Love at First Glance
Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ko aakalain na mahuhulog ako sa isang tao na ngayon ko pa lamang nakita. Alam kong hindi ko pa siya kilala nang husto para mahulog nang todo ang loob ko sa kanya.
Pero ano bang magagawa ko? Siya ang itinitibok nitong peste kong puso.
Narito ako ngayon sa isang café, ang lugar kung saan ko siya unang nakita.
Ang ordinaryong araw ko na iyon ay hindi ko inaasahang magiging magical, at memorable.
It happened a month ago... galing akong campus at napagpasyahan kong tumambay muna sa paborito kong café.
"Hi Jean, suking suki ka na dito sa café ha?" ani Faye, isang cashier dito sa café.
"Syempre naman, sino bang hindi magiging suki rito, e maaliwalas ang ambiance at masarap pa ang frappe."
"Hay, nako! Kung nandito lang si Manager baka bigyan ka pa no'n ng discount dahil sa sinabi mo," she said and slightly giggled. I grinned at her, sana nga ay narito si Manager Gabriel para may discount ako!
"Usual order mo ba?" she asked after a pause.
"Yes, please."
Matapos kong umorder ay naupo na ako sa usual seat ko, tabi ng glass window malapit sa entrance ng café. Gustong gusto ko talagang maupo rito dahil natatanaw ko ang mga estudyanteng pauwi na sa kanilang mga bahay, at mga sasakyan na mabagal na umaabante dahil sa traffic. Hindi ko tuloy maiwasang magmuni-muni. Nagmukha tuloy akong loner. Nagmukha akong nagsesenti.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang pagtunog ng door chimes. Bibihira lang ang may roong pumapasok dito sa Agape Café, dahil na rin sa mahal ang mga drinks at coffees nila.
Napadako ang tingin ko sa lalaking kakapasok lang. Nakasuot ito ng puting long sleeves, nakabukas ang dalawang butones at nakatupi ang sleeves hanggang siko, itim na slacks at nakabrush up na buhok. Isa lang ang masasabi ko...
Napakagwapo.
Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay tila huminto ang pagtakbo ng oras. Bumilis ang pagtibok ng aking puso, at namuo ang mga butil ng pawis sa aking noo. Naging black and white ang paligid at tanging siya lamang ang nakikita ng dalawang mata ko.
"Ice cream cone sugar cookie and green tea cremé frappuccino for Jean!"
Napahugot ako nang malalim na hininga nang marinig ko ang tawag ni Faye. Nakalimutan ko atang huminga ng magtama ang mga mata namin.
Nangangatog akong napatayo at naglakad papalapit sa counter kung nasaan din ang lalaking kararating lang.
"Miss, one cinnamon almond milk macchiato and a s'mores bar please."
Napasulyap akong muli sa kanya bago kunin ang aking inorder. Pati ang boses niya nakakatigil hininga.
Muli akong bumalik sa aking pwesto, nabigla ako ng maupo siya sa isang table na katabi lamang ng sa akin at nakaharap siya sa gawi ko. Mariin akong pumikit at bahagyang iniyuko ang aking ulo. Pakiramdam ko ay matutunaw ako nang husto sa paraan ng paninitig niya sa akin.
Sinimulan ko nang kainin ang aking in-order. Naaalibadbaran ako sa presensiya niya. Hindi ko tuloy magawang makakain nang maayos. Pakiramdam ko ay binabantayan niya ang bawat galaw ko.
"A! S'mores bar and cinnamon almondmilk macchiato for Lyndon!" Tumayo ang lalaki nang tinawag ni Faye ang kanyang order.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib ng makita ko kung paano ngitian at kausapin ng lalaking nagngangalang Lyndon si Faye na pasimpleng kinikilig.
Ano ba Jean? Kakakita mo lang sa lalaking iyan! At wala kang karapatang magselos!
Selos? Oo tama, inaamin kong nagseselos ako. Pero hindi dapat. Hindi nararapat.
Naupo siyang muli sa kaninang pwesto niya, nginitian niya ako na iniwasan ko lamang ng tingin.
Sobrang tahimik ng Café, tanging ang ingay lamang ng malaking bentilador na malayang nakasabit sa kisameng gawa sa kahoy ang lumilikha ng tunog.
Ngunit kaagad ding nabasag ang nakamamatay na katahimikan ng magpatugtog si Faye.
[Now Playing: Sa Isang Sulyap Mo]
I mentally laughed. Gusto ko sanang sabihan si Faye na ilipat ang kanta dahil napaka-corny nito at medyo laos na, kaya lang ay alam kong hindi papayag si Faye. Kung ano ang gusto niya yo'n ang masusunod. Naririnig ko pa itong nagha-hum at sinasabayan ang kanta.
Muli akong nagtapon ng tingin kay Lyndon and to my surprise ay nakatingin din pala sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at namula ang aking mga pisngi. Kaagad akong umiwas ng tingin.
E, ano naman kung nahuli ka niyang nakatingin sa kanya Jean? Eh siya rin naman nahuli mong nakatingin sa 'yo?
Napailing ako sa aking naisip. Seriously, Jean?
Muling nalipat ang atensyon ko sa kanya ng tumunog ang kanyang phone. Tiningnan niya ito at saka ako sinulyapan at nginitian bago ito tumayo at tuluyan nang lumabas ng Café.
Nalungkot ako sa agaran niyang pag-alis. Ni hindi niya pa nauubos ang inorder niya.
Mabilisan kong inubos ang frappe at cookie ko at saka nagmamadaling tumayo.
"Una na ako Faye!" paalam ko.
"Oh sige, ingat ka Jean ha!" tumango at ngumiti ako sa kanya bago lumabas sa Agape Café.
Nagpalinga linga ako, umaasang makikita ko ang bulto niya, ngunit kahit anino ay wala. Ang bilis niya namang maglaho.
"Okay ka lang ba, Jean?"
Napapitlag ako ng kausapin ako ni Samantha, ang aking nag-iisang best friend slash childhood friend. Naglalakad kami papuntang cafeteria dahil lunch break na namin ngayon.
"Huh? Oo naman."
Umuwi ako kahapon galing sa Agape Café ng sawi. Hindi ko na naman siya nakita.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, e."
"Talaga ba? Baka naman guni-guni mo lang 'yan. Wala naman akong iniisip, e," aniko at mahina siyang hinampas sa braso.
"Aray! Ang brutal mo talaga! By the way, alam mo na ba ang balita?" natuon ang atensyon ko sa sinabi niya. Si Sam ay isa sa mga dakilang tsismosa ng Department namin.
"Anong balita?"
"Ano ka ba! May bagong poging professor sa college of Engineering! Grabe ang suswerte siguro ng mga babaeng estudyante no'n!"
Hinampas ko siyang muli sa braso. "Ikaw talaga! Kahit professor pinapatos mo! Puro ka lalaki! Nagawa mo na ba 'yong mga plates mo?"
Inirapan lamang ako nito at hinampas pabalik. "Kung nakapagsalita ka naman d'yan! Bakit wala ka bang nagiging crush na pogi ha? At excuse me! Last week pa ako tapos sa plates, no!"
Napailing na lang ako sa sinabi niya at naghanap ng mauupuan sa caf. Si Sam ang inutusan kong mag-order ng kakainin namin. No'ng una ay nagmatigas pa ito ngunit sinabi ko na ako na lang ang magbabantay ng mauupuan namin at ililibre ko siya mamaya sa Agape Café.
Naupo ako sa pwesto na may mahabang mesa. Ang daming free seats dito. Mukhang napaaga ang pag-dismiss sa amin sa Theory of Architecture.
Kinuha ko ang phone ko at inaliw ang sarili sa paglalaro ng slither.io. Nakakapeste 'tong mga bulate na 'to! Ako ang nakapatay sa isa tapos aagawin ng iba!
Napansin ko ang pag-upo ng isang tao sa aking harap.
"Ang bilis mo naman Sam," ani ko at saka iniangat ang aking ulo.
Nanlaki ang aking mga mata at umawang ang aking bibig.
"Hi."
Napakurap pa ako ng ilang beses, totoo ba ito? Ang tagal ko siyang hinintay sa Agape Café! Umaasang muli siyang babalik doon.
"Omg, siya yung bagong professor diba?"
"Omo! Ang wafu niya!"
"Hala ka beh, 'di ba si Jean yun?"
"Oo nga, no? Bakit sila magkasama? Archi student si Jean diba?"
"Oo, pero bakit sa lahat-lahat, siya pa ang nilapitan?"
Napabaling ang atensyon ko sa mga estudyante mula sa College of Science. Hindi na ako nagulat na kilala nila ako.
"Oh Jean! Eto na! Ililibre mo ko ma—" parehas kaming napatingin ni Lyn— Sir Lyndon kay Samantha ng maibagsak nito ang tray na kanyang hawak.
Napangiwi ako sa aking nakita. Tsk. Lagot ito kay Aling Helen, nako!
Kaagad akong tumayo at dinampot ang mga bubog sa sahig. Habang si Samantha ay nanatiling nakatayo at hindi gumagalaw dahil sa gulat.
Nabigla ako ng magtama ang mga kamay namin ni Sir Lyndon. Para akong kinuryente sa paglapat ng balat niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa kanya at pamulahan ng mukha.
Nakatingin din ito sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Napakurap ako ng ilang beses. Kinagat ako sa aking pang-ibabang labi upang pigilang kumawala ng aking tili sa sobrang kilig.
"Ako na rito," aniya.
Humugot ako nang malalim na hininga. Bakit ba sa tuwing nagtatagpo ang paningin namin ay nakakalimutan kong huminga?
Hinayaan ko na lamang siya na siya ang magdampot ng mga bubog. Tumawag na rin ako ng maglilinis sa ginawa ni Sam.
Napahawi ako sa aking buhok nang muli akong sulyapan ni Sir Lyndon. Bakit ba parati niya akong sinusulyapan? May gusto ba siyang sabihin? Ano ba ang nais mong iparating, Lyndon?
Tumayo ito ng dumating ang maglilinis, pinusan niya ang kanyang kamay at ibinaling ang tingin sa akin.
"Nice to meet you, Jean."
Natigil ako sa aking paghinga. Naalala niya ang pangalan ko! Sa mga sandaling iyon ay gusto kong magpa-party sa sobrang saya at kilig!
Marahan kong yinugyog si Sam nang makalayo na si Lyndon, na nagpabalik sa kanyang ulirat.
"Shit, Sam! Naalala niya yung pangalan ko!"
Isang napakalakas na hampas ang natanggap ko mula sa kanya. "Etchosera ka! Siya 'yong bagong professor! Paano kayo nagkakilala?!"
Nginitian ko lamang ito nang may panunuya. Sulit na sulit ang paghihintay ko ng isang buwan para makita siya!
***
Lumipas ang araw at linggo at hindi na muli kaming nagkasalubong ni Sir Lyndon. At sa mga araw na iyon ay sobrang lungkot ko.
Palagi rin akong tumatambay sa Agape Café, nagbabakasakaling muli siyang bumalik dito. Maaga rin akong pumupunta sa cafeteria, umaasang makakasalubong kong muli siya. Hindi ko siya mahagilap sa buong campus. Para bang pinagtataguan talaga ako.
Naglalakad ako papunta sa Agape Café. Panibagong araw para umasa na makikita ko siya roon.
Habang papalapit ako sa Café ay tanaw ko na ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Nang makumpirma ko ay tila nagliwanag ang napakadilim kong buhay.
Napadako ang tingin niya sa akin kaya napahinto ako sa aking pwesto. Lumabas ito at naglakad papalapit sa akin. Mahigpit akong napahawak sa aking back pack. Shit! Kinikilig ako!
Stop it Jean! Alam mong hindi kayo pwede! Sigaw ng isang boses sa aking utak.
Alam ko. Hindi kami pwede.
Huminto ito sa aking tapat. "Hi, Jean."
Napakagat ako sa aking labi. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya sa mga oras na ito. Pero dapat ko na itong tigilan.
"H-hello."
Nabalot ng isang nakakabinging katahimikan ang buong kalsada. Umaasa akong may magpapatugtog muli para mabasag ang katahimikan na ito.
Tumikhim si Lyndon to break the awkward silence. Nais ko siyang tanungin kung bakit niya ako nilapitan ngayon, ngunit ayaw maki-operate ng bibig ko.
"Jean," aniya. "Alam kong kailan lang tayo nagkakilala pero..." he paused and I was stunned when he grabbed my hand and hugged me tight.
"Nahulog na agad ang loob ko sayo," he said in a low husky voice over my ear.
My eyes widened and I felt that my cheeks were burning red right now. I wanted to push him away. This is wrong. So wrong.
"P-pero, S-sir."
"Alam kong mali Jean, alam kong masyado pang maaga. Pero the moment that I laid my eyes on you that day, I knew that you're the one. You're the one that I want to spend my life with. Lumayo ako. Hindi ako nagpakita sayo. Pero ikaw parin ang hinahanap-hanap ng puso ko..."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya at napapikit ng mariin. Fuck! No! Hindi pwede.
"I love you Jean... please be with me," he whispered and hugged me tighter.
Nagsimula nang pumatak ang mga luha sa aking mata. Naiiyak ako sa sobrang saya at lungkot.
I found the love that I want. But our situation didn't let us to have that kind of love that will last for a lifetime.
I wanted to blame the fate. It's so cruel. It let us to fall in love in the wrong time and situation.
"P-pero Sir. Hindi talaga pwede. M-mali ito."
Niluwagan niya ang kanyang pagkakayakap sa akin at iniharap sa kanya.
"Sabihin mo sa akin Jean, kailan pa naging mali ang magmahal?"
Muling pumatak ang luha ko ngunit agad itong pinunasan ni Lyndon gamit ang kanyang hinlalaki.
"Ngayon Lyndon. Mali ito. Ano na lang ang sasabihin ng mga t—"
"Bullshit Jean! Mas iintindihin mo pa ba ang sasabihin ng iba kaysa sa isinisigaw ng puso mo?!" he said in frustration. Kita ko sa kanyang mga mata ang sakit at pagmamahal.
Dang it! I really fell in love so hard with this guy. Pero mali ito. Maling mali.
"Oo! Propesor ka at estudyante palang ako Lyndon! Anong sasabihin ng iba kapag nalaman nilang may karelasyon kang estudyante ha?!" singhal ko sa kanya. Hindi ko simasadyang pagtaasan siya ng boses. Nasasaktan ako, nadadala ng emosyon. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng aking luha.
"Ano Lyndon?! Ano?! Paano kung nalaman nilang ang karelasyon mo ay isang lalaki rin?! Sa tingin mo ba ay tatanggapin nila tayo?!"
Napabitaw sa akin si Lyndon at ginamit ko ang pagkakataon na iyon para tumakbo papalayo— umalis.
Mahal din naman kita Lyndon, sa unang beses na nagtagpo ang tingin natin. Pero masakit man ay dapat ko na agad itong itigil. Dahil hindi pwede.
Hindi kailan man magiging pwede.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top