CHAPTER FOUR
"SIGURADO KA ba anak na hindi ka sasama sa 'min mamaya?" Tanong ni Nanay sa akin. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung pang-ilang tanong na niya ito sa akin kahit paulit-ulit lang naman ang sagot ko.
Sabado ngayon at sa kwarto lang ako tumambay hanggang magtanghali. I was scribbling on my phone while Nanay prepares our lunch. Inilagay ko na muna ang phone ko sa mesa at sumandal sa upuan at tiningnan siya.
"Nanay kong maganda, pang-ilang tanong mo na ba 'yan?" Tanong ko sa kaniya pabalik habang nakataas ang isang kilay. Napaupo siya bigla at tinapatan ang aking tingin. Hawak-hawak niya ang isang sandok na kulay dilaw at itinuro iyon sa 'kin.
"Let me guess..." She trailed off and look in the ceiling as if she's thinking deep. Pagkatapos ay nagkibit-balikat siya at tuminging muli sa 'kin. "Hindi ko na mabilang eh. Well, I'm just hoping here, young lady..." sabi niya habang mataman na nakatingin sa akin.
"That maybe I can change your mind, and how about you considering the idea? How's that sound?" Aniya pa. Lumambot ang ekspresyon ko. Baka nga kailangan kong i-konsider 'yon.
Kapag nagkataon ay magiging family bonding pa namin 'yon mamaya. Huminga ako ng malalim as I am deliberating inside. Pero ang puso ko naman ang masasaktan kapag pupunta ako.
Huminga ako nang malalim nang may naramdaman akong bikig sa aking lalamunan. "I'm sorry, Nay. Pero buo na po ang desisyon ko, hindi po ako sasama. Pasensya na po." Pinal kong sagot sa kaniya.
I heard her sigh and looked at me with a surrendering look. "Okay, sige. Hindi na kita pipilitin. Magpahinga ka rito o kung may gusto kang gawin o puntahan, gawin mo lang, okay?" She said dismissing the topic.
My heart warmed of what she said. Sobrang maintindihin talaga ni Nanay. I looked at her and smile as I nod my head. "Salamat sa pag-intindi, Nay." I emotionally said.
"I've got you." She replied.
Mayamaya ay dumating si Tatay. Nagbihis lang ito sandali at sabay na kaming kumain ng pananghalian. Pagkatapos ay umalis narin sila.
The moment they left, ay sobrang tahimik ng bahay. Nanuod lang ako ng movie habang wala sila. Nang matapos ay naglinis ako ng room at nilabhan ko narin ang aking school uniform.
Pagkatapos ay lumabas ako sandali at bumili ng makain.
It's already 5:30 in the afternoon nang magdesisyon akong mag-online. Pagkabukas ko pa lang ng messenger ay nagsulputan na ang mga messages galing sa GC namin at kay Nelsy.
Nelsy:
Ano'ng plano mo ngayong sem break?
Amber:
Wala. Tambay lang ako sa bahay.
•|Sapphire Babies|•
Pres:
Job well done, guys! Sobrang proud ako sa inyo!
❤️34
Erik:
Yay! At dahil diyan, tatanungin kung ano ang pangalan noong hottie kahapon, hshshs
😆33 🥹1
Jairah: Sino? 'Yong may jowa ba?
🤭30 😆2
Samarah: @Erik awweee PAIINN!!
😆🤣34
Sino naman kaya 'tong tinutukoy nila?Napailing-iling na lamang ako sa mga naging turan nila.
"ANO'NG ORAS kayo umuwi kagabi, Nay?" Tanong ko kay Nanay habang nagsasalin ng tubig sa baso.
Tinapos muna ni Nanay ang nginunguya niyang pagkain bago tumingin sa 'kin. "I think 10 o'clock na 'yon," sagot niya.
Napatango-tango ako. Siguradong humihilik na ako sa mga oras na 'yan.
"Ayy, maiba tayo..." Bigla niyang sabi nang may maalala. "Matagal na palang magjowa sina Isaac at Allyra, ano? Bakit hindi mo sinabi? Kagabi ko pa tuloy nalaman," aniya sa nagtatampo na boses.
Kusa akong napahinto nang marinig ko ang pangalan ng dalawa. Humigpit ang hawak ko sa baso nang maramdaman ko ang hapdi sa aking puso. Kahapon ko pa iniiwasang marinig ang mga pangalan na 'yan pero kahit naman anong iwas ko maririnig at maririnig ko parin.
Tahimik akong nagpakawala ng buntong-hininga. I cleared my throat at dahan-dahang tumingin sa kaniya. "Ahh... Ano kasi Nay..." I trailed off having a difficulty to continue my words. "Hindi ko po nabanggit kasi, hindi niyo naman po natanong, eh." I answered at nag-iwas ng tingin.
"Oo nga no? Pero alam mo, masyado pa silang bata para pumasok sa isang relasyon." Sabi niya pa maya-maya.
"Does it matter po ba, Nay? Akala ko po ba when it comes to love, age doesn't matter, po." Sabi ko. Sandali siyang natahimik at nagpatuloy sa pagkain.
"Age doesn't matter nga, pero sa edad ninyo, masyado pang maaga sa pagmamahal. Maaaring may kalituhan pa sa totoong kahulugan ng pagmamahal."
Magtatanong pa sana ako nang biglang bumaba si Tatay na bihis na bihis. Maaliwalas ang kaniyang ngiti na bumaling sa amin. "Tapos na ba ang mag-ina ko?" He asked.
"Kumain? Hindi pa. Makipagtsismisan? Hindi rin," sagot ni Nanay kay Tatay. Napailing-iling na lamang si Tatay sa naging sagot ni Nanay.
"Magandang umaga sa 'yo, Tay." Sabi ko nang makalapit sa kaniya at nagmano.
Nasanayan na namin ang mag-bonding kada Linggo. Sakto kasi dahil day off rin ni Tatay at kahit busy naman si Nanay ay talagang binakante niya ang araw na ito para sa 'min.
Matapos naming maghanda ay pumunta na kami sa simbahan. Mabilis na natapos ang mesa at pagkatapos ay nanonood kami ng sine. Saktong-sakto naman na natapos ang movie ay nagugutom narin kami.
Dumiritso kami sa Hap Chan restaurant na matatagpuan rin sa E. Rodriguez.
Dito nagtatrabaho si Tatay Obed bilang isang food delivery. Every weekdays siyang nagtatrabaho at sa weekend ang day off niya. Hindi lang siya isang food delivery, dahil minsan ay tumutulong siya as a waiter at may mga panahon rin na tumutulong siya sa pagluluto.
Halos maglabin-dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa Hap Chan, at habang tumatagal ay naging matunog na ang kaniyang pangalan sa mga regular na customers dito.
Si Tatay ang bunso sa tatlong magkakapatid. Hindi ko alam kung nasaan ang dalawang matatandang kapatid niya dahil nung huling tanong ko rito ay hindi na raw siya kinakausap ng mga ito. Ramdam ko ring masyado siyang ilag sa usapan kaya hindi ko na inulit pa.
Hindi ko na nga rin inalam kung lalaki ba silang tatlo o may kapatid siyang babae.
"Fried buttered chicken po ba, boss?" Bungad na tanong ng waiter sa amin. Sigurado akong kilala niya si Tatay.
"Anong boss ka diyan? Baka may makarinig sa 'yo." Reklamo naman ni Tatay.
Lumipat ang tingin sa akin ng waiter at parang umaliwalas bigla ang mukha nito.
"Ito na ba ang nag-iisa mong anak, boss?" Tanong niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango at simpleng kinawayan ito.
Isang ngiti lang ang naging sagot ni Tatay sa kaniya.
Napakamot naman ito sa batok at bumaling kay Tatay. "Ang hina mo pala boss, eh." Aniya at mahina pang sinapak si Tatay sa balikat, na animo'y malapit na kaibigan ito kay Tatay.
Kumunot ang noo ni Tatay na tumingin sa kaniya. "Bakit naman? Ano'ng problema mo?" Nagtatakang tanong ni Tatay rito.
"Eh kasi, ang hina mo dahil hindi mo kamukha ang iyong anak. Walang bakas na boss Obed, oh...Sigurado ka bang ikaw ang ama nito?" Tanong niya pa na tinuro ako. Natahimik naman si Tatay, pati si Nanay na nagseselpon ay biglang uminom ng tubig. Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya.
Ano'ng gusto niyang ipalabas? Na hindi si Tatay Obed ang ama ko dahil lang hindi kami magkamukha? I silently scoffed.
That's ridiculous!
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo, ngunit walang nagsalita. Hanggang tumayo si Tatay at walang pasabing kinaladkad ang waiter palayo sa amin.
"Nay, bakit parang ang weird naman ng tanong niya kay Tatay?" Tanong ko kay Nanay ngunit nanatili siyang tahimik. Napailing-iling na lamang ako at nagkibit-balikat.
HANGGANG sa makauwi kami sa bahay ay nanatili pa rin sa isipan ko ang tanong ng waiter kanina. Aaminin kong totoo ang sinabi niya. Na hindi kami magkamukha ni Tatay. Sa buhok, sa mata at maging sa kulay ng balat, hindi kami mapagkamalang mag-ama.
I heave a sigh nang mapagod ako sa kakaisip. Kinuha ko ang aking cellphone at naglog-in sa Facebook.
My eyes instantly grew big nang pagbukas ko ay ang pictures nila kuya Isaac kagabi ang bumungad sa akin. Mabilis ko itong tiningnan.
Inisa-isa ko ito hanggang sa kusang tumigil ang mga kamay ko nang makita ang solo picture ni Isaac.
Ang gwapo niya talaga. Ano kaya ang pakiramdam kapag isang Isaac Rey Gonzales ang maging nobyo?
I smile as I imagined myself and him in one picture. Bagay na bagay kami panigurado. Nang tiningnan ko na ang kasunod na picture ay halos maibato ko ang cellphone.
It's Ate Allyra and kuya Isaac in one frame. Kusang naglaho ang mga ngiti ko habang unti-unting nilamon ng lungkot ang aking puso.
Palagi nalang ganito. Aasa tapos mabibigo. I've been running in the circle for a while now but I can't find a reason to stop.
I was about to slide my finger in the screen to look at the next picture nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwal nito si ate Allyra na mukhang tuwang-tuwa.
"Ate!" Bulalas ko at nabitawan ang aking cellphone. Mabilis naman ko itong kinuha at in-off bago pa niya makita ang mukha nilang dalawa sa screen ng phone ko.
"Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka? Nakakagulat ka ah!" Sabi ko sa kaniya.
Ngunit parang hindi naman niya narinig ang sinabi ko. She slowly swayed her hips and hum while a big smile is on her face.
"Ang saya mo ngayon ah. Nanalo ka ba sa lotto?" Biro kong tanong sa kaniya.
Lumapit siya bigla sa akin at halos maduling pa ako sa sobrang lapit niya. "Sobra pa sa nanalo sa lotto, pinsan," sagot niya at bigla na lamang nagpagulong-gulong sa aking kama.
"Ayy, iba ka talaga. Bakit, ano ba 'yon? Share mo naman oh," nako-curios kong tanong sa kaniya.
Bigla naman siyang tumihaya at mahigpit na ipinikit ang kaniyang mga mata. "We kissed last night. His lips...grabi ang soft," aniya pa.
Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa aking narinig at halos magpanting ang tenga ko. I immediately regretted why I still asked.
Binukas-sara ko ang aking bibig ngunit hindi ko alam kung ano ang tamang salita na isasagot ko sa kaniya. Naramdaman kong may luhang unti-unting namumuo sa aking mata kaya mabilis ko na iniwas ang aking tingin.
Ni hindi pa nga ako nakamove on sa nangyari noong Friday, heto na naman?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top