Lost Nine

Nakarinig ako ng palakpakan at doon ko lang nararamdaman ang hiya sa katawan ko. Mabilis akong umayos ng tayo ganun na rin si Tui. Ang sakit ng likod ko. Mabuti nalang talaga at mabilis ang reflexes nitong katabi ko at di sumubsob mukha ko sa seminto.

"O sya sya, kain na tayo guys! Sir!"

Tawag sa aming lahat ni May Ann kaya bumalik kami sa cottage namin. Napatingin ako kay Tui na nakatingin din pala sa akin na may malapad na ngiti at kagat kagat pa ang labi nya. Pinanliitan ko sya ng mata at tinuro.

"Nothing happened. Okay?"

Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin ang mainit at malambot nyang labi na dumampi sa labi ko. Kung meron mang taong nandudun kanina na mabilis ang mga tingin panigurado, makikita nya ang mabilisang paglapat ng mga labi namin. Teka nga pala, yung pictures!

"Okay."

Nakangising sabi pa nya. Yung ngiting nang aasar ba. Siniko ko nga. Ako pa gaguhin nitong isang 'to.

"Wag kang feeling dyan Tui, kundi tatadyakan talaga kita."

May pa akbay akbay pa kasing nalalaman e. Hinawi ko yung braso nyang nakaakbay sa akin at mabilis na pumasok sa cottage. Una kong nakita si Sir na nakangiti ng nakakaloko sa akin. Tinaasan ko ng kilay, lalo naman syang ngumisi.

"Bagay pala kayo."

"Excuse me sir, tao kami at hindi bagay."

"Asus, ewan ko sayo Melody. Teka matanung ko lang, di ka ba nagmomodel?"

Napatawa ako dahil sa tanong ni sir. Pang ilang ulit ko ng narinig ang tanong na yan ngayon. Kumuha ako ng kamote. Mabuti nalang at may dala kami nito. Favourite ko kasi ito e. Binalatan ko muna gamit ang mga kamay ko habang sinasagot ang tanong ni sir.

"Nope. Nakakahiya naman sir, sa liit kong 'to? May pag asang magmomodel?"

Sa totoo lang, isa yan sa matagal ko ng pinapangarap. Kaso, kulang talaga ako sa height. Kaya, bye bye pangarap. Sayang di ba, yung tipong may kaya kang gawin pero kahit gustuhin mo man, di talaga ibibigay sa iyo, kasi hindi para sa iyo. Ilang beses na kasi akong naghahanap ng mga agencies, pati nga online pinatulan ko na. Pero di iyong daring ah? But, nothing happened. Siguro di pa ito oras para sa mga ganyang bagay. Ilang cherifer kaya ang mauubos ko bago ako tatangkad ng anim na pulgada at maging qualified? At ilang stretching na kaya ang gagawin ko araw araw? Nakakalimutan ko palang gawin yan minsan, kaya walang improvement.

Tapos ko ng balatan ang kamote ko at isusubo ko na sana ng maramdaman kong tumabi si Tui sa akin. Busy ang lahat sa kanya kanya nilang ginagawa. May kumakain, may umiinom at nagpipicture-ran. Nilingon ko si Tui at inalok ko sya ng kamote. Una umiling pa sya kaya inasar ko.

"Asus, ang arte nito oh. Di ka pa nakakain nito?"

Umiling sya. Sumimangot ako at di nalang nagsalita pa. Nilingon ko si sir na ngayon ay nakatingin na sa camera.

"Pag may mag alok sayo at bibigyan ka ng chance, kukunin mo ba? You know, sayang naman. Magaling ka. Pang vogue magazine yang itsura mo."

Malaki ang kamoteng pinili ko para di madaling maubos. Kinagatan ko muna bago sinagot si sir.

"Oo nga Melody. Bakit di ka nalang magmomodel?"

Napatingin ako sa nagasalita. Nakangiting nakatingin si Ariele sa akin. Napangiti rin ako at tinuloy ang pagsagot ni sir.

"If that happens sir, tatanggapin ko. I want to experience new things din kasi."

Nakangiting sagot ko di pinansin ang huling sinabi ni Sir. Vogue magazine? Imposible yan. Oa lang siguro itong si sir.

"Masarap ba yan?"

Kita mo 'to? Paano nya malalaman kung masarap ba kung di nya titikman?

"Tikman mo nalang."

Sabi ko sabay tinuro ang pinaglayan ng mga kamote at muling kumagat sa kamoteng hawak hawak ko. Napansin kong kanina pa pala sya nakatingin sa kamoteng hawak ko at sinundan pa ito hanggang sa bibig ko. Napalunok pa sya at natawa ako. Para syang batang natatakam sa ice cream na nadadaanan kasama ng nanay nya. Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at inilapit sa bibig nya. Kinagatan nya ang parte kung saan may kagat ko na. Ngumiti ako ng makita ang itsura nya. Parang nilalasahan pa nya at dahan dahang ngumuya. Pagkaraay ilang beses kumurap ang mga singkit nyang mga mata at saka lumunok. Tumingin sya sa akin na may malapad na ngiti.

"Masarap?"

"Oo."

Kumagat ulit ako at napailing nalang ng makitang sinundan nya ito ng tingin. First time pa nyang nakakain ng kamote sa buong buhay nya. Seryoso sya? Muli nyang hinawakan ang kamay ko at kinain ang kamoteng natira. Kusa ko nalang itong isinubo sa kanya ang lahat lumapat pa sa kamay ko ang mainit at malambot nyang labi.

"Ang takaw mo. Pwede ka namang magbalat ng iyo dyan. Yung akin pa inubos mo."

Pinagpagan ko yung kamay ko nagbabakasakaling maalis ang pagdampi ng labi nya rito. Naalala ko kasi ang nangyari kanina. At mabuti nalang at walang nakapansin dun.

"Di ako marunong e. Saka, first time ko kayang nakakain ng kamote."

"Don't talk when your mouth is full. Tumatalsik Tui. Nakakadiri ka."

Mabilis nyang kiniliti ang magkabilang bewang ko. Di ko kaagad napansin iyon kaya napaigtad ako sa gulat sabay tayo. Loko loko 'tong isang 'to ah. Di ako prepared!

Sinamaan ko sya ng tingin at ngiti lang ang sinukli nya sa akin habang naka peace sign. Nang iinis ba sya? Yung tipong nag aapoy ka na sa galit sa isang tao pero wala itong ibang ginawa kundi ngitian ka lang ng ubod ng tamis at lambingin. Sus, bakit maraming nagsasabing sweet daw iyon? Di naman ako na sweetan ah. Pinapainit lang lalo ang ulo ko nyan. Naiinis ako kay wag mo kong daanin sa ganyan para mawala ang inis ko dahil di uubra sa akin yan. Lalo lang akong naaasar nyan kasi iniinsulto ako. Tsk!

"Peace Melody."

Sabi pa nya at aktong hahawakan ang kamay ko. Di ko sya pinansin at nilingon ang tumawag sa akin. Nakangiting nakatingin si Kimmy sa akin sabay pakita ng mga damit pang ligo nya. Napawi ang inis ko at napangiti. Muli akong tumingin kay Tui na nakahawak na sa kamay ko at nag balak pang i-interwind sa kanya. Binawi ko ito kaya napaangat ang tingin nya sa akin. Nginitian ko sya at dumaan sa harapan nya.

"Magbibihis lang ako."

Pinasadahan ko ng tingin ang katawan nya. V-neck shirt na may nakasabit na puting earphone sa dibdib nya with loose jeans? With sapatos pa. Walang plano maligo? Tiningnan nya rin akong nakatayo sa harapan nya. Nagtaas ako ng kilay at muling tiningnan ang sout nya. Umiling sya na parang na gets yung tanong sa utak ko. Pinasak ang earphone sa tenga at pinatong ang kulay violet na cap sa mukha habang nakapikit at nag cross arms at pinatong ang isang binti sa kabila forming number four. Napatingin ako sa cap at sa bag ko sa gilid ko. Tsk! Yung cap ko!

Di ko nalang pinansin at mabilis kinuha ang damit ko at sumama kay Kimmy.

"I saw that scene. And I know what happened there."

Nakangising aso pa sya habang nakatingin sa akin. Naglalakad kaming parehas kung saan ang daanan papuntang dressing room. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Wag mong sabihing nakita nya yun?

"Accident kiss. Or should I say, Tui kisses you intentionally."

Napahagalpak ako ng tawa. Trying to remember that scene. Pero wala akong naalala. Kunwari lang naman. Bwesit yun ah.

"What the, Kimmy. Ano ba yang iniisip mo?"

"Walang nangyaring ganun."

I'm a great pretender you know. Dahil habang sinasabi ko yun, tiningnan ko sya mata sa mata. Hindi ako makikitaan ng bakas ng pagsisinungaling sa tuwing ginagawa ko ito. Isa pa, di naman ako madaling mamula. Kaya pabor sa akin ang lahat.

"You can't fool me, Melody."

Natawa ulit ako habang umiiling. Binawi ko ang tingin sa kanya at tumingin sa dinaanan amin dahil may makakasalubong kaming mga kasama.

"Bilisan nyo, sabay na tayong maliligo."

Sabi ni Trixie sa amin at tumango lang kami parehas. Sinundan ko sila ng tingin at muling binalik ang tingin kay Kimmy na ngayon ay nakatingin na sa akin. Nginitian ko sya at tiningnan sa mata habang sinasabi ko ito.

"You're just imagining things, Kimmy. Walang nangyaring ganun. Siguro sa angle mo, ganun ang itsura, I tell you, wala talaga. Dahil kung meron man, siguro sinampal ko na yun."

Tumango lang sya at tumingin sa harap. Lihim akong napapangiti dahil kitang kita ko sa mga mata nya na naniniwala sya.

"Sabagay. Baka siguro nga. Tara na, bilisan na natin."

Oo, dahil ACCIDENT KISS lang 'yun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top