Lost Eleven

"Pinapasabi pala niya, huwag na raw kayong mag-alala dahil wala naman daw siyang balak kilalanin at kunin si Melody. Hindi daw kayo dapat mangamba dahil sa inyo lang naman daw ang bata."

May sira ata utak ko at pang ilang ulit ko na yang narinig sa loob ng ulo ko o sadyang ayaw lang talaga kalimutan ng isipan ko ang nangyaring usapan ng ina at tiyahin ko.

Kakauwi lang namin galing probinsya at piling ko may sariling utak ang katawan ko dahil nakakasabay ito sa lahat samantalang hindi halatang naka on ang replay button ang utak ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong ireak. Ano ba dapat?

Masaya.

Malungkot.

Magalit.

Mamuhi.

Lahat yan hindi ko makuhang maging. Weird na ba ako nito?

Sa sitwasyon ko na pinaubaya na talaga ako ng tuluyan ng tunay kong ina at kinalimutang may Melody Caro siyang anak. Nga pala, hindi pala Caro ang tunay kong apelyido. Caruana. Magkalapit lang.

Shemay nito, nababaliw na ba ako?

Dinaig pa teleserye pagkatao ko.

"Panigurado, tutulad din yan sa ina. Kung sino-sinong lalaki ang kinakalantari. Ganyan naman e, kung anong puno sya ring bunga."

At ito pa. Sabi yan mismo ng tiyuhin ko. Ng tunay kong tiyuhin. Ibig sabihin, kapatid siya ng tunay kong ina.

Hindi lang pala siya ang nagsabi niyan. Maging ang ibang mga kapitbahay din pala namin. Malamang kilala talaga nila ang tunay na pagkatao ng tunay kong ina.

Pero kahit ganun, hindi pa rin ako nawalan ng respito sa tunay kong ina. Totoo yun. Mahaba-habang sakripisyo din iyong ginawa niya. Kahit man ganun ang nangyari binuhay at niluwal niya pa rin ako. Ibig sabihin lang nun, mabuti pa rin siyang tao.

Kung siguro naging artista ako sa lagay na 'to, iisipin ko ring mga bashers ko ang mga tunay kong kadugo.

Nakaramdam ako bigla ng panlulumo at kumakalat ito sa boung sistema ko. Agad akong nagbuntong hininga at ngumiti sa harap ng salamin.

"Mirror mirror in the wall, ano kaya ang magiging buhay ko?"

Kapag talaga itong repleksyon ko sumagot o di kaya'y itong salamin, iisipin ko talagang nababaliw na ako.

Titig na titig ako sa sarili nang biglang sumagi sa isipan ko ang isang pangyayayaring hindi na dapat binabalik-balikan. Mabilis akong umiling habang kumurap-kurap. Kuyom ang dalawang kamao. Napahawak ako sa dibdib at ramdam kong tumigil pala ako sa paghinga.

Agad akong kumuha ng tubig at uminom.

Hanggang ngayon pa rin ba?

Halos dalawang taon na ang lumipas nang mangyari ang insidenting iyon pero parang kahapon lang.

Napakislot ako ng maramdamang muli ang dalawang kamay na nakahawak sa magkabila kong braso. Wala sa sariling nabitawan ko ang baso at niyakap ang sarili.

"Please. Tama na. Ayaw ko na."

Halos mangiyak-ngiyak akong napayuko at naghahanap ng mauupuan.

Naramdaman ko ang sariling nakaupo sa dulo ng kama at basang basa ng luha ang dalawang hita.

"This sucks."

Rinig kong bulong sa sarili ko.

Tila panandaliang nawala ang pandinig ko sa mga oras na iyon at unti unti lang itong bumalik ng marinig ko ang sarili kong magsalita.

This is so not me.

Hindi ako ganito.

Hindi sa harap ng maraming tao.

I don't want this.

Gusto kong sumigaw pero ayaw ko ring marinig nila ako.

Maybe I should calm myself first. Ganun nga ang ginawa ko at muling huminga ng malalim. Pinalis ang mga luha.

Naligo ako to freshen up myself. Baka nasobrahan lang ako ng pagod sa sarili. Ilang oras din kaming bumyahe. At ang daming nangyayari. Kaya ito at nalilito na yung utak ko kung ano ang dapat isipin. Pati mga alalang nakabaon na, nahahalungkat.

Mula noon ayaw na ayaw ko na talaga sa negative vibes kaya hanggat maari kailangan ko ng distraction. Baka kung mapano pa ako nito.

Ever since, I already learn how to cope up with depression. Which I find myself unique. Dahil hindi naman lahat nakayanan ang depression sa buhay. Lucky me that I have such mindset para hindi ako lamunin nito.

I scanned through my phone. Looking for some stories that could divert my attention from reality.

Yes, this is how I did when I'm depressed. Reading informational stories or fictional o di kaya'y magsulat ng sariling kwento.

Everything that involves art and literature. I sometimes do physical activities kapag feel ko.

At the end of the day, mababakas sa mukha ko ang saya.

Sanayan lang din naman kasi yan. Isa pa, kahit sangkatutak na ang problema mo sa buhay, you still have reasons to smile. Kahit pa gaano kaliit ang rason na iyan, mapapangiti ka pa rin.

Appreciate negativity but learn to be positive in every special way.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top