Kabanata 7

Kabanata 7

1004

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita kong nakapamaywang si Ate Penny habang nasa may bintana. Binuksan niya pala iyon kaya malayang tumatama sa mukha ko ang sinag.

"Kanina pa kita ginising. Alam mo namang first day mo ngayon sa SCC!"

Nakaayos na ang uniporme ko sa gilid ng kama. Kahit na tamad at inaantok pa ako ay pinilit ko talagang bumangon para maligo. Mamaya kung ano pa masabi sa akin ni Ate, masira lang araw ko. Agri Biz ang kinuha kong kurso. Iyon ang sikat dito sa amin dahil sa malalawak ang lupain ng mga tao rito.

Si Vien ay Agri Biz din dahil may plantang iniingatan ang mga Fortalejas dito sa Sta. Cruz. Kami naman ay wala, pero no choice pa rin ako dahil mas magagamit ko ang kursong iyon, lalo na't dito lang din ako magtatrabaho pag dating ng panahon.

"Kwentuhan mo ako kung ano ang pakiramdam ng isang college student, ha, Ate Ianne!" Ngumunguyang sabi ni Heavy habang suot ang pinaglumaan kong uniporme noong high school palang ako.

Kung kanina ay hindi ko ramdam ang kaba, ngayong nasa harap na ako ng gate tsaka nangatog ang binti ko. Ang gusto pa ni Vien ay ihatid daw niya ako ngunit wala naman siyang pasok ngayon kaya sinabi kong huwag nalang. Orientation lang din ang gagawin namin. Ililibot kami sa school at sasabihin kung saan kami pupunta at kung saan bawal pumunta.

Hindi na ako nagtaka nang marinig ko ang pangalan ni Vien habang naglalakad ako sa quadrangle. Pinaguusapan siya ng mga babae at kilig na kilig pa ang mga ito. Umiirap lang ako at hindi na sila pinansin. Pumila ako sa mga freshman Agri Biz at naghintay na magsimula. Dahil binansagan ngang Freedom of Love ang Sta. Cruz, hindi mawawala ang mga pangalang iyon kahit dito sa school. Tulad nalang ng "Freedom Garden", may building pa na "Libertad de amor" o sa english ay Freedom of Love.

May mga theory rin na sinabi ang professor na nag-tour sa amin sa buong SCC. Eto raw ang school kung saan nagtapos ang prinsesang iyon at ang dalawang prinsipe. Inabot ng ilang oras ang orientation, malawak ang SCC dahil may kaunting farm sa likod ng school.

Pinupunasan ko ang pawis ko nang maupo ako sa gilid ng Libertad de amor building. Doon lang kasi may silong kaya rito ang pinili kong pagtambayan. Nakakapagod din pala kahit na paglilibot lang ang ginawa namin ngayon. Mamaya ay pupuntahan ko ang mga rooms na nasa schedule ko para alam ko na kung saan saan ang pupuntahan ko bukas.

"Psst!"

Natigil ako sa pagpupunas ng pawis at hindi muna lumingon sa tawag na iyon. Baka hindi para sa akin. Pinagpatuloy ko ang pagpupunas ngunit paulit ulit kong naririnig ang pagsitsit na iyon.

"Psst, Ianne!" Doon na ako lumingon dahil sigurado akong ako na ang tinatawag.

Wala namang tao sa likod ko kaya humarap muli ako at halos malaglag ang puso ko nang mukha ni Vien ang bumungad sa harap ko. Nakangisi siya at nakakagat labi, halos maduling pa ako sa lapit ng mukha niya kaya pinalo ko ang braso niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

Inabot niya sa akin ang hawak niyang sandwich at mountain dew tsaka umupo sa tabi ko. Kinuha niya mula sa kamay ko ang bimpo at siya na ang nagpunas ng mga pawis sa may leeg ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao!

"Hinahanap ko kasi iyong girlfriend ko, nakita mo ba siya?" Birong sabi niya tsaka humalakhak.

"Sira ka talaga." Kinuha ko sa kanya ang bimpo. "Pinagtitinginan na tayo, oh! Dami mong fangirls."

Nagbubulungan ang iba. Well, hindi ko matatawag na bulong dahil naririnig ko pa rin naman ang iba at hindi ko alam kung naririnig din ba ni Vien o hindi niya lang pinapansin. Parang wala lang kasi sa kanya.

"Kapatid ba ni Vien iyan?"

Matured ang mukha ko at hubog ng katawan ko kaya hindi nila malalaman na 18 years old palang ako. Nagbubulag-bulagan ang mga babaeng ito.

Imbes na mag-isa lang ako sa araw na iyon ay nagkaroon tuloy ako ng kasama. Pinuntahan namin ni Vien ang mga rooms ko at sinabing malapit lang din daw doon ang mga rooms niya. Marami na akong nalaman kaninang orientation pero may sariling kwento si Vien kaya tawa ako nang tawa.

"Iyang library?" Tinuro niya ang library sa baba. "Bestfriend iyan ng mga taong..."

Humagalpak ako sa tawa. Alam ko na agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Doon tinatawag at sinasagot ng mga estudyante ang kalikasan kapag hindi na kayang pigilan.

"Paano mo nalaman? Siguro ikaw din, 'no!"

Tumawa lang siya. Buhat buhat niya ang kulay pink kong sling bag. Medyo nasanay na ako sa tinginan ng mga tao, dahil simula yata nang makita kaming magkasama ay hindi na naalis sa amin ang tingin ng mga tao.

Kinabukasan ay mas madali na sa akin ang pagpasok sa SCC, nakatulong ang pagpunta namin ni Vien sa mga rooms ko kahapon kaya mabilis akong nakarating. Nagkakagulo ang mga estudyante pagpasok ko, mukhang magkakakilala na sila. Pumwesto ako sa gilid ng bintana at tahimik na naghintay ng professor.

"Ang sabi ay tutugtog daw sila Allen sa 1004 mamayang gabi." Kahit ayaw kong makinig sa mga kwentuhan nila ay hindi ko maiwasan dahil sa lakas ng boses nila.

"Kumpleto ba sila? Nakaka-miss naman ang Error 404!"

I heard about Error 404 before sa school. Isa iyong banda na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Ang 1004 ay ang bar na pagmamay-ari ng kaibigan ni Vien at doon nagtatrabaho ngayon si Jarrik.

"Oo, bumalik na raw si Tobias!"

I feel so out of place! Ako lang yata ang walang kakilala rito. Nagtataka rin ako kung bakit sila magkakakilala na, eh parehas lang din naman kaming mga freshman.

"Hi!" May babaeng tumabi sa akin. Sa excitement ko ay agad akong humarap sa kanya at ngumiti.

"Hello!" Balik na bati ko.

"I'm Spring, and you are?" Inabot niya ang kamay niya sa akin at nakipagkamay ako sa kanya.

"Ianne..."

Tuwang tuwa ako dahil may kaibigan na ako. Buong araw ay siya ang kasama ko, magka-blockmate kami kaya talagang nagkasundo kami. Hindi ko na nga rin naantay si Vien nang mag-lunch na. Nauna na kaming kumain ni Spring. Siguro naman kasama ni Vien ang mga kaibigan niya kaya walang problema.

"Tara sa bean leaf!" Aya niya sa akin.

Nagtaka pa ako dahil sa labas ang bean leaf, pero bigla kong naalala na college na nga pala kami at pwede nang lumabas anytime na gusto mo. Madaldal si Spring at marami na akong nalaman tungkol sa kanya ngunit kahit isang sekreto ay wala pa akong nasasabi sa kanya. Hindi ako makasingit, e.

"Galing kang Maynila?" Gulat na tanong ko.

Tumango siya. "Taga rito si Papa, pasaway akong bata kaya eto ang parusa sa akin."

Hindi pa rin maisara-sara ang bunganga ko. Sa buong buhay ko ay dalawang tao palang ang nakikilala kong galing sa lungsod. Si Jarrik at si Spring. Hindi ako nagkaroon ng chance na magtanong kay Jarrik kung ano ang pakiramdam nang lumaki sa Maynila kaya ngayon ay natanong ko lahat kay Spring.

"To be honest, noong una ay akala ko sobrang probinsya ng lugar na ito dahil walang signal ang cellphone at walang wifi, pero noong nalaman kong may bar na 1004? Mahal ko na ang lugar na ito," nakangiti niyang sabi.

Party people siya, obviously. Si Jarrik din kaya? Mukhang magkakasundo sila sa oras na maipakilala ko sila sa isa't isa.

"Libre ko na," sabi ni Spring nang maupo kami sa loob ng bean leaf.

Amoy na amoy ko ang amoy ng kape at ang nakakarelax na ambiance. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako rito dahil bukod sa malayo ito sa dati kong school ay hindi ko rin afford ang mga inumin. No wonder, maraming estudyante ang dito nagrereview o gumagawa ng projects.

Nag-order na si Spring at hinintay ko siya. Nakaupo ako sa malambot na couch. Ayaw kong magmukhang inosente kaya nanatili ako sa pagkakatuwid ng upo ko. Nakakahiya rin na nilibre ako ni Spring pero hindi siya nagpatalo at sinabing ililibre talaga niya ako.

"I was so shocked when I saw this kanina! Sa Maynila, madalas kaming nandito nang mga kaibigan ko." Umupo siya sa tabi ko at hinintay namin ang order niya.

"Eto lang ang nag-iisang coffee shop dito, e."

"Hanggang alas singco lang last subject natin ngayon, 'di ba?" Ngumisi siya.

Tumango ako. "Oo, bakit?"

"Please, Ianne! Samahan mo ako sa 1004! Gusto ko talaga pumunta roon." Sinabit niya ang braso niya sa braso ko at nagpa-cute sa harap ko.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ayaw ko siyang tanggihan pero kailangan ko pang magpaalam kay Vien. Kung si Ate Penny naman ang iisipin ay pwede kong sabihin na may project kami kaya magagabihan, I think papayagan niya ako. Alam niya ang buhay kolehiyo dahil anong oras na rin siya umuuwi noon.

"A-ah kasi..."

"Sige na, Ianne! Please?"

Paano si Vien? Sabay kaming uuwi. Hindi rin ako hahayaan 'non na pumunta nang hindi siya kasama. Tsaka baka makita ko ang mga barkada niya roon, lalo na't kila Wave ang 1004.

"Magpapaalam pa ako," pilit akong ngumiti.

"Okay!" Ngumiti siya tsaka humiwalay na sa akin.

Nang dumating ang order namin ay nagulat ako. Hindi dahil sa dami ng inorder ni Spring, kundi sa nagserve 'non. Hindi ko alam na nagtatrabaho siya rito! Walang sinasabi sa akin si Vien. Ngumisi siya sa akin at parang natuwa pa sa naginh reaksyon ko.

"Here's your order, Ma'am. Enjoy!"

Gusto kong tawagin si Jarrik pero dahil sa gulat ay hindi ko na nagawa. Bagay sa kanya ang suot niyang uniporme. White polo na nakatupi hanggang sa siko with tie at may apron pa na nakasabi sa baiwang niya. Naka-apple hair din siya.

Taga serve siya ng order. Hindi ko masyadong nasundan ang kinukwento ni Spring dahil pinapanuod ko si Jarrik. Tingin din siya nang tingin sa akin pero hindi niya ako pinapansin.

"Balita ko rin may banda raw na tutugtog ngayon sa 1004 kaya nakaka-excite talaga! Sana naman ay payagan ka ng magulang mo."

Hindi ko nga pala sinabi sa kanya kung kanino ang magpapaalam. Akala niya siguro ay sa magulang ko kahit na sa totoo lang ay kay Vien talaga.

Bumalik kami sa school para sa last subject namin. Ngayon ay katabi ng room namin ang room nila Vien kaya ngayon na ang pagkakataon kong magpaalam. Naghintay kami ni Spring sa harap ng room nila.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Tanong niya.

"Magpapaalam na ako!" Kumunot ang noo niya sa sagot ko pero patuloy pa rin ako sa paghahanap kay Vien.

"N-nag-aaral pa mga magulang mo?" Gulat na tanong niya.

Natigil ako sa paghahanap at tinignan si Spring na takang taka. Natawa ako at umiling. Marahan niya akong pinalo sa braso dahil sa pagtawa ko, samantalang siya ay seryoso pa rin ang mukha.

"Basta nga!" Sabi ko nalang.

Napangiti ako nang makita ko si Vien. Nakaupo siya sa table ng upuan habang pinapalibutan ng mga barkada niya. Nakabukas ang unang dalawang butones ng suot niyang uniporme at nakataas ang buhok. Nakasandal ang isang kamay sa paang nakataas. Para siyang isang modelo dahil sa porma niya. Kaya hindi na talaga nakakataka na maraming nagkakagusto sa kanya.

Tumatawa siya sa mga kwento ng kaibigan niya na with action pa kung magkwento. Tumingala siya at kitang kita ang magandang pagkakadepina ng jawline niya. Halata rin ang adams apple niya. Tinuro ako ni Wave kaya nalipat sa akin ang tingin niya. Ang kaninang tawa niya ay napalitan ng ngisi at agad na lumabas para puntahan ako.

"Hi..." napapaos ang boses na bati niya. Binuksan niya ng kaunti ang pinto at nakasandal ang isang kamay niya sa pinto, bilang suporta at nakalagay naman sa baiwang niya ang isang kamay.

"Hi." Balik na bati ko.

Siniko ako ni Spring kaya bigla kong naalala ang talagang rason kung bakit ko siya kakausapin. Hinila niya ang kamay ko at mahigpit na niyakap. Narinig ko ang hiyawan ng mga classmates niya kaya sinubsob ko nalang ang mukha ko sa dibdib niya habang humahalakhak siya.

"Vien, nakakahiya!"

"Bakit ka mahihiya, Misis?" Bulong niya.

"Pumunta ako rito para magpaalam." Bumitaw siya sa yakap at hinawakan nalang ang kamay ko. Magkasalubong na ngayon ang kilay niya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Eh kasi..." bigla akong tinamaan ng kaba na baka hindi niya ako payagan. Alam din kasi niyang hindi pa ako nakakapasok sa lugar na iyon kaya malaki ang chansa na hindi niya ako payagan.

"Pupunta kaming 1004 mamayang gabi, baka kung pwede payagan mo siya?" Si Spring na ang nagsabi.

"Sino ka naman?" Iritadong tanong ni Vien habang nakatingin kay Spring.

"Kaibigan ko siya. Hindi naman ako iinom, e..." ngumiwi ko nang makita ko ang pagtutol sa mukha ni Vien.

Hindi siya nagsalita. Ilang segundo siyang nakatingin lang sa akin bago tumango. Halos mapatalon pa ako sa saya dahil sa sagot niya.

"Basta sasama ako..."

_________________

Clue: Team Vien o Team Jarrik? :))))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top