Chapter 18: Endorsed
When the semester break came, I chose to stay somewhere other than Manila.
If Amazon rainforest is the wildest jungle on Earth. Manila is the wildest jungle made for urban setup. Fuck this hellhole on Earth. Who even wanted to stay in this shit?
Going away other than the city is a nice idea. But what I did was far from that notion. I couldn't call that a vacation because I still need to finish some of my supposed-to-be errands for Dad. I needed money, and working wasn't on my option, but I had no fucking choice.
Pumunta ako sa iba't ibang island para sumama sa meeting ni Daddy. Thankful na lang siguro ako na busy ang mga business friend niya sa kani-kanilang buhay at hindi pa nakakarating sa kanila ang nangyari sa 'kin.
After all, "secretary" lang ako ni Daddy, and who gives a fuck about secretaries? Mapapansin lang ako kapag may gustong ipakuha o ipautos. But Dad was vigilant, uutusan muna niya ako bago pa ako mautusan ng ibang kasosyo niya sa negosyo. Still, nauutusan pa rin. Nag-island hopping kami ni Daddy na ang dala ko, puro folders at laptop bag.
Vacation? Fuck off.
I went back to Manila for the enrollment only to find out na hindi ako puwede sa face-to-face classes sa morning schedule.
Online class pa rin kung gusto kong magpang-umaga. Damn it.
I should be thankful kasi ibig sabihin n'on, puwede akong hindi pumasok sa campus nang hindi ako nata-tag as cutting class. Online class nga ako sa mga minor subject pero pagdating sa mga practical and laboratory namin, saka ko lang isinumpa ang ginawang pambu-bully sa 'kin last sem.
Aside sa PE 4 and Euthenics, wala na kaming ibang same subjects ni Meerah. Naubusan pa siya ng slot sa morning class kaya napunta pa siya sa night class. Sa night class lang din ako nakakuha ng schedule na face-to-face.
Ayoko namang utusan siyang samahan ako sa school early in the morning para sa recommendation ko.
May eight courses ako ngayong second sem. Lima doon, online class. Dalawa doon, online class talaga gaya ng ibang ka-batch ko, lalo sa SciTech at WebTech. Tuesday ang Euthenics at PE namin na makakasama ko si Meerah. Safest schedule for me kasi hindi naman ako kilala ng mga nasa night class. 'Yon lang, 6 PM to 10 PM ang schedule.
Who the hell studied at ten in the fucking evening anyway?
Binigyan kami ng site assignments para sa retail promo and visual merch, at sa kamalas-malasan, napunta ako sa logistics and distribution. Two days din 'yon na on-site every week hanggang matapos ang sem.
May document na papipirmahan sa school admin or anyone na puwedeng mag-sign para sa waiver dahil nga sa labas ng school ang laboratory namin every Friday and Saturday.
I was expecting a lot of promo and marketing sa on-site activities, at ibig sabihin, exposure in public talaga.
Iba ang program ni Meerah kaya itong course ko ngayon, next year pa niya gagawin. Bad news for me, that also means I must do things on my own.
Or not.
"Sa logistics ka rin?" tanong ni Raccoon nang makasabay ko siya sa pagpapapirma ng waiver.
Nauna akong makaupo sa waiting area sa loob ng admin office. After ten minutes pa siyang nakapasok sa loob dala ang brown envelope niya at mga papel na nakalabas.
"Sa logistics ka rin ba?" tanong ko pagtabi niya sa 'kin.
"Inubos nila yung slot for production, grabe," reklamo niya. "Sabi nila, mas okay daw na late magpa-reserve ng slot. Na-scam yata tayo."
I was ranting the same thing, but for a different reason.
May options kasing endorsed para sa aming graduating class. Sa management, sa production, at sa logistics and distribution.
As usual, lahat ng matatalino sa room at part ng dean's list, na-endorse agad doon sa management. Na-surprise nga ako na hindi na-endorse doon si Deacon. Kaso nakita ko ang GWA niya sa bulletin board last enrollment. Hindi niya na-meet nang 0.35 ang minimum grade requirement para maging lister.
Zero point thirty-fucking-five. So close yet didn't still make it. Ayokong isipin na may kagagawan doon ang ten-day suspension niya related sa hearing na kagagawan ni Daddy pero sana hindi.
Gusto ko sanang mapunta sa production, kasi ibig sabihin n'on, hahawak kami ng mga pagkaing puwedeng ipuslit o harborin kung magkaroon ng chance. However, naubos agad ang slot dahil ang daming nagpaunahan doon kaya wala na kaming choice na mga natitira kundi mapunta sa logistics and distribution.
Ang ayoko sa logistics, field work kung field work. May chance na ibilad kami sa araw habang namimigay ng flyers. Or worse, kailangan naming pumunta sa bawat bahay para lang mamudmod ng promo mat.
"I heard, nag-work ka raw under sa Daddy mo," sabi ni Raccoon habang naghihintay kaming tawagin.
"Yeah. I need money. Ginawa akong secretary niya for two weeks."
"Nakita ka raw ni Daddy no'ng nag-ocular visit siya sa Terraza. Hindi lang daw siya lumapit kasi doon siya construction site mismo."
I side-eyed him. "I thought your dad is a businessman."
He grinned at me. "My dad has a lot of sidelines. Civil engineer siya ngayon sa Terraza."
Alta Terraza is one of the ongoing condominium towers na nasa plan ni Daddy four years ago pa.
Ngayon lang na-approve sa government agencies ang pagpapatayo ng tower dahil sobrang dami ng naging revision related sa environmental shits na hindi nga raw ma-meet ng project. Dumating ako sa Philippines, project na 'yon ni Daddy. Until now, project pa rin niya.
"May ka-team ka na ba sa site?" tanong ko sa kanya. "Di ba, at least two daw sa isang site para ano . . ."
"Hindi pa nga ako nakakapag-decide!" mahinang sagot niya kahit na parang gusto niyang isigaw 'yon. "Akala ko kasi, open pa talaga yung sa prod! Nag-expect talaga akong sa prod. Ang dami pa namang food do'n."
"Hahaha—" Mabilis akong nagtakip ng bibig nang mapalakas ang tawa ko.
I was thinking of the same thing.
Eleven ang natira na walang slot kaya walang choice ang eleven na 'yon kundi mapunta sa logistics na partner companies and establishments ng school.
Sabay na kaming nagpapirma ni Raccoon, at talagang pinilit pa namin ang openly-gay custodian ng school para magkasama na lang kami sa iisang site.
"Ikaw 'yong may atraso no'ng nakaraan sem, di ba?" tanong ni Sir Fredo sa 'kin habang tinitingnan kami sa itaas na part ng salamin niya. Hawak niya ang waiver namin ni Deacon at hindi pa kami sure kung pipirmahan ba niya o hindi.
"Sir, ako yung victim, di ba?" sabi ko pa at itinuro ang waiver. "Sign n'yo na, sir, tapos palagay ng endorsement namin ni Dardenne sa iisang site lang."
"Sir, yung malapit lang po, ha?" dagdag ni Deacon.
"At bakit?" Nagki-cringe na si Sir Fredo sa 'min habang paunti-unti niyang pinipirmahan ang waiver ni Raccoon. "Kayo bang dalawa?"
"Yes, sir," careless na sagot ko kasi malamang kaming dalawa ni Raccoon ang magkasama. Ano ba dapat? Tatlo kami?
"Mga batang 'to. Puro love life ang inaatupag, my god! Sana all."
What the fuck? Anong love life?! Do I look like I have a fucking love life?
"O, dito kayo sa Xpressbay. Walang gulo, ha? Kapag kayong dalawa na naman ang nakita ni Doc Martin sa office niya, nakuuu! Pagkukurutin ko kayo sa singit."
Tinapos niyang pirmahan ang waiver namin ni Raccoon. Ibinigay na rin namin ang endorsement copy namin.
"Sir, dito mo na lagay," utos ni Deacon at ayaw talagang umalis nang hindi nakakasigurong magkasama ang endorsements namin sa folder.
"Oo na nga!" saway ni Sir Fredo at pinalo pa ang kamay ni Raccoon para hindi makaabot sa folder niya. "Itong batang 'to. Kung hindi ko lang kilala ang mommy mo, naku! Naku, naku ka talaga."
Napangisi na lang ako nang iipit ni Sir Fredo ang endorsements namin ni Raccoon sa iisang folder lang.
Shinu-shoo na kami ni Sir Fredo, nagpapalayas na. "Alis na nga! Humahaba ang pila sa inyo!"
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top