LOVE AT FIRST KISS 14
Author's Note:
New update watty readers. Gusto ko sana mag thank you sa ibang naglike ng ibang chapters kahit dalawa lang kayo super thankful na ako at sa nag add ng story ko rin sa reading list nila hehe medyo mababaw lang ang kaligayahan ko kaya sana po magustuhan niyo ang chapter na ito. Sana magustuhan niyo yung mga moments nila. Kilig Mode Activate! Ciao.
LOVE AT FIRST KISS 14
INARO'S POV...
January 2010, 5:25pm
Natawa ako ng bahagya sa parte ng kuwento na iyon ni Jek-jek. Pati man siya ay napapangiti sa parte ng kuwento niyang iyon. I can't imagine the questioning looks ng mga housemates nila ni Ton-ton baka pati ako magtaka kapag nakita sila ng sa ganoong posisyon and not being judgmental parang ang sagwa kasing tingnan na dalawang lalaki ay magkapatong.
"Tara sa Freedom Park?" pagkuwa'y sabi ni Jek-jek.
"Sure.... nami-miss ko rin ang park." Pagsang-ayon ko sa gusto niyang puntahan.
Ang Freedom Park ang isa sa mga sikat na landmark sa aming lugar noong high school kami pero sa paglipas ng panahon ay napabayaan na ito ng mga sumunod na tumayong Mayor ng aming lungsod. Naglakad na kami palabas ng mall. Walking distance lang ang park na iyon sa school, naaalala ko pa noon tuwing uwian or kapag walang pasok ay naging tambayan na naming magbabarkada ang naturang park. Nilakad na rin namin ito ni Jek-jek at malapit lang din naman ito sa mall.
"Eh anong reaksyon ng mga housemates niyo noong makita kayong magkapatong?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami.
"Hehe lahat sila nakatingin sa amin ni Ton-ton...." as Jek-jek continue...
------------------------------------------------
TON-TON'S POV...
November 2006, 5:30pm, Monday
Lahat ng housemates namin na nasa sala ay nakatingin lang sa amin ni Jek-jek na tila nagtatanong ang mga mata na kung bakit kami nasa ganoong sitwasyon. Napatingin naman ako sa pinsan ko na si King na halatang nagpipigil matawa. Naramdaman ko namang gumalaw na si Jek-jek mula sa pagkakapatong sa akin at tuluyan na siyang tumayo samantalang ako nanatiling nakahiga dahil sumasakit ang siko ko sa kaliwa na sa tantiya ko napilayan ito sa pagkakabagsak namin sa sahig kanina. Pinilit ko tumayo ngunit nabigo ako at napangiwi sa sakit.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Jek-jek habang inaalalayan akong umupo. Nagtayuan na rin ang mga housemates namin para tulungan akong makatayo.
"Medyo masakit yung bandang braso ko." Sagot ko sa kaniya. Lumapit sa akin si Noel ang nurse sa grupo para tingnan ang lagay ko. Sinipat niya ang aking kaliwang kamay, braso at ng magawi sa siko ay napa-aray ako.
"Mukhang napilayan ka Ton-ton.." sabi ni Noel pagkatapos ako suriin.
"Ang mabuti pa samahan niyo ko kay Mang Ador para mapa-tingnan itong pilay ko." Si Mang Ador ang asawa ng landlady namin na kilalang manghihilot sa lugar. Sinamahan nga ako nila King at Noel sa kabilang bahay para magpahilot. Naiwan naman si Jek-jek sa bahay para lutuin yung mga pinamili namin sa palengke. Inalalayan ako ng pinsan ko na si King habang naglalakad.
Tahimik...
"Parang tinamaan ka pinsan ah..." Bulong sa akin ni King na may pataas-taas pa ng kilay na parang may something sa sinabi nito.
"Oo nga eh... una kasing tumama yung siko ko sa sahig.." pag-intindi ko sa sinabi niya.
"Tsk hindi naman yun ang ibig kong sabihin... kung makapaglampungan sa pinto wagas eh." Pagkuwa'y sabi ni King na lalo naman akong naguluhan kaya lumingon ako sa kaniya na nakakunot ang noo ko at naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Pero wala na akong narinig na kahit ano dahil sumabat na si Noel sa usapan.
"Babe huwag mong madaliin si Ton-ton... give him time na umamin...daldal talaga nito." Sabay yakap ni Noel sa pinsan ko. Hayz sobrang sweet nila sana pagdating ng panahon maging ganoon din kami ka-sweet ni Jek-jek. Teka hindi kaya alam nila ang nangyayari sa amin ni Jek-jek? sa isip ko lang. Napailing ako.
"Ang weird niyo." Yun na lang ang na comment ko sa usapan namin at baka kung saan pa mapunta ang usapan dahil hindi pa talaga ako handa ibunyag sa boong mundo na umiibig ako sa kapwa ko lalaki. Hindi ako kasing tapang nila King at Noel.
Hindi naman grabe ang naging pilay ko sabi ni Mang Ador at kahit papaano ay nawala ang pananakit ng siko at braso ko. Tinapalan niya ng kung anong dahon ito at tinalian ng panyo. Matapos ang panghihilot ay umuwi na rin kami agad. Habang palapit kami sa boarding house ay amoy na amoy ang nilulutong ulam sa bahay namin ang paborito kong tinolang manok, bigla tuloy kaming nakaramdam ng gutom kaya nagmamadali kaming umuwi nila King at Noel para kumain masiba pa naman sa kainan yung dalawang kasama ni Jek-jek sa bahay na sila Andrew at Jay-r.
Pagdating namin sa boarding house ay sakto namang nakahain na ang ulam at kanin sa lamesa at mukhang hindi nga ako nagkamali dahil hayun parang patay-gutom ang mga kolokoy sa paglantak sa kawawang tinola. Habang si Jek-jek ay nakatayo sa tabi at pinapanood kumain yung dalawa.
"Hoy! Tirahan nyo kami.." sigaw ko sa kanila. Umupo na kami nila King at Noel. Pati rin si Jek-jek ay umupo na rin siyempre sa tabi ko.
"Kumahdjxjsnsjkkain na kayo..." sabi ni Andrew habang ngumunguya at nagkakatalsikan ang kanin sa bibig. Binatukan ito ni Jay-r na siya naming kinatawa.
"No speaking when your mouth is full.." banat naman ni Jay-r at ito naman ang nakatikim ng batok kay Andrew. Kaya puro kami tawanan habang kumakain.
"Tanga!... wrong grammar.. tsk tsk.." palatak ni Andrew na may pailing-iling pa.
"Ganun din iyon eh..." sabat pa rin ni Jay-r habang kinakamot ang ulo. Ayaw talaga magpatalo sa isa't-isa. Kahit kailan talaga itong dalawang ito parang aso't-pusa kapag nag-uusap hindi tuloy namin malaman kung paano sila nagkasundo na sa isang kuwarto sila ang magkasama.
Habang nasa ganoong usapan at kainan kami ay lagi naman akong sumusulyap kay Jek-jek na kanina pa nakangiti na lalong nakakaakit sa aking paningin at parang musika naman sa pandinig ang kaniyang mga tawa. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya hanggang sa maramdaman ko na parang tumahimik ang paligid at bigla na lang may sumipa sa paa ko sa ilalim ng mesa. Napatingin ako sa tapat ko at nakita ko si King na nakataas ang kilay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng ma-realize ko na lahat sila ay nakatingin sa akin kasama na rito si Jek-jek.
"Ah...eh..." nauutal kong salita na hindi ko malaman kung anong sasabihin ko sa kanila.
"Namumutla ka Ton-ton.. may sakit ka ba?" Tanong ni Jek-jek. Naku kung alam lang niya na para akong hinahigh-blood kapag katabi ko siya.
"Naku hindi... ahm ano paabot naman ng ulam hindi ko kasi magamit itong isang kamay ko." Palusot ko na lang. Nagkibit-balikat naman ang mga kasama namin at mukhang epektib naman ang alibi ko.
"Haysus para-paraan ka pin-... Araaaay!" Hindi na natapos ni King ang sasabihin nito dahil inapakan ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa baka kung ano pa lumabas sa bibig nito eh.
"Babe okay ka lang?" Tanong naman ni Noel.
"Oo Babe mainit lang yung sabaw." Palusot din niya habang nakatingin sa akin ng masama. Ako naman ay nakangiti lang habang inaabot sa akin ni Jek-jek ang ulam at nagpatay malisya sa nangyari kay King.
Tinuloy naman namin ang pagkain sa masarap na tinola at lalo pang naparami ang kain ko ng malaman na ang taong pinakamamahal ko pala ang nagluto nito. Pati nga tutong sa kaldero ay nasimot at puro buto ng manok ang makikita sa mga plato namin. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita sa sobrang kabusugan. Pinuri rin namin si Jek-jek sa sarap niyang pagluluto. Nagtanong pa nga si Andrew kung saan ito natuto magluto at duon ko lang nalaman na tagaluto siya dati sa karinderya ng tiyahin niya. Napakasipag pala talaga ni Jek-jek at lalo ako humahanga sa kaniya.
Habang nagliligpit ng pinagkainan ay bigla ako nakakita ng wish bone sa plato ni Jek-jek, kinuha ko ito at pinakita ko sa kaniya. Sabi ng mga matatanda na kapag binali mo ito kasama ng isa pang babali sa kabilang buto ay matutupad ang wish ng parehong bumali sa wish bone.
"Tara Jek-jek tulungan mo ako baliin at mag-wish dito." at tinapat ko sa kaniya ang kabila ng wish bone.
"Hindi naman iyan totoo eh." Sabi nito na nakangiti pa rin.
"Wala namang masama kung maniniwala diba?" Pang-engganyo ko naman sa kaniya.
"Sabagay... sige na nga." At hinawakan na nga ni Jek-jek ang kabilang parte ng buto.
"Sabay natin itong babaliin sa bilang ko ng tatlo.. pero bago iyon mag wish muna tayo." Paliwanag ko sa kaniya. Pumikit nga siya at matiim na nag-wish at ganoon din ang aking ginawa. Habang nakapikit ay sinambit ko sa aking isip ang isang hiling na sana ay matupad ang kung ano man ang hilingin ng taong nagbibigay saya at kulay sa magulo kong buhay iyon nga ay walang iba kundi si Jek-jek. Sa ngayon masasabi ko na wala na akong mahihiling para sa sarili ko dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. Alam mo yung feeling na parang kumpleto na ang lahat hangga't nandiyan sa tabi mo ang dahilan kung bakit tumitibok ngayon ang puso ko. Pagdilat ng aking mga mata ay ready na rin si Jek-jek na baliin ang pobreng wish bone.
1...
2...
3...
"Tik!" Tunog ng nabaling wish bone.
JEK-JEK' POV...
November 2006, 8:00am, Sunday
Mabilis na lumipas ang mga araw at isang linggo na lang ay Disyembre na. Bigla tuloy akong nalungkot ng maalala ko na ngayon lang pala ako malalayo sa aking pamilya sa araw ng pasko at bagong taon. Nasa ganoong pag-iisip ako ng biglang pumasok sa kuwarto si Ton-ton na nakatapis lang ng tuwalya at halatang katatapos lang nitong maligo base sa mga ilang tubig na bumabagsak sa kaniyang buhok patungo sa balikat at tuluyang tumulo sa kaniyang dibdib at tiyan bagamat walang abs ay hindi rin naman ito katabaan. Hinubad niya ang tuwalya at pinunasan ang basang buhok hanggang tumambad sa akin ang buong katawan nito na puting brief lamang ang suot. Pinagpapawisan ako ng malamig sa senaryong aking nakikita lalo na ng mapatingin ako sa likuran nito at sa bukol niya sa harapan. Parang natuyuan ako ng laway sa lalamunan sa mga oras na iyon at wala akong nagawa kundi lumunok ng laway at ang nakakapagtaka ay malamig naman ang panahon pero may kung anong init akong nararamdaman lalo na sa gawing puson ko.
"Nakabihis ka na pala sorry medyo natagalan ako antagal kasi maligo ni King." pagkuwa'y sabi ni Ton-ton habang nagbibihis. Para naman akong nagising ng bigla itong magsalita kaya ibinaling ko sa bintana ang aking tingin kasi baka kung ano pang isipin nito kapag nakita niya akong nakatitig sa kaniya.
"Okay lang alas nuwebe pa naman ang start ng misa sa bayan." Sagot ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Oo nga pala maaga akong ginising nito para magsimba. Hindi ko nga akalain na relihiyoso pala itong taong ito. Naalala ko tuloy kung paano niya akong gisingin kaninang umaga. Dinaganan ako nito habang pinaghahalikan ako sa mukha. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganito siya kaligalig at kanina pa yan nakangiti.
Tahimik.
"Uy!... kanina ka pa tahimik diyan may problema ka ba?" Tanong at kalabit sa akin ni Ton-ton.
"Wala naman... iniisip ko lang kung ano ba iyong surprise mo mamaya pagkatapos natin magsimba." Sagot ko sa kaniya. Sabi niya kasi kanina may pupuntahan daw kami after ng mass at nung tinanong ko siya kung saan ang sagot lang sa akin ay Surprise yun walang clue!.
"Basta wag ka nang makulit. Tara na baka hindi pa natin masimulan iyong misa." Pagyaya sa akin ni Ton-ton. Actually restday naming lahat ngayong linggo ito lang ang araw na kumpleto kami sa boarding house kaya nagtataka talaga ako kung bakit kaming dalawa lang ang aalis.
Mula sa boarding house ay nilakad na lang namin papuntang simbahan dahil malapit lang naman ito at ilang kanto lang ang layo. Marami ng tao sa loob ng simbahan noong dumating kami ni Ton-ton kaya wala kaming nagawa kundi tumayo na lang sa gawing likod dahil puno na ang mga upuan. Saktong alas nuwebe ng magsimula ang misa at matiim kaming nagdasal at nakinig sa sermon ng pari.
(PAKI-PLAY PO YUNG MEDIA WHILE READING THIS PART. TNX)
Matapos ang misa ay dali-dali akong hinila ni Ton-ton sa sakayan ng tricycle hindi alintana na magkahawak kamay kaming dalawa. May sinabi itong lugar sa driver na hindi naman ako pamilyar. Ilang minuto lang naman ang biniyahe namin at narating din namin ang sinasabi niyang lugar. Una siyang lumabas ng tricycle at sumunod naman ako at hanggang sa oras na iyon ay hindi pa rin niya binibitawan ang aking mga kamay.
Tumingin ako sa paligid. Park, ito ang lugar pero hindi ko puwedeng sabihing park lang ito dahil isa itong napakagandang park. Sobrang akong namangha sa berdeng kulay ng mga bermuda gass na kahit na humiga ka dito ay ayos lang. Marami ring puno at mga bulaklak sa paligid. May mga paru-parong nagliliparan na ibat-iba ang kulay. Sa gitna ng park ay may makikita kang limang fountain na tila ba nagsasayaw. Malinis ito at hindi ako makapaniwala na may ganitong paraiso sa lugar na iyon.
"Surprise!" Sabi ni Ton-ton sabay akbay sa akin. Humarap ako sa kaniya at napangiti ako sa ginawang surpresa nito.
"Ano bang meron bakit tayo nandito?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Gusto ko sanang isagot niya ay para mag date pero mas malaking rebelasyon ang sinagot niya sa akin.
"Hehe... Birthday ko." Nakangiting sagot ni Ton-ton.
-itutuloy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top