CHAPTER THREE

"OH? Ano'ng hitsura 'yan?" Bungad kaagad sa akin ni Nelsy nang pagbuksan niya ako ng pinto. "Hinahabol ka ba ng aso? Bakit ka namumula? Maaga pa naman ah!" Paniniyasat pa nito.

I just rolled my eyes at him and ignored all his questions. "Good morning din sayo, bakla! Papasok na ako, okay? Salamat ah!" Halos pasigaw ko ng sagot sa kaniya at dire-diretsong pumasok hanggang sa mailapag ko na ang mga dala ko'ng gamit.

Pabagsak akong umupo sa pang-isahang sofa at huminga ng malalim. Muntikan na tayo doon, Amber. Isang pagpapahalata pa at makakatunog na 'yon.

"Aba! Bad mood ata ang bruha ngayon, ah." Rinig kong sabi ni Nelsy at tumayo pa sa aking harapan habang magka-cross ang dalawang kamay sa kaniyang dibdib. Tumikwas ang isa niyang kilay pataas at tinaas-baba pa ito habang nakatingin sa akin, 'yong tipong binabasa ako.

I scoffed at him, hindi makapaniwala.

"Don't give me that look, Nelsy. Andito ako ngayon para makapag-practice, hindi para makipagtsismisan sa'yo." Pabalang ko'ng sabi sa kaniya.

But Nelsy being Nelsy, of course, baliwalain niya talaga ang sinabi ko.

Umupo ito sa tabi ko at maarteng pinasadahan ng tingin ang kaniyang wrist watch. "Girl, we've got plenty of times." Sabi pa niya.

Wala akong nagawa kundi ihayag sa kaniya ang lahat. Simula sa pinagbuksan ko ng pinto si Isaac hanggang sa biglaan kong pagwalk-out. At ang magaling na si Nelsy, tawa lang ng tawa sa buong oras na nagsasalaysay ako.

"Sabi ko nga, 'wag na lang." I said at tumayo mula sa pagkakaupo. Tawanan ba naman ako. Ako na nga itong hiyang-hiya sa nasabi ko kay Isaac, ako pa ang tinawanan. Ang galing talaga nitong maging kaibigan.

Lalakad na sana ako ng bigla niya'ng hinarangan ang daraanan ko. "Girl, ano ka ba! 'Wag ka ngang magtampo, masama na ba ngayon ang maging masaya, ha?" Maagap na pag-aalo niya sa akin. Nagrarason pa talaga.

I rolled my eyes at him again.

Pinipigilan niya parin ang kaniyang tawa at sa tuwing titingin ako sa kaniya ay muli na namang hahalakhak. "Ewan ko sa'yo Nelsy!" Tumayo akong muli at nagpunta na sa kanilang kusina.

It's already 10:45 AM nang matapos kaming magrehearse. Napagdesisyonan naming pumunta nalang sa school habang maaga pa at doon nalang magbibihis. Hinatid kami sa kanilang family driver and it didn't took us 10 minutes at nandoon na kami sa school.

"Guys, may pagbabago sa venue. Doon tayo sa may MVP center sa itaas do'n." Bungad agad sa amin ni Eraya. "Pangatlong section tayo na peperform ngayon, okay? Aagahan natin doon para hindi tayo mauubusan ng chairs." Dagdag pang sabi niya.

I looked at Nelsy only to see him eating already. I silently scoffed, not believe what I see. "Gutom ka na agad?" Gulat kong tanong sa kaniya. "Hindi ah." Bulol-bulol na aniya habang ngumunguya ng pagkain.

"Ayaw ko lang sumayaw na busog, no. Kaya Ikaw, kumain ka na rin diyan." Dagdag niya pang sabi at inilahad ang kamay niya sa harapan ko. Maya-maya lang, ay dumating si Laira kaya wala na akong nagawa pa kundi umupo't kumain nalang rin.

Matapos kumain ay kaniya-kaniyang bihis narin kami. Halos lahat ay hindi na mapakali. Kahit naman ako ay kinakabahan narin. "Amber, halika na. Mimake-up pan na kita, bilis!" Rinig kong biglang hiyaw ni Nelsy.

I wear the costume na dinala ko kanina. The color of the cocktail dress suited the shade of my skin. My chest was a little bit exposed so as my knee. Nilagyan ni Nelsy ang ulo ko ng flower crown at hinayaang bumuhaghag ang mahaba kong kulot na buhok, making me look like a fairy.

I was in awe when I get to see my look. This is so unusual of me. To wear make up and get dressed. Iba talaga ang magagawa basta para sa grades. Nagpaikot-ikot pa ako nang kaunti sa harap ng salamin. Hanggang tumabi sa akin si Laira.

"Ang ganda mo talaga, Amber." Ani niya habang tiningnan niya ang repleksiyon namin sa salamin.  I smiled sincerely at her.

Tiningnan ko ang hitsura niya at tunay nga'ng mas namangha pa ako. Her hair was in a tight bun pero may ilang hibla na hinayaan lang sa may gilid.

She's wearing an off-shoulder dress that perfectly hugged her small body. "No wonder na magka-crush talaga sa 'yo si Zayn." Bigla niya'ng sabi ngunit hindi ko naman masyadong narinig.

"Ha? Ano iyon?" I asked her hoping she'll repeat what she said. Pero umiling lang siya at ngumiti sa akin. "Wala 'yon. Halika na." Sabi niya pa at kinawit ang braso niya sa akin.

Sabay-sabay na kaming pumunta sa MVP center. Dumiretso kami sa backstage since may ginawa silang mini pulpit doon. Sa likod nalang namin hihintayin ang turn namin to perform. Di bale ng hindi namin makita ang performance sa ibang section, ang importanti makapagperform kami sa araw na ito.

The program formally start at exactly 1 o'clock in the afternoon. Kasalukuyang nagpeperform ang section Copper. Susunod naman ang section Pearl, followed by our section at ang panghuli ay ang section Diamond.

Nang huling performer na ang tinawag sa section Pearl, suminyas na sa amin si Eraya. Since the classroom president in every section will stand as an emcee, she has the flow of it. Sinabi na niya sa amin kung pang-ilan kami at nakahinga naman ako ng maluwag nang malaman kong susunod ako sa grupo nila Nelsy.

Huminga ako ng malalim ng grupo na nila Nelsy ang nagperform. Hindi na ako nanunuod since they will give their best naman.

Nang patapos na ang kanta at nang marinig ko na ang palakpakanay naghanda na ako. I breathe in and out to stable my heartbeat. Pinunasan ko rin ang noo ko kahit wala naman akong pawis. Knowing na may mga Mapeh instructors and professors at ilang nanunuod, hindi ko maiwasang maging anxious.

"And now, let's have fairy Alecxien Amber Garcia, for her singing performance." Pag-a-announce pa ni Eraya. That's my cue to go out and proceed to the stage.

"Everyone, how about giving her a round of applause!" Sabi niya tsaka ko narinig ang palakpakan ng mga nanunuod.

I scanned the crowd while hearing the loud beat of my heart. I saw my classmates in the crowd, sitting with others, and waving their hands at me to recognize them.

I smiled when I don't see him. Much better.

When the interlude starts, I close my eyes dearly and hold the mic tightly in my hand, feeling a bit tensed.

"Tulala lang sa 'king kwarto. At nagmumuni-muni... Ang tanong sa 'king sarili...Sa'n ako nagkamali..." I sang the first four lines of the song and I've heard the crowd dreamingly sighed.

Binuka ko ang aking mga mata at kusa kong nakita si kuya Isaac na nakatingin rin sa akin. I was shocked ngunit nakabawi rin kaagad at nagpatuloy. Nasa ikalimang hilera siya ng upuan umupo.

I looked at him with so much love and longing in my eyes. Gusto kong iparating sa kaniya sa pamamagitan ng awit na ito kung gaano ko siya kagusto.

"Bakit sa iyo pa nagkagusto..." Bakit ikaw pa na may mahal ng iba? "Parang bula ika'y naglaho." Ang hiling ko rin sana'y maglaho itong naramdaman ko sa'yo katulad ng isang bula. Dahil mas tinutupok ang kasiyahan ng lungkot at pagseselos. Nagsisi tuloy akong nakilala pa kita.

I sang those words habang diretso paring nakatingin sa kaniya.

I feel like asking myself the same thing habang kinanta ang kantang ito. Hanggang sa kusang bumalik sa akin ang unang beses na nakilala ko siya sa birthday celebration ni ate Allyra. Sa mga panahong tinitigan ko siya sa malayo at pinangarap na sana magkapalit kami ng pwesto ni ate Allyra.

Then slowly, naglakad ako pakanan and then closed my eyes again. I put my free hand on my chest. I opened my eyes again and look at the crowd when I hit the chorus. "Porque contigo yo ya iskuji...Aura mi corazon ta supri...Bien simple lang iyo ta pidi...Era cinti tu el cosa yo ya cinti."

"Ta pidi milagro vira’l tiempo. El mali hace derecho. Na dimio reso ta pidi yo. Era olvidas yo contigo..." I continued singing when I heard Nelsy and my other classmates' voice na sumasabay sa pagkanta ko.

When I sang the bridge of the song, my eyes accidentally landed again on Isaac. Umusbong ang kasiyahan ng puso ko ng makita ko siya'ng tutok na tutok ang mga mata sa akin.

Pero unti-unti itong nawala ng makita ko si ate Allyra na katabi niya. Nakaakbay ang isang kamay ni kuya Isaac sa sandalan ng upuan ni ate Allyra at ang ulo nito'y nakasandal kay Isaac.

Kusang humigpit ang hawak ko sa mic habang naramdaman ko ang sakit sa aking dibdib. I felt like I've been tortured and felt like a dagger being pushed down on my heart making it bleed.

I looked away nang naramdaman kong nag-iinit ang magkabilang sulok ng aking mga mata at nagsimulang gumaralgal ang aking boses. I focused my eyes on the floor instead. Inulit ko ang chorus and as I end it, I close my eyes.

Ngunit nakatakas ang isang butil ng luha at malayang dumaloy pababa sa aking pisngi. Tinapos ko ang kanta at nagbow sa audience.

"Grabi, dalang-dala ako sa pagkanta niya. Kayo rin ba, guys?" Rinig kong sabi ni Eraya sa audience at sumagot naman ang mga ito. "Thank you once again, our dear fairy, Amber." Dagdag pang sabi niya.

Pagkababa na pagkababa ko ng pulpit ay dumiretso kaagad ako sa backstage at mabilis na kinuha ang aking gamit. Napagdesisyonan kong umuwi nalang sa bahay kahit alas tres palang ng hapon. Halos tumakbo na ako sa sobrang pagmamadali.

Habang nakasakay sa jeep, biglang tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko ito at nakita ang text ni Nelsy.

From: Beshie Nelsy
Ano'ng nakain mo at nang-iiwan ka'ng bruha ka!!

I silently laughed. Itong baklang 'to talaga, parang CCTV camera. Magtitipa na sana ako ng reply sa mensahe ni Nelsy nang biglang tumunog ulit ang cellphone ko. Ito naman ay galing kay Nanay.

From: Nanay Carmelita
Anak, imbitado tayo ng Tatay mo sa birthday celebration ng Lolo ni Isaac. Sa Sabado gaganapin. Sasama ka ah.

Natigilan ako at saglit na natulala habang nakatingin sa text mula kay Nanay. Gusto ko'ng pumunta pero naalala ko ang nakita ko kanina sa loob ng MVP center.

Kung paano'ng nakaakbay si Isaac sa upuan at ang paraan ng paghilig ni ate Allyra sa dibdib nito. Sobrang sweet nila.

Natawa nalang ako nang maramdaman ko ang likidong umaagos na naman mula sa aking mata.

Mukhang itutuloy ko pa ito sa bahay.

****
Song title: Porque by MALDITA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top