Special Chapter
Special Chapter
Vien's POV
I'm married.
I married the girl who saved me and I think I made the right decision. Mahal ko siya. Sa kanya ko naramdaman ulit kung paano mahalin nang walang kahati. Hindi siya naghanap ng iba kahit na sobra ko siyang nasaktan noon.
But the question is... am I happy?
"Tang ina, buddy, bakit gan'yan ka ka-tanga?" Sabi ni Wave habang sumisimsim sa baso niyang may pinaghalong sprite at bacardi.
Pinaglaruan ko ang baso ko'ng may kaunting laman pa ng alak at sprite. Hindi pa rin makapag-isip ng maayos.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ilang buwan na ang lumilipas pagkatapos ng kasal namin ni Hiraya at ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang huli kong makita si Ianne.
"Putang ina, isipin mo kasi na si Ianne talaga ang papakasalanan nitong tropa natin. Kay Ianne talaga niya balak mag-propose. College palang tayo, alam na nating lahat iyan!" Ani Tick habang nakangisi.
"So?" Tanong ni Wave habang humihithit sa hawak niyang sigarilyo.
"So... ang sinasabi ko lang naman ay..." napatigil si Tick at biglang hinablot ang isang kaha ng sigarilyo na nasa lamesa at kumuha ng isang stick. "Fuck this shit! Wala na akong masabi, motherfucker!" Aniya sabay sindi sa kan'yang sigarilyo.
Napatingin ako sa kanila. Mas mukha pa silang problemado kaysa sa akin. Naiintindihan ko naman sila dahil kaibigan din nila si Ianne at Jarrik. Balita ko rin ay masaya na silang dalawa ngayon.
Wala akong gustong gawin! Hindi ko sasaktan ulit si Hiraya at lalong hindi ko guguluhin ang buhay ni Ianne at Jarrik.
Natahimik kaming tatlo. Walang gustong magsalita. Wala rin namang dapat sabihin. Gusto ko lang naman talaga na ilabas lahat ng bumabagabag sa dibdib ko.
"Bakit kaya hindi mo kausapin si Hiraya?" Bigla akong napatingin sa kay Wave nang sabihin niya iyon.
"Fucker! Ayaw ko siyang saktan. Hindi niya deserve. Kahit ako nalang." Nakangising sabi ko.
Naramdaman ko na ang init sa buong katawan ko na sa tingin ko ay nanggaling iyon sa alak na iniinom namin. Kanina pa kaming alas otso rito at mag-u-umaga na, kaya hindi na ako magtataka kung pare-parehas kaming may mga tama na ngayon.
"Dapat naisip mo iyan noong una palang. Dapat hindi mo siya pinakasalan para lang sumaya siya." Ani Tick. "Kasi puta, mas sinasaktan mo siya ngayong gan'yan kagulo ang isip mo!"
Alam ko naman iyon. Pakiramdam ko ay wala na akong karapatang sumaya. Sa kagustuhan kong makalimutan si Ianne at sa ginawa nilang dalawa sa akin ni Jarrik ay hinanap ko kaagad sa ibang tao ang mga hinahanap kong pakiramdam na kay Ianne ko lang gustong maramdaman.
Gusto ko lang naman maging masaya ulit, pero bakit parang kasalanan ko pa ngayon?
"Mahal mo naman si Hiraya, hindi ba?" Tanong ni Wave.
"Oo tang ina, p're." Mabilis na sagot ko.
"O, nagtanong lang ako, nagalit ka na kaagad d'yan!" Natatawang sabi ni Wave kaya umiling ako habang tumatawa na rin.
"Mahal mo pala, eh. Mahalin mo lang siya nang tuloy-tuloy. Huwag ka nang mag-isip ng kung ano riyan. Tang ina, kasal ka na, p're! Up until now, hindi pa rin ako makapaniwala." Tinaas ni Tick ang baso niya tanda na makikipa-cheers siya sa amin kaya tinaas din namin ni Wave ang sa amin.
Pag-uwi ko ng bahay ay naabutan kong natutulog si Hiraya sa kama namin. Sumisilip na ang liwanag. Hindi naman niya ako hinanap kagabi dahil alam niyang nakila Wave ako.
Tinitigan ko ang mukha niya habang natutulog. Inayos ko ang ilang hibla ng kan'yang buhok na humaharang sa kan'yang mukha at ngumiti.
This girl saved me. Noong mga panahong hindi ko na alam ang gagawin ko, nariyan siya. Siya ang tumulong sa akin. Minahal niya ako kahit na ang kalahati ng sarili ko ay bitbit ni Ianne.
Ilang beses ko na siyang hiniwalayan noon. Ilang beses din siyang bumalik sa akin. Hindi ko na nakikita ang sarili kong hindi siya kasama.
Bumuntong hininga ako. Iyon ay bago ko makitang muli si Ianne. Noong makita ko siya bago ang kasal namin ay parang gumuho lahat ng parte sa akin na binuo ni Hiraya. Pakiramdam ko ay hindi ako kailanman naging malaya kay Ianne.
The moment I saw Ianne, alam ko na. Alam ko nang nasa kan'ya pa rin ang kalahating parte ng pagkatao ko. Masaya siya para sa akin. Kailangan ko ring maging masaya para sa sarili ko—sa amin ni Hiraya.
Sumandal ako sa headboard at kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Napatulala ako sa screen habang nakatambay pa rin sa facebook niya. Napangiti ako nang makita ko siyang nakangiti sa isang picture na si Jarrik ang dahilan.
Binagsak ko sa side table ang aking cellphone at nahiga na sa tabi ni Hiraya. Dahil sa naka-inom ako ay mabilis akong hinila ng antok.
Nagising ako dahil sa ingay ng hikbi. Kumunot ang noo ko at kahit masakit at ulo't mata ko ay bumangon ako para tignan iyon. Nagulat ako nang makita si Hiraya habang nag-aayos ng kan'yang gamit.
"Why? What happened?" Namamaos ang boses na tanong ko.
Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa paghikbi, kaya nataranta na ako. Nilapitan ko siya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. She looked at me. Punong puno ng sakit ang mga mata niya. Basang basa ang buong pisngi niya at ang ilang hibla ng kan'yang buhok ay gumugulo sa basa niyang mukha.
"Kausapin mo ako. Anong problema?" Nag-aalalang tanong ko.
Umiling siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng kan'yang gamit, kaya lalong hindi ko siya tinigilan. Napapikit siya ng mariin at humagulgol nalang. Hinila ko siya papunta sa aking dibdib at niyakap.
God! Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan ng ganito. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero pakiramdam ko ay nasasaktan din ako.
"Hiraya..." hinaplos ko ang buhok niya.
"Ayaw ko na, Vien." Halos bulong na sabi niya. "Hindi ko na kaya..."
Nanigas ako. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. Sa buong pagsasama namin, kahit na ilang beses akong umayaw ay ito lang ang unang beses na narinig ko sa kan'ya ito. Matapang siya sa relasyon namin kahit na pasuko na ako at lagi ko siyang sinasaktan.
Pinaglaban niya ang relasyon namin. Pinaglaban niya ako.
"No..." ngayon ko naramdaman ang totoong takot.
Takot na maiwan ulit. And this time, mas natatakot ako dahil iyong inaakala kong tao na hindi magsasabi sa akin ng ganoon ay siya itong nagsabi sa akin ngayon.
"Baby, hindi. Ayoko. I love you, okay? Anong problema? Bakit?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Vien, please." Tinulak niya ako at dahil sa panghihina ko sa mga narinig ay naka-iwas siya sa bisig ko.
Inayos niya ang kan'yang buhok. Pinunasan niya ang kan'yang mukha kahit na nababasa muli iyon nang panibagong luha.
"Pagod na akong bumuo sa taong hindi naman ako ang sumira. Ilang beses kong sinubukang ayusin ka, Vien, pero ayaw mo. Umaasa ka pa rin na siya ang aayos sa sinira niya. Bulag ako noon, Vien. Kitang kita ko na lahat, pero hindi ko pinansin. Nakita ko kung paano ka tumingin sa kan'ya. Naririnig ko kung paano ka nasasaktan dahil sa kan'ya. Alam ko lahat, Vien."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko at ang pagbagsak ng mainit na likido sa gilid ng mata ko.
Tang ina, Vien, umiiyak ka na naman.
"Binigay ko lahat sa iyo, mabuo ka lang. Gusto ko maging masaya ka kahit na nasasaktan ako. Binubuo kita, pero ikaw pa rin ang sumisira sa sarili mo. Napapagod na ako. Ayusin mo muna ang sarili mo, Vien. Willing ako maghintay. Willing akong antayin ka. Basta ipangako mo sa akin na sa oras na babalikan mo ako, ako na ang mahal mo. Sa oras na babalik ka, buo ka na—mahal mo na ang sarili mo at maayos mo na sana ang kung ano pa ang nararamdaman mo para kay Ianne." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
Naging miserable ako nang iwan ako ni Hiraya. Napabayaan ko ang trabaho ko at gabi-gabi nalang ako nasa kila Wave at nagpapaka-lasing.
"Paano ka babalikan ni Hiraya kung gan'yan ka? Tang ina mo, ayusin mo desisyon mo sa buhay! Umayos ka, Vien. Hindi ka babalikan ni Hiraya kung lalo mong sinisira ang buhay mo!" Sigaw ni Wave pagkatapos niyang suntukin ang mukha ko.
Hinawakan ako ni Coups, habang nakatayo si Tick sa tabi ni Wave.
Ngumisi ako habang nalalasahan ang maalat na dugo sa aking labi. Hindi ko na kayang tumayo sa kalasingan. Kung hindi nakahawak sa akin si Coups ay baka kanina pa ako nakahiga sa kalsada.
"Kaibigan tayo ni Vien! Alam niya kung anong ginagawa niya. Masakit para sa kan'ya ito, kaya p'wede bang huwag na nating dagdagan pa?!" Sigaw ni Coups.
"Kasalanan niya kung bakit siya iniwan! Binigyan na nga siya ng oras at panahon para ayusin ang sarili niya, pero hindi niya ginagawa! Mas lalo pa niyang sinisira ang buhay niya. Sa tingin mo ba, babalikan siya ni Hiraya kung gan'yan siya?!" Sabat ni Tick.
Pagkatapos noon ay nagpaka-busy ako sa trabaho. Natanggap ako sa unang company na inapply-an ko. Lahat ng oras ko ay inubos ko sa pagta-trabaho na kahit si Coups ay nagtatampo na sa akin dahil hindi na ako nakakasama sa kanila.
"Pass, men!" Sabi ko pagkasagot ko palang sa tawag ni Coups.
"Tang ina mo, masama ba loob mo noong sinuntok ka ni Wave at hindi ka na sumasama sa amin?" Iritang sabi niya kaya natawa ako. "Ang sabi namin ay ayusin mo ang buhay mo. Nasobrahan mo yata, buddy! Kailangan mo rin magpahinga pa-minsan minsan!"
"Opo, 'tay!" Birong sabi ko. "Sige, kapag may free time ako, magpapakita rin ako."
"Panget ng childhood mo, Vien!" At saka niya ako binabaan ng tawag.
Umiling nalang ako at hinarap muli ang makapal na papel sa aking harapan.
Nang mapagod ay napa-sandal ako sa swivel chair at pumikit ng mariin. Hinilot ko ang sentido ko habang pinapahinga ang leeg at likod dahil kanina pa iyon nangangalay.
Hinablot ko ang cellphone ko at napunta sa facebook ni Hiraya. Napangiti ako nang makita ang pictures niya habang nagbe-bake kasama ang kapatid niya. Pakiramdam ko ay napawi lahat ng pagod ko nang makita ko ang ngiti niya.
Gabi na nang maisipan kong umuwi. Naka-ilang buntong hininga ako dahil sa pagod. Bago ako umuwi sa unit ko ay bumili muna ako ng dinner sa karinderya'ng madalas kong binibilhan. Bitbit ang plastic ay pumanhik na ako sa unit ko.
Tahimik sa buong building dahil mag-alas onse na nang gabi. Niluwagan ko ang tali ng neck-tie ko bago buksan ang unit. Naka isang buntong hininga ako ulit bago pumasok.
Nagulat ako nang makitang bukas ang ilaw sa buong unit. Kumunot ang noo ko. Nilapag ko muna ang plastic sa lamesa at lalo akong nagtaka nang makitang may bulalo roon. Tinanggal ko ang sapatos ko at hinagis ang medyas sa sala.
Bumilis ang tibok nang puso ko nang may marinig akong kumakanta sa aking kwarto. Dahan-dahan ko iyong binuksan para hindi maka-likha ng ingay ngunit dahil sa gulat ay muntik na akong madapa.
Dahil din sa ingay na iyon ay napalingon sa akin ang babaeng nagwawalis doon. Napangiti siya sa akin. Halos mahulog ang puso ko sa ngiting iyon. Na-miss ko makita nang personal ang ngiting iyon mula sa labi niya.
"Hi!" Bati niya sa akin.
Tumakbo ako papunta sa kan'ya at niyakap ko siya nang mahigpit. Kung nananaginip man ako sa mga oras na ito, parang ayaw ko nang magising.
"I miss you, Hiraya. I love you, baby..."
——————
Matagal ko nang pinag-isipan na gawan ng Special Chapter 'tong Lost Island kasi feeling ko naging unfair ako para kay Vien noon, pero hindi ako makapag-isip ng p'wedeng maisulat. So, this morning nakinig ako ng "Paubaya" and while I was scrolling and reading some comments there, ang dami kong stories/experience ng ibang tao na nababasa.
Napa-isip ako. I installed my Wattpad app and tried to write this Special Chapter based on what I feel right now. Haha! Hindi ko alam kung okay ba siya, sinulat ko lang talaga kung ano 'yong tumatakbo sa isip ko nang mga panahong ito.
Thank you, Czellelites sa 274K reads netong Lost Island! And I missed you, all ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top