LOVE AT FIRST KISS 15
Author's Note: napaaga po ang update ko hehe. Sana po magustuhan niyo ang chappy na ito. Tinodo ko na ang kilig moments pagpasensyahan niyo na ako hindi kasi ako ganoon ka-romantiko. Salamat nga pala sa isa sa mga readers ko na matiyagang naghintay ng kuwentong ito salamat LEEANDREAS, para sa iyo ang chapter na ito! Ciao.
LOVE AT FIRST KISS 15
January 2010, 5:30pm
INARO'S POV...
Ilang minuto lang ang nilakad namin ni Jek-jek papunta sa Freedom Park. Ito ang isa sa mga naging tambayan naming magbabarkada noon. Kitang-kita ko kung paano nawala ang mga ngiti niya habang nagkwekwento ng masilayan ang sinapit ng dati naming tambayan.
Madumi na ito. Maraming nagkalat na basura at mga kung ano-anong vandal ang nakasulat o nakadrawing sa mga bakod, pader at upuan ng park. Ang mga pintura ay kumupas na samantalang ang mga halaman ay napabayaan na. Marami pa ring tao sa Freedom park ang kaibahan nga lang ay dito na ung iba nakatira at tila nakahanap sila ng tahanan sa naturang park.
Umupo kami sa isang seasaw na katabi ng isang puno ng Acacia. Luma na ito at ang ibang parte ay kinakalawang na. "Sa tagal kong nawala sa lugar natin andami na talagang nagbago, ano?" Pagkuwa'y tanong ni Jek-jek sa akin.
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Sa aming magbabarkada siya lang naman ang napalayo sa amin at nawalan ng komunikasyon.
"Alam mo Jek-jek marami na talaga ang nagbago simula noong nawala ka yung iba nga sa barkada may mga asawa at anak na." Sagot ko sa kaniya.
"Ganoon ba..." malungkot nitong sabi.
"We do have a lot of time to catch up with our friends kaya wag mo na muna intindihin yun... so ano na nangyari pagdating niyo sa park ni Ton-ton?" Nilihis ko na ang usapan namin para ituloy na niya ang nabitin na kuwento.
He nodded and smile...
( PLEASE PLAY THE MEDIA ON THIS PART THANKS. )
------------------------------------------------
JEK-JEK'S POV...
Novmber 2006, 11:00am, Sunday
Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko noong sinabi niya na birthday niya ngayon. Kaya pala ganoon na lang ito kasaya kaninang umaga pa. Ngayon ko lang din naisip na hindi ko man lang alam pala ang birthday ng taong pinili kong mahalin. Parang may mali diba? Kasi mahal ko na siya pero hindi ko pa naman talaga siya kilala ng lubusan. Tama nga ata yung kanta na Love moves in mysterious way.
"Seryoso ka ba Ton-ton?... birthday mo talaga?" Ang hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. Lalo siyang ngumiti na nagpadoble ng pagtibok sa aking puso.
"Oo nga kulit nito... anong tingin mo sa akin walang karapatang mag-birthday?" Sagot niya at biglang harap sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya papunta sa loob ng park.
"Sorry ha hindi ko kasi alam... wala tuloy akong regalo sa iyo." Pagpaumanhin ko sa kaniya. Habang nag-uusap kami ay naglalakad kami sa napakagandang park. May mga tao din dun pero hindi namin alintana ang mga ito kahit pinagtitinginan na kami dahil sa kamay namin na magkasugpong.
"Okay lang yun Jek-jek, sinabihan ko talaga yung mga kolokoy sa bahay na huwag sabihin sa iyo." Nakangiti pa rin ito.
"Ha? Bakit naman?" Nagtataka kong tanong.
"Para dito... naisip ko kasing dalhin kita dito at sorpresahin... nagustuhan mo ba? Parang paraiso diba?" May sayad ata itong si Ton-ton imbes na siya ang sorpresahin dahil kaarawan niya pero ako pa talaga ang sinopresa. Hindi ko naman matatanggi na kinilig ako sa ginawa niya atsaka tama siya ang naturang parke na iyon ay parang paraiso sa ganda.
Sabi pa ni Ton-ton ito daw ang favorite tambayan niya sa lugar namin. Dito daw siya pumupunta kapag nalulungkot siya o gusto lang niya mapag-isa kasi kapag nandito raw siya sa park parang nawawala daw ang mga problema at mga gumugulo sa isip niya.
"Salamat ha..." sabi ko.
"Para saan?" Tanong niya.
"Sa pagdala sa akin dito. Salamat at kahit paano pinayagan mo akong pasukin ang buhay mo." Sinsero kong sabi habang nakatitig dito.
"Wala yun, ikaw pa eh mahal ki- este malakas ka sa akin eh" nagkadabulol nitong sabi.
"Ahh akala ko mahal mo na ako." Sagot ko sa kaniya.
"Eh kung sabihin ko na ganoon na nga?" Seryoso na nitong sabi.
"Hehe nagbibiro lang ako Ton-ton, alam ko naman na hindi ka pa handa." Sabay ngiti ko sa kaniya upang matakpan ang lungkot na nasa puso ko dahil isipin ko pa lang na imposible niya akong mahalin ay napakasakit na.
"Kung sabihin ko na handa na ako?" Nagulat naman ako sa naging sagot niya. Huminto ito sa paglalakad na nagpahinto rin sa akin. Humarap siya at parehong kamay ko na ang hawak nito.
"Jek-jek..." bigkas niya sa aking pangalan habang hindi napapatid ang aming pagtitig sa isa't-isa.
"Ton-ton.." tawag ko sa kaniya na parang kakapusin ako ng hangin dahil sa tensyon o kaba na nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
Lumapit ng bahagya ito sa akin. "Mahal mo pa rin ba ako?" Tanong niya na sinagot ko naman ng simpleng pagtango. Hindi ko alam kung may patutunguhan ba ang tanong niyang iyon. Pero aaminin ko na kahit papaano ay umaasa rin ako na sana matutunan din niya akong mahalin sa pagdating ng panahon.
"Oo mahal na mahal..." pag-amin ko sa tunay kong nararamdaman. Hindi nagbago ang pagtingin ko sa kaniya at sa mga araw na nagdaan ay lalo ko pa siyang minamahal.
"Kung ganoon gusto kong malaman mo na..." huminto ito sa kaniyang sasabihin at inilapit ang mukha sa akin. Halos maamoy ko na nga ang mabangong hininga nito. Siguro kung wala lang tao sa paligid baka hinalikan ko na si Ton-ton nakakagigil kasi ang maninipis at mapupulang labi niya. Nagpatuloy siya at matiim lang akong nakikinig sa kaniyang sasabihin.
"Gusto kong malaman mo... siguro nga noong una tayong nagkita ay para ka lang hangin sa aking paningin, hindi kita pinapansin at nagtayo ako ng pader sa pagitan natin ngunit ang lahat ng iyon ay nagbago ng dahil sa isang halik. Nakakatawang isipin na ang isang lalaking katulad ko ay nagmamadaling halikan ka kapag binabangungot hehe wala eh iyon lang ang naging paraan ko para ikaw ay magising... pero hindi ko pinagsisisihan iyon dahil sa bawat dampi ng iyong mga labi sa akin ay kung anong kakaibang kasiyahan ang dulot nito sa akin... sa bawat araw na nagdaan at sa bawat nakaw na halik ko sa iyo alam ko nagkaroon ka na ng parte dito sa puso ko... noong mahuli mo ako na hinahalikan kita nauna ang takot at hiya sa akin sa mga oras na iyon at sorry kung naduwag ako... sorry kung ngayon ko lang ito sasabihin, ngayon handa na ako, alam ko hindi magiging madali ang papasukin ko pero dahil nandiyan ka... handa na akong harapin ang lahat kasama mo, kaya gusto ko sanang malaman mo na Jek-jek..." binitin niya ng unti ang sasabihin ng "Jek-jek mahal na rin kita."
Jek-jek mahal na rin kita...
Jek-jek mahal na rin kita...
Jek-jek mahal na rin kita...
Sa haba ng sinabi niya, iyong mga huling salita lang ang parang echo na nagpaulit-ulit sa aking isip at hindi pa rin nag sisink-in mabuti ang mga salitang binitawan ni Ton-ton sa akin. Alam ko na malinaw naman ang sinabi niya at hindi ako nabibingi pero Ano raw? Mahal na niya ako? Tanong ko sa aking sarili.
Sa mga oras na iyon hindi ko malaman kung birthday ba talaga niya o ako yung may birthday. Sa mga nangyayari ngayon dinaig ko pa ang umattend sa isang surprise birthday party na para sa akin.
Totoo pa lang yung kasabihan na kapag ang taong mahal mo ay nagtapat ng pag-ibig sa iyo ay feeling mo lahat ng nasa paligid mo ay naglaho at kayong dalawa lang sa mundo ang nabubuhay at nagmamahalan. Literal akong nakanganga at natulala ng marealize ko na kahit papaano ang unang tao o lalaking minahal ko ay mahal din pala ako. Naramdaman ko na lang ang mga kamay ni Ton-ton na hinahaplos ang magkabilang pisngi ko at pinupunasan ang mga luha na hindi ko namalayang tumulo na pala. Tears of joy iyon ang tawag dun, ang sarap sa pakiramdam lahat ng pangamba ko parang naglaho na parang bula.
"Ui bakit ka umiiyak may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" Nababahala niyang tanong sa akin.
Umiling naman ako at ngumiti na rin. "Wala Ton-ton, wala kang sinabing mali. Masaya lang ako dahil kahit paano mahal mo rin ako." Pagkatapos kong sabihin iyon ay niyakap ko siya ng mahigpit.
Kumalas ako ng yakap ng may bigla akong maalala ang naging wish ko sa kawawang wish bone na binali namin pareho.
"Naaala mo pa ba yung wish bone?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo naman, cute mo nga noon habang nakapikit at nagwiwish hehe..."
"Ito naman puro biro... seryoso kasi.." sabay batok ko sa kaniya.
"Aray! Ikaw ah unang araw pa lang na naging tayo binabatukan mo na ako." Sabay kamot niya sa ulo.
"Ikaw kasi... teka balik tayo sa wish bone, gusto mo ba malaman kung ano naging wish ko?" Tanong ko at tumango naman si Ton-ton. "Ang wish ko noon na sa balang araw mahalin mo rin ako at maging tayo, hindi ko akalain na ganito kabilis matutupad ang wish ko. Eh ikaw anong naging wish mo?"
"Simple lang, ang wish ko na sana kung ano man ang hilingin mo ay matupad." Walang kagatolgatol niyang sagot na gumulat nanaman sa akin. Unselfish.
"Thank you...nakakahiya ikaw itong may birthday pero wala man lang akong na iregalo." nahihiya kong sagot sa kaniya. Muli lumapit ito sa akin at nagsalita.
"Masaya na ako dahil ikaw ang kasama ko ngayong birthday ko, masaya na ako na malamang mahal mo pa rin ako, at mas lalong dumoble ang saya ko dahil alam ko mula sa araw na ito iisa na ang tinitibok ng mga puso natin. Ikaw ang kumumpleto ng birthday ko."
Dahil sa mga sinabi ni Ton-ton hindi ko na napigilan ang sarili ko na halikan siya at ang paraisong park na iyon ang naging saksi ng pagsibol ng aming kakaibang relasyon.
Napakasaya ng araw na iyon at isa ito sa mga hindi ko malilimutang pangyayari sa aking buhay. Tinuloy namin ni Ton-ton ang naudlot na pqglilibot sa park. Kumain kami ng sorbetes, fishball, kikiam at kung anu-ano pa na mga tinitinda doon. Sa sobrang kabusugan umupo kami sa mga bakanteng upuan malapit sa fountain na nasa gitna ng park. Ang gandang panoorin ng mga tubig na sumasabog mula sa ilalim ng lupa at babagsak ng sabay-sabay sa maliit na pond na andoon din sa park. Parang mga tubig na sumasayaw sa ere ang mga ito.
Tama nga si Ton-ton napakagandang gawing tambayan ang park na iyon. Kahit mag-isa ka ay siguradong malilibang ka. Mga ilang minuto pa ay napagdesisyunan na namin ni Ton-ton umuwi sa boarding house. Sumakay ulit kami ng tricycle at hindi naman nagtagal ay narating namin ang bahay.
Pagpasok pa lang ng gate ng boarding house ay maririnig na ang tila malakas na tugtog ng videoke kaya naman nagkatinginan kami ni Ton-ton ang ingay ay parang nagmumula sa bahay namin. Ilang hakbang pa at hayun nga nakita namin ang napakaraming bisita sa labas ng boarding house hindi ko kilala ang iba sa mga ito pero ang iba ay namumukhaan ko, kung hindi ako nagkakamali ay mga katrabaho ito ni Ton-ton sa mall.
May mahabang mesa sa gilid na may maraming pagkain tulad ng spaghetti, pancit, puto, menudo, litsong manok at marami pang iba. Makikita mo naman ang isang tarpaulin na nakasabit sa bintana na ang nakalagay ay HAPPY BIRTHDAY TON-TON!
Nakita kami ni King at mula sa hawak nitong mikropono ng videoke ay nagsalita ito upang i-welcome ang birthday celebrant.
"Guys nandito na ang ating hinihintay... insan surprise! Happy birthday!" Matapos sabihin ni King iyon ay nagkantahan na kami at ang mga bisita nito ng Happy Birthday song. Habang lumalapit kami ay marami na ang bumabati sa kaniya at nagpaiwan naman ako sa isang tabi upang bigyan daan ang mga bisita ni Ton-ton.
Wala akong masabi sa mga housemates namin lalong-lalo na sa pinsan niya na si King at nagawa nila ang sorpresang ito. Kitang-kita ko naman ang walang patid na kasiyahan sa mukha ng aking mahal. Matapos ang kantahan ay binigay ni King ang mic upang magbigay mensahe sa mga bisita niya.
"Thanks guys... pero una sa lahat gusto ko magpasalamat sa Diyos para sa araw na ito hindi niyo lang alam kung gaano kasaya para sa akin ang araw na ito..." habang sinasabi niya iyon ay nakatingin lamang siya sa akin, "Salamat sa mga housemates ko kila Andrew, Jay-r, Noel, sa pinsan ko na si King at siyempre kay Jek-jek. Wala talaga akong alam na may mga ganitong pakulo ang mga kolokoy na ito pero guys the best talaga kayo. Thank you din sa mga wokmates ko sa pagdalo, hindi ko man lang nahalata na pinagkakaisahan niyo na pala ako hehe.." nagkatawanan ang lahat. "Sobra-sobra na talaga ang lahat ng ito at salamat sa inyong lahat." Nagpalakpakan sila sa munting mensahe ni Ton-ton pero hindi ito nakaligtas sa mga kasamahan niya ng humiling ang mga ito na siya ay kumanta. Napakamot naman sa ulo si Ton-ton at pumili na nga ito ng kanta sa songbook at nagsimula na nga itong kumanta.
(PAKI-PLAY NA LANG ULIT YUNG MEDIA TNX)
Naaalala mo pa ba
Ang ating unang pagkikita
Noo'y wala pang nadama
Ngunit ngayo'y nagbago na
Dati 'di naisip
Na ikaw ay iibigin
'Di ko pa napapansin
Na sayo'y may pagtingin
Ngunit ngayon sinta biglang nagbago
Ang puso ko'y nagmamahal umiibig sa'yo
Ikaw lang pala ang hinahanap ng puso ko
Ito sinta ang katuparan ng mga pangarap ko
At magpakailanman pangako'y iibigin ka
Ikaw lang pala
Dati 'di naisip
Na ikaw ay iibigin
'Di ko pa napapansin
Na sayo'y may pagtingin
Ngunit ngayon sinta biglang nagbago
Ang puso ko'y nagmamahal umiibig sa'yo
Ikaw lang pala ang hinahanap ng puso ko
Ito sinta ang katuparan ng mga pangarap ko
At magpakailanman pangako'y iibigin ka
Ikaw lang pala ang pag-ibig na inilaan sa puso ko
At magmula ngayo'y hindi magbabago itong dadamdamin ko
Batid ko na mahal kita
Ikaw pala ang iibigin ko
Kay tagal nang naghintay sa'yo
Mahal ko
Ikaw lang pala ang hinahanap ng puso ko
Ito sinta ang katuparan ng mga pangarap ko
At magpakailanman pangako'y iibigin ka
Ikaw lang pala ang pag-ibig na inilaan sa puso ko
At magmula ngayo'y hindi magbabago itong dadamdamin ko
Batid ko na mahal kita
IKAW LANG PALA.
-itutuloy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top