Lost Seven
PE namin at nasa gym kami ngayon. May pinapagawa na activity sa amin ang maganda at sexy naming PE teacher, si miss Molina. Tungkol ito sa locomotor and non locomotor. Madali lang naman since alam na namin kung ano ang loco at non loco. Ang nakakainis lang kasi, yung dalawang ka group mates namin, nagtatalo pa.
"Dapat, bago mo pa binigay kay Miss, kinonsult mo sana sa amin!"
Medyo tinaasan na nya ang boses nya. At yung kausap nya naman na syang nag-aassist sa amin sa rehearsal sa steps, parang nang aasar pa ata.
"Ay kaloka girl, ikaw nalang dito oh. Galit ata sya sa akin."
Sabi nya dun sa katabi nyang si Kristine. Mas nagalit tuloy si Faye sa kanya dahil siguro'y naasar na. At ako naman ay umiinit ang ulo ko kakaawat sa dalawa na magsusukatan na ata ng mga salita. Sino ba namang di iinit ang ulo kung napagitnaan ka sa dalawang taong nagdedebate di ba? Plus, nahinto pa kami ng dahil lang dito, walang kwenta nga naman, oo. Tapos yung group one, nakapagpractice na sila ng maayos. Nakakairita yun di ba, iisang grupo lang kayo tapos may di pagkakasinduang nagaganap to think konti lang ang oras na binibigay!
"We have the rights to know! If may kailangan bang dapat tanggalin doon o wala!"
"Guys, please calm down-"
At anak ng, pinutol pa ako sa pamamagitan ng pag-abot ni Femmy ng notebook kung nasaan nakasulat ang mga steps kay Faye at take note may force ha? Nang iinis ba talaga sila? Ang babastos ha? Hanggang sa patuloy pa rin sila sa pagbabangayan. Sumabog na talaga ang ulo ka sa init!
"PLEASE GUYS STOP! STOP IT! LET'S JUST CONTINUE OKAY? COZ SERIOUSLY GUYS! WE'RE RUNNING OUT OF TIME! WE ONLY HAVE 30 MINUTES LEFT YET YOU GUYS ARE ARGUING! SO PLEASE! STOP THIS NONSENSE AND LET US PROCEED! IF THERE'S A NEED TO BE TERMINATED, THEN AFTERWARDS! FOR NOW, LET US FINISH THIS THING!"
I screamed! Yeah, sumigaw talaga ako para lang matahimik sila! Tiningnan ko pa sila isa isa habang yung frustrations ko ay nilabas ko sa pamamagitan ng pag gulo ng buhok at padyak ng paa! Bakit ba? Naiinis ako e! Ang iinit ng ulo nila parehas, ayaw paawat. Edi tumahimik na din pati yung ibang ka groupmates ko na kanina pa nagdaldalan.
Natapos naman ang activity namin na in favor sa amin dahil nakakuha kami ng mataas na score. Nagmamadali akong lumabas ng gym para sa next subject. Backpack bag ang dala ko ngayon kaya chill lang ako tingnan plus yung dalawang kamay ko ay nilagay ko sa magkabilang bulsa ng jogging pants ko. Nakayuko akong naglalakad ng hagdan pababa papunta sana sa locker room. Kaso, late na talaga, di nalang ako nagbihis pa.
"Hey, you did great there. You stop the commotion. I'm impressed."
Ngingiting sabi ni Tui. Kanina pa 'to nakangiti sa PE namin e. Ano na bang nangyari sa isang 'to?
"Ikaw ba naman ang mabadtrip."
"Sabagay. Ako nga rin pag nakakarinig ng mga usap usapan sa tuwing may kasama akong babae pag naglalakad ako sa hallway, nakakainit lang talaga ng dugo. Bakit ba kasi magtsitsismisan pa sila at sa harapan ko pa?"
Ito lang ata ang pinoproblema nya buong buhay. Kamakailan ko lang yan narinig e. Kesyo marami daw syang babaeng kinakausap so on and so forth. Sus, if I know, nag-enjoy naman sya sa spotlight. Lol.
"You're too clingy to them kasi, that's why."
Ang tagal naman ni sir. Akala ko pa naman malalate na ako. Yun pala, si sir yung late. Ito yung nakakaasar na part bilang estudyante e tapos guro mo pa is 'very particular in attendance' ika nga, yun pala, late din naman. At pag ikaw malalate, minus ka na or worst di ka na papasukin. Ang unfair nun. Kaya no choice, pag alam mo ng malalate ka na, kailangan mong mag upgrade ng walking into running skills mo. At laking pasasalamat mo nalang pag si titser ang late.
"Tss! Why do they have to put meaning in everything I did ba? I'm just being friendly here! I don't have any intentions at all!"
Nagpipigil na talaga ako ngayon ng tawa. Bwesit, bakit ang oa? With acting pang parang ewan. Ang drama ha? Basta, mukha syang natatae na natatawa, alam nyo yun?
"Oh ayan, si Charlie, lagi nya namang kasama yang sina Ann at si Jane, bakit di sya pinag-uusapan? Bakit iba na pagdating sa akin?"
Napatingin tuloy ang tatlo na dumaan lang sa classroom namin. Ang lakas ba naman kasi ng boses e. Anong drama ba nitong isang 'to?
"And why is that, you put all the rants in me? Am I some kind of a Priest? Tipong, you have to confess me everything but not the sins kundi yang mga reklamo mo sa mga babae?"
Tiningnan nya ako saglit at ginulo ang buhok. Buang na. Bumuntong hininga lamang sya instead of magsalita. May sasabihin pa ata pero di nalang tinuloy.
"Seriously Tui, yan lang ba problema mo sa buhay?"
"Nakakainis lang kasi. Pwede naman nilang sabihin na gusto din nila akong maging kaibigan bakit kailangan pang gumawa ng tsismis? Approachable naman akong tao. I'm kind to everyone, you know."
Ito ba ang tinatawag nilang heartthrob problems? Pogi problems? Playboy problems? etc. kung ganoon, buti nalang talaga siya lang ang ka close kung lalaki. Yung iba kasi, makikipag close lang sa akin para mahingi ang number o pangalan ko. Kumusta naman kaya yun? It's just the same with your friends. Pag may kailangan, saka pa lang lalapit sa'yo. Ano yun? Friends for a cause? Or friends tayo pag tulungan mo ako. Ang hirap nila ispilingin!
"Ewan ko sa'yo Tui."
Ayaw ko talagang makipag argue sa kanya pag ito ang laging sumbong nya sa akin. Nahihimigan ko kasi ang bagyong paparating. Super mega typhoon!
"Hi Tui!"
"Hi!"
Kung magwawave ng kamay si babae, ganun din ang gagawin nya. With killer smile pa yan ha? Kaya natawa ako. Pinoproblema nya yan pero di sya aware na yan talaga ang problema nya. Flirt? Playboy? Friendly? Ewan, maybe the latter. Pati ako naguguluhan sa kanya e. Pero mas natawa pa talaga ako sa thought na 'heartthrob' na talaga ang dating nitong isang 'to.
Napatingin ako sa kumpol ng mga kababaihan na naghi sa kanya na dumaan sa labas ng klasrom namin na lahat pala dumako ang paningin sa akin. Paano ba kasi, magkatabi kami ngayon ni Tui at pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay. Awkward tuloy silang ngumiti sa akin na sinuklian ko din naman ng isang malapad na ngiti. Natawa kasi talaga ako sa lugar ni Tui. Para naman kasing nag enjoy talaga sya sa image nya sa school.
Bakit nga ba maraming nabibighani sa kanya? Parang pang anime yung feature ng mukha nya. Yung mahabang pilik mata. Malalim na mga mata. Yung mga tingin na parang pinapahinto ang mundo mo ng ilang segundo at pag nagbawi ka naman, makakaramdam ka ng awkwardness or ma-unease ka, tipong magiging conscious ka sa mga galaw mo. Yung matangos na ilong. Mapupulang labi at maliit na divided chin. Yung mukhang makinis na makinis. Wait, makinis? How come e huling titig ko rito e medyo may pagka oily pa. Lagi ko ngang nilalagyan ng pulbo o press powder e.
"Shemay Tui! Bakit ang kinis ata ng mukha mo ngayon?"
Namangha pa ako ng sobra. Aba! Marunong na 'tong mag-alaga ng mukha ah?! Inaalagaan ang pagiging heartthrob? Ngumisi sya ng malapad at di talaga nakawala sa akin ang pagkislap ng kanyang mga mata. Aba, ano naman kaya yun?
"Oh God! Thank you! Atlast, gwapo na rin talaga ako sa paningin ni Crush."
Mahina lang nyang sabi na rinig ko naman. Natawa ako. Ang feeler naman.
"Uy, sabi ko kuminis na yang mukha mo at wala akong sinabing gwapo ka. Feeler nito."
Napawi yung magandang ngiti nya revealing his dimple! Naman I want to see that dimple! Ang ganda kasi tingnan plus nawawala ang mga mata nya pag ngumiti. Pero yung dimple lang talaga yung akin. Inggit ako! Naguilty ako kasi parang na offend ko pa sya. Kaya naman, noong dumaan sa labas ng klasrom namin yung isa ko pang kaklase sa advance subject namin. Remember irregular student ako.
"Ay ate! Wait. Pogi ba sya o hindi?"
Nagulat si Tui dahil hinigit ko sya papalapit sa akin at inakbayan sabay lahad ng kamay ko sa tapat ng dibdib nya. Napangiti si ate ng makita ako. Nakilala nya ako.
"Oo naman. Pogi sya. Bakit?"
Tinanggal ko na yung pagkakaakbay sa kanya at binaba na yung kamay kong nakalahad. Habang nanatili pa rin ang malapad kong ngiti.
"Wala lang ate. Sige thank you."
Kumaway pa ako sa kanya at tinanguan lang ako habang nakangiti. Muli akong tumingin kay Tui na natahimik. Buti naman. Rinding rindi na kasi ako sa mga heartthrob problems nya e.
"Oh ayan. Sabi ni ate, pogi ka raw. Oh, wag ng sad."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top