LOVE AT FIRST KISS 13

Author's Note:

Kamusta na watty readers hayun i just got my tab pero ung unang draft na ginawa ko nawala pero anyway the good news is makakapag update na po ako every now and then yehey! Sorry po sa almost a year na walang update kaya maiintindihan ko po kung wala ng sumusubaybay nito. Pero kung meron pa paramdam naman kayo para mapasalamatan ko po. Enjoy reading. Ciao!

LOVE AT FIRST KISS 13

INARO'S POV...

January 2010, 5:20pm

Habang nagpapahinga sa garden ng mall nakatitig lang ako kay Jek-jek at nakikinig sa mga kuwento niya. Sa sobrang lungkot nito parang sad ending yata ang kahihinatnan ng istorya niya.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na papatol ito sa kapwa lalaki eh mas gwapo pa sa akin ito. Na-curious tuloy ako bigla kung ano bang klaseng tao itong Ton-ton at napa-ibig niya ang kaibigan ko.

Tumingin si Jek-jek sa akin at binigyan siya ng isang ngiti, giving him an assurance na nakikinig ako sa mga kuwento niya.

He smile back to me and continue to reminisce about the past...

--------------------------------------------------

JEK-JEK'S POV...

November 2006, 7:00am, Monday

Maaga akong nagising kinabukasan at sa tingin ko naman nawala na ang lagnat ko. Ang suwerte ko kasi nandiyan si Ton-ton para alagaan ako kagabi. Tumingin ako sa kama nito at gumalaw mukhang gising na rin siya. Pumikit ulit ako at nagkunwaring natutulog ulit. Ewan ko ba kasi parang hindi ko siya kayang harapin matapos kong magtapat ng pag-ibig sa kaniya gabi. Narinig ko ang mga yabag nito na palapit sa kama ko at umupo sa gilid nito.

Pinakikiramdaman ko lang ang susunod na gagawin niya. Hinaplos nito ang mukha ko at sa paglapat ng kamay nito bigla ng kumabog ang dibdib ko. Nagulat na lang ako na humiga ito sa tabi ko at binigyan ako ng maliliit na halik sa iba't-ibang parte ng mukha ko. Dumilat na ako sa pagkakataong iyon at nakita ko ang pinakamatamis na ngiti na nasilayan ko sa buong buhay ko.

"Good Morning..." Nakangiting sabi nito.

"Good Morning din... ahm anong ginaga...mmp" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinakop na ni Ton-ton ang mga labi ko ng mga labi niya.

Habit na ba talaga niya ang halikan ako araw-araw? Tanong ko sa aking sarili. Pinagkibit-balikat ko n lang ang nqngyayari kumbaga go with the flow na lang kahit wala akong kasiguraduhan sa nararamdaman ni Ton-ton.

Ang totoo pa niyan first kiss ko siya, hindi ko talaga alam ang gagawin kaya ginagaya ko lang kung paano gumalaw ang mga labi niya. Sobra akong namamangha sa mga halik nito parang may kung anong init ang gumuguhit sa aking katawan pababa sa puson na halos magpanginig sa katawan ko samantalang ang puso ko ay walang humpay sa pagkabog.

Tila dinadala ako sa paraiso sa ginagagawang pag-halik ni Ton-ton. Wala na kaming pakialam sa morning breath namin. Mula sa paglapat ng mga labi namin ay sinispsip naman nito ang lower lip ko at hindi ko napigilang umungol, at sa pagbuka ng bibig ko ay bigla niyang pinasok ang dila niya na sa gulat ko ay humiwalay ako sa halikan namin. Nakita ko naman na parang nabitin si Ton-ton base sa reaksyon ng mukha nito.

"Sorry... first time ko kasi..." ang nahihiya kong sabi sa kaniya. Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko kaya yumuko na lang ako.

"Okay lang Jek-jek... sorry din kung nabigla kita, kasi naman pag-gising ko kanina dapat gigisingin din kita para yayain mag-almusal Nagugutom na kasi ako pero hindi ko mapigilan talaga na hindi ka halikan." Pag-amin naman ni Ton-ton. Tiningnan ko ito sa mata at binigyan siya ng isang ngiti na sinuklian din naman niya ng ngiti din. Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon parang dumoble ang kagwapuhan ng mokong. Napapailing na lang ako sa mga naisip at sabay pa na tumunog ang tiyan namin senyales na gutom na kami. Sabay kaming nagkatawanan sa pagkalam ng aming sikmura.

"Tara baba na tayo at makapag-breakfast.." sabi ko.

"Ayoko na.... busog na ako.." sabi naman niya habang nakangiti pa rin.

"Ha?... akala ko ba gutom ka na?" Taka ko namang tanong sa kaniya.

"Kasi naman... busog na ako sa kiss mo." Sabay kindat pa. Ang hinayupak bumabanat na. Hinampas ko ito ng unan para itago ang kilig na dulot sa akin ng sinabi niya. Agad namang bumangon si Ton-ton sa kama at tumakbo papuntang pintuan at bago pa lumabas ng kuwarto ay bumanat na naman ito.

"Ang cute mo talaga kapag naiinis." Sabi niya sabay baba sa hagdan at naririnig ko pa ang pagtawa nito. Naiwan akong tulala sa kuwarto at napaisip sa nangyari mula kagabi hanggang ngayong umaga. Napapabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko mapigilang hindi mag-assume na mahal din ako ni Ton-ton.

Sumunod na rin ako kay Ton-ton sa kusina at kasabay na rin namin nag almusal ang iba pa naming ka boardmate na sila Andrew at Jay-r. Ang pinsan naman ni Ton-ton na si King at partner nitong si Noel ay nasa trabaho pa graveyard kasi ang shift ng mga ito. Si Ton-ton na rin ang nagprisinta magluto ng breakfast sobrang ligalig nito pati sila Andrew at Jay-r napansin ang kakaibang kasiyahan nito.

Nakakapagtaka talaga mga kinikilos niya kasi naman after niya magluto sinabayan pa niya ako pumasok at ihahatid niya raw ako sa Pizza Resto. Ito pa ang matindi, noong nasa entrance na kami ng restaurant ay bigla niya ako hinalikan ng mabilis sa labi at hintayin ko raw siya mamayang uwian sabay daw ulit kami. Buti na lang sarado pa ang mall at resto kaya walang nakakita. Umalis na siya after niya ako ihatid pero ako nasa labas pa rin ng Pizza Resto hawak ang mga labi ko na parang timang. Ayoko maging asumero pero kung laging ganito ang kinikilos ni Ton-ton para sa akin parang ang sarap talagang isipin na parehas kami ng nararamdaman sa isa't-isa. Hayz ang sakit na ng ulo ko kakaisip bahala na nga si Batman.

Ilang sandali pa ay nakita ko ang mga kasama ko at sinabayan ko na rin sila pagpasok ng restaurant. Inabala ko ang sarili sa tabaho upang ma-divert ang mga gumugulo sa isipan ko at makabawi na rin sa paghahalfday ko sa work kahapon. Wala akong ginawa kundi mag-serve, magpunas ng lamesa at mag-mop ng floor.

Dumating ang lunch break at si Dimples ang kasabay kong kumakain sa crew room. Naging malapit na rin sa akin ang babaeng ito bukod sa mabait na eh kalog din ito yun nga lang maypagka-boyish siya. Siya ang naging kaibigan ko noong mga panahon na wala na si Ton-ton sa Pizza Resto at sa boarding house. Habang kumakain kami daldal ito ng daldal pero wala naman akong maintindihan kasi naman sumisingit lagi yung mukha ni Ton-ton at ang halik na pinagsaluhan namin kaninang umaga feeling ko asa alapaap pa rin ako hanggang ngayon.

"Hoy!.... okay ka lang ba diyan Jek-jek?" Bulyaw at hampas sa akin ni Dimples. Grabe para siyang maton sa kanto. Bumaling ako dito na nagtataka kasi ganun n lang siya makatawag.

"Ha?... oo okay lang ako." Sagot ko sa kaniya.

"Sure ka ba na magaling ka na?... kasi kanina ka pa tulala diyan at tahimik tapos may pahawak-hawak ka pa sa labi.. naka-drugs ka ba?" Sunod-sunod niyang sabi habang may laman ang bibig ng kanin. Nanlaki naman ang mata ko kasi hindi ko napansin na nagkabuhay pala ang mga kamay ko at napahawak sa labi ko. Hayz kasi naman si Ton-ton ginugulo niya ang buong sistema ko.

"Oo magaling na ako... may iniisip lang kasi ako." Sabi ko.

"Weh?... inlove ka noh?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Ganoon na ba ako ka-transparent para malaman niyang inlove ako? Hmm actually kanina ko pa gusto mag open-up sa kaniya kaya lang nahihiya ako.

"Oo..." pag-amin ko sa kaniya.

"Talaga?... eh ano naman ang iniisip mo?" Sabay subo at nguya sa kinakain niya. Hayz kung alam lang niya kung gaano ka kumplikado ang buhay pag-ibig ko. Pero dahil nandito na kami sa topic na ito kaya nag-share na rin ako.

"Ano kasi.... ahm na-experience mo na bang... makipag-ano... makipaghalikan?" Ang nahihiyang tanong ko sa kaniya.

"What?!!... don't tell me virgin ka pa at hindi ka maru...mmmppmm" tinakpan ko na ang bibig ni Dimples bago pa marinig ng madlang people ang sasabihin niya.

"Alam mo ang ingay mo." Inis kong sabi dito.

"Kasi naman Jek, seriously? 17 ka na pero never been kiss and never been touch pa rin ang peg mo?" Tumango na lang ako bilang pag-amin sa kaniya though ang first kiss ko nakuha na hehe. After ng pag-amin ko ay tinuloy ko na ang tanong na kanina pa gumugulo sa isipan ko.

"Yun na nga... tapos kapag naghahalikan ba... dapat bang... pinapasok yung dila?" Feeling ko nagkulay kamatis nanaman ang mukha ko sa mga oras na iyon.

Samantalang nagulantang naman ang lahat ng tao sa Pizza Resto sa wagas na pagtawa ni Dimples. Nakakahiya!

TON-TON'S POV...

On the way na ako sa Pizza Resto para sunduin si Jek-jek. Hanggang ngayon nakaplaster pa rin ang mga ngiti sa aking mga labi at maghapon akong hyper sa trabaho. Ewan ko ba matapos ko magbalik-tanaw kagabi ay isang desisyon ang aking naisip pag-gising ko kaninang umaga. Bahala na kung saan kami dadalhin ni Jek-jek sa pagmamahalan namin. Oo tama kayo ng nabasa mahal ko na nga siya kaya siguro ganoon na lang kung hanap-hanapin ng mga labi ko ang mga labi niya. Humahanap lang ako ng tiyempo para umamin sa kaniya siyempre dapat paghandaan ko ang espesyal na araw na magiging kami.

Nitong umaga halos matawa ako sa reaksyon niya noong halikan ko siya at bigla kong pinasok ang aking dila sa bibig niya, alam ko naman na hindi siya marunong humalik noong umpisa pa lang. Dahil mahal ko siya hindi ko siya pipilitin kung hindi pa siya handa sa mga ganoong bagay. Sabagay parehas kaming bago lang sa ganitong klase ng pag-ibig at tulad ko siguradong nangangapa pa siya sa kaniyang damdamin. Ang kumplikado noh?

Malapit na ako sa Pizza Resto at natatanaw ko na si Jek-jek na nakatayo sa tapat ng restaurant. Kahit malayo agaw atensyon ang kakyutan ng mahal ko pero siyempre hindi ako papatalo kaya noong napansin na niya ako na paparating na isang malawak na ngiti ang binigay ko sa kaniya panigurado may kiss nanaman ako mamaya ahaha biro lang.

"Sorry medyo na-late ako.." pagpapa-cute ko pa.

"Ayos lang.... kakalabas ko lang din sa restaurant." Walang ganang sagot nito. Mukhang napagod ang mahal ko ah.

Nagumpisa na kaming maglakad papunta sa sakayan ng jeep. "Mukhang napagod ka sa work ah smile naman diyan." Inakbayan ko si Jek-jek na ikinalingon naman nito. Hayz sobrang lapit na ng mga mukha namin at pinagpapawisan ako habang nakatitig sa mga mapupulang labi niya. Gusto ko na siyang halikan sa mga oras na iyon pero biglang umiwas ng tingin si Jek-jek.

"Hindi naman sa pagod... si Dimples kasi pinagtatawanan ako kanina sa duty." Nakasimangot na sagot nito. Bakit ganoon? Ang cute pa rin niya hahayz.

Hanggang sa sumakay kami ng jeep ay bugnutin pa rin ang mahal ko. Hinayaan ko muna ito at mamaya na lang ako mangungulit pagdating sa bording house. Ilang saglit pa ay bumaba na kami sa bayan ng Dasmarinas at namili muna kami ng lulutuin para sa hapunan. Balak ko kasi siyang ipagluto ulit hehe.

Habang naglalakad pauwi ng bahay nagtanong na ako kung ano bang bang nangyari at pinagtawanan siya ni Dimples. Nagkwento ito tungkol sa napag-usapan nila noong lunch break at talagang pati ako ay natawa sa naging tanong niya tungkol sa kiss.

"Aray!... bakit mo naman ako binatukan?." Sabay himas sa ulo ko. Masakit iyon ah. Bigla kong naalalala noong unang araw na nagsuntukan kami sa bording house may ibubuga ito pagdating sa bugbugan.

"Eh kasalanan mo ito eh may padiladila ka pa kasing nalalaman." At binatukan nanaman ako nito. Aba at nakakarami na ang loko. Kaya ang ginawa ko ay kiniliti ko ito at tumakbo naman si Jek-jek papasok ng bahay pero hinabol ko naman siya kaya pagdating sa pintuan ay niyakap ko ito at kiniliti na siya ng kiniliti gumanti rin naman siya kaya walang humpay na tawanan ang nangyari.

"Ton-ton tama na please... ahahaha" pagpigil ang pagtawa niya.

Habang naghaharutan kami ay biglang bumukas ang pinto ng bahay at na out balance kami ni Jek-jek. Niyakap ko siya at sinigurado ko na ako ang unang babagsak sa sahig. At iyon nga ang nangyari bumagsak kami at nasa ibabaw ko si Jek-jek feeling ko napilayan ako dahil doon.

"Aray!" Impit kong ungol.

"Ton-ton okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jek-jek sa akin. Nakatitig lang ako sa kaniya at hinayaan kong pagmasdan ang mukha niya.

"Ehem!" Sa narinig namin agad kaming napalingon sa gawi ng sala at noon lang namin napagtanto ni Jek-jek ang sitwasyon.
.
.
.
.
.

Sila King, Noel, Andrew at Jay-r nakatingin sa amin at parang nagtatanong ang mga itsura nila. Nakakahiya!

-itutuloy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top