto. Pinapanood ko lang sila. Ang saya-saya nilang tingnan. Halatang marami na silang pinagsamahan. Ibang-ibang Ton-ton naman ang nakikita ko kumpara sa Ton-ton na nakilala ko sa Pizza Resto. Galak na galak din itong nakikipagbiruan sa mga kaibigan. Nakisakay na lang si Sir Ton-ton sa drama ng mga kaboardmate namin, marahil kilala rin niya ang mga ito sa pagiging kolokoy.
"Teka nga, pinagtritripan niyo ba ako?..hehe kakaiba ata ang mga kinikilos niyo." Tanong ni Sir Ton-ton habang pinipilit na kumawala sa pagkakayakap ng mga kabordmate ko.
"Ito naman, Masaya lang talaga kami na nakabalik ka na." si Andrew.
"Oo nga, kamusta naman ang bakasyon mo?" tanong naman ni Noel.
"Yung pasalubong namin nasaan na?" sunod naman na tanong ni Jay-ar.
"Pinsan halika dun tayo magkwentuhan sa kwarto namin ni Noel.." sabi naman ni King sabay hila Kay Sir Ton-ton papunta sa kwarto niya.
Alam ko ginugulo lang nila si Sir Ton-ton para hindi mapansin nito na nandun ako. Hinila nila ng hinila sa braso si Sir Ton-ton pero nanlaban ito.
"Ang kukulit niyo talaga, bukas na tayo magkwentuhan, pagod na ako at-......" napatigil si Sir Ton-ton sa pagsasalita ng akmang didiretso na ito pa-akyat ng hagdan papunta sa kwarto namin ng magawi ang tingin niya sa kinauupuan ko.
Pati na rin ang mga kolokoy ay napatingin na rin sa akin. Samantalang ako naman ay hindi maisip kung ano ba ang dapat gawin. Ang masayahing Sir Ton-ton na bumungad sa amin kanina pagpasok ng bahay ay biglang nagsalubong ang kilay.
"Hi?!..." napapangiwi kong bati sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko samantalang kaninang umaga sa Pizza Resto ay kulang na lang murahin ko siya sa sobrang inis.
Kung babasahin mo ang ekspresyon ng mukha naman ni Sir Ton-ton ay isang malaking Question mark ang mababasa mo. Binalingan niya ang mga kasama namin sa bahay na may mga tanong sa kaniyang mga mata.
"Si Jek-jek.... Roomate mo." Napapangiting sabi ni King.
Lalo pang naningkit ang mga mata ni Sir Ton-ton. Siguro kung nakamamatay lang ang kaniyang tingin ay kanina pa ako bumulagta sa sahig. At ilang minuto pa ang lumipas naganap ang World War 3 sa loob ng boarding house.
March 2006, 9:30pm, Monday
Sobrang gulo ng bahay. Halos hindi ko na maalala ang iba pang detalye sa mga oras na iyon. Hawak ako sa magkabilang braso nila Andrew at Jay-ar, samantalang sila King at Noel ay hawak naman si Sir Ton-ton.
Hindi ko akalain na ang simpleng aksidente at pagkaka-bunggo ko kay Sir Ton-ton ay aabot sa sigawan at suntukan. Pareho kaming may black eye at sabog ang labi matapos ang pakikipagbunuan sa isa't-isa. Pati sila King, Noel, Andrew at Jay-ar ay humihingal dahil sa pang-aawat sa amin.
Sobrang taas ng pride ni Sir Ton-ton, hindi ko alam kung bakit galit na galit ito sa akin. Kahit ilang beses ata akong mag-sorry ay hindi niya tatanggapin. Kung tutuusin napaka simple lang naman ng problema namin pinalaki na lang niya ng pinalaki.
"Lumayas ka..." panduduro pa sa akin ni Sir Ton-ton.
"Alam mo pikon na pikon na ako sayo eh, kanina sa Pizza resto pinalalayas mo rin ako tapos palalayasin mo rin ako dito?....aba ang O.A mo naman ata magalit bossing." Nagnggigil kong sabi habang pinapahid ang dugo sa gilid ng aking mga labi.
"Hindi kita gusto...." Paninigaw pa ni Sir Ton-ton sa akin.
Ewan ko kung bakit, parang sobrang bigat sa damdamin ang huling mga salitang sinabi niya sa akin. Noong una na ikwento sa akin nila King ang tungkol kay Anthony ay galak na galak pa ako na makilala ito. Akala ko magkakasundo kami sa maraming bagay. Nanghihinayang ako na hindi man lang ako binigyan ni Sir Ton-ton ng isa pang chance para maging kaibigan niya.
Napayuko ako at pilit na kumawala sa pagkakahawak sa akin ni Andrew at Jay-ar. Hindi ko napigilan ang mga luhang unti-unting umagos sa aking mga mata.
"Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko na gustuhin mo.... Ang sa akin lang, tao akong humihingi ng tawad sa ano mang pagkakamali ko sayo, at sana bilang tao mapatawad mo ako. Hindi ako perpekto Sir Ton-ton hangga't maari ayoko ng kaaway. Ayoko ng magulong buhay, pero tulad nga ng una kong sinabi, hindi kita pipilitin na gustuhin at pakisamahan ako..." matapos kong sabihin yun ay dali-dali akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto namin ni Sir Ton-ton.
"Jek-jek..."
Narinig ko pang tinawag ako nila Andrew pero hindi na ako lumingon. Ayokong makita nila ang pag-iyak ko sa mga oras na iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili, hindi naman ako iyakin dati. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sobra akong nalulungkot sa nagyayari. Inisip ko na lang na isa ito sa mga kailangan kong i-adjust sa bago kong pamumuhay.
Pagpasok sa kwarto ay agad akong nahiga sa kama. Hindi na ako nag-abala pang kumain ng hapunan, maglinis ng katawan o magpalit man lang ng damit. Sobra-sobra na ang dinanas kong pagod sa araw na iyon. Gusto ko na rin matulog upang makalimutan ang kung ano man ang problema sa pagitan namin ni Sir Ton-ton. Bago makatulog ng tuluyan ay nagdasal muna ako sa Poong Maykapal.
"Lord, nagpapasalamat po ako sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob niyo sa akin, patawarin niyo po sana ako sa mga kasalan ko at sa mga kasalanang magagawa ko pa sa hinaharap. Lord, gabayan niyo po sana ako sa mga taong gustong manakit sa akin. Ipakita niyo po sa akin ang tamang landas upang maiwasan ko ang magka-sala sa inyo. Lord, sana po pag-gising ko bukas okay na ang lahat. Salamat po. Ito ay dinadalangin ko sa ngalan ng iyong anak na si Jesus. Amen."
Saktong pagpikit ng aking mga mata ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto namin ni Sir Ton-ton. Hindi na ako nag abalang dumilat pa, baka sigawan lang ako ulit nito at magbangayan lang kami. Pagod na ako, ayoko ng away. Nakikiramdam ako sa mga kilos niya. Narinig kong binuksan niya ang cabinet upang magbihis siguro.
Makatapos niyang magbihis ay nakarinig ako ng ingay sa kama niya marahil ay humiga na siya. Kahit nakapikit na ang aking mga mata ay hindi ko magawang matulog. Naririnig ko ang mahihinang buntong-hininga ni Sir Ton-ton sa kabilang kama. Marahil, tulad ko ay hindi rin ito makatulog. Maya-maya pa ay narinig ko na lang ang isang awitin na siguro ay nanggagaling sa cellphone ni Sir Ton-ton.
Naaalala mo pa ba
Ang ating unang pagkikita
Noo'y wala pang nadama
Ngunit ngayo'y nagbago na
Dati 'di naisip
Na ikaw ay iibigin
'Di ko pa napapansin
Na sayo'y may pagtingin
Ngunit ngayon sinta biglang nagbago
Ang puso ko'y nagmamahal umiibig sa'yo
Ikaw lang pala ang hinahanap ng puso ko
Ito sinta ang katuparan ng mga pangarap ko
At magpakailanman pangako'y iibigin ka
Ikaw lang pala
Dati 'di naisip
Na ikaw ay iibigin
'Di ko pa napapansin
Na sayo'y may pagtingin
Ngunit ngayon sinta biglang nagbago
Ang puso ko'y nagmamahal umiibig sa'yo
Ikaw lang pala ang hinahanap ng puso ko
Ito sinta ang katuparan ng mga pangarap ko
At magpakailanman pangako'y iibigin ka
Ikaw lang pala ang pag-ibig na inilaan sa puso ko
At magmula ngayo'y hindi magbabago itong dadamdamin ko
Batid ko na mahal kita
Ikaw pala ang iibigin ko
Kay tagal nang naghintay sa'yp
Mahal ko
Ikaw lang pala ang hinahanap ng puso ko
Ito sinta ang katuparan ng mga pangarap ko
At magpakailanman pangako'y iibigin ka
Ikaw lang pala ang pag-ibig na inilaan sa puso ko
At magmula ngayo'y hindi magbabago itong dadamdamin ko
Batid ko na mahal kita
Ikaw lang pala
Nakiramdam ako ng mabuti matapos ang magandang kantang iyon, hanggang sa narinig kong nagsalita si Sir Ton-ton.
"I'm sorry........" mga katagang hindi ko malilimutan na sinabi ni Sir Ton-ton. Mahina man ang pagkakabigkas niya pero damang-dama ko ang sinseridad nito.
-itutuloy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top