Lost Ten
"Hey Melody, kayo na ba ni Tui?"
Kumunot ang noo ko sa tanong ni Whitemillen, kaklase ko. Lunes na ngayon at nasa school na ulit kami. Kung anong nangyari dun sa aming aquintance party ay hindi ko na idedetalye pa. Masyadong maraming nangyayari at nakakapagod na mag kwento.
"Bakit mo naman natanong yan?"
Natatawang tanong ko pabalik sa kanya. Saan nya naman nakuha ang ideyang iyan di ba?
"Hindi. Walang kami. At hindi mangyayari yang iniisip mo."
Muling dugtong ko pa. Hindi ko ata masikmura makipagrelasyon sa kanya no? Alam nyo namang ayaw na ayaw ko talaga sa mga lalaking playboy.
"Sus, magkaila ka pa. Nililigawan ka na nya noh?"
Biglang sabat naman ni Shaina, isang kaklase ko rin. Silang dalawa ngiting ngiting nakatingin sa akin. Yung tipong kumikislap pa ang mga mata. Nasusuka ako sa iniisip nila. Grabe ha? Pag-aaral pinunta ko dito hindi para magpaligaw. Ano 'to, gaguhan?
"Ano ba naman yang iniisip nyo, wala ngang nangyayaring ganun. Magkaibigan lang kami. Ang dumi nyo talaga mag-isip."
Sabi ko nalang pero natatawa talaga ako. Bakit ba ganito mag-isip ang mga tao? Porket close kayo, nililigawan o magsyota na agad? Ang bilis ng imaginasyon nila ah. Nagpatuloy nalang ako sa pagsubo ng pagkain ko. Nagkatinginan pa sila parehas matapos kong sabihin iyon.
"Pero, ang sweet nyo kaya lately."
Ani White, nagpatuloy din ito sa pagsubo ng pagkain nya. Porket ba sweet, nasa ligawan stage na agad?
"Oo nga, tapos lagi pa syang nakabuntot sa'yo. Lagi pa syang nakasandal sa balikat mo. Naalala mo yung nasa resort tayo? Yung papauwi na tayo? Yung sa bus, nakasandal kaya ulo nya sa balikat mo. Kayong dalawa nga lang dun sa likod e."
Segunda din ni Shaina. Mga isipan talaga nila, ang dudumi. Bawal na bang sumandal ang isang lalaki sa balikat ko? Dahil pag may sumandal, nililigawan na kaagad? Hay naku! Naiistress ako sa dalawang 'to.
"Aba, malay ko ba dun, e tulog kaya ako sa panahong yun. Teka nga, bakit ba natin pinag-uusapan yan? Kawawa din naman si Tui, involve din yun baka nadapa na yun."
Sumubo pa ako ng isa pa. Ang sarap naman nitong kinakain ko. Medyo maanghang pa, ito nga bibilhin ko palagi. Nakakagana kasi sa pagkain pag maanghang yung ulam.
"Asus, kunwari ka pa dyan. Pero seryoso Mel, sa napapansin namin, close nga sya sa lahat ng babaeng kaklase natin pati nga sa ibang department e, pero sayo lang talaga sya parang nagiging bata. Yun bang laging naglalambing. Tipong pag nawala ka e, iiyak, malulungkot, pero ang sigla sigla naman pag nandyan ka. Lagi ka pa nga niyang kinukulit e."
"Naku naku naku, Shaina ah? Tigil tigilan mo 'ko. Kung ano ano na yang pinag-iisip nyo."
"Totoo naman Mel e. Pansin nga namin may gusto yung tao sa'yo e."
Napahagalpak pa ako ng tawa. Seryoso ba talaga sya sa sinasabi nya? Kinikilabutan ako, langya naman yan. Sya, magkakagusto sa isang tulad ko? E puro kaya pa cute sa mga babae ang alam nun. At pagnagkaproblema , tatakbo sa akin. Sabihin nyo nga, nasaan ang gusto dun?
Ako pa pagsabihan nila ng ganyan. E alam na alam ko na ang takbo ng isipan ng mga taong kagaya ni Tui, playboy yan e. At pag mahulog ka sa mga pakulo nya o kung ano pang ka echosan ang gagawin nya, talo ka pa rin sa huli. Nananakit at paasa yang mga ganyang klase e. Aware ako sa mga ganyang moves, old stories lang naman kasi yan. Lahat nabasa at nakita ko na. Sus.
Kaya, tingin ko itong dalawang nasa harapan ko ngayon, kung sila ang nasa kinalulugaran ko, for sure, next month umiiyak na yan. Napaasa ba naman e, ayun nasaktan.
Si Tui? Di uubra sa akin yun. Kung may gagawin man syang di ko alam at alam ng lahat, aba'y siguraduhin nya lang na nakahanda na sya ng timba at tissue, dahil hinding hindi ako papayag na ako 'yung masasaktan sa huli. Langya yan, wala sa lahi namin ang umiiyak. Nagpapaiyak siguro meron.
"Kayong dalawa, tigil tigilan nyo nga ako sa mga walang kwentang bagay na ganyan. Kumain na nga lang tayo."
"Pero what if Mel, one of these days, aakyat ng ligaw si Tui sa'yo? Anong gagawin mo?"
"Edi, pabababain ko. Ayaw ko magpaligaw e. Tsaka, wala naman sa mukha nun ang gawin ang bagay na yan."
"Seryoso nga Melody. Sasagutin mo ba? May chance ba? O ano? Sige na. Wag ng killjoy."
Mga mukha ng dalawa talaga oh. Excited na excited. Kala mo naman may dapat ika-excite sa sasabihin ko.
Sineryoso ko na yung mukha ko at tumikhim. Uminom muna ng tubig dahil nauuhaw ako at parang nanunuyo lalamunan ko. Binitawan ko rin yung kutsara't tinidor ko dahil tapos na akong kumain. Tumingin ako ng diretso sa mga mata nilang dalawa. Nasulyapan ko pa ang malaking relo sa likod nila, five minutes nalang, last subject na namin. Buti naman dahil gusto ko ng umuwi.
"Hindi at wala. Hindi ko sya sasagutin dahil wala syang chance manligaw sa akin. Okay na?"
Nagbagsakan parehas ang balikat ng dalawa at biglang sumimangot. Bigla itong napatingin sa likuran ko at bago ko pa malingon ay may nagsalita na sa likod ko at inakbayan pa ako.
"So, tara na sa taas? Magagalit si sir pag late tayo."
Unti unti na ding nilinis ng dalawa kong kasama ang pinagkainan nila at tinapon ang mga basura sa garbage bin. Inayos ko na rin ang mga gamit ko bago ko nilingon si Tui.
Nakangiti ito sa akin pero kumunot lang ang noo ko sa napansin sa kanyang mga mata. Isang emosyon lang ang nakikita ko. Hurt.
Nginitian ko rin sya pabalik at hindi nalang pinansin ang mga mata niya. For sure, nagbreak na naman sila ng girlfriend nyang di namin kilala at nakikita man lang kailanman kahit isang beses lang. Ang hilig hilig kasi nito magtago e. Ayaw nya namang sabihin ang pangalan, yung course lang ang alam namin. Inasar ko pa nga na baka ayaw nyang ipakilala sa amin kasi nga, lalaki yung jowa nya. Kaya kurot sa pisngi at ilong ang inabot ko tuloy. Sus, kunwari pa 'tong isang 'to. Di naman namin sya huhusgahan.
Di ko naman sya huhusgahan. Wala sa lahi namin ang mapanghusga. Well, maliban nalang sa totoo kong mga kadugo. Pero hindi ko pa rin talaga ugali ang manghusga ng kapwa. What more pa kaya pag kaibigan ko na ang involve. Kaya need not to worry sya pagdating sa akin, dahil tatanggapin ko pa rin sya kahit ano at sino pa siya. Iba na nga, ipagtabuyan o husgahan mo pa. Wag ganun. Dapat, share the love lang.
"Yep. Tara na."
Nakangiti akong tumango sa kanya. Para naman maibsan ang kung ano mang sakit ang nararamdaman nya. At para na rin malaman nya na andito lang ako, handang makinig sa problema nya at uunawain sya. Kawawa naman kasi yung tao. Hindi naman ako manhid para di mapansin na nasasaktan sya. Na heartbroken sya.
Nakaakbay lang sya sa akin habang paakyat kami ng hagdanan. Patagal ng patagal, pabigat ng pabigat ang braso nya. Halata nga talagang may problema sya. Nagbuntong hininga ako. Kawawa talaga ang taong 'to.
Biglang bumaba ang kamay nya papunta sa bewang ko. Nagtatakang nilingon ko sya pero hindi sya nakatingin sa akin. Nilingon din nya ako kaya nagtama ang mga mata namin. At talagang muntikan na rin akong mapaluha dahil sa maluhaluhang mga mata nya.
Walangyang babae o lalaki yun ah! Ano bang ginawa niya kay Tui? Nakaka high blood naman talaga, oo! Mamomoroblema ako nito, dahil for sure, mawawala na naman 'to sa sarili. Tsk!
"Can I hug you?"
Hindi ko pa maprocess ng maigi sa isipan ko kung ano yung sinasabi nya dahil busy ako sa pagmurder sa jowa nya sa isipan ko pero niyakap na nya ako ng mahigpit. Sobrang higpit na tipong hindi na ako makahinga. E kasi nga, di rin naman ako humihinga dahil sa gulat sa biglang pagyakap nya. Lol.
Feel na feel ko pa nga yung tibok ng puso nya. Athlete ba 'tong isang 'to? Kasi di ba, pag athlete ka e, malakas at mabilis talaga ang tibok ng puso, at normal na yun. Pero baka nga athlete 'to, ayaw lang aminin sa amin. Pero bakit nga naman di ba?
Naramdaman ko ring pinisil nya bahagya yung kanang braso ko. At hindi na talaga ako makahinga.
"T-tama na Tui. Papatayin mo ba ako?"
Bigla syang bumitaw at nakangiti na syang nakatingin sa akin. Panay pa ang sorry nya.
"Ay sorry sorry sorry sorry."
Ang oa na nya, pero napangiti ako. Buti naman at nagiging okay na rin sya. Akala ko pa naman, di na 'to babalik sa dati e.
"Sus, kunwari ka pa, gusto mo lang maka chansing sa akin e."
Tinalikuran ko na sya at muling naglakad. Joke lang naman yung sinabi ko para makalimutan nya pansamantala ang problema nya di ba? Atleast, nag abala pa akong gawin iyon sa kanya. Naku talaga pag nalaman ko kung anong ginawa ng jowa nya sa kanya, lalapain ko talaga yun.
Bigla nya akong kiniliti sa bewang kaya sinamaan ko sya ng tingin. Kahit pa sabihin nating di talaga ako nakiliti, nakakainis pa rin yung ginawa nya. Pagkatapos nya akong yakapin tapos kikilitiin na naman nya ako? Aba'y abuso na ata yan.
"What if, chansing nga talaga yung ginawa ko sayo?"
Nakaakbay na naman sya sa akin at nakangiti pa ito ng nakakaloko. Nginitian ko rin ito ng pagkatamis tamis na ngiting pwede kong ibigay kahit sino. May dumaan pa ngang kislap sa mga mata ng loko. Tapos kinurot ko ng bonggang bongga ang ilong nya at kaagad rin namang binitawan matapos ang tatlong segundo at tumakbo.
Chansing pala ah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top