01

Bulag na hustisya, balanseng paghuhusga

Kailan kaya matatamasa, ng bawat tao sa bansa?

Mulat ang mata, pero bakit tila nabubulag sa sistema?

Matulin na nakaririnig ang tenga,
ngunit bakit patuloy nagbibingibingihan ang mamamayan?

Ang bibig na buka ng buka sa walang kabuluhang bagay, bakit nagiging pipe kapag katotohan na ang ibibigay?

Mayroon mang konsensya, ngunit iyong binabalewala

Kailan kaya magiging patas ang katarungan?

Magsalita man ang batas, hindi naman mapipigilan ang kasaamaan

Ano mang mabuting mungkahi, nagagawang tutulan

Sa isang pitik ng pera, kapangyarihang hindi mahadlangan

Kaya pa ang tao, nagagawang magbulag-bulagan

Ano mang gawing proseso, hindi parin kayang lumaban

Pera galing sa bulsa ng bayan, nakaw mulan sa kaban

Pikit matang tatangapin, matugunan lang ang pangangailangan

Ano pa't mulat man ang mata, nasisilaw naman sa pera

Kapangyarihang hindi maikukubli, mamamayan ay nadadala parin sa huli

Ang iba man ay makatarungan, ngunit hindi magawang makipaglaban

Dala ng takot muling pumikit, ang hustiya'y pinagkait

Kaya mga tao patuloy paring nagbibingi-bingihan

Ang dalawang kamay, kapwa nakalagay sa tenga upang pagtakpan

Katotohanan na dapat pakingan, ngunit bakit tila walang pakialam?

Kasinungalingan ba ang nais mong tangapi't pahalagahan?

Sa mga pabango't matatamis na salita ng politiko

Ikaw ay nalulong sa tinig ng mga manloloko

Ika'y naakit, pinaniwalang walang sabit

Ng inihanda na ang upuan, iyong tiningalaan kahit puro kapalpakan

Ngayon, sanlibong tao ang nagsisisi

Kahit puno ng mga opinyon, nakatikom ang mga labi

Bayad ang pagtatahimik, kaya't katotohana'y walang imik

Desisyong hindi matuwid, punong puno ng hinagpis

Bawat buka ng bibig, mga kasinungalingan ang maririnig

Katotohanang walang himig, hindi na mabibigyang tinig

Mayroon pa kayang magmamalasakit, at isigaw ang kaniyang nais?

Mayroon kayang boses na magpaparating ng hinanakit, at makikinig sa bawat hinagpis?

Iyong buksan ang isipan, maging makatarungan na mamamayan

Konsensya ang nagsasalita, bakit hindi mo pagbigyan?

Nagbibigay sayo ng gabay, daan sa mabuting buhay

Ipaglaban ang tama, ating pagbuksan ang kabutihan

Ikaw na kabataan, pag-asa nitong bayan.

Iyong umulat ang mata, tanggalin ang takip sa tenga,

bumigkas ng may saysay, paganahin ang konsensya,

at iyong tulungan ang buhay ng mga taong sumisigaw ng HUSTISYA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: