Kabanata 8
Kabanata 8
Your Song
Tulad ng inaasahan ko, kinagat ni Ate Penny ang alibi ko at pinayagan niya akong lumabas. Sinundo naman agad ako ni Vien. Hindi ko alam kung nasaan na si Spring pero ang sabi niya ay baka mauna na siya sa amin doon.
"No drinks for you," agad na bungad sa akin ni Vien pagkapasok ko sa sasakyan niya.
Ngumuso ako. Kahit kailan talaga napaka-kill joy niya pagdating sa ganyan. Gusto ko rin matikman ang lasa ng alak pero bantay sarado ako lagi sa kanya. Hindi ko naman siya masabihan kasi ayaw kong maging KJ sa kanya. Alam kong natural sa lalaki at sa edad niya ang bisyo, kaya hindi ko pinagsasabihan. Isa pa, girlfriend niya lang naman ako, siya pa rin ang masusunod sa buhay niya. Basta alam niya ang limits niya.
Medyo malapit ang 1004 kaya wala pang ilang minuto ay nakarating na kami. Napangiwi ako nang may makita akong iilang mga lasing na habang palabas ng bar na iyon. Ganito ba lagi rito?
"Let's go?" Inalalayan niya ako sa pagbaba.
Malakas na sigawan at tugtog ang unang bumungad sa amin. Madilim ang paligid. Nakita palang ng guard si Vien ay agad na kaming pinapasok ngunit iyong iba ay kailangan pang magbayad. Siguro nandito na si Spring.
Mariin akong napapikit sa sobrang lakas ng tugtog. Kung malakas na sa labas ay mas malakas pa ngayon dito sa loob. May nagsasayawan sa dance floor at may mga chill lang na nakaupo sa round table. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Spring.
"Duty ngayon ni Jarrik, hindi ba?" Tanong ko nang maalala ko.
"Yup. Nasa counter siya."
And Vien Fortalejas is attracting too much attention without even trying!
Halos lahat ng babaeng nadadaanan namin ay napapatingin sa kanya. Nakakairita dahil kita naman kung gaano kami kalapit sa isa't isa pero kung makatingin sila ay parang gusto na nilang lamunin. Paano nga ba nila hindi papansinin ang isang Fortalejas na naglalakad sa harap nila na parang modelo?
Hinawakan ni Vien ang siko ko at hinila ako papunta sa table. Nagulat ako nang makitang nandoon na si Spring, katabi si Gabe. Kumaway siya sa akin ngunit hindi niya ako nilapitan.
"Himala, sumama si Ianne!" Tinapik ni Wave ang balikat ko.
Pakiramdam ko ay welcome ako sa kanila dahil lang sa pagsama kong ito rito. May nakita akong tatlong tower drinks sa gitna ng table at may hawak pa silang mga beer. Inabutan ni Baste si Vien ng basong may kulay orange na parang juice.
"Pwede siyang pumunta sa lugar na ganito basta kasama ako," ngumisi si Vien pagkatapos niyang sabihin iyon.
Naghiyawan sila at kinantyawan pa si Vien na "corny" ngunit ang nakakatawa ay parang proud na proud pa si Vien sa kantyaw ng mga kaibigan niya.
Sumandal siya at nilagay ang kamay sa back rest ng inuupuan ko kaya nagmumukhang nakaakbay siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit kanina pa lumilibot ang paningin ko sa buong lugar. Nasanay na ang tainga ko sa ingay kaya parang wala nalang iyon sa akin.
"Error 404!" Biglang sigaw ng mga tao.
Natigil ang tugtog at biglang may mga lalaking umakyat sa stage. Umayos ako ng pagkakaupo at kunot noong napatingin doon. Sino ba ang mga meyembro ng Error 404 na ito? Bakit parang sikat na sikat sila.
"Dude, si Makki!" Turo ni Hans sa stage habang tumatawa.
Naramdaman kong tumawa rin si Vien kaya nilingon ko agad siya para magtanong. Mula sa stage, bumaba ang tingin niya sa akin nang lumingon ako. Kinagat niya ang labi niya habang nakangisi.
"Kilala niyo?" Tanong ko.
Umiling siya. "Iyong isa lang. Si Makki,"
Lima sila sa grupo. Para bang nagliliwanag silang lima habang nasa stage na parang sinisigaw na pag-aari nila iyon at walang ibang may karapatan na agawin sa kanila iyon.
"Ah... ah..." sinubukan ng isa kung gumagana pa ang mga mic.
Dahil doon ay lalong lumakas ang tilian ng mga babae. Halos lahat yata ng tao rito sa 1004 ay kilala sila at pinagkakaguluhan. Ngumisi ang lalaking iyon pagkatapos marinig ang tilian ng mga babae.
Dumapo ang tingin ko sa likod. Naroon ang drummer nilang tahimik na tinatapik ang drum stick sa kanyang drum. Nakasuot siya ng earphone para siguro marinig ang tugtog kahit na malakas ang sigawan ng mga babae.
"Hello!" Napapaos ang boses ng lalaking nasa harap at ngumisi pa ito.
"Tobias, pakasalan mo ako!" Tili ng mga babae.
Naramdaman ko ang mainit na hininga ni Vien sa balikat ko at ang maliliit at magagaan niyang halik doon. Nadidistract ako na hindi na ako makapag isip ng maayos dahil sa ginagawa niyang iyon.
"Wag ka nang magalala
Hinding, hindi ako inlab sa'yo
Bakit ba pakiramdam mo pa yata
Lahat kami ay naaakit mo"
Nagtawanan ang lahat nang magsimula ang Tobias na tinatawag nila sa pagkanta. Natawa na rin ako dahil alam ko ang kanta at tungkol iyon sa babaeng hindi naman kagandahan pero akala niya ay lahat ng lalaki ay may gusto sa kanya.
"Nice nice!" Sigaw ni Vien tsaka humagalpak sa tawa.
Nakakatawa dahil pati reaksyon noong Tobias ay parang diring diri talaga. Ngayon, alam ko na kung bakit marami silang fans at pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Hindi lang sila gwapo, may talent din.
"Siguro nga naman
Ay may mga mas pangit pa sa'yo
Pero at least hindi sila nagpapakyut
Katulad mo
Nakaka-bad-trip ka,
Nakakairita tuwing kita'y nakikita
Di ko alam ba't ang laki ng ulo mo
Magingat-ingat ka,
Baka ikaw ay sagasaan ko"
Isang kanta at nagawa na nilang maging wild ang mga taong nasa dance floor. Nagtatalon sila roon at nagsisigawan. Naramdaman ko ang kamay ni Vien sa baiwang ko.
"Bakit?" Nilingon ko siya.
"Pakiramdam ko may gusto ka na sa kanila..." bulong niya. Naamoy ko ang pinaghalong amoy ng alak at amoy ng pabango niya.
Umirap ako. "Tigil tigilan mo ako sa arte mo, Vien."
Lumakas ang sigawan nang tumugtog ang isang pamilyar na kanta mula sa Parokya ni Edgar. Halos tumaas ang balahibo ko nang magsimulang kumanta si Tobias. Hindi masyadong indak ang kanta pero saktong sakto ang pagka-paos ng boses niya sa kanta.
"Umiiyak ka na naman
Langya talaga,
Wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa"
Nakapikit si Tobias habang nakahawak ang dalawang kamay sa mic stand. Hindi ko alam kung saan galing ang pawis niya dahil malakas naman ang aircon dito sa loob. Dahan dahan tumutulo ang mga pawis na iyon sa kanyang leeg. Nakatupi ang white v-neck shirt niya at tangin sa kanya lang ang spotlight.
"Nasaan ang powder room dito?" Tanong ko kay Vien na seryosong nakikinig sa kanta ni Tobias.
"Samahan-"
"Ako na." Putol ko sa dapat niyang sasabihin. "Saan?"
Pagkaturo niya ay hindi nawala ang tingin niya sa akin habang naglalakad ako papunta roon. Nahanap ko naman agad dahil may iilang babae ang nagpupunta roon. Umihi ako at umalis na rin pagkatapos.
Habang pabalik ako sa table namin ay biglang may humawak sa braso ko. Tumili ako ngunit dahil sa lakas ng ingay ay nalamon agad ang sigaw ko. Pumiglas ako pero nang marinig ko ang tawa ng lalaking humila sa akin ay agad na napatigil ako.
"Jarrik!?" Gulat na tanong ko.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim kaya nilapit ko ang mukha ko para maaninag siya. Kahit na madilim ay kitang kita ko ang ngisi niya habang nakahawak pa rin sa braso ko. Ibang uniporme naman ang suot niya pero walang pagkakaiba sa suot niya kanina na pang waiter. Naka-apple hair pa rin siya.
"It took
One look
And forever lay out in front of you"
Biglang naging slow ang kanta. Ang namamaos na boses ni Tobias ay hindi nabigong bigyan ako ng kakaibang paghanga roon. Bata palang ako ay naririnig ko na ang mga kanta ng Parokya ni Edgar at crush ko pa ang vocalist 'non.
"Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?" Tanong niya. Kahit na hindi malakas ang boses niya ay rinig na rinig ko ang tanong niya.
"Si Vien..."
"I take one step away
And I find myself coming back
To you
My one and only
One and only
You..."
May mga babaeng nagtatakbuhan kung saan habang tumitili at nabangga pa nila ang likod ko kaya halos madapa na ako sa harap ni Jarrik. At parang sinadya noong isa at tinulak pa ako kaya napayakap ako kay Jarrik.
Wala siyang gamit na pabango pero parang may kakaibang amoy siya na tanging sa kanya ko lang naaamoy. Amoy Jarrik. Kahit pawisan siya ay hindi bumaho ang amoy niya. Nahawakan ko ang matigas niyang braso at bigla akong nagulat doon kaya agad na napabitaw ako.
"A-ah, Jarrik... babalik na ako sa table namin," sabi ko.
Hindi naman siya umimik. Tumalikod ako sa kanya at nagmartsa na papunta sa table. Dahil yata sa lakas ng tugtog kaya bumilis ang tibok ng puso ko at parang habol ko ang hininga ko. Pagkabalik ko ay kunot noo at madilim niyang mata ang agad na sumalubong sa akin. Bumukol ang lalamunan ko at parang hindi ako makapagsalita dahil doon. Umupo ako sa tabi niya. Sinubsob niya agad sa leeg ko ang mukha niya. Agad akong umatras kaya napalayo ako sa kanya.
Nagulat siya sa ginawa ko. Pakiramdam ko kasi maaamoy niya ang amoy ni Jarrik doon! Baka malaman niyang napayakap ako sa kanya at baka malaman niyang nagkita kami bago ako bumalik dito.
Damn it! Ang paranoid ko!
Pagkatapos ng gabing iyon ay pakiramdam ko wala na akong matinong tulog. Hindi ko alam kung anong inaarte ng katawan ko at parang ang big deal sa akin nang nangyari sa 1004 kahit na wala naman.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa pag-aaral. Kung ano anong libro ang binabasa ko para lang abalahin ang sarili. Maging si Vien ay hindi ko na naaasikaso dahil doon. Natutuwa naman si Ate Penny dahil mukhang nagseseryoso na raw ako sa pag-aaral.
"Date?" Ngising tanong sa akin ni Vien habang palabas kami ng school.
Dala-dala niya ang mga libro ko. Nagpalit kami ng suot na bag kaya nasa kanya rin ang sling bag ko. Magaan ang bag pack niya dahil kahit na malaki iyon ay wala namang laman.
"Mag-aarl ako," wala sa sariling sabi ko.
Wala ako sa mood lumabas. Pakiramdam ko ay hindi rin ako mag-eenjoy kaya mas mabuting magbasa nalang ng libro kahit na malayo pa ang mid-term. Naramdaman ko ang pagka-seryoso niya dahil sa sinabi ko. Alam kong napapansin na niya na laging iyon ang alibi ko sa kanya.
"You're avoiding me..." hindi iyon tanong.
Natigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Bumuntong hininga ako. Wala na sa mga mata ko ang dating Ianne na puro saya at pagka-pilya. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari.
"Hindi, Vien. Kailangan ko lang talaga mag-aral,"
"You're lying..."
Gusto kong maiyak dahil hindi na niya kinakagat ang alibi ko. Wala na akong maisip na iba kaya alam kong mahuhuli na niya ako ngayon kahit na wala naman akong tinatago.
"Intindihin mo naman na kailangan kong mag-aral para sa pamilya ko, Vien. Hindi kami kasing yaman niyo na kahit hindi mag-aral ay alam nang may kinabukasan."
Lalong nagkasalubong ang kilay niya sa sinabi ko na para bang may mali roon. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa mga mata niyang nagdududa.
"Hanggang ngayon ba naman iniisip mo pa rin na hahayaan kitang walang patutunguhan sa buhay?" He laughed with no humor.
"Hindi sa ganun-"
"Ihahatid na kita. Pagkatapos noon ay uuwi na ako."
Iyon ang gusto kong magyari pero bakit ngayon ay parang nagui-guilty ako sa nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko! Gulong gulo na ako.
_______________
:(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top