Lost Fifteen [final chapter]
Nangangatog ang binti ko. Naghuhuramentado ang puso ko. Nabibingi ako ngunit ramdam na ramdam ko ang mahigpit na kamay ni Tui. Nakahawak ito sa akin at pinisilpisil every now and then. Batid kong, magkatulad ang nararamdaman namin. Kinakabahan.
"Congratulations for being Mr Intramurals 2015, Mr Karl Keifer Tui of DevComm department together with our Ms Intramurals 2015, Ms Melody Meil Caro of DevComm department! Let's give them a round of applause!"
Dumadagundong na hiyawan ang narinig ko kasunod ang pag congratulate ng taga IT department sa amin kasunod ang iba pang runner ups. Sila ang first runner up.
"We did it!"
Isang mahigpit na yakap ang ginawad ko sa katabi ko. Hindi ako makapaniwala! Naiuwi namin ang korona! It's an honor!
"Well."
Nagyayabang na naman siya at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin. Naiyak ako! First time ko 'tong ginawa tapos ganito?
"A-aray! Plano mo bang patayin ako?"
Bumitaw naman siya at sabay kaming hinarap ng dalawang judge para sabitan ng sash at trophy. May crown din kami parehas. Ang saya saya!
Pinanuod kong sinabit ng isang magandang judge ang sash sa balikat ko. Tinanggap ko rin ang kamay nyang nagcongratulate sa akin kasunod ang malaking trophy. Nagbeso pa siya bago ako nilubayan.
"Kyaaahhh! Congrats!"
Sigaw ng mga kaibigan namin nang makalapit sila sa amin para sa groufie. Pero bago mangyari ang piktyuran, nag group hug muna kami sa pangunguna ng partner ko.
"Tara guys! Let's celebrate!"
"Ang taray talaga. Best in talent din ang maglolo't lola nyo!"
Sigaw ng baklang kaklase namin. Nagtawanan pa sila at tinukso kaming dalawa. Naalala ko na naman iyong prod namin. Nakakahiya pala yun. Ngayon ko lang napagtanto. Jeez!
"Bakit di nalang totohanin ang lahat."
Biglang kanta ni Rose na sinabayan pa ng dalawang bakla. Nakakaloka.
"Uy, tigilan nyo na yan ah. Mapapasama pa ako kay Melody nito."
Tiningnan ko lang siya ng may pagtataka pero inakbayan nya lang ako habang natatawang sinaway ang mga kasama namin.
"Uuuyy! Iba na yan ah?"
Palihim ko syang siniko sa tagiliran niya. Nagtataka naman siyang sinalubong ang masama kong tingin.
"Umayos ka kundi pepektusan kita."
Inalis nya yung pagkakaakbay sa akin at nakasimangot na tinitigan ang picture niya. Aside kasi sa pagiging winner namin, may napanalunan din kaming minor awards. Una yung best in talent, tapos yung pagiging Mr photogenic niya at Ms Photogenic ko rin at Ms congeniality.
Dumating ang weekend at may hindi ako inaasahang panauhin. Yung ex ko prenteng nakaupo sa sofa ng sala namin. Anong ginagawa niya dito?
"Ahm, I'm with my cousin. Nagpapasama siya sa akin, may laro kami mamaya dyan sa gym, kinakausap pa sya ng Kuya mo."
Wala naman akong tinanong, nag-abala pa siyang magpaliwanag. Tumango lang ako at nilagpasan siya. Bastos ba? E sa kagigising ko lang! I woke up in the wrong side of bed! Bakit! Dahil lang naman sa panaginip kong tatlong araw nang ginambala ang utak ko. Kung ang inaakala ko ay hindi na magtuloy tuloy ang panaginip pero hindi ko naman inaasahang may episode 2 pa pala kinabukasan at kanina nga lang ang episode 3.
Ano bang napanaginipan ko?
Nag vibrate ang phone kong kakalapag ko lang sa mesa, magtitimpla sana ako ng Milo.
Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay nang mabasa ang sender.
One message received: From Tui.
Good morning my Melody! Ang ganda ng gising ko kasi napanaginipan ulit kita. Ano kaya ang meaning nito? Haha! Mag online ka nga at replyan mo yung huling chat ko sa'yo kagabi. Tinulugan mo na naman ako e. :(
Ayun lang naman. Speaking of, yeah right, siya ang napanaginipan ko sa loob ng tatlong araw. Sana wala na 'to bukas. Nakakainis na e. Kasama mo na nga boung araw, pati ba naman sa pagtulog?
Hindi na sana ako magreply pero tinraydor na naman ako ng mga kamay ko.
To Tui:
Bakit, ano bang nireply mo?
From Tui:
Bakit di mo nalang kaya tingnan at nang malaman mo?
To Tui:
Bakit di mo nalang kaya sabihin?
From Tui:
Nasend ko na, uulitin ko pa? Hindi ako redundant alam mo yan.
To Tui:
Ayaw. Tinatamad ako.
From Tui:
Umagang umaga? Tindi mo ah.
To Tui:
Wala kang pakealam.
From Tui:
Tinanong ko lang, hindi pangingialam yun.
To Tui:
Oo, kasi chismoso ka. Kalalaki mong tao.
Ganyan nga, ganyan kami kahit hanggang sa text o chat. Kulang na nga gyerahin na namin ang isa't isa e. Isip bata kasi at nababakla minsan. Feeling gwapo pa.
From Tui:
Bahala ka. Tingnan mo nalang kasi. Tsk.
Kinuha ko muna ang Milo sa cabinet at nagsalin ng mainit na tubig sa mug. Pinaghalo ko yun at inabot ang slice bread sa mesa.
Dinampot ang cellphone habang busy ang isang kamay sa kinakain.
Ini-on ko yung WiFi at tumambad nga sa akin ang chat icon ni Tui.
Ang gwapo ko di ba?
Yun ang caption nang picture ng isang batang lalaki.
Halos mabilaukan ako sa tinapay na kinakain ko kaya dali dali akong humigop ng milo. Mainit pa ito kaya naluha ako ng bahagya.
Ngunit hindi nakawala sa akin ang matunog kong halakhak.
Kalbo ito at halata ang pagiging Chinese tapos medyo kulay kayumanggi pa siya at bungal. Ngiting ngiti itong nagpose ng pogi sign sa harap ng camera.
"Saang banda ang gwapo nito?"
Mataba pa siya ah. Gwapo na siya nyan? Mga kalokohan talaga ng baklang 'to.
Tapos may sinend din siyang video na sumasayaw. Medyo payatot pa siya. Siguro high school?
Noon pa man, magaling na talaga akong sumayaw. Akalain mong dancer of the year ako nyan sa school namin?
Napahagalpak ako ng tawa habang pinapanuod ang video niya.
Pero bakit mukha kang bakla? Ang galing mong kumembot ah? Talent mo nga yan, ang gumiling at kumembot. Lambot ng katawan mo.
Out of the blue, nag video call sya.
Natatawang pinindot ko ang accept button. Bumungad sa akin ang naasar niyang mukha.
"Gusto mo bang makita mismo sa harapan mo kung paano kumembot at gumiling itong baklang sinsabi mo?"
May pagbabanta sa tono niya. Nagalit ko ata talaga. Tumawa ako.
"Wag na, nakita ko na naman. Saksi nga ako kung gaano kalambot yang katawan mo."
"Yeah right, napakapit ka nga ng mahigpit e at halos ibaon mo na yang sarili mo sa akin. Ang lambot ko di ba? Isipan mo nga napatino ko ng mga oras na yun."
Naalala ko yung prod namin noong intramurals. Naging hilaw ang ngiti ko at napalitan ng pagkapahiya ang mukha.
"Tui! Nakakainis ka na ah?!"
Panay ang irap ko samantalang halos mamamatay na siya kakatawa. Mabilis kong naubos ang kinakain ko sa sobrang inis. Pati nga ang init ng Milo, di ko na alintana. Padarag akong tumayo at lumapit sa sink para hugasan ang basong ginamit ko. Hindi pa rin siya kumalma sa mamamatay nyang tawa.
"You should have seen your face. Ang epic Mel!"
"Ewan ko sa'yo."
"Kita mo, kapag ikaw 'tong naasar, nagagalit ka pero kapag ikaw naman mang-aasar walang bukas. Pero ni minsan, nagalit ba ako?"
Hinarap ko siya na may kasamang duro.
"Kinokonsensya mo ba ako?"
Matagal siyang nakatitig sa akin. Nagtataka akong tiningnan siya pero hindi siya sa akin nakatingin. Sinundan ko yung line of vision niya at nadatnan kong nakatingin pala si Dee sa amin mula sa hamba ng pintuan.
"Oh Dee? Kanina ka pa ba riyan?
Tumango lang siya at nagsalita.
"Magpapaalam na sana akong aalis na kami hinintay ko lang na matapos ka."
Halata sa boses ang lungkot niya at hindi naalis ang paningin sa cellphone kong nakasandal sa bote ng Milo. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Ngayon ko lang din nakitang seryoso si Tui.
"Okay. Tapos na ako. Ingat kayo."
"Manunuod ka?"
Gaya ng dati?
"Nope."
Noon lang siya nag-angat ng tingin sa akin. Bumagsak ang parehong balikat niya.
"Why?"
"I'm busy. Tsaka, alam ko namang magaling kayo. Mananalo kayo niyan panigurado."
Binigyan ko pa siya ng encouraging smile. Alam ko namang magaling na siyang maglaro ng basketball noon pa man. Elementary pa lang ata kami nun?
Huminga siya ng malalim at tumingin sa phone ko tapos pabalik sa akin.
"Pwede ba kitang puntahan dito mamaya?"
"Bakit?"
Nakatinginan pa kami ni Tui ng sabay kaming magsalita.
"I .. I just .. Ahmm, I just want to settle things between us."
Sa tinagaltagal ng panahon ngayon mo lang naisip iyan? It's not that I am expecting it pero bakit naman? Hindi pa ba siya kontento sa nagawa sa akin? Ilang ulit pa ba niyang galawin ang boung pagkatao ko bago siya makontento at lubayan na ako?
Mukha man akong madaling bumigay pero hindi na ngayon. Kung noon mahal na mahal pa kita na pati kaluluwa ko ay pinaubaya sa'yo nagkakamali ka nang iisipin mong ang minahal mo noon ay ganun pa rin hanggang ngayon.
Man, I learned the hard way.
Matagal bago ako nakasagot. Ni wala nga akong maisip na magagandang salita iyong hindi nakakapanakit ng damdamin. Pagod na din kasi akong magbato ng masasamang salita sa kanya dahil wala siyang kadaladala.
"Two years is enough for you to clean up your mind. Siguro naman sa loob ng mahabang panahon nakalimutan mo na iyon."
Nagpapatawa ba siya? Hindi ko mapigilang mapangisi sabay iwas ng tingin. Nahagip ng mata ko ang black na screen ng phone ko. Lowbat? Ang dali naman. Baka naman binaba na niya.
"Kasi ganun ka e. Kapag nag-away tayo, hindi kita guguluhin ng mga ilang araw o linggo tapos after nun babalik na tayo sa dati."
Just right. You don't have to bring back the old days para lamang kumbinsihin ang isang taong bumalik sa'yo.
"Kaya naisip kong hayaan ka ng ilang taon na wala ako para naman makalimutan mo na ang kasalanan ko."
Honey, its not that easy. Maybe napatawad kita sa ginawa mo pero hinding hindi ko malilimutan ang kademonyonhang iyon.
Hindi pa rin ako nagsalita. Hinintay matapos ang sasabihin niya.
Settle huh? Edi umpisahan na natin ngayon.
"Miss na miss na kita gf. Alam mo bang ni minsan hindi ko naisip na humanap ng iba? Kasi ikaw at ikaw lang talaga."
Yeah, I've heard that. Hindi ko maiwasang maging sarkastiko. Kung sana hindi mo 'ko binigyan ng dahilan upang humantong tayo sa ganito, edi sana masaya pa tayo. Kaso hindi e. Ikaw mismo ang sumira sa pagmamahalan natin. Ikaw mismo at yang kalandian mo. Okay sana kung ibang tao ang nilalandi mo, maiintindihan ko pa, mainstream e. Pero yung ako mismo ang ninakawan mo ng respito, masakit e.
Alam kong oa pakinggan kasi ginagawa na nga namin di ba? Pero hindi na ba pwedeng tumanggi? Hindi na ba pwedeng respitohin ang desisyon ko?
Tsaka hindi naman yan requirements pagnagmahal na kailangan mo ring ibigay ang sarili mo, kahit hindi pa dapat, para lang patunayan kung gaano kalaki ang pagmamahal mo sa kanya.
"Please, nakikiusap ako, bumalik na tayo sa dati. Bumalik ka na sa akin."
Huwag kang magpapadala Melody. You know better. Sa likod ng maamong mukhang nyan nagtatago ang demonyong minsan mo na ring nakasalamuha.
"Hindi ka ba napapagod?"
"No. As long as its you. Alam mo naman kung gaano kita kamahal."
Alam ko, kaya nga nagawa mo sa akin yun di ba? Kaya nga nagawa mong suwayin ang desisyon ko dahil sa lintik na pagmamahal na yan. Obsession tawag dyan at hindi love.
Masyado ka ng obsess sa isang tao na pati mismong salitang mahal nakalimutan mo.
Nakakasama ang sobra di ba? Hindi naman lahat nasasayang pag sumubra, nakakasira din.
"Kasi ako pagod na."
"No. No. Please don't say that. Please. It's not true."
"Naging masaya ako nung pinalaya mo ako. Nahanap ko na rin ang sarili ko. Kaya ngayon, palayain mo na din ang sarili mo."
Umiiyak siya, pero wala akong ibang nararamdaman kundi kaawaan siya. Naawa ako sa kanya dahil hanggang ngayon, nakakulong pa rin siya sa pagmamahal sa akin na inaakala niyang totoo. Ramdam ko pa rin hanggang ngayon kung gaano nya pa ako kamahal pero ramdam ko ring may mali.
May mali dahil sobra ito at hindi na tama. Like I said, obsession ang tawag at masama iyon dahil maari kang makagawa ng isang bagay na ikapahamak nyo parehas. Gaya nalang nang nangyari sa amin. Nang dahil dyan, nagkaroon ng lamat ang relasyon namin.
"No, no, no. I won't. Ayoko. Mahal na mahal kita at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kapag muli ka pang mawala sa akin."
"Dee. Sana maintindihan mo ako. Ayaw ko na. Ayaw ko nang bumalik sa kung anumang meron tayo noon."
Panay ang iling niya hindi pa man ako tapos magsalita. Kita ko ang kagustuhang niyang lapitan at yakapin ako pero pinigilan niya ang sarili niya.
"No. No. No. Please hear me out. I know that there's still a chance. Kahit gaano pa kaliit iyan, I'll grab it. Just.. Just come back to me please."
Huminga ako ng malalim. Paano ko ba ipaintindi sa kanya ng lubusan kung siya mismo ayaw niyang intindihin?
"Takot ka lang kaya ka ganyan. Alam ko, takot kalang."
"Tama ka. Takot nga ako."
Sandali syang natigilan at nag-angat ng tingin sa akin.
"Tumayo ka nga dyan."
Nakaluhod kasi siya at hindi ako komportable. Hindi ako santo.
"P-pero bakit? Saan ka takot?"
This is it.
"Takot akong bumalik sa'yo. Dahil takot akong baka maulit yung ginawa mo sa akin. Once kasi nagawa mo, hindi malabong magagawa mo ulit iyon. Kahit pa sabihin mong magbabago ka. Sa bawat araw na makikita kita, yun at yun lang ang sumasagi sa isip ko at ayaw ko non. Dahil panigurado, masasaktan ka lang. Hindi mo na maaalis yun sa sistema ko dahil nakakatrauma."
There nasabi ko rin. Pero hindi pa ako tapos.
"Nakakatrauma, oo, sobra. Na pati magmahal muli ay natatakot na ako."
Masakit kasing malaman na ni katiting ng respito ay nawala sa'yo. Mawala na lahat ng pagmamahal pero huwag mong hahayaang pati respito mo sarili matangay din.
"Tutulad din yan sa ina."
"Kung ano ang puno siya rin ang bunga."
And that curse began when I was born. Nang dahil din dyan, mas napapatibay ang desisyon ko.
A/N: watch out for epilogue!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top