Lost Five
Huli akong pumasok kasi iniwan akong nakatulala ng insik na yun. Pero seryoso talaga, ngayon ko lang nalaman na magkaklase pala kami. For almost a month? Ngayon ko lang nalaman. Ano naman ngayon? Tss.
Nadatnan ko syang naka upo sa likod ng upuan ko at nakalean pa sya sa arm chair nya. Nag ngiting aso naman sya. Tinaasan ko lang ng kilay. So, nasa likuran ko lang pala sya? Kaya pala di ko namalayan.
Napaigtad pa ako ng kinuha nya ang mahaba haba kong buhok at sininghot singhot.
"You know what, I really wanted to smell your hair noon pa man. Ang bango kasi e."
"Bakit? Inggit ka? Mag rejoice ka para madaling humaba buhok mo at gumamit ng creamsilk pagkatapos mag shampoo para laging mabango."
Lihim akong napangiti dahil bigla nyang hinampas ang hawak nyang buhok ko. Lokong bakla to ah. Nilingon ko sya , nakasandal na sya ngayon sa upuan nya. Tiningnan ko lang ang nakasimangot nyang mukha saka kinuha ang libro na hiniram ko na nakapatong lang sa arm chair nya. Hanggang sa naglabasan hindi ko na sya nilingon at nagpasya ng umuwi.
May nga nadadaanan pa akong mga magsinta at naalala ko na naman ang mga panahon na yun. Oo, namimiss ko ang mga panahon na yun. Yun nga lang, yung panahon na lang kung saan nagiging masaya ako at hindi na yung taong kasama ko sa mga panahon na yun. Pinilig ko ang ulo ko kasi naalala ko na naman ang mga pangyayaring hindi na dapat alalahanin. Pero wala e. Naiyak na naman ako. Kainis namang luha to, oo.
***
Kinabukasan, napadaan ako sa activity center namin at nakasalubong ko si kuya Benjie with as usual kuya Kenny. Their both from tourism department. Itong si kuya Benjie, pogi, matangos ang ilong, malalim ang mga mata, basta manly ang mukha pero parang baby dahil na rin siguro sa height. Si kuya Kenny naman ay parang pandukwit sa sobrang taas. May kapayatan at black beauty. What I like them is yung palagi silang nakangiti na mas lalong nagpapaattract ng mga kababaehan. Papalapit sila sa akin at mabalis na dumipa si kuya Benjie para salubungin ako ng yakap.
"Baby girl! I miss you! Hindi na kita nakikita palagi sa office nyo. Why is that?"
Natawa ako sa inasal nya. He's always like this simula noong nagkakilala kami. Niyakap nya ako ng mahigpit kaya niyakap ko rin sya. Ang sweet talaga namin. Sana talaga totoong kuya ko nalang sya, hindi kasi ako nakabonding sa kuya ko kasi may pamilya na ito.
"Namiss din kita kuya. Busy na e."
Kumalas na kami sa yakap sa isa't isa at binigyan ko lang sya ng apologetic smile sabay nag peace sign. Nagulat pa ako nung biglang kinuha ni kuya Kenny ang nakataas kong right hand.
"Waaa!!! Sout mo pa? Sout mo pa?"
Para syang bata na tuwang tuwa na iniiksamin ang middle finger ko. May binigay kasi syang ring na may nakasulat na 'The Power of Love' with heart sa dulo. Same kami ni kuya Benjie dahil kaming dalawa ang binigyan nya nito.
"Yep! Ang oa mo makareact kuya ha?"
"Peace. Wag mo tanggalin ah? Friendship ring natin yan."
"Oo na po. Paulit ulit lang?"
"Tsk. Kaw talaga!"
Sabay ginulo ang buhok ko. Napapikit lang ako. Kita mo 'to, napakachildish talaga.
"Geh baby girl, may klase pa kami. Babye!"
"Okay. Babye kuyas! Ang busy nyo."
Nagtawanan lang kami saka nila ako nilagpasan. Nagpatuloy lang ako sa paglakad palabas ng gate. Wala akong kasamang umuwi ngayon, kasi absent ang kaibigan ko.
"Ang close nyo sa kanila noh?"
Napalingon ako sa nagsalita. Oh, si Tui pala. Ano nga pala pangalan nito? Karl? Yun ata. Sinabayan nya akong maglakad palabas ng gate.
"Yep! Ganun talaga pag magaganda."
No reaction lang naman sya at nagpatuloy sa paglalakad. Pansin ko lang, bakit lagi akong binulabog nitong baklang 'to?
"Hi Tui."
"Hi."
Nangisay naman sa kilig ang dalawang babae ng magrespond si Karl sabay ngumiti. Tumaas ang dalawang kilay ko habang nagpipigil tumawa.
"Woah. How was that by the way?"
Tiningnan nya ako sabay ngiti. Yung ngiti na may kasamang kislap pa sa mata.
"Well, campus heartthrob e."
At dun na talaga ako tumawa ng malakas with matching palo pa sa kanya.
"Ang kapal mo Karl. Haha! Feeling mo lang yan uy."
Aminado naman akong may panlaban din talaga itong isang 'to. Pero, hindi ko naman akalaing ganito ito kayabang porket may pinanglaban.
"Totoo. Kita mo yun? Yun? Tsaka yun?"
Sinundan ko naman ang mga tinuro nya. Bakit puro ata lalaki tinuro nya? Lalaki ang tipo nya?
"Oh? Anong meron dyan? Mga tipo mo?"
"Tipo my ass. Wala ka bang napapansin?"
"Ang alin?"
"Ako lang ang nag-iisang pogi sa school na 'to."
Ang yabang nito ah. Tingnan lang natin hanggang saan yang kayabangan mo.
"Ehem. Correction. Kita mo yan?"
Sabay turo ko sa high school student na nasa cafeteria.
"Bilang isang babae, masasabi kong, mas pogi yang hugh schooler na yan at cute pa, kaysa sa'yo, wala ka ata sa kalingkingan nyan. Although may hitsura ka, pero mas lamang pa talaga sya e."
At para effective, binigyan ko sya ng isang apologetic smile with buntong hininga pa sabay lagpas sa kanya.
"Urrggghh!! Melody!"
Nilingon ko sya at nakita kong tinakbo nya ang distansya namin kaya dali dali din akong tumakbo palabas ng gate. At dahil nakaheels ako, naabutan tuloy ako.
Napaigtad pa ako nang bigla bigla nya akong sinundot sa tagiliran.
"Bwesit ka Tui!"
Tatawa tawa lang syang naglakad sa kabilang daanan.
"Bye Melody!"
Sabay kaway at kumindat. Iiling iling nalang akong nagpatuloy sa paglalakad. Ang kulet ng isang 'yun.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top