CHAPTER TWO
KINABUKASAN ay maaga akong gumising nang sa ganon ay makapaghanda ako ng mas maaga. Una kong hinanda ang dadalhin kong gamit para sa pagpunta ko sa bahay nila ni Nelsy mamaya. Ipinagkasya ko na sa loob ang susuotin kong isang asul na flowy cocktail dress na paparisan ko ng isang beige flat sandals na may 1-2 inches.
Tiningnan ko ang oras at nakitang alas sinko emedya na ng umaga kaya napagdesisyonan ko nalang na maligo. At dahil kakanta ako mamaya, I exercise my voice and also practices how to calm down through breathing. Nagawa ko naman ng tama sa loob ng tatlumpong minuto habang naliligo.
It’s exactly 6 o’clock in the morning nang matapos ako.
Nagbihis lang ako ng isang mint green t-shirt paired by khaki trouser. Tsinelas nalang din ang sinuot ko upang hindi masyadong mabigat sa bag mamaya. Naglagay lang din ako ng baby powder sa mukha at kulay rosas na liptint. At syempre, kulang ang araw ko kapag walang perfume. So I get my Victoria’s secret perfume and sprayed it all over me.
I smiled in satisfaction as I scanned myself from head to toe.
Sukbit ang aking bag sa kaliwang balikat, I made my way down. Dumiretso ako sa sala at maingat na inilagay ang aking backpack. As I was about to sit, I heard an unfamiliar song being hummed by someone.
I smiled inwardly form in my lips when Nanay’s face flashes in my mind.
Wala akong nilikhang ingay habang papunta ako sa may kusina. The moment I’ve entered, I felt my heart throbs not because of pain but because of the scenery that I’ve witnessed.
Suot ang plain na pink duster at ang black apron, nakita ko si Nanay na sumasayaw habang naghahalo ng kung ano sa kawali. Minsan ay lalayo siya ng kaunti rito at itataas ang bitbit na sandok sabay giling ng kaniyang baywang.
Sumasabay sa pag-indayog ng kaniyang baywang ang mataas at bagsak niyang buhok. Patuloy lang siya sa pagha-hum habang nagluluto.
I remained in my ground as I let myself devour the scene.
Si Nanay Carmileta ay isang guro sa private school na Twinkle Toes Academy. Halos mag-iisang dekada na siyang nagtuturo sa TTA.
Noong una, nahirapan siyang mag-adjust, dahil hindi naman siya sanay sa private. Ewan ko nga ba kay Nanay kung bakit bigla-bigla siyang lumipat sa isang pribadong paaralan.
Looking back to the old days, I've always look up at her, amazed, lalong-lalo na ngayon. She never let me feel na nag-iisa ako. Ginampanan niya ang pagiging Nanay at kapatid alang-alang sa kapakanan ko.
Kumurba ang labi ko sa isang ngiti at pinukos ang tingin sa kaniya. Kung paano niya'ng hahawakan ang sandok at umaaktong nagtuturo. She's so amazing. Wala na akong hihilingin pang ibang ina kundi siya lang.
"Oh anak, kanina ka pa ba diyan?" Naputol ang pagnilay-nilay ko nang magsalita si Nanay. Nakaharap na siya sa akin ngayon, her arms at ang hawak niyang sandok ay nagka-cross sa dibdib niya. Natawa naman ako sa naging postura niya.
"Oo Nay, ang galing niyo po kasing sumayaw, sinulit ko na." Biro ko pa sa at lumapit na sa kaniya para magmano at humalik sa pisngi.
"Ikaw talaga, binola mo pa ako." Nahihiya niya pang sabi. "Sus, nahihiya pa, gustong-gusto naman." Birit ko ulit na sinuklian naman niya nang mahinang hampas sa may kanang balikat ko.
"Oo na, oo na. Panalo ka na. O s'ya, umupo ka naro'n at malapit na itong maluto." Utos niya pa at sinunod ko naman.
"Si Tatay pala, Nay, nasaan?" Maya-maya pa'y tanong ko.
"Maagang pumasok sa Resto, hindi na nakasabay at doon na raw mag-umagahan." Sagot niya habang nakatalikod. Tumatango-tango nalang ako kahit hindi naman kita ni Nanay.
Hindi rin naman nagtagal ay natapos narin ang niluto ni Nanay. Tinulungan ko siyang maghain at ng matapos ay pinaupo na niya ako dahil maghahanda pa raw siya juice.
"S'ya nga pala, Amber, bakit ang aga mo ngayon? Akala ko ba sa tanghali pa ang start sa final performance niyo sa Mapeh?" Biglang tanong ni Nanay habang nagtitimpla ng juice.
Sasagutin ko na sana siya nang biglang may nag-doorbell. Napatingin kami sa isa't-isa na may pagtataka sa mukha.
"May bisita ka ba'ng inaasahan ngayon, Nay?"
"May bisita ka ba'ng inaasahan ngayon, anak?"
Magkasabay pa namin'g tanong sa isa't-isa at napailing narin sa huli. Parehos pa kaming natawa.
"Sige na, pagbuksan mo na't tatapusin ko na 'to." Aniya pa.
Wala akong nagawa kundi tumayo't maglakad patungong sala hanggang sa makaabot sa pintuan.
Sino naman kaya 'tong isang 'to? Paano kaya ako makapunta ng maaga kila Nelsy ngayo, eh ang daming istorbo. To think na nasa bahay palang ako ah!
Napaigtad ako ng biglang tumunog ulit ang doorbell. "Amber, pagbuksan mo na." Rinig ko pang sigaw ni Nanay sa may kusina.
"Kainis, hindi man lang nakapaghintay." Sabi ko pa and stomped my foot on the floor, already irritated.
Hinawakan ko ang doorknob at sinubukang burahin ang nakakunot kong noo. I hurriedly plastered a smile as I opened the door.
"Sino po sil—" Hindi ko na natapos pa ang aking tanong nang biglang bumulaga sa akin ang taong laman ng isip ko kagabi.
Standing at the doorstep is no other than Isaac Rey Gonzalez. He's wearing a baby blue polo shirt which emphasizes his well-toned muscles. He paired it with a khaki jeans and a white sneakers, na mas lalong nagpatangkad sa kaniya. Looking at him right now is like gawking a model in a fashion magazine.
The moment his presence dominated my mind, I knew that I'm not irritated anymore.
I heard him cleared his throat at saka lang bumalik ang tingin ko sa kaniyang mukha. Nalaman kong may ikamamangha pa pala ako.
Dancing in the rhythm of the wind is his messy hair. His skin glimmers in the touch of the sun rays making him look so beautiful at the moment. Sumabay sa malamyos na hangin sa umaga ang lalim ng kaniyang mga mata and his well-proportioned nose goes along with his thick kissable lips.
Mahina akong napasinghap dulot sa magandang tanawin sa harapan ko ngayon. Minsanan lang ito kaya susulitin ko na.
I saw how his lips stretches and form a smile that showed his white and perfect teeth. Naramdaman kong biglang kumabog ng malakas ang puso ko.
"Good morning. Is Tita Carmileta's home?" Tanong niya sa malalim na boses, at pilit tumingin sa loob.
"Ang gwapo mo." Wala sa sarili kong anas na parang tanga paring nakatitig sa kaniya.
Narinig ko siya'ng mahina na tumawa. Pati tawa ang gwapo narin.
"Alam ko, salamat." Sagot niya pa at kinagat ang pang-ibabang labi. Nagpipigil siya ng ngiti na para bang nasisiyahan siya sa sinabi ko.
Teka, ano ba'ng sinabi ko?
Napasinghap ulit ako at biglang nanlaki ang aking mga mata nang mabilisang nagreplay ang tatlong salitang binitawan ko kani-kanina lang.
Ang gwapo mo! Amber, bakit 'yon pa, ha?!
Wala sa sarili akong napapikit at tahimik na kinastigo ang sarili.
I heard him chuckle again at naramdaman ko nalang na nag-iinit ang magkabila kong pisngi. Alam kong hindi ito sa kilig, sa sobrang kahihiyan ito.
I cleared my throat at tumayo ng maayos. "Yes po? Ano'ng maitutulong ko po sa inyo?" Tanong ko pa at patagong kinurot ang sarili.
Talaga Amber, po?
"Amber, sino ba 'yan? Bakit hindi mo pinapapasok?" Sumabat na si Nanay bago pa man masagot ni Isaac ang tanong ko.
Tuluyan ng sumilip sa pintuan si Nanay at nakita ko pang nagliwanag ang mukha niya ng makita si Isaac.
"Oh hijo, ikaw pala. Halika, pasok ka muna." Anyaya ni Nanay sa kaniya sa loob. He look a bit hesitant at first pero sumunod din naman.
Habang ako naman ay naiwang nakatayo lang doon, pilit pinapakalma ang naramdaman. Natatanga ulit kung ano ang gagawin.
I mean did he really come to our house? 'Yung crush kong may jowa pumunta sa bahay namin? Ano naman kaya ang kailangan niya? Hindi naman siya siguro pumunta dito para bisitahin ako, haler? Syempre hindi, may nobya 'yon.
Napailing-iling nalang ako sa aking naisip.
Nang medyo kumalma na ang kaluluwa ko ay dahan-dahan akong lumakad papuntang sala. When my phone suddenly ring. Dali-dali ko itong tiningnan at alarm lang pala.
Ngunit ng mapagtanto kong alas siete na pala ay mabilis pa sa alas kwatro ang pagkuha ko sa aking bag. Magpapaalam na sana ako kay Nanay ng mamataan ko silang dalawa na magkaharap na nakaupo sa sofa. I stopped midway and look at them as I've read their faces.
Bakit hindi ko man lang sila napansin kanina?
They look puzzled. Lalo na si Nanay na halos magkadikit na ang magkabilang kilay. "Ahm..." I trailed off when both of them look anticipated of what I'm about to say. "Uuna na po ako, Nay. Late na po ako sa practice, bye po." Mabilis na sabi ko na sinabayan ng isang kaway. Dinaanan ko ng tingin si Isaac na prenting nakaupo lang sa pangdalawahang sofa at diretso ang tingin sa akin.
Halos liparin at nagdiri-diretso na ako sa paglakad palabas. Narinig ko pang tumawag sa akin si Nanay ngunit hindi ko na pinansin pa. Kailangan ko ng makaalis dahil hindi ko napaghandaan ang biglaang pagsulpot niya.
Nang isang hakbang nalang ang layo ko mula sa gate ay kusa akong napahinto. Hindi pala ako nagpaalam sa kaniya. Nagmumukha pa akong bastos, eh napahiya na nga ako kanina.
Eh, ano naman kung hindi ako nagpaalam, as if nama'ng may magbabago.
That's right, Amber. Saktan mo ang iyong sarili sa katotohanan kaysa paniniwalain mo sa kasinungalingan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top