Lost Twelve
"Pasok ka muna."
Alok niya. Napatingin ako sa paligid, walang katao-tao. Nasaan ba ang mga kapitbahay nito?
"No need. I'll be fine here."
Sinamaan niya ako ng tingin. Pinabayaan ko nalang at inayos ang helmet na nakasabit sa handbrake ng motor niya.
"No. Papadilim na at dilekado dito sa labas. Pumasok ka na."
Ramdam ko na ang inis niya sa katigasan ng ulo ko. Ang dali niya talagang mainis kapag umiral itong katigasan ng ulo ko.
"Hindi na talaga. Okay lang ako dito. Mabilis ka lang naman di ba?"
Lalong lang syang nagalit at hindi na nagsalita pa. Tumalikod siya at humakbang na papasok ng bahay.
Huminga ako ng malalim at namalayan ko nalang ang sarili kong sumunod sa kanya papasok.
Hindi niya ako pinansin pagkapasok. Napasimangot ako.
"Galit ka pa ba? Ito na nga o, pumasok na ako. Tsk."
Bumuntong hininga siya at nagsalin ng pineapple juice sa baso at binigay sa akin kasabay ang cookies.
"Oh, dyan ka muna, magbibihis lang ako."
Aniya at tinalikuran ako at pumasok sa kanyang kwarto.
Malaki ang bahay nila at kapansin pansing walang tao dito maliban sa amin. Nasaan na naman kaya ang mga magulang niya? Siguro nasa skwela pa ang mga ate nya at kapatid na lalaki.
Maya-maya pa tinawag niya ako para papasukin. I was hesitant at first kasi nasa kwarto pa siya. Baka lang naman kasi may itatanong lang siya o ipapautos.
Bigla siyang lumabas at ang sama ng mukha niya. Nakasimangot pa. Napangiti ako ng hilaw. Kapag talaga ito ang galit, naiinis ako pero hindi ko lang pinahalata.
"Hindi mo ba ako naririnig?"
Ramdam ko ang pagpipigil niyang pagtaasan ako ng boses. Ganyan yan e. Magalit na sya't lahat pero hinding hindi niya ako magawang pagtaasan ng boses o di kaya'y pagbuhatan ng kamay.
"Bakit naman kasi? Ano bang gagawin ko dun?"
At ako lang naman ang may ganang pagtaasan siya ng boses. Totoo naman, ano bang gagawin ko dun?
Napatingin siya sa paligid at ngumiti. Yung matamis na ngiti. Nagkamot pa ng ulo habang nakayuko.
"Ano kasi, ipili mo nga ako ng damit."
Doon ko lang napansin, wala itong pang-itaas at naka jersey shorts lang ito. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kwarto niya. Pinaharap niya ako sa malaking tukador niya. Nandudun ang mga iba't ibang damit niya.
Nakatingala pa ako ng bahagya.
"Wala akong mapili e."
"Sa amin ka lang naman pupunta. Ano pang inaarte mo?"
Pumunta siya sa likuran ko at pinatong ang dalawang kamay sa magkabila kong balikat.
"Kailangan palagi akong presentable kapag bumibisita sa'yo. Para na rin hindi ako magmukhang dugyutin sa harap ng mga magulang mo. Hindi kaartehan tawag dun."
Napangisi ako. Parang unang beses mo pang tumapak sa bahay namin ah.
"Sus. Wala naman silang pakialam sa susuutin mo."
"Kahit na. Ano may napili ka na ba?"
Hindi ako umimik at kinuha ko nalang iyong kulay puting v-neck. Simple.
Saktong tumingkayad ako para tuluyan ng maabot, naka hanger kasi, nang bigla niyang ibaba ang kamay niya sa bewang ko. Akala ko para tulungan akong iangat yun pala diritsong sinakop ng dalawang braso niya ang boung tiyan ko. Napaigtad pa ako ng pasimpleng idikit niya ako sa sarili niya.
Ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng puso niya.
"Mamaya na muna yan."
Bulong niya habang binaba niya ang dalawang kamay ko.
Napapikit ako. Heto na naman kami. This isn't the first time pero ayaw ko na. Masyado ng napaparami at parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ako ganito.
Inamoy niya ang bandang leeg ko pataas.
"Ang bango mo talaga."
Sabi niya at bahagyang inangat ako kasabay ang pagpapihit sa akin para harapin siya.
Malamlam ang kanyang mga mata. Hinalikan niya ako sa labi at wala akong balak suklian siya.
Busy ang sistema ko. Utak at puso nagtatalo.
"C'mon kiss me back gf."
He said between his kisses.
Nag-iwas ako ng tingin. Bahagya siyang tinulak at kinuha ko ang t-shirt niya.
"Uuwi na tayo. Hinahanap na ako panigurado."
Ngunit ang boung akala ko ay susunod siya gaya ng dati pero hindi. Tinulak niya ako sa pader at pilit hinahalikan.
"You've been rejecting me lately. Bakit, may iba na ba ha?! May iba na ba?!"
Pilit akong kumakawala sa mahigpit niyang hawak pero masyado siyang malakas. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba nito pero tila wala siyang pakiaalam sa mangyari sa akin at sa nararamdaman ko.
"No! Wala! Wala talaga! Ano ba, bitawan mo--ugh! Ano ba Dee!"
Ngunit hindi siya nagpatinag. Pilit akong nanlaban. Halos mahubaran na ako nang magmulat ako ng tingin. Napasinghap ako sa nakita ko. Tila hindi makapaniwala.
I can't believe it!
Without further ado, lumandas sa mukha ko ang mga masaganang luha.
"P-please s-stop."
This isn't happening right?
Halos wala na akong makita pero hindi mawala sa isip ko ang hitsura niya nang nasilayan ko ito.
"Stop! Stop! STOP IT DEE!"
Sinampal ko siya sa unang pagkakataon. Natigilan siya at napatingin sa akin. Napakurap ito at hindi ko kayang salubungin ang titig niya. Iba ang nakikita ko.
"I-I'm sorry. I'm so sorry gf."
Sabi niya ng paulit-ulit at niyakap ako ng mahigpit. Kumalas ako at inayos ang sarili.
"Hindi ikaw ang dating lalaking minahal ko. Ibang Dee ang nakikita ko kani-kanina lang. Halimaw na Dee."
I firmly said at pinunasan ang mukha. Lumabas ako ng kwarto hanggang sa tuluyan akong lumabas ng bahay. Naabutan niya ako at hinawakan sa braso.
"W-what do you mean? A-anong h-halimaw?"
Huminto ako at tiningnan siya sa mata na agad ko ring binawi. Napatakip ako ng mukha. Its still here. The image of a man with bulge red eyes harassing me is still inside of my consciousness.
"You became a monster. Galit na galit at pulang pula ang mata. This isn't you. I never thought that you'd turn out like this just because hindi kita pinagbigyan sa gusto mo."
Niyakap niya ako at pinatahan pero nagpupumiglas ako. Ramdam ko pa rin ang lahat. Nakakatrauma.
"I'm sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko. Lagi mo kasi akong tinatanggihan. Akala ko hindi mo na ako mahal at may iba ka na."
Napatiim ang bagang ko. That's it! I can't take this anymore!
"Sex is not a measurement of love. Ayoko na. Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko yan lang ang habol mo sa akin. Tigilan na natin 'to hanggat maaga pa."
"MELODY!"
Napasinghap ako kasabay ng pagdilat nang marinig ko ang nag-a-alburoto kong kuya.
"ABA! HINDI KA BA PAPASOK?! IIWAN NA KITA!"
Kinusot ko ang mga mata ko at namamasa ito. Naalala ko ang panaginip ko.
Kinapa ko ang phone ko sa ilalim ng unan.
06:30 am. Wed, September 23, 2015
Kaya pala. Mag-aapat na taon na sana kami ngayon.
"ANO BA MELODY! MALALATE NA AKO SA TRABAHO KO!"
Nakasimangot akong napatingin sa siradong pintuan.
"Mamaya pa akong 9 papasok Kuya. Intramurals week namin ngayon."
Shemay! Intrams nga pala!
Representative ako sa Mr and Ms Intramurals!
"Sige. Bumangon ka na dyan! Papasok na ako."
Hindi na ako sumagot at tiningnan ang nilalaman ng text ni Tui.
From: Tui
Good morning Melody! Excited na ako mamaya. Kita kits.
Speaking of which, siya pala partner ko.
A/N: Last three chapters to go!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top