Chapter 3

"Dad, Im here ano bang pag uusapan natin?" Kunot noong bungad niya sa ama amahan ng tanghaling yun, tinawagan kasi siya nito kanina at sinabing magkita sila sa isang restaurant somewhere in the city.

"May nakalap kasi akong impomasyon tungkol sa mga tao sa likod ng pagkakakulong ng tatay mo,iha." Saad nitong nakatingin sa kanya ng seryoso.

Ang tatay niyang sinasabi nito ay ang biological father niya. She'd known about him 3 years ago. She get curious noon sa kung sino ba talaga ang ama niya but her mom refuse to tell her the truth, until one day kinausap siya ng step dad niya at tinanong kung gusto ba niyang makilala ang tunay na ama. She remembered him say na handa siya nitong tulungan para matunton ang kinaroroonan nito.

Until dalhin siya nito isang araw sa bilibid. Nagtaka siya noon kung bakit doon siya dinala at doon na nga niya nalaman na ang ama niya pala ay nakakulong.

Nakulong ito dahil sa naparatangang pumatay ito ng tao.

Murder ang kaso nito ayon sa daddy Fausto niya at reclusion perpetua ang hatol dito.

Nang makita niya sa unang pagkakataon ang ama ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman dahil unang pagkakataon naman niya itong makita. She just seated opposite side of him habang nakamata siya dito.

"Alyanna pala ang ipinangalan ni  Flora.sayo anak." Saad nito na matamang nakamasid sa kanya. She saw tenderness in his gaze at naluluha pa ito maybe sa labis na emosyon.

"Opo. B-bakit hindi ka gumawa noon ng paraan para makilala ako?" Tanong niyang may halong hinanakit ang tinig.

"Ayaw na akong palapitin ng mga magulang ng mommy mo sa inyo, anak. Pinilit kong puntahan noon ang mommy mo pagkatapos ka niyang ipanganak pero ipinagtabuyan nila ako. Hanggang sa malaman ko na lang na inilayo na nila kayong mag ina sa akin at hindi ko alam kung saan ka nila dinala. Pero maniwala ka anak. Na hindi ka nawala sa isip at puso ko. Hinanap kita pero hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa." Madamdaming paliwanag pa nito that made her cry.

Nanabik siya sa kalinga ng totoong ama niya. Although never na ipinaramdam sa kanya ng step dad niyang hindi siya nito totoong anak dahil napakabuti nitong ama sa kanya at mahal na mahal niya ang daddy Fausto niya.

Pero ang taong ito ang pinagkakautangan niya ng buhay niya at pagbali baliktarin man ang mundo ay ama pa rin niya ito.

Magmula nang marinig niya ang side nito ay nagkaroon na siya ng connection dito, madalas niya itong dalawin pag may pagkakataon pero lingid iyon sa kaalaman ng mommy niya, she doesn't want to give her a heart ache kaya inilihim nila ni Daddy Fausto ang tungkol ka Edwin Gustavo, ang kanyang biological father.
******

Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya at hinintay ang sasabihin ng ama.

"Konektado sa Demoirtel ang mga taong nasa likod ng pagkakakulong ni Gustavo Alyanna at malaking tao ang nasa likod ng krimeng iyon. Ang sabi ng taong nakausap ko ay na frame up ang tatay mo noon. At ang totoong pumatay ay patuloy pa ring nakakagala hanggang sa mga oras na ito." Pagpapatuloy ng daddy Fausto niya.

"Bakit si tatay ang diniin dad?" Litong tanong niya sa ama amahan.

"Yan ang aalamin mo Yanna, pagpunta mo ng Rampage Island doon mo mahahanap ang sagot dahil ang sabi ng informant ko naroon ang totoong may gawa ng krimen." Tugon ni Daddy Fausto.

"Paano ako makakapasok dun dad? Di ba exclusive lang yun sa mga stock holders at mga VIP na mayayamang clients?" Tanong pa niya dahil parang imposible ang sinasabi nitong pagpunta niya sa Islang yun sa Palau.

"Wag kang mag alala dahil may naisip na akong paraan para makapasok ka." He told her na nakapag paluwang sa loob niya atleast now may paraan na siya para malinis ang pangalan ng tunay niyang ama. Doon man lang makabawi siya dito. She knew that even if hindi niya ito  nakalakhan ay hindi naman ito masamang tao, maybe totoong nabiktima lamang ito ng maling paratang at yun ang aalamin niya.

"Totoo ba dad?" She asked excitedly.

"Yes Yanna, Since malaking scoop din ito at nasa media ka papalabasin natin kay Hunter na kaya ka sasama sa kanya para makakuha ng scoop sa nangyayaring underground business sa Demoirtel at isa yun sa misyon niya kaya siya papasok doon." Her dad said na nakapag pakunot noo sa kanya.

"Sinong Hunter dad? At anong misyon niya doon sa Demoirtel?" Sunod sunod niyang tanong sa step dad niya.

Gen. Faustino Leighton tell everything to her. Hindi niya kilala ang Hunter na iyon pero naramdaman niya ang hirap ng sitwasyon nito ngayon. Kaya ang pagpunta niya sa Isla ng Demoirtel na tinatawag nilang Rampage Island ay mahalaga dahil bukod sa personal na dahilan ay mukhang makakakuha pa siya ng malakihang scoop just in case na makakalap sila ng impormasyon tungkol sa illegal  na negosyong nagaganap doon. Mukhang exciting iyon para sa kanya at posibleng pang magkaroon na siya ng magandang break.  

Pagkatapos nilang mag usap ng daddy Fausto niya ay nagtungo siya sa Demoirtel sa Makati, lumuwas siya para lang makipag usap sa taong nagbigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa katauhan ng complainant at balak niya sana itong kausapin para makipagtulungan dito.

Nakausap niya ang taong iyon at nalaman niya ditong nasa Ireland na daw ang complainant at doon na daw ito nakabase.  Her name is Empress Soledad. Pero kahit na hindi niya ito nakita ay binigay naman ng taong nakausap niya ang contact number nito kaya okay na yun sa kanya.

Papalabas na siya noon ng gusali ng mamataan ang isang pamilyar na lalaki, that man is the policeman na kasama niyang humabol sa kidnapper three weeks ago, ang gwapo ngunit supladong pulis na yun. May kasama itong isa pang medyo matanda na ding lalaki pero malamya ang kilos, parang bading.Sa isip isip ni Alyanna.

She saw them na pumasok sa restaurant ng gusali at shocks!!! Nakita niyang yumakap ang lalaki sa bakla at grabe halos dikit na dikit pa ang mga ito, So? May karelasyon palang bakla ang lalaking yun? At dito pa sa demoirtel nagdadate? She thought.

At wala sa loob na kinuha ang c.p sa bag at kinuhanan ang dalawa ng litrato habang magkayakap, at agad niyang pinost sa I.G account niya na may caption na,

'Hunk with a gay lover' Yun ang inilagay niya sa caption ng post niya,..

At grabe sa dami ng nagreact ng OMG!! Isa na doon ang kaibigan niyang si Donita.

Alyanna went out to the building at diretso nang umuwi. May dala siyang sasakyan kaya agad na siyang bumiyahe pa Baguio.

*****

Kinabukasan pagpasok ni Hunter sa Police station ay halos lahat ng tao ay nakatingin at nakatawa pa ang iba pag daan niya sa tapat ng mga ito, and he wondered why.

"Bok, Anong meron bakit mukhang pinag iinitan niyo ako?" Nakakunot noong tanong niya kay Jay ang kasama niyang SAF.

"Nakita mo na ba ang nakapost sa instagram tungkol sayo? Pare, ikaw ang pinag uusapan sa buong Baguio." Saad nitong nakatingin sa kanya at parang inaarok siya.

"What Instagram? At anong post tungkol sakin?" Impatient na tanong pa niya at inagaw na ang cellphone ng kaibigan at doon na niya nakita ang sinasabi nitong litrato at bigla siyang napatiim bagang sa nakita at galit na binalingan si Jay,.

"Who the hell post this photo?! Fuck!!" Galit at halos umakyat ang dugo niya sa ulo.

"S-Si Alyanna Leighton, Yung reporter ng Malaya." Tugon ni Jay na parang biglang umurong ang dila sa nakitang galit sa mukha niya. Walang sabi sabing agad na siyang lumabas ng station at halos paliparin ang motor patungo sa Malaya Network to crushed that woman into pieces dahil sa ginawa nitong pagpopost ng malisyosong larawan nila ni Tito Hugo.

And he'll make sure that she will pay for this! Siya si SP02 Hunter Murphy Jackson gagawan ng issue ng isang palpak na reporter.?! Huh makikita nito ang hinahanap nito. His mind shouted.

Kahapon galing siya sa Demoirtel to meet his tito Hugo, Ang bestfriend ng mommy Empress niya at parang ama na niya ito dahil noong bata siya ay ito din madalas ang mag alaga sa kanya, lagi din ito noong dumadalaw sa kanila sa Ireland at medyo matagal na din na hindi niya ito nakikita dahil ang dinig niya ay nasa Palau sa Isla ng Rampage na daw ito nakabase pero nagkataong dumating ito noong isang linggo sa Makati at agad siya nitong tinawagan.

Ipinaalam niya dito ang tungkol sa misyon niya sa Rampage Island and even confirm to him kung totoo ang lahat ng nalaman from Gen. Leighton at ayun nga pinatunayan nitong totoo nga lahat ng nalaman niya.

Sinabihan siya nitong ipapahanda agad pag balik nito doon ang tutuluyan niyang Villa na exclusive para sa mga VIP na tulad niya since siya ang nakapangalan nga sa share ng mommy niya doon.

Hindi niya akalain na makikita sila ng matabil ang dilang reporter na iyon. He doesn't even know who that fuckin---- reporter is, at wala siyang pakialam kung sino man ito. Dahil sa ginawa nitong pagpost ng picture nila  sa social media ay malalagot ito ngayon sa kanya.

Pagdating sa Malaya Network ay tiim bagang siyang pumasok sa loob ng network, at wala siyang pakialam sa mga taong pinagtitinginan siya habang galit pa rin ang itsura.

"Where is Alyanna Leighton?!" Galit na tanong ni Hunter sa isang staff na nakasalubong niya sa may hallway ng t.v station.

Itinuro ng babaeng pinagtanungan niya ang direksyon ng isang babaeng nakatalikod sa direksyon niya, may mga kausap itong mga tao. Agad siyang lumapit dito sa kinatatayuan ng babaeng  iresponsableng nagpost ng larawan nila ng tito niyang si Hugo.

"Alyanna Leighton!" Malakas na tawag niya at nakita niyang lumingon ito sa kinaroroonan niya.

The girl is maybe about 5'4 ft. at balingkinitan ang katawan nito medyo malaki ang mata pero bumagay sa maliit na mukha nito, she was cute pero wala siyang pakialam dahil sa kagagawan nito ay pinag uusapan siya ngayon at sinasabihan pang bakla. At sinong lalaking matutuwa sa ganoong bagay? Saad ng isip niya.

*******

Napalingon si Alyanna sa tumawag sa pangalan niya from behind at nakita niya ang pulis na nakita niya kahapon sa demoirtel and he looks mad. 

Oh NO!!! Sigaw ng utak niya.
Lagot na, nakita ata nito ang post niya sa I.G. Napalunok si Alyanna nang makitang papalapit sa direksyon niya ang lalaki at mukhang manlalapa ng tao sa hilatsa ng mukha.

"Y-Yes? Hinahanap mo ako?" Pilit ang ngiting tanong niya dito at kinakabahang sinalubong ang titig nitong galit.

"Damn you woman! How dare you Posted a photo of us carelessly, not even asking permision from me?--!!" Galit na tugon nito habang lumalapit sa kanya.. Nakakuyom pa ang mga kamao nito.

She was out of words hindi niya alam ang isasagot.

"And who's gay humh?" Patuloy ito sa paglapit habang mababanaag pa rin sa mukha nito ang matinding galit.

At sa lapit nitong iyon ay napaatras siya but the man was too quick he grabbed her arm at marahas siya nitong hinila paharap dito at tsaka marahas na ginawaran ng marubdob at mapagparusang halik sa harap ng maraming tao!. She was so shock at halos ay hindi makagalaw sa gulat sa ginawa nito,. 

Parang na blanko ang utak  niya at nagmistulang parang eksena sa movie ang nangyayari dahil halos lahat ng nakasaksi ay napanganga at napatutop pa ang iba sa mga labi. Napa OMG pa ang ilang babaeng naroon.

Ilang sandali din tumagal ang halik na iginawad nito sa kanya. At maluha luha siyang sa matinding pagkapahiya ng maghiwalay ang mga labi nila.

"Now tell me Who is gay huh?" Nakangising saad nitong nakatingin sa kanya ng nakakaloko.

"B-bastos ka!! She hissed at mangiyak ngiyak na binalingan ito ng masamang tinigin.

"Im warning you Miss Careless Reporter to delete what you posted or else makikita mo who you messed up with.!"Nagbabanta pa nitong tugon bago tumalikod at walang lingon likod na umalis sa t.v network.

Naiwan siyang namumula ang mukha sa labis na pagkapahiya sa ginawa nito, kaya nagmamadali siyang tumakbo patungo sa banyo at doon niya pinakawalan ang inis na nararamdaman para sa pangahas na pulis na iyon.

Shittt!!! Walanghiya kang lalaki ka!! Sigaw niyang mura patungkol sa lalaking bastos na iyon. At agad kinuha ang cellphone at tinignan ang pinost na litrato ng lalaki kahapon at nagulat siya sa  dami ng nag comment.

Napatampal siya sa noo dahil para nga atang sumobra siya sa ginawa niyang pag post ng ganung larawan. 

Agad nang binura ni Alyanna ang picture ng pulis at nagpost na lang siya ng public apology dahil sa hindi magandang feedback para sa lalaki dahil sa ipinost niyang larawan nito. Humingi siya ng paumanhin dito gamit account niya sa I.G at sa lahat ng na-offend sa maling paratang para dito.

Hindi niya akalaing marami pa lang nakakakilala dito at halos ay mga babaeng may crush dito ang nagpukol ng violent reaction at ang ending siya pa ang na-bash sa social media because of careless posting.

Naging lesson learned yun para kay Alyanna and she is planning to make a personal apology to that police man in the future.

*itutuloy*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top