Epilogue

Sunday.

Monday.

Tuesday.

Wednesday.

Thursday.

Friday.

Hindi ko na talaga kaya! Boung linggo akong hindi kinausap o tiningnan man lang ni Tui. Pati mga kaibigan nga namin nagtataka na sa inasal ng kaklase.

"Ano ba Tui! Hoy! Wala ka talagang balak kausapin ako?"

Sinulyapan niya lang ako saglit. Ganun lang tapos nagwalkout. Hala sya, bahala ka na nga sa buhay mo!

"Ganun pala ah. Sige, panindigan mo yan!!"

Wala na, naiinis na talaga ako. Kahit sa chat nga hindi na ako kinausap. Tapos malalaman ko nalang nag change number na ito? Kung hindi pa ako tinanong nung mga fan girls niyang mabait sa akin, hindi ko malalamang nag-iba pala ito ng numero. Hindi na daw kasi nila makontak. Ni hindi na rin daw sila nireplyan. Aba, anong malay ko dyan sa buhay teknolohiya niya? Ako nga di ko makontak e.

Tapos sasabihin ng kaklase kong nag group message daw ito sa kanila na nagpapalit daw ito ng numero. At huwag na huwag daw ipaalam sa kahit kanino kung walang permiso mula sa kanya. At kahit na nga daw sa akin, huwag nilang ipaalam.

Kaya kinabukasan inulan ako ng sangkatutak na tanong.

Kaimbyerna, kung anong nagawa ko at galit sya sa akin, nararapat naman atang sabihin niya di ba? Hindi yung manghuhula pa ako kung ano ang tumatakbo ng isipan niya.

Dahil sa inis ko, nag online ako. Hindi naman ako madalas nag-o-online kapag sinabi lang ni Tui, tsk.

Its settled then. :)

Ang huling status ko na nakatanggap ng 20 likes, kasama na doon siya.

Binalewala ko nalang at maglog-out na sana nang mahagip ng mata ko ang isang piktyur sa news feed.

Nag-iinuman sila ng barkada niya at may kasama silang tatlong babae, hindi ko kilala pero alam kong isa iyon sa mga fan girls niya.

Kakapost lang din nito. Ibig sabihin, nasa labas siya at kasama niya ang mga babae niya. Nagkibit ako ng baikat at nilike nalang. TGIF eh.

Pero kataka-takang hindi naman siya ganyan dati o sadyang hindi ko lang siya kilala.

Dumaan ang isa pang linggo na naging buwan na rin. sa loob ng maikling panahon na iyon, ni minsan ay hindi na kami muling nag-usap pa.

Aaminin kong namimiss ko na ang kulitan namin. Namiss ko na siyang kasama at katawanan palagi. Namiss ko na ang mga kabaklaan niya. Pero wala akong magagawa, choice niya yan e. Bahala siya.

Hindi naman ako yung tipong naghahabol kapag iniwan.

Ano nga kaya ang nangyari sa kanya?

"Tsk tsk tsk."

Iiling-iling na sabi ng katabi ko. Napatingin ako sa kanya. Binaba ang binabasang libro.

"Oh, bakit?"

"Ano ba ang ginawa mo sa kanya Mel?"

Huh? Nino? May nagawan ko ba ng atraso?

"Sabihin mo nga, kasi hindi ko na maiintindihan e. Maayos pa naman kayo noon."

Napangiwi ako sa sinabi ni Alvie. Mas hindi ko siya maiintindihan. Hindi ko nalang siya pinansin at muling inangat ang libro.

Marahas niyang inagaw sa akin yun at pilit akong hinarap. Pumunta pa talaga sya sa harapan ko.

"Sagutin mo nga ako. Alam mo namang botong boto ako sa inyo, pero bakit ganito?"

Sandali ko pang pinroseso ang sinabi niya. Naintindihan ko lang iyon nung may tiningnan siya sa harapan. Tiningnan ko rin iyon at nakita ko siya, may kasamang babae.

"Ah, ni Tui ba? Bakit hindi siya ang tanungin mo?"

Ilang beses ba dapat sa isang araw ako tanungin ng kaparehong tanong? Araw-araw na din yan ah. Hindi ko nga alam. Ano ba ang hindi nila naiintindihan doon?

"Ang sabi niya, wala naman daw."

Wala. Wala pala ah. Pero bakit hindi mo na ako pinapansin?

"Wala nga naman. Ganyan naman talaga di ba? May taong darating nang hindi inaasahan at guluhin ang mundo mo pero iiwan ka rin ng hindi din inaasahan."

Matamlay akong ngumiti at kinuha mula sa mga kamay niya ang libro.

"Mauna na ako. Nagugutom na ako e."

One week later...

Tulala akong nakatitig sa test paper ko. Final exam namin ngayon at hindi mag sink in sa utak ko ang mga tanong. Ni hindi ko nga maiintindihan ang binabasa ko e.

Paano, ngayong hapon gaganapin ang PE culmination namin at ang masaklap pa doon, kinuha kaming guest ng PE instructor namin. Sasayawin namin ulit iyong contemporary dance number namin noong intrams. Part din kasi nang lesson yun and since napanuod ng instructor ang performance namin noon, gusto niya kaming pasayawin ulit at oo, kaming dalawa pa rin ang partner.

Alangan naman daw kasing iba ang ipapartner niya e kami naman daw yung nakaalam ng steps.

Tapos yun pa ang problema, hindi kami ni minsan nagpapraktis! Kasi nga hindi na nya ako pinansin! Nakakainis na nakakalungkot at nakakakaba na din. Maliit na crowd lang yun pero syempre, magpeperform pa rin kami nang ganito ang estado namin?! Wala na! Wala na talaga!

"Don't worry. Saulo ko pa naman ang steps. Bilisan mo na dyang sumagot at nang makapaghanda ka na rin. Mauuna na ako."

Kahit na saulo mo pa ang steps at saulo ko pa rin naman yu--wait,... Sandali ngaaaa!!!

Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa questionnaire nang mapagtanto ang lahat!

K-ki... K-ki... Kinausap niya ako?! Kinausap niya talaga ako?!

"Chelsea, kinausap niya ako di ba?"

Kalabit ko doon sa katabi kong kaklase. Nginitian niya ako ng malapad at tumango.

"Miss Caro? Mind your own paper."

Shemaaayyy!!! Kinausap niya talaga ako!

Oo nga! Kinausap ka na nga niya! Ang kulet talaga ng lahi mo.

Napatingin ako kay ma'am na tinanggap ang questionnaire  na inabot ni Tui sa kanya.

Wala sa sariling napangiti ako at nagpatuloy na sa pagsagot.

Madali lang pala ito, bakit di ko magawang intindihin kanina?

Ala una ang umpisa ng activity at may isang oras pa akong suyurin ang boung campus makita lang si Tui para sana kausapin siya sa susuotin namin at para na rin makapagrehears kami. Ngunit, nasuyod ko na't lahat, wala akong nakita kahit man lang anino niya. Nagugutom na ako!

Tss, bahala na nga siya.

pumunta nalang ako sa canteen at nagpasyang kumain. Nakakainis talaga maghanap ng taong nagtatago. Psh. Akala siguro niya di ko siya napansin. Kahit isang beses lang yun, alam kong siya iyon. Ako lang pala binabantayan. Walanghiya siya.

One message received.

Unregistered number. Sino naman kaya ito? Wag ko lang talagang makikitang nang-aalok ito ng trabaho sa isang call center company.

Nasa upuan mo ang susuotin mo. Pinabigay ni miss. Tui here.

Lumawak ang ngiti ko pagkatapos kong i-save ang number niya. May naisip ako.

To Tui:
Let me deduce. Kaya ka nakapagtext sa akin kasi  nakasave pa ang number ko dyan or denelete mo at memorize mo lang or pwede ring nanghingi ka sa mga kaibigan natin.

Patapos na akong kumain nang muli siyang mag reply.

From Tui:
Enngk. Mali. Dahil may load ako.

Natawa ako ng bahagya. Ilang minuto mo ring pinag-isipan ang irereply mo ha dahil tama ako kahit alin man doon sa tatlo. Sus.

From Tui:
Bilisan mo nang kumain dyan. Malapit nang mag-umpisa ang program. Kung sana ikinain mo nalang yung paghahanap mo.

See? Hindi talaga ako nagkakamali at talagang nagmamatyag pa sya sa akin. Hindi ko maiwasang mangilabot.

To Tui:
You're creeping me out. Tigilan mo nga yan.

From Tui:
Isang buwan ko 'tong ginagawa ngayon ka pa mangilabot?

Yikes! Tinatanaw nya ako sa malayo nung mga panahong hindi kami nagpapansinan? Bakit hindi ko naramdaman? Akala ko ba matalas ang pakiramdam ko?

Hindi nalang ako nagreply pa at pumunta na sa pakay.

"Please welcome our Mr and Ms Intramurals 2015! Karl Keifer Tui and Melody Meil Caro!"

Masigabong palakpakan ang narinig ko kasabay ang matinding hiyawan. Mag-isa lang ako dito sa likod ng backdrop at hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ni Tui. Lalo lang akong kinabahan nang mag-umpisa ang tugtog.

Isang maingay at nakakabinging hiyawan ang namayani sa boung gymnasium. Teka, saan siya galing?

Iwinaksi ko yun sa isipan at naghanda na din para sa pagpasok ko.

Shemay, bakit sobrang ayos naman ata niya? Hindi naman ganito itsura niya kaninang umaga.

Nagpatuloy nalang ako sa pagsayaw at sinabayan ang bawat indayog ng kanta hanggang sa namalayan ko nalang ang palalim na palalim nitong ritmo. Sensual nga kasi!

"Ang hirap mong tiisin, alam mo yun?"

Napadilat ako ng binulong niya iyon sa akin. Saka ko naalala ang lahat.

"Teka, bakit mo nga pala ako nilayuan."

Parang iisa lang ang katawan namin dahil sa sabay naming galaw.

"Akala ko kasi nagkabalikan kayo ng ex mo."

"Maaring namatay sa maling akala."

"Alam ko. Nasa binggit na nga ako ng kamatayan nun."

"What?!"

"Joke lang. Nasasaktan kasi ako."

Hindi muna ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagsayaw.

Maya maya pa, muli kaming nagkalapit. Chorus eh.

"Bakit naman?"

"Hindi mo pa ba halata?"

Nanatili lang akong nakatitig sa mga mata niya. Ang ganda ng kanyang mga mata. Kumikinang ito sa bawat bugso ng damdamin niya.

Nasa part na kami nang panghuling chorus pero hindi pa rin ako nagsalita. Wala akong mahanap na sasabihin. Speechless.

"Mahal kita Mel. Mahal na mahal."

Sabi niya nang nakayakap sa dibdib ko at ang kanang braso, sa bandang tiyan naman ang kaliwa. Dahan dahan niya akong inikot paharap at sinunod ang next step, ang ipaikot sa batok niya ang dalawang braso ko.

"Kaya nung malaman ko nang araw na yun, hindi ako nagdalawang isip na lumayo kesa masaktan. I was once get hurt at hindi iyon maganda sa pakiramdam. Hindi ko naman akalaing, sa paglayo ko pala ay lalo akong masaktan ng higit pa dati. Masakit pala dumistansya at lumayo sa taong mahal mo."

Tumulo ang luha ko. Tapos na ang kanta pero hindi pa rin kami naghiwalay. Naririnig na din namin ang matinding hiyawan ng lahat pero parehas kaming walang pakialam.

"Hindi mo pa ako kilala Tui."

Pumiyok ako habang inaalala ang mapait na kahapon.

"Handa akong kilalanin ka."

Umiling na ako unang salita pa lang. Pandirihan mo din ako, huwag na lang.

"I'm not yet ready."

"Alam ko, halata naman pero maghihintay ako."

Sabi niya at hinalikan ang noo ko tapos sabay kaming humarap sa audience at nag bow.

The End.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top