Kabanata 50

Kabanata 50

The One That Got Away

Umuwi ako ng bahay ay naabutan ko si Ate Penny, Ate Reina at Heavy sa sala. Natigilan ako at nanatili sa harapan nila. Hindi ako pinagalitan ni Ate Penny, katulad ng lagi niyang ginagawa. Nakabihis pa siya at halatang kararating lang niya.

Umupo ako sa tabi ni Ate Penny. Pumikit ako ng mariin at malalim na huminga para pakalmahin ang sarili ko. Pero lalo lang lumala dahil nararamdaman ko nanaman ang pag-iinit ng gilid ng mata ko. Hindi ko na napigilan at napahikbi na ako.

Umiiyak ako sa harap ng mga kapatid ko. Sa Ate ko at sa bunso namin. Ang pathetic tignan na ang almost perfect nilang kapatid ay wasak na wasak ngayon.

Naramdaman ko ang yakap sa akin ni Ate Penny. Niyakap niya na ako na parang sinasabi na ilabasa ko ang lahatㅡ na may nakakaintidi sa nararamdaman ko at sila iyon; ang mga kapatid ko.

"Shhh, it's okay baby girl..." hinagod niya ang likod ko.

Naramdaman ko na rin ang yakap ni Ate Reina at Heavy sa akin. Ngayon lang ako nakaramdam ng kakampi. Ngayon ko lang naramdaman na may nakakaintindi nga sa akin.

Nakapag-usap kami ng maayos ni Jarrik kanina. Binitawan namin ang isa't isa at nagkaroon kami ng maayos ng closure. Mabuti na iyon kaysa naman sa dati na nabubuhay ako sa what ifs. Walang kasiguraduhan.

Nang kumalma na ako ay kinwento ko sa kanila ang lahat. Hindi ako kailanman nakarinig ng sermon galing sa kanila. Hindi ko narinig na sinabihan nila ako ng malandi dahil dalawa ang lalaki ko. Na ang bobo ko dahil puro pag-ibig lang ang inaatupag ko.

"Naliligaw na ako, Ate. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko at hindi ko alam kung tama ba ako."

"May magsasabi sa iyo na tama ang ginagawa mo at may magsasabi rin na mali. Nasa tao na iyon kung paano nila titignan ang bawat sides ng kwento mo." Si Ate Penny.

Ngayon ko lang naramdaman na ang swerte ko. Swerte ko dahil may pamilya ako na tulad nila. Hindi ko alam kung bakit pag dating sa kanila ay nakikinig ako at naniniwala kahit na sa ibang tao ay sarado ang isip ko. Wala akong pinapakinggan na iba.

Madami kaming pinagkwentuhan ng gabing iyon. Inabot kami ng madaling araw kaya noong kinabukasan ay halos hindi na kami magising-gising sa antok. Namamaga pa rin ang mata ko ngunit mas light na ngayon ang dinadala ko.

"Ianne, bangon!" Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Ate Reina.

"Maaga pa, Ate!" Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kumot.

"May kakausapin ka pa, hindi ba?"

Sa sinabi niyang iyon ay agad agad akong bumangon. Halos hindi ko pa mamulat ang mata ko dahil sa muta na dala ng pag iyak ko. Bawal maghilamos tuwing umaga, kaya kahit masakit ay pinilit kong tanggalin ang mga mutang iyon.

Pupunta ako kina Vien ngayon para kausapin siya. May sinabi si Ate Penny kagabi na nakatulong sa akin para makapagdesisyon.

"Kaya mo ito, Ate!" Ani Heavy habang nag-aayos ng mga gamit niya.

Kumain kami ng almusal ng sabay sabay. Sobrang saya namin. Ngayon lang ako nakaramdam ng totoong saya pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin. Hindi na rin nangisda si Tatay dahil narito naman na si Ate Penny.

Pagkatapos kumain ay mahamog pa. Umalis ako ng bahay para pumunta sa bahay nila Vien. Kumakanta-kanta pa ako habang naglalakad papunta roon. May iilan akong kakilala na nakasalubong at binati ko silang lahat.

Pagdating ko sa bahay nila ay naabutan ko si Lucas sa sala. May pasa ang mukha niya at nakatulala siya sa kawalan habang nakabalot ng comforter ang buong katawan niya. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad siyang tumayo.

"Hi, Lucas! Si Vien?" Tanong ko.

Lumapit naman sa akin si Lucas para buksan ang gate at makapasok ako. Nakita ko rin na naroon pa sina Wave, pero wala na si Spring. Napangiti ako. Oo nga pala, kailangan ko rin makausap si Spring kaya pupunta rin ako sa bahay nila mamaya.

"Nasa taas, nagwala kagabi kaya nabugbog kaming lahat." Ngumiwi siya.

"Sorry!" Hingi ko ng tawad dahil alam ko naman na isa ako sa dahilan kung bakit nagwawala si Vien kagabi.

"Wala iyon. May sira lang talaga sa ulo iyong pinsan ko." Sabay kaming pumasok sa loob. "By the way, nasa taas siya. Sa kwarto niya."

Tumango ako. Pagpasok ko sa bahay nila ay tuloy tuloy akong umakyat sa taas. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya at walang sumagot kaya binuksan ko nalang iyon. Naabutan kong nakadapa si Vien doon at hindi ko alam kung tulog ba o ano.

"Ang sabi ko, iwan ninyo ako!" Sigaw niya.

"Vien..." tawag ko.

Natigilan siya at dali-daling bumangon sa kama. Malalim at maitim ang ilalim ng mata niyaㅡhalatang wala siyang tulog. Gulo gulo ang buhok niya at napansin ko ang pagpayat ng mukha niya.

Umupo ako sa gilid ng kama. Umayos siya ng pagkakaupo at tumabi sa akin. Naririnig ko ang mahihina niyang mura habang inaayos ang buhok niya. Halos matawa pa ako dahil inaamoy pa niya ang sarili niya.

"Shit. Mabaho ba ako?" Tanong niya sa akin.

"Lagi ka namang mabango," birong sabi ko kaya lumabi siya sa akin.

Natawa ako. Kinurot kurot ko ang likod ng kamay ko dahil hindi ko masabi sabi ang sadya ko rito. Kinagat ko ang labi ko. Nanatiling nakaupo si Vien sa tabi ko at parang lumalayo siya dahil akala niya ang mabaho siya. Pero sa totoo lang ay mabango pa rin siya.

"Uh, Vien?"

"Hmmm?"

"Salamat sa lahat. Salamat kasi naging parte ka ng buhay ko. Sa iyo ako natutong magmahal, magselos, masaktan. Ikaw lahat ang first ko. At hindi ako nagsisisi na nakuha mo iyong lahat dahil sa lahat ng lalaking nakapaligid sa akin ay ikaw lang ang alam kong nagmamahal sa akin ng totoo at sobra sobra na halos tinatanong ko na ang sarili ko kung ano ba ang ginawa ko para matanggap ko iyong lahat." Huminto ako para huminga ng malalim. "Ang perfect mo, Vien. Bagay ka sa mga perfect na babae at hindi ako iyon."

"Nagpapaalam ka ba? Mukha kang aalis, e." Birong sabi niya at natawa. "Kung sa tingin mo ay hindi ka perfect, para sa akin perfect ka. Nasa iyo na ang lahat ng gusto ko sa babae."

Ngumiti ako. Hinawakan ko ang kamay niya. Alam kong matagal ko na dapat binigay kay Vien ang bagay na ito. Matagal ko na dapat siyang pinalaya at ibigay ang closure na ito ngunit hindi ko magawa-gawa dahil tingin ko ay kailangan ko siya.

Kailangan ko si Vien sa buhay ko.

"Nakakatawang isipin na ako ang pinalaya mo noon kahit na dapat ako ang nagpapalaya sa iyo." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Ngumiti lang ako.

Naguguluhan siya sa sinasabi ko pero alam ko balang araw ay maiintindihan din ako ni Vien. Kung sakaling magmamahal man siya ng iba ay maswerte ang babaeng iyon dahil alam kong mas better pang tao si Vien pagdating niyon. Marami kaming natutunan sa relasyon namin at sa tingin ko ay maaapply niya iyon sa susunod na magmamahal siya ng iba.

Sa lahat ng desisyon na ginawa ko. Ito ang mas masakit. Ang magpalaya ng taong nasa paligid mo. Pero ito na ang pinakamagandang desisyong nagawa ko, dahil mas mamahalin ko ang sarili ko ng maayos. Mas makikilala ko ang sarili ko at mas mahahanap ko ang naliligaw kong sarili.

"Malaya ka na, Vien. The one that got away..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top